You are on page 1of 38

Bb

-Bagyo

DENOTATIBO- Ito ay isang namumuong sama ng panahon, malakas na hangin at Pag-Ulan.

HAL: Ito ang sumisra ng mga buhay at kabuhayan ng tao

KONOTATIBO- Pagkawasak; Pagsubok,Problema

HAL: Ang pagkasira ng mga bahayan

-Bahaghari

. DENOTATIBO - ito ay may iba't ibang kulay.

HAL: isang tela na may ibat ibang kulay

KONOTATIBO- ito ay nagpapahiwatig ng pag-asa

HAL: telang makulay at napaka ganda sa mata

-Bahay

DENOTATIBO- Deno-tirahan ng mga tao

HAL: narito ang aming bahay dito ako nakatira

KONOTATIBO- kanlungan

HAL : Simula nung nakilala ko sya, sya na ang nagsilbi kong bahay/tahanan

-Bato

DENOTATIBO-isang bagay na makikita kahit saan

HAL: ayusin natin ang mga bato sa hardin upang gumanda ang mga ito

KONOTATIBO-naglalarawan sa mga taong matitigas ang damdamin

HALA: ang aking katunggali ay may pusong bato

-Basag na baso
-Basag na baso

DENOTATIBO- ito ay isang basag o nasirang kagamitan sa pag-inom

HAL: Ginagamit ito upang makainom ng tubig

KONOTATIBO- naglalarawan ng kawalan ng pagtitiwala na kailan ma'y hindi na maibabalik pa.

HAL: inaasahang magbabago pa ngunit hinda na

-Bituin

DENOTATIBO-makikita sa kalangitan tuwing gabi

HAL: napakaraming bituin nanaman ang nagpakita ngayong gabi.

KONOTATIBO-artista

HAL: napakaganda mong bituin

-Bola

DENOTATIBO- isang bagay na ginagamit para sa paglalaro

HAL: Si Jake ay mahilig maglaro ng bola

KONOTATIBO: Ginagamit sa pagbibiro

HAL: binobola ka lang niyan huwag ka kaagad maniwala

-Bubuyog

DENOTATIBO- isang uri ng insekto o hayop

HAL: isang maliit na hayop na kung saan isang syang isekto

KONOTATIBO- sumasalamin sa kaingayan at kadaldalan subalit kakikitaan ng pagkamalikhain.

HAL: maliit na insekto ngunit isang malikhain


-Buhay

DENOTATIBO- kailangan 'to ng tao, hayop o bagay para magpatuloy dito sa 'ting munda

HAL: Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil mahaba ang ibinigay nyang buhay sa'kin.

KONOTATIBO- Bukas.

HAL: Pagkababa ko saaming kusina ay nakita kong buhay ang ilaw.

-Bulaklak

DENOTATIBO-uri ng halaman na may magagandang kulay at mababangong amoy

HAL: Napakaganda ng bulaklak na nakita ko kanina sa hardin

KONOTATIBO- isang babae o dilag

HAL: napakaganda mo namang bulaklak

Kk

-Kadena

·DENOTATIBO -isang serye ng mga konektadong metal na nakabaluktot na ginagamit pang kabit ng mga
bagay at panghila o pangsuporta sa mga kargada.

HAL: Mabigat ang kadena na pinangtali sa mga kargahin sa barko.

·KONOTATIBO-pinipigilan,hinaharang

HAL :Siya ay naka kadena sa masama niyang nakaraan kaya hindi siya masaya.

-Kadiliman

·DENOTATIBO-kawalan ng ilaw

HAL: Ang Kadiliman ay sagabal sa aking mga gawaing bahay tuwing gabi.
·KONOTATIBO-kasamaan

HAL: Ang kadiliman ay kumakalat ngunit liwanag pa din ang mananaig.

-Kagat

·DENOTATIBO-ginagawa ito para makain ang matitigas na pagkain.

HAL: Kagat kagat ni Annyeong ang paborito niyang buto.

·KONOTATIBO-pagdating

HAL: Bawal ng lumabas ang mga bata pag kagat ng dilim.

-Kahol

·DENOTATIBO-tunog na ginagawa ng aso

HAL: Ang kahol ng aso ay napaka lakas kaya ako ay natakot.

·KONOTATIBO-tuloy tuloy na pagsasalita ng pasigaw.

HAL: Tuwing umaga na lamang ay kahol ni Aling Nena ang naririnig ko.

-Kalabaw

·DENOTATIBO- Isang uri ng hayop na may sungay at maitim na balat. Pambansang hayop ito sa Pilipinas
na karaniwang ginagamit sa pagsasaka ng palay.

HAL Ang kalabaw ay kumakain ng mga dahon.

·KONOTATIBO- Inilalarawan at inihahantulad sa isang tao na masipag at malakas gaya ng kalabaw.

HAL:Siya ay kalabaw kung mag-aral.


-Kamandag

·DENOTATIBO- Ito ang lason na galing sa mga hayop na ginagamit nila upang protektahan ang kanilang
sarili sa iba pang hayop o panganib na papalapit katulad ng mga tao.

HAL: Namatay ang kanyang ama dahil sa kamandag ng ahas.

·KONOTATIBO- Malakas ang karisma, kaakit-akit

HAL: Ang kamandag niya ay malakas sa mga tao kaya marami ang nahuhumaling sa kanya.

-Kinang

·DENOTATIBO-kislap,,isang kalidad ng liwanag, lalo na mula sa naaninag na liwanag.

HAL:: Ang kinang ng mga bituin ay magandang pagmasdan.

·KONOTATIBO-sikat,kilala ng marami

HAL: Ang kinang ni Sarah ay umaabot hanggang sa Estados Unidos.

