You are on page 1of 5

PASALITA AT PASULAT NA KOMUNIKASYON

PANIMULA

 Ang pasulat at pasalita na komunikasyon ay mga makro ng


komunikasyon. Batay sa mga dalubhasa sa pag-aaral ng wika
bilang daluyan ng lomunikasyon ang pagsasalita ang unang
nalinang sa tao. Anuman ang naririnig niya ay nagagaya at agad
nyang nasasabi.
 Sinasabi na 30 % bahagdan ng panahon ng tao ay nakalaan sa
pagsasalita. Hindi pa man pormal na nag-aaral sa paaralan ang
isang indibidwal, natutuhan na niya ang pagsasalita. Samantala,
ang pagsulat naman ang may pinakamababang porsyento na
pinaglalaanan ng panahon ng isang indibidwal, ito ay may 9%
lamang. Nangangahulugan ng dalawang bagay. Una, ang saloobin
ng isang indibidwal na pag-ayaw nangsumulat, sa halip ay i-text
na lamang sa cellphone o tawagan sa telepono ang taong ibig
kausapin o hatiran ng mensahe. Pangalawa, mabilis ang
pagbulusok ng teknolohiya, na ibig ipahiwatig, Malaki ang naging
impluwensya nito sa isang indibidwal lalo na sa mga mag-aaral.
Wala nang panahon sa paghawak ng anumang gamit sa pagsualt,
sapagkat ang kaharap na ay computer, o laptop upang makipag-
chat o makipag-friendster.

 Isang katotohanan na sa paglinang ng makrong pagsulat, Malaki


ang kaugnayan nito sa pagsasalita.

 Maaaring sa pagsasalita ay hindi ganoong malinaw ang


ipinahahatid na mensahe, ngunit pagdating sa pagsulat,
kailangan ang bawat detalye ng mensaheng ibig iparating ay
nakasulat nang maayos at malinaw

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA


KOMUNIKASYON

Ang pagsasalita ay makro ng komunikasyon na


nagiging daan upang buong layang maipahayag ng
tao ang kanyang karapatan, niloloob at damdamin,
samantalang ang pagsulat ayon sa mga dalubhasa
ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang
maaring gamitin upang mapagsalinan ng nabuong
salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao
sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.

PASULAT AT PASALITA

 PASULAT-aypagsasalinsapapel ng anumang
kasangkapang maaring magamit na
mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo
at ilustrasyon ng isang tao.
 Ay isang komprehensiv na kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang
element.
PASALITA
 Maaring gumamit ng mga impormal at mga
pinaikling konstruksyon ng mga salita.
 Maaring ulitin, baguhin at linawin ang
nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng
tagapakining.

ORGANISASYON NG KOMPOSISYONG PASALITA AT


PASULAT

KAISAHAN
• Ang pangkat ng pangungusap ay umiikot sa iisang
pangkalahatang ideya, may isang paksang
pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng
mga suportang pangungusap.

KAUGNAYAN
• Dapatnamagkakaugnayangmga pangungusap
upang magpatuloy ang daloy ng diwa buhat sa
simula hanggang dulong pahayag.
✓Order ayon sa Lohika
✓Order ayon sa Panahon
✓Order ayon sa Espasyo

TUON O EMPASIS
• Ang pangunahing layunin ay bigyang-diin ang
mahalaga at alisin ang mga walng saysay.

EMPASIS AYON SA POSISYON


• Tumutukoyangparaangitosa kinalalagyan o
posisyon ng paksang pangungusap sa loob ng talata.

EMPASIS AYON SA PROPOSISYON


• Nakasalalaysapamamaraangito kung ano at gaano
kalawak ang gagawing pagtalakay sa isang paksa.

Pag-uulit ng salita at tunog


• Ginagamit upang magbigay and diin.

✓Pagbibigay diin sa unahan ng talata


✓Pagbibigay diin sa gitna ng talata
✓Pagbibigay diin sa hulihan ng talata

KAISAHAN
❖Sa paglinang ng kaisahan sa komposisyong
pasalita at pasulat tandaan ang mga sumusunod:
1. talakayin ang isang bagay lamang sa bawat
panahon
2. pagsama-samahin lahat ng mga bagay na dapat
magkakasama
3. nauukol pangungusap sa talataan lamang
pamaksang pangungusap ang lahat ng mga
pangungusap sa talataan
KAUGNAYAN
• Lahat ng mga pangunahing kaisipan sa
komposisyon ay inaayos ayon sa karaniwan o
makatwirang kaayusan.
• Ang bawat hakbang na isinasagawa sa
komposisyon ay tungo sa pagdaragdag ng paunlad
nang paunlad na kahalagahan at kawilihan.
• Mahalaga ang panahon upang maging malinaw
ang komposisyon.
• Piliin ang isang paksang hindi napakalawak.
TUON
• Ito ang tinatawag na pokus sa isang komposisyon.
Ipinahahayag nito ang
kaisipang nais linangin sa talataan.

You might also like