You are on page 1of 10

1

Filipino 8-Q1-W8
Aralin
Pagsulat ng Resulta ng Pananaliksik
8
Mga Inaasahan

Sa araling ito, matutunan mo ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng


resulta ng pananaliksik at babasahin mo rin ang sanaysay na may kaugnayan
sa pagpapahalaga sa ating katutubong kulturang Pilipino.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod


na kasanayan:

Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang mga awtentikong


datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino (F8PU-Ii-j-23)
- Naitatala at nabibigyan ng interpretasyon ang mahahalagang datos mula sa
binasa; at
- Napapahalagahan ang katutubong kulturang Pilipino sa pamamagitan
ng pagsulat.

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa ngunit kailangan mo


munang sagutin ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Piliin sa loob ng kahon ang instrumento sa pananaliksik na tinutukoy sa


bawat bilang.

sarbey mapa
interbyu tsart
pananaliksik talahanayan

________1. Naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya, at nagtuturo sa mga


palatandaan ng lokasyon ng isang lugar.

________2. Nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng


hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
2

________3. Naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay sa mga


hanay o kolum ang mga nalikom na datos.
________4. Paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa pakikipag-usap.
Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap.________5. Isang
pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pag-unawa ng katotohanan bilang
katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Isaayos ang mga sumusunod na datos ayon sa tamang pagkakasunod-


sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng titik A-E sa patlang.
1. Patuyuin nang husto sa papel na tuwalya o mainit na air blower.
2. Pabulain ng 15 segundo at kuskusin sa pagitan ng mga daliri, likod ng
mga kamay, dulo ng mga daliri at ilalim ng mga kuko.
3. Banlawan nang husto sa dumadaloy na tubig.
4. Maglagay ng sabon sa palad.
5. Basain ang kamay ng malinis na tubig.

Sa bahaging ito ng aralin, pag-aaralan mo ang tungkol sa pananaliksik at


ang paggamit ng mga awtentikong datos sa babasahin mong sanaysay.

Pagpapakilala ng Aralin

Tatalakayin natin ang mga paraan sa pagkuha ng datos at kung paano isusulat ang
resulta nito.

Dalawang paraan sa pagkuha ng datos:

1. Sarbey – isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pag-unawa ng


katotohana

n bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon. Inilalarawan ang isang kondisyon


ng paksang pinag-aaralan.

2. Panayam o interbyu – paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa


pakikipag-usap. Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap.

Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
3

Ang mapa, tsart, grap, at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang


madaling maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang
teksto. Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw
at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang paksa.

1. Mapa - naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa


mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay
direksyon.
- ang pagbibigay ng direksyon ay isang uri ng pagpapaliwanag. Tulad ng
pagpapaliwanag ng paggawa ng isang bagay, nangangailangan ito ng katiyakan,
kapayakan, at kaliwanagan. Kailangan din ang maliwanag na pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang na kailangang sundin.

2. Tsart - ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa


pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

3. Grap- nagsasalarawan ng datos na may iba’t ibang uri.


Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c) bar grap, at
(d) bilog na grap.

4. Talahanayan (Table) - ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na


anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.

Basahin at suriin mong mabuti ang sanaysay at iyong sagutin ang mga
kasunod na gawain.

Muslim

Ang isang Muslim ay ang tagataguyod ng Islam. Sa literal na kahulugan ng salita,


ang Muslim ay sinomang tao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang
Arabo). Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang
matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos
at ang paninindigan na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga
Muslim ang mga maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses)
at Isa (Hesus), bilang mga Muslim, dahil bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo
ang kanilang sarili sa Diyos.
Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakaran ng
pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa
Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin
ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga
sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga
kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang
pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami ng iba
pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na
pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad. Para sa mga Muslim, isa lamang sa
kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila
naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.
Kabilang sa mga pananagutan o obligasyon ng mga Muslim sa kanilang
pananampalataya ang pagsasakatuparan ng pananampalataya sa iisang Diyos.
Kailangan silang sumamba sa Diyos ng limang ulit sa isang araw, na nakaharap sa
kinaroroonan ng Mecca. Dapat silang magbigay ng limos sa mga mahihirap. Nararapat
silang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan. At kung maaari, kailangan nilang
mapuntahan ang Mecca kahit na isang pagkakataon lamang sa kanilang buhay.

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
4

Sila ay maaaring matagpuan sa isang distrikto sa Quiapo, Maynila at sa ilang


mga bahagi ng Mindanao tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao, at Lanao del Sur.
Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong Pilipino at itinuturing na
pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga
dayuhan. Malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan at kanilang
pagiging matapat. Mayroon silang sari-sarili at katutubong kultura ngunit pareho ang
kanilang paniniwala sa relihiyong Islam at ang pagsamba nila sa kanilang diyos na si
Allah. Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Maguindanao, Maranao, Samal, Tausug,
Yakan, at Badjao.
Inaasahan kong nasuri mong mabuti ang sanaysay at natatandaan mo ang
ating tinalakay. Maaari mo ng sagutan ang mga gawain sa susunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Itapat ang mga salita sa hanay A sa kanilang kahulugan sa hanay B. Isulat sa
patlang ang letra ng iyong sagot bago ang bilang.
A B
1. Allah a. Sagradong Mosque
2. Ramadan b. Diyos ng mga Muslim
3. Ayuno c. hindi pagkain sa loob ng isang panahon
4. Mecca d. propeta ng mga Muslim
5. Muhammad e. ikasiyam na buwan sa kalendaryo ng mga
Muslim na buwan ng banal na pag-ayuno

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong


Ayon sa nabasang tekstong “Ang mga Kultura”, sagutin mo ang mga tanong.