-Kitid

·DENOTATIBO- Liit at kakulangan sa lapad ng isang bagay.

HAL: Ang kitid ng kalsadang dinaanan, kaya nahirapan magmaneho ang tsuper.

·KONOTATIBO- Ito ang tawag sa taong hindi “bukas ang isipan”. Sila rin ang mga taong madaling mang
husga.

HAL: Ang kitid ng pang-unawa nilang lahat.

-Krus

·DENOTATIBO- Sa malawak na kahulugan, ang isang krus ay sumisimbolo sa relihiyon ng Kristiyanismo.


Mas partikular, ito ay kumakatawan at naaalala ang kamatayan ni Kristo.

HAL: Tayo ay laging manalangin at maging matatag. Ang krus ang nagsisilbing gabay natin sa ano mang
pangyayari sa buhay.

·KONOTATIBO- Pasanin o problema

HAL: Ang anak na panganay ay krus na pasan ng kanyang magulang.


-Kupas

·DENOTATIBO- Hindi matingkad, lipas, luma, pawi

HAL: Isa sa mga artikulong ito ay nagbigay obserbasyon kung paanong ang kaalyansang grupo ay kupas
na ang mga kulay ng uniporme.

·KONOTATIBO- Wala na sa panahon, hindi na uso, hindi na maalala

HAL: Kumupas na ang paglalaro ng"Fidget spinner" sa panahon ngayon.

Dd

-Daan

·DENOTATIBO- ginagamit ng mga tao para pumunta sa isang particular na lokasyon.

HAL:: Nilalakad lang namin ang DAAN papunta sa palengke.

·KONOTATIBO: lakbayin na mahirap tahakin

HAL: Madami ka pang DAAN na tatahakin bago ka makapunta sa pangarap na iyong pinapanalangin

-Dabog

·DENOTATIBO- Isang paraan na ginagawa ng tao kapag sila ay naiirita sa isang particular na bagay

HAL: ang aking kapatid ay nag DABOG nung sya ay inutusan ng aming Ina.

·KONOTATIBO- malakas na tunog

HAL: nagising ako sa malakas na DABOG na aking narinig sa bubong namin.

-Dalampasigan

DENOTATIBO- lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng dagat.

HAL: Kaming magkakaibigan ay naligo sa DALAMPASIGAN pagkatapos naming gawin ang mga natitirang
asignatura sa Filipino.

·KONOTATIBO- Lungkot na ating nararanasan

HAL: atin ding malalampasan ang ating mga DALAMPASIGAN.


-Dalaw

·DENOTATIBO: Pagbisita o pangangamusta sa isang tao

HAL: Laging may DALAW ang aming bahay.

·KONOTATIBO: Buwan buwan na nararanasan ng mga babaeng Labing 11 gulang pataas

HAL: Si Karla ay nakararanas na ng DALAW sa 12 taong gulang.

-Damo

DENOTATIBO- Halaman na makitid na madalas makita sa bundok

HAL: Sa sobrang dami ng DAMO dito sa amin ay nahirapan ang aking ama na magtabas nito.

·KONOTATIBO- Masama, Maninira

HAL: Sa’ting bansa ay padami ng padami ang mga masamang DAMO kaya dapat tayong pumili ng
maayos kung sino ang ating dapat pagkatiwalaan

-Digmaan

·DENOTATIBO- palitan at marahas ng paglalapat ng lakas sa pamamagitan ng dalawa o higit pang


magkalaban na pangkat.

HAL: naka ilang DIGMAAN ang naganap dito sa Pilipinas bago tayo tuluyang makalaya.

·KONOTATIBO- kapag ang dalawang tao ay hindi nagkakaintindihan.

HAL: ako at ang aking asawa ay nagkaroon ng munting DIGMAAN .

-Dilim

DENOTATIBO: Gabi

HAL: DILIM na ng sila ay makarating na sa kanilang bahay.

·KONOTATIBO: Kasamaan

HAL: Ang ibang tao ay may DILIM na kaugalian.


-Dinadaga

·DENOTATIBO:pinamumugaran o inaatake ng mga daga

HAL: DINADAGA ang mga palay sa bukid.

·KONOTATIBO: kinakabahan o ninenerbyos

HAL: DINADAGA siya kapag nakaharap siya sa maraming tao.

-Diyamante

·DENOTATIBO: Isang uri ng matigas at makinang na mineral na ginagamit sa pag-aalahas.

HAL: Si Aling Marie ay may DIYAMANTE na kuwintas.

·KONOTATIBO: Ang pag-uugali na ipinapakita ay mabuti at maganda sa mga mata ng tao.

HAL:Ang ugali nya ay parang DIYAMANTE, kumikinang sa kabutihan.

-Dugong bughaw

·DENOTATIBO: Kulay asul na dugo

HAL: Ang ibang mga hayop ay may DUGONG BUGHAW

·KONOTATIBO: Galing sa marangyang pamilya

HAL Ang pamilya nila Carlo ay may DUGONG BUGHAW.

Ee

-Ebanghelyo

DENOTATIBO: Ang ebanghelyo (Ingles: gospel) ay isang salitang hinango mula sa wikang Griyego na
nangangahulugang "mabuting balita hinggil sa kaligtasan". Binubuo ang Bibliya, ng apat na mga
ebanghelyo: ang mula kina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan.

HAL:Napakaganda ng ebanghelyo sa misa kaninang umaga.

KONOTATIBO: Ang mga tao ay may dalawang pagkain upang mabuhay sa ibabaw ng mundo ang una ay
lagi natin kinakain sa hapag kainan at ang isa ang ebanghelyo na salita ng ating Dios.
HAL: Hindi lang tayo mabubuhay sa kung anong meron tayo kailangan din natin ng ebanghelyo para sa
ating ispirituwal.

-Ebulusyon

DENOTATIBO-Ang Ebolusyon ay ang pagbabago sa mga namamanang katangian ng mga populasyon ng


organismo sa loob ng mga sunod sunod na henerasyon sa paglipas ng mahabang panahon.

HAL:Nakakamangha ang ebolusyon ng tao.

KONOTATIBO: Ang mga tao at sadyang nakakamangha sa paglipas ng araw natutunan natin mag adjust
sa ebolusyon panahon.

HAL: Tayo ay sumabay sa ebolusyon sa ating kapaligiran.

-Edad

DENOTATIBO: Ang edad ay ang bilang ng mga taon mula pa nang ipanganak ang isang tao noong araw ng
kanyang kaarawan.

HAL:Anung edad ka pumasok sa paaralan?

KONOTATIBO: Sa isang tao ay lalong nagyayabong ang kaalaman habang nadadagdagan ang edad.

HAL:Sa edad kong ito marami na akong pagsubok na nalampasan.

-Edukado

DENOTATIBO: Ang Edukado ay isang katangian ng isang tao o indibidwal na nakapagtapos ng pag-aaral o
may kursong tinapos.

HAL: Siya ay nakapag tapos sa kuryong medesina kaya siya ay masasabing isang edukado.
KONOTATIBO: Kakaiba ang tingin sa mga taong edukado dahil sa kanilang tinapos.

HAL:Simula ng ako’y tinuring na edukado kaliwa’t kanan naging kakilala ko.

-Ehersisyo

DENOTATIBO: Ang ehersisyo, kaugnay ng pagpapaunlad ng kalusugan, ay ang alinmang gawaing


pangkatawan na planado, may kayarian, at inuulit-ulit upang makamit ang layunin ng pagkukundisyon
ng anumang bahagi ng katawan.

HAL:Ehersisyo ay ugaliin upang sakit ay maiwasan.

KONOTATIBO: Mas nagmumukhang mas bata at malusog ang mga taong regular na nag eehersisyo.

HAL: Nagmukha akong labing walo taon gulang nung nagsimula akong mag- ehersisyo.

-Elemento

DENOTATIBO: mahalagang bahagi o sangkap

HAL:Dapat ay kumpleto ang elemento upang tama ang kalalabasan ng ating ginagawa.

KONOTATIBO- nilalang

HAL: Isang kakaibang elemento ang sumapi sa iyong kaibigan.

-Epekto

DENOTATIBO-resulta

HAL: Ang epekto ng pag-aaral nang mabuti ay ang pagkakaroon ng mataas na marka.

KONOTATIBO- pagbibigay impresyon


HAL: Iba talaga ang epekto ng matingkad na kulay sa ating mga mata.

-Estado

DENOTATIBO- antas ng pamumuhay

HAL: Ang aming pamilya ay may maayos na estado na buhay.

KONOTATIBO- isang lugar sa bansa

HAL: Ang aking tiyahin ay nakatira sa isang maliit na estado sa Europe.

-Estilo

DENOTATIBO- antas ng pamumuhay

HAL: Ang aming pamilya ay may maayos na estado na buhay.

KONOTATIBO- isang lugar sa bansa

HAL: Ang aking tiyahin ay nakatira sa isang maliit na estado sa Europe.


LETRANG G

GAAN

DENOTATIBO: Timbang ng isang bagay

“Ang gaan pala ng inyong anak.”

KONOTATIBO: Payapa ang loob

“Ang gaan ang aking loob kapag kasama kita.”

GABI

DENOTATIBO: Ang gabi ay ang oras na kulang sa kaliwanagan ng araw

“Takot akong maglakad sa labas kapag gabi.”

KONOTATIBO: Isang uri ng pagkain o gulay

“Paborito ko ang gabi lalo na kapag sahog sa sinigang.”

GALIT

DENOTATIBO: Negatibong damdamin o sama ng loob

“Sa tuwing ako ay makakagawa ng mali, hindi galit ang aking ina, bagkus ako ay kanyang pinapangaral
lamang.”

KONOTATIBO: Apoy

“Hindi ko nais makipaglaro sa'yo, sapagkat ika'y maduming maglaro. Ang mabuti kong intensyon
laban sa iyong galit.”

GAMOT

DENOTATIBO: Lunas o pampagaling sa isang karamdaman o sakit

“Siya ay umiinom ng gamot para sakanyang sakit.”


KONOTATIBO: Solusyon sa isang problema

Hindi ang luha mo ang gamot para sa iyong mga problema

GATAS

DENOTATIBO: Inumin na iniinom

“Umiinom lagi ako ng gatas upang maging matibay ang aking resistensya.”

KONOTATIBO: Pagpuri sa isang magandang kutis

“Kutis gatas ang iyong balat!Huwag kang magpapaaraw.”

GIGI

DENOTATIBO: Maselan

“Siya ay laking abroad kaya sya ay magigi.”

KONOTATIBO: Uri ng isda

“Ang ulam natin ngayon ay isdang gigi.”

GINTO

DENOTATIBO: Makintab na bagay na minsan materyales sa paggawa ng accessories

“Tunay na ginto ito kaya mahal.”

KONOTATIBO: Mayaman o kayamanan

“Wow!Para kang ginto sa iyong kasuotan.”

GLOBO

DENOTATIBO: Ang globo ay tinatawag na pinakamalapit na modelo ng Mundo dahil halos isang oblate
spheroid ito
“Mahirap pag aralan at sauluhin ang mga nakalagay sa globo, ngunit ito ay masayang malaman.”

KONOTATIBO: Maaring maglarawan ng mundo kung saan umiikot ang buhay ng tao

“Upang malaman ang layon ng aking paglalakbay ako ay titingin sa globo.”