1. Ano ang paksa ng sanaysay?


___________________________________________________________________________
2. Bakit ayaw ng mga Muslim na tawagin silang Mohamedano?
___________________________________________________________________________
3. Ano ang layunin ng manunulat na nais ipabatid sa mga mambabasa?
___________________________________________________________________________
4. Para sa iyo, paano mo pahahalagahan at pananatilihin ang kulturang Muslim?
___________________________________________________________________________
5. Ano kulturang Muslim ang nagustuhan mo? Bakit?
___________________________________________________________________________

Rubrik para sa tanong bilang 4 at 5

Pamantayan sa pagpupuntos Puntos

Angkop ang naibigay na pananaw 5 - kapag naibigay ang 3 sa


tungkol sa tanong pamantayan

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
5

Naipaliwanag ng mahusay 3- kapag naibigay ang 2 sa pamantayan

Gumamit na naaayon na bantas sa 1- kapag naibigay ang 1 sa pamantayan


pangungusap

Gawain 3. Isulat sa loob ng mga bilog ang mga datos na may kaugnayan sa
kulturang Muslim.

Kulturang
Muslim

Base sa datos na iyong naitala, bigyan ito ng interpretasyon o pagpapakahulugan.

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot:
5 – taglay ang 3 pamantayan
✔ Nakasunod sa panuto 4- dalawang pamantayan
✔ May kinalaman ang sagot sa paksa lamang
✔ Naipaliwanag nang mahusay
3 – isang pamantayan lamang

Tandaan

Narito ang mga pamamaraan na makatutulong sa iyong pananaliksik:


1. Sarbey ay isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pag-unawa ng
katotohanan bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon.

2. Panayam o interbyu ay paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa


pakikipag-usap.

3. Mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa


mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar.

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
6

4. Tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng


hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

5. Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c) bar grap,
at (d) bilog na grap.

6. Talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay


sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.

Pag-alam sa Natutuhan

Basahin at suriing mabuti ang sanaysay.

Kulturang Pinoy na Binura sa New Normal

ni John Hayes C. Cariño

Nabago ang kulturang nakagisnan ng mga Pilipino dulot ng new normal.

Binago nito ang kultura at pamumuhay ng tao sa ngayon. Halos binura nito ang
mga bakas ng kultura ng mga Pilipino na kailangang isantabi muna dala ng pagbabago
sa new normal. Ano-ano ang mga pagbabagong hatid nito sa tahanan, simbahan, at
paaralan?

Mayaman ang kulturang nakagisnan sa bawat tahanan sapagkat dito


masasalamin ang mga mabubuting pag-uugali ng mga Pilipino noon. Laging
nagmamano ang mga anak sa kanilang magulang o sa mga nakakatanda sa kanilang
kamag-anak bilang tanda ng paggalang. Dagdag pa rito, masayang kumakain nang
sabay-sabay ang mag-anak habang nagkukuwentuhan sa hapag-kainan. Bukod pa rito,
sila ay nagdarasal bago kumain at bago matulog. Sa kabilang banda, kapag nanliligaw
ang binata sa isang babae ay ipinagsisibak niya ito ng kahoy at ipinag-iigib ng tubig sa
poso upang pagsilbihan ang pamilya nito bilang pagpapakita ng tapat na pagmamahal
at malinis na hangarin sa babaeng sinusuyo. Bukod pa riyan, dinadaan din sa harana
ang babaeng nililigawan upang mapasagot ito.

Ngunit ngayon, Ipinagbawal muna ang pagmano o paghawak sa kamay ng


nakakatanda sa panahon ng new normal. Isang malungkot na sitwasyon ang hindi
mayakap ng mga magulang na frontliners ang kanilang mga anak sa kanilang pag-uwi.
Bukod pa rito, ang masayang pagtitipon sana ng mga magkakamag-anak kapag may
okasyon sa bawat pamilya ay iniwasan muna dulot ng sitwasyon ngayon. Bawal muna
ang pagtanggap ng bisita sa tahanan, kaya ang isang manliligaw ay kailangang
ipagpaliban muna ang panunuyo sa babaeng napupusuan. Ngunit maaari namang
daanin ang panliligaw sa pagtext at pagchat gamit ang cellphone na siyang karaniwang
ginagawa ng mga kabataan sa ngayon. Dahil dito, nabalewala na ang magandang
tradisyon ng panliligaw ng isang lalake sa isang babae upang makamtan ang matamis
nitong "oo".

Noon, ang pagtungo sa simbahan upang magdasal tuwing Linggo ay isang


debosyon na nakagawian na ng mga Katoliko. Isa pa, dito rin ginaganap sa simbahan

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
7

ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Bukod pa rito, nakagawian


din nila ang pagpapabinyag sa mga bagong silang na sanggol sa simbahan upang di sila
maging sakitin at lapitan lagi ng mga masasamang elemento ayon sa matatanda. Sa
kabilang dako naman, nakasanayan din ng mga deboto ang pagpaparada ng mga santo
at kasunod nito ang pagsali ng mga magagandang dilag at mga guwapong binata sa
prusisyon bilang bahagi ng tradisyon.

Ang dating masiglang simbahan napuno ng mga tao, ngayon ay nakapinid at


tahimik dahil sa new normal. Kaugnay pa nito, ang pagpaparada ng mga santo at pagsali
sa prusisyon ng mga tao tuwing may piyesta sa kanilang lugar ay ipinagpaliban din
muna. Bukod pa diyan, nakakalungkot din ito sa panig ng mga ikakasal