GULONG

DENOTATIBO: Paa ng kotse

“Natanggal ang isa sa gulong ng aking kotse.”

KONOTATIBO: Lumalarawan sa "buhay ng tao"

“Ang buhay natin ay parang gulong, minsan tayo'y naiipit, minsan tayo'y nasa taas.”

GUMUHO

DENOTATIBO: Nasira

“Ang bahay nila ay gumuho pagkatapos tamaan ng bagyong Odette.”

KONOTATIBO: Lungkot, lumbay

“Gumuho ang mundo ni Shirly pagkatapos malaman na pumanaw na ang kaniyang ama.”

LETRANG H

HAGDAN

DENOTATIBO: Ang salitang hagdan ay isang bagay na pwede makatulong sa araw araw sa trabaho

“Napaka laking tulong ng hagdan kasi naabot ko ang aking gustong abutin.”

KONOTATIBO: Daan sa kaunladan

“Kailangan umakyat ng mahabang hagdan upang maabot ang pangarap.”

HALAMAN
DENOTATIBO: Ang halaman ay salitang nagbibigay kulay sa daigdig

“Ang ganda ng mga halaman.”

KONOTATIBO: Sumaya

“Nung dumating ka nagka kulay ang aking buhay parang halaman.”

HALAS

DENOTATIBO: Sugat

“Dapat nating magamot kagaad ang iyong halas.”

KONOTATIBO: (ahas in bisaya according ito sa kanilang relihiyon)

“Saan mo tinatago ang halas mong kaibigan?”

HALIGI

DENOTATIBO: Poste ng bahay o gusali

“Tunay na matibay ang mga haligi sa kalye nila Jose.”

KONOTATIBO: Ama ng tahanan

“Ang haligi ng tahanan ang nararapat na magtaguyod sa pamilya upang mabuhay.”

HALIK

DENOTATIBO: Ang salitang halik ay isang uri ng pagpapakita ng pagmamahal

“Nakuha ko na ang matamis nyang halik”

KONOTATIBO: Gamot, lunas

“Isang halik mo lamang ako ay gagaling na.”

HALIMAW

DENOTATIBO: Mythical creature o karakter sa mga storya

“Ang librong ito ay may karakter na halimaw.”


KONOTATIBO: Isang masamang tao

“Bat mo nagawa sa amin ito...Isa kang Halimaw! Lumayas ka!”

HALIMUYAK

DENOTATIBO: Pagkabango ng isang bagay

“Napaka bango naman ng "Perfume" na ito!”

KONOTATIBO: Naaakitan sa isang bagay

“Nakakaakit ka! Para kang isang halimuyak na bulakbak!”

HALO-HALO

DENOTATIBO: Pagkain o dessert

“Si mama ay magagawa ng halo-halo bukas.”

KONOTATIBO: Magkakasama sa isang grupo

“Bakit kaya tayo pinaghalo-halo dito sa klasroom?”

HANGIN

DENOTATIBO: Ang hangin ay salitang nagbibigay ng oksiheno sa daigdig

“Ang presko ng hangin.”

KONOTATIBO: Naglaho, nawala

“Sa pagalala ng pinagsamahan, ngayon parang hangin na lamang.”

HARI

DENOTATIBO: Ang salitang hari ay isang pinuno ng isang kampon

“Ang yaman tignan ng isang hari.”


KONOTATIBO: Asawa

“Ikaw ang hari sa aking puso.”

LETRANG I

IBON

DENOTATIBO: isang uri ng hayop

“Si Aubrey ay mahilig mag alaga ng mga ibon.”

KONOTATIBO: Kalayaan/kapayapaan

“Magiging mapayapa ang buong mundo kung magkakaroon ng kapayapaan ang bawat isa.”

ILAW

DENOTATIBO: Liwang

“Nagbibigay ng liwanag ang ilaw na binili ni ate.”

KONOTATIBO:Ina ng tahanan

“Ang ating mga ina ang ilaw ng mga tahanan.”

ILOG

DENOTATIBO:Mahaba ngunit makipot na anyong tubig na napapaligiran ng lupa

“Ang ilog ng Cagayan ang pinakamahaba at pinakamalaki sa Pilipinas.”

KONOTATIBO: Tubig na umaagos ng tuloy-tuloy

“Ang buhay ay parang ilog na dapat tuloy-tuloy lang.”

INA

DENOTATIBO: Ang ina ay ang babaeng magulang ng anumang uri ng anak o supling

“Ang aking ina ay mapagmahal.”

KONOTATIBO: Mabunganga at maligalig


“Ang aking ina ay parang tambutso sa ingay.”

INABOT

DENOTATIBO: Pagbibigay ng isang bagay gamit ang kanyang kamay

“Inabot ko ang bayad ko sa kahera.”

KONOTATIBO: Nahuli

“Inabot ng mga pulis ang ginagawa niya na krimen.”

INIT

DENOTATIBO: Temperatura

“Kapag ikaw ay nagbabad sa araw ay masusunog ang iyong balat sa init.

KONOTATIBO: Maiinit na pagtanggap

“Mainit ang pagtanggap ng pamilya niya sa kanilang ampon.”

INSEKTO

DENOTATIBO: Anumang maliit na hayop na may anim na paa at karaniwang may isa o dalawang pares na
pakpak

“Ang gagamba ay isa sa halimbawa ng insekto.”

KONOTATIBO: Pesteng hindi kinakailangan at panira lamang

“Ang Mobile legends ay parang insekto sa buhay ng mga kabataan ngayon.”

ISA

DENOTATIBO: Ang isa ay isang bilang, pamilang, at ito ang likas na bilang na pagkatapos ng 0 at bago ng
2

“Ikaw ay nag i-isa lang sa aking buhay.”

KONOTATIBO: Ang isa ay tumutukoy sa pagkakaisa


“Magtatagumpay ang ating bansa kung may isang adhikain ang bawat namumuno.”

ITIM

DENOTATIBO: Uri ng kulay

“Paboritong kulay ng damit ni Bryle ang itim.”

KONOTATIBO: Masama

“Itim na kaibigan ang kaibigan ni Laura.”

IYAK PUSA

DENOTATIBO: Umiiyak na pusa

“Ang pusa na nakita ko kanina ay umiiyak.”

KONOTATIBO: Iyakin

“Iyak pusa ang kapatid ni Albert na si Alberto ay iyakin”

LETRANG L

LABO

DENOTATIBO: Ito ang kasalungat ng malinaw.

"Ang labo nang sulat ng aking lapis, kailngan ko na ito tasahan."

KONOTATIBO: Hindi maintindihan.

"Ang labo naman ng panuto sa gawain 1."

LAMAN

DENOTATIBO: tumutukoy sa dami ng nakalagay sa isang bagay


" andami namang laman netong wallet mo." KONOTATIBO: tumutukoy sa pagkain kung gaano kadami
ang makakain sa isang hayop o pwede din ito na i-asar pero wag nating gawin kasi masama

"antaba/anlaman mo naman."

LANGIT

DENOTATIBO: Ito ay isang kalawakan.

" Ang langit ay isang pangako ng Biblia na pupuntahan ng tao na naniwala sa Diyos."

KONOTATIBO: Tumutukoy sa mayaman, sikat, o masaya.

"Langit ka, lupa ako. "

LANGO

DENOTATIBO: Nasobrang sa inom ng alak.

" Umuwi ng lango sa alak ang kanyang ama. "

KONOTATIBO: Binulag ng kapangyarihan.

" Hindi na malapitan si Momoy dahil lango na siya sa kapangyarihan."

LARAWAN

DENOTATIBO: litrato

" Nakita ko ang larawan mo na kasama mo ang iyong mga kaibigan."

KONOTATIBO: katangian

"Tila napakalinis at napakabuti ng kaniyang larawan."

LEON

DENOTATIBO: uri ng hayop na kapamilya ng pusa

" Isa ang leon sa mga nakita nila Maria noong nakaraang linggo sa Manila Zoo."

KONOTATIBO: mabangis
"Tila isang leon na si Sarah sa sobrang galit na kaniyang nadarama."

LIGAW

DENOTATIBO: ito ay tumutukoy sa mga paraan sa pag-ibig ng mga lalaki

"Pangungusap-Anne ikaw ay aking iniibig,maaari ba kitang ligawan?"

KONOTATIBO: ito ay tumutukoy sa daan kung saan dimo alam ang iyong dinadaanan

"naligaw na ata ako,diko alam ang daan na ito"

LIWANAG

DENOTATIBO: tumutukoy sa liwanag ng isang bagay gaya ng ilaw

"ang liwanag naman ng ilaw,ang sakit sa mata"

KONOTATIBO: tumutukoy sa malinis at maayos na pagakaksabi ng isang tao sa isa pang taong kanyang
pinagsasabihan

"ang liwanag mo naman magpaliwanag ng kahulugan na ito"

LOBO

DENOTATIBO: umutukoy sa isang mabangis na hayop

" napakalaki ng lobo na ito at nakakatakot"

KONOTATIBO: tumutukoy sa paglaki ng isang bagay

"Lumolobo ang tiyan ni marites kasi sya ay buntis."

LUKSO

DENOTATIBO: Ibang salita/tawag sa talon.

" Lukso ng lukso ang bata sa sobrang saya."

KONOTATIBO: isang matinding damdamin kapag nakita mo ang isang taong kadugo mo.

" Nakaramdam siya nang lukso ng dugo ng makita niya ang bata."
LETRANG M

MABULAKLAK

DENOTATIBO:Maraming bulaklak

“Mabulaklak ang paligid sa lungsod ng Baguio lalo na sa araw ng Pinagbenga.”

KONOTATIBO:Napa-pariwala,bolero/mabiro,nahihikayat.

“Marami siyang napaibig dahil sa mabulaklak niyang pananalita.”

MAHAL

DENOTATIBO:Tumutukoy kung gaano kamahal ang isang bagay

“Ang mahal naman ng laruang ito.”

KONOTATIBO:Ito ay tawag ng isang tao sa isa pang taong kanyang iniibig

“Kumain na tayo mahal ko.”

MAHANGIN

DENOTATIBO:Ito ay isang sitwasyon kung saan malakas ang ihip ng hangin

“Punta tayo doon sa palayan, mahangin dun!”

KONOTATIBO:Tawag sa taong mayabang at malaki ang ulo

“Mahangin talaga yung anak ni aling nena.”

MAKITID

DENOTATIBO: Masikip ang daan,makipot

“Nagkaroon ng kalituhan habang dumadaan sa makitid na lagusan.”

KONOTATIBO: Taong mahirap umunawa,hindi tumatanggap ng paliwanag.

“Mahirap magpaliwanag sa taong makitid ang pag-iisip.”

MALALIM
DENOTATIBO: Tumutukoy sa kung hanggang saan kalalalim ang isang bagay

“Ang natatanaw mo na hot spring ay mababaw lamang.”

KONOTATIBO: Ito ay naglalarawan sa taong maraming iniisip o mabigat na problema

“Siya ay natutulala na sa sobrang lalim ng kanyang mga iniisip.”

MANI

DENOTATIBO: Ang mani ay isang halaman na may malilit na buto at nakakain ang buto nito at ginagawa
rin itong palaman sa tinapay at marami pang ibang produkto ang nagagawa sa mani

“Kumain ka ng mani upang ikaw ay tumalino.”

KONOTATIBO:Madaling bagay o kayang kaya

“Maning-mani lang sa kanya ang pagguhit ng magagandang disenyo.”

MANOK

DENOTATIBO: Isang uri ng ibon,hayop

“Ang aming ulam ay adobong manok. ”

KONOTATIBO: Pambato,panlaban.

“Nanalo ang manok na pinadala ng bansang Pilipinas sa larangan ng boksing.”

MATAAS

DENOTATIBO: Mataas na ranko, karangalan

“Mataas ang kaniyang posisyon sa pamahalaan.”

KONOTATIBO: Mataas na tingin sa sarili o sa iba

“Tigilan mo nga ang pagmamataas mo Matias!”

MITSA

DENOTATIBO: Sinulid sa kandila o lampara upang mag karoon ng ilaw.


“Pakiusap,sindihan mo ang mitsa ng kandila.”

KONOTATIBO: Dahilan,sanhi

“Illegal na trabaho ang naging mitsa ng kanyang buhay.”

MULAT

DENOTATIBO: Bukas ang mata o isipan,dilat

“Ang mga sanggol ay mulat na sa kanilang pagsilang.”

KONOTATIBO: Batid ang totoo

“Ang mga tao ay mulat na sa nangyayari sa ating paligid.”


LETRANG N

Denotatibo

- Upang gawing buo ang isang bagay

Halimbawa: Hindi nila alam kung paano nabuo ng isang bata ang lego nang mag-isa.

Konotatibo

- Nabuo ang loob o damdamin

Halimbawa: Kami ay magkasama sa role play kaya roon nabuo ang aking damdamin para sa kanya.

Nabuko

Denotatibo

- Nadismaya

Halimbawa: Ang nanay ko ay nabuko sa ginawa ko sa aking buhok.

Konotatibo

- Nahuli

Halimbawa: Nabuko ni Alec ang relasyon nina Gav at Aleyah.

Nadulas

Denotatibo

- Dumaplis ang paa

Halimbawa: Hindi pinansin ni Drew ang sign sa sahig kaya siya ay nadulas.

Konotatibo

- May nasabing hindi sinasadya

Halimbawa: Sa sobrang daldal ni Luca, hindi niya namalayan na siya ay nadulas na sa mga sinasabi niya.

Nagahon

Denotatibo

- Pinalaki ang isang bagay

Halimbawa: Si Shiro ang nagahon sa hindi pagklakaintindihan nilang magkakaibigan.

Konotatibo

- Umahon sa tubig
Halimbawa: Siya ang nagahon sa batang nalulunod sa dagat.

Nagbasa

Denotatibo

- Binasa ang nakasulat

Halimbawa: Si Yuan ay nagbasa ng libro sa library kahapon.

Konotatibo

- Binasa ang isang bagay

Hlimbawa: Siya ang nagbasa ng damit na nakasampay sa labas.

Narra

Denotatibo

- Isang uri ng puno

Halimbawa: Ang Narra ang pambansang puno ng ating bansa.

Konotatibo

- Matatag

Halimbawa: Para siyang isang Narra na hindi kayang pabagsakin ng kalaban.

Negro

Denotatibo

- Mga taong naging alipin sa United States

Halimbawa: Ang mga negro mula sa Africa ay ibinenta sa America upang maging alipin.

Konotatibo

- Kulay ng balat

Halimbawa: Dahil sa paglalaro sa initan, naging negro na si Pedro.

Nilaga

Denotatibo

- Isang uri ng ulam

Halimbawa: Masarap ang pagkakaluto ni Inay ng Nilagang Baboy.


Konotatibo

- Tagumpay, mabuting resulta

Halimbawa: Kapag may tiyaga, may nilaga.

Niyebe

Denotatibo

- Atmosperikong singaw na tumitigas at nagiging yelong kristal na bumabagsak sa lupa

Halimbawa: Umulan ng niyebe sa Amerika nitong nakaraang pasko.

Konotatibo

- Kulay puti

Halimbawa: Kulay niyebe ang kanyang balat.

Numero

Denotatibo

- Bilang

Halimbawa: Mahilig siyang magbilang ng malalking numero.

Konotatibo

- Sistematikong pagkilos

Halimbawa: Ang trabaho sa aming opisina ay de numero dahil sa pagbabantay ng aming boss.

Nganga

Denotatibo

- Paggalaw ng panga upang bumuka ang bibig ng malawak

Halimbawa: Siya ay napanganga nang Makita ang disenyo ng bahay.

Konotatibo

- Ekspresyon na ibig sabihin ay walang natatanggap na grasya

Halimbawa: Kung walang kwarta ngayong buwan ay nganga ang pamilya ko!

Ngatal

Denotatibo

- Panginginig

Halimbawa: Nangangatal siya sa takot nang makarating kami doon.


Konotatibo

- 'Di makapaghintay

Halimbawa: Nangangatal nakong makita ang ganda ng Greece!

LETRANG NG

Ngilo

Denotatibo

- Ang pananakit ng dulo ng ngipin

Halimbawa: Ngangingilo ang aking ngipn nang ako’y uminom ng malamig na tubig. Konotatibo

Konotatibo

- Panlalamig, kawalan ng pakiramdam.

Halimbawa: Tila ngilo na ang puso ng babae sa sobrang lamig niyang kausap.

Ngimi

Dentotatibo

- Pagkangalay

Halimbawa: Nangimi ako pagkatapos kong mag-ehersisyo ng matagal.

Konotatibo

- Hindi masabi

Halimbawa: Nangingimi akong sabihin sakanya na pumanaw na ang kanyang ama.

Nginig

Denotatibo

- Kadalasang nangyayari sa atin kapag tayo'y nilalamig

Halimbawa: Ramdam na ramdam ko ang nginig sa iyong kataawan.

Konotatibo

- Galit
Halimbawa: nanginginig ako pagkatapos kong malaman ang mga kasinungalingan mo.

Ngipin

Denotatibo

- Ginagamit pangkain at pandurog ng mga pagkain sa bibig

Halimbawa: Ang ganda at ang puti ng kanyang ngipin.

Konotatibo

- Ginagamit upang ipagdikit ang mga bagay

Halimbawa: Ang kasunduang ito ay ngipin sa gitna ng ating bansa at ng kanila.

Ngiti

Denotatibo

- Anyo, bikas, hilatsa, o hitsura ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa pag masaya.

Halimbawa: Ang ganda naman ng iyong ngiti.

Konotatibo

- Pagasa

Halimbawa: Nakakita ako ng mga ngiti pagkatapos sabihin ng doktor na maayos na ang kalagayan ng
aking ina.

Ngitngit

Denotatibo

- Galit

Halimbawa: Siya’y nagngingitngit dahil sa kanyang kaaway.

Konotatibo

- Pagkiskisan ng mga bagay na magkadikit.

Halimbawa: Nagngingitngit ang kanyang ngipin sa lamig ng panahon.

Ngiyaw

Denotatibo

- Huni ng pusa
Halimbawa: Ngiyaw nang ngiyaw ang aming pusa.

Konotatibo

- Puro salitaw

Halimbawa: Huwag kang puro ngiyaw. Kumilos ka din.

Nguso

Denotatibo

- Pagporma ng labi pabilog. Kadalasang ginagamit para makapagturo.

Halimbawa: Hindi ko alam kung ano ang iningunguso ni nanay.

Konotatibo

- Pagmamakaawa

Halimbawa: Kahit anong pagnguso ko kay tatay ay hindi parin niya ako pinapayagang mag sleep over.

LETRANG O

Oberol

Denotatibo

- Kalahatan

Halimbawa: Eto na ang sagot ng mga bata oberol pasado lahat.

Konotatibo

- Kasuotan o uri ng damit

Halimbawa: Ang amo naman tingnan ng sanggol na yan kapag naka oberol.

Obdiyek

Denotatibo

- Mga bagay

Halimbawa: Iba't iba ang klase ng obdiyek dito.

Konotatibo
- Tutol o 'di sang ayon

Halimbawa: Obdiyek ako sa plano niyong ito

Oktupus

Denotatibo

- Isang uri ng hayop sa dagat

Halimbawa: Ang ganda naman ng kulay ng oktupus na iyon.

Konotatibo

- Madikit o kapit nang kapit

Halimbawa: Ano ba 'yang babaeng iyan, oktupus ba iyan?

Okupasyon

Denotatibo

- Trabaho

Halimbawa: Guro ang kanyang okupasyon.

Konotatibo

- Katahimikan

Halimbawa: 'Wag muna kayo sumunod sa akin kailangan ko ng okupasyon.

Onlayn

Denotatibo

- Ginagamitan ng internet at gadyet upang maisagawa

Halimbawa: Onlayn ang uri ng aming pag-aaral.

Konotatibo

-gumagamit ng app

Halimbawa: Onlayn na si Marisol pwede na tayo maglaro.

Opisyal

Denotatibo

- Sa larangan ng politiko

Halimbawa: Siya ay isang mabuting opisyal.


Konotatibo

- Sigurado na

Halimbawa: Opisyal na ang pagbubuntis ni lynice?

Orasan

Denotatibo

- Isang uri ng bagay na nagsasaad ng oras

Halimbawa: Ang ganda naman nitong orasan niyo.

Konotatibo

- Gaano kabilis o kabagal

Halimbawa: Mark orasan mo nga ang aking pag eerhisyo.

Oso

Denotatibo

- Isang uri ng hayop na kadalasang nasa gubat

Halimbawa: Isang oso ang umataki sa mga tao.

Konotatibo

- Pangkumpara sa isang tao

Halimbawa: 'Wag ka lalapit sa taong 'yan oso 'yan kung magalit.

Oto

Denotatibo

- Sasakyan

Halimbawa: Ang ganda ng bago kong oto.

Konotatibo

- Kusa

Halimbawa: Ang ganda naman ng pinto niyo oto.

Oyayi
Denotatibo

- Duyan

Halimbawa: 'Wag mo lakasan ang pag ugoy sa oyayi.

Konotatibo

- Isang pang asar

Halimbawa: Nandito sa si oyayi nanggugulo na naman.

LETRANG P

Pagong

Denotatibo

- Isang uri ng reptilya na may malaking shell sa kanyang likuran.

Halimbawa: Palaging ipinapakita ng aking kaibigan sa amin ang kaniyang alagang pagong.

Konotatibo

- Mabagal o makupad kumilos

Halimbawa: Si Vincent ay pagong kaya siya ay laging nahuhuli sa klase.

Palad

Denotatibo

- Bahagi ng kamay

Halimbawa: Ang aking palad ay makinis at maputi.

Konotatibo

- Swerte

Halimbawa: Ang pagiging negosyante ay ang aking palad sa buhay.

Palamuti

Denotatibo

- Dekorasyon

Halimbawa: Sadyang kay gaganda ng palamuti sa bawat tahanan tuwing kapaskuhan.


Konotatibo

- Ganda

Halimbawa: Nagmistulang palamuti lamang si Celia sa buhay ng kanyang kasintahan.

Pintuan

Denotatibo

- Ang pinto o pintuan ay bahagi ng isang bahay o gusali.

Halimbawa: Maayos ang pagkakagawa sa aming pintuan.

Konotatibo

- Daan patungo sa pagbabago

Halimbawa: Huwag mong hintayin magsara ang pintuan ng oportunidad sa iyo.

LETRANG P

Pulang Rosas

Denotatibo

- Isang uri ng bulaklak na kulay pula, may berdeng mga dahon, at matitinik na tangkay.

Halimbawa: Pinitas ng aking nakababatang kapatid ang pulang rosas sa aming hardin.

Konotatibo

-Simbolo ng pagmamahal at pag ibig

Halimbawa: Aking ibibigay ang pulang rosas na ito sa iyo dahil hindi lamang kita tinatangi, sapagkat ikaw
din ay aking iniibig.

Puno

Denotatibo

- Ito ay malaking uri ng halaman na pinagkukuhanan ng iba't ibang gulay at prutas.

Halimbawa: Malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng puno sa ating kalikasan.

Konotatibo

- Angkan o magulang
Halimbawa: Siya ay konsehal dahil siya ay puno ng mga politiko.

Puso

Denotatibo

- Bahagi ng katawan

Halimbawa: Ang bawat pagtibok ng ating puso ay siya nitong pagbomba ng dugo sa mga parte ng ating
katawan na nangangailangan nito.

Konotatibo

- Pagmamahal

Halimbawa: Ang aking puso ay iniaalay ko lamang sayo habang ako ay nabubuhay.

Puti

Denotatibo

- Uri ng kulay

Halimbawa: Ang paborito kong kulay ng mga kagamitan sa bahay ay puti sapagkat maliwanag itong
tingnan.

Konotatibo

- Busilak o dalisay

Halimbawa: Ang kaloobang iyong tinataglay ay puti at walang halong karungisan.

LETRANG R

Rampa

Denotatibo

- Isang riles ng hagdan na may pataas na kurba

Halimbawa: Para sa mga gumagamit ng wheelchair, ang mga rampa ay isang mas maganda na opsyon
kaysa sa mga hagdan.

Konotatibo

- Naglalakad, nagtatanghal, naglalahad

Halimbawa: Hindi mo nakitang rumarampa ang mga modelo.


Rebulto

Denotatibo

- Isang inukit o cast figure ng isang tao o hayop

Halimbawa: Bilang pag-alala sa taong namatay, nagtayo sila ng isang rebulto.

Konotatibo

- Isang taong nananatiling tahimik, na para bang sila ay isang estatwa

Halimbawa: Kanina pa siya nandoon na para siyang isang rebulto.

Regalo

Denotatibo

– Isang bagay na kusang loob na ibinibigay ng isang tao sa iba na may hangarin na batiin, aliwin o
parangalan ang mga ito nang hindi humihingi ng anumang kapalit.

Halimbawa: Napakaganda ng regalo na aking natanggap noong nakaraang pasko.

Konotatibo

- Isang espesyal na kakayahan para sa paggawa ng isang bagay.

Halimbawa: Ang talento ni Marie ay isang regalo ng Diyos.

Relo

Denotatibo

- Mga aparatong sumusukat, nagtatala, at nagsasabi ng oras sa pamamagitan ng paghahati nito sa mga
oras, minuto, at segundo ng bawat araw.

Halimbawa: Tumingin ako sa relo upang malaman ang oras

Konotatibo

- Limitado ang buhay

Halimbawa: Ang buhay ay dapat sulitin dahil parang itong relo, hindi natin alam kung kalian titigil ang
pag-ikot nito.

Remedyo

Denotatibo

- Isang gamot o paggamot para sa isang sakit o pinsala


Halimbawa: Maraming remedyo ang magagamit para sa sakit.

Konotatibo

- Isang bagay na nagwawasto, ina-ayos o sumasalungat

Halimbawa: Hindi na nireremedyuhan ang problema.

Reparasyon

Denotatibo

- Pag-aayos ng isang bagay

Halimbawa: Maingat naming inayos ang telebisyon upang maiwasan ang gastos sa reparasyon.

Konotatibo

- Ang paggawa ng pagbabago para sa isang maling nagawa, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga
nagkamali

Halimbawa Kailangan ko itong i-reparasyon upang maiwasto ang aking kamalian.

Resibo

Denotatibo

– Isang papel na natatanggap mo na kung saan makikita mo ang presyo ng mga napamili mo.

Halimbawa: Hinanapan ako ng resibo ng aking Ina mula sa aking napamili.

Konotatibo

– Ebidensya

Halimbawa: Kakailanganin niya ng sapat na resibo kung nais niyang manalo ang kaniyang kaso.

Reyna

Denotatibo

- Isang babaeng makapangyarihang pinuno ng isang lupain. Ito ang nagmamana ng posisyon sa
pamamagitan ng karapatan ng kapanganakan.

Halimbawa: Dumating na ang reyna kasama ang maharlikang pamilya.

Konotatibo
– Palautos

Haimbawa: Kung maka-utos ka kala mo ikaw ang reyna!

Robot

Denotatibo

- Isang makina na kahawig ng isang tao at awtomatikong nagagawang kopyahin ang ilang mga paggalaw
at paggana ng tao.

Halimbawa: Napakaganda ng robot na ginawa ni Mario.

Konotatibo

– Palaging kinokontrol.

Halimbawa: Pakiramdam ko ako ay isang robot.

Rosas

Denotatibo

– Uri ng bulaklak

Halimbawa: Bumili ng rosas ang aking magulang upang ipamigay sa aking mga guro.

Konotatibo

- Kagandahan

Halimbawa: Hindi ko maalis sa aking isipan ang rosas na anyo ni Sofia.

You might also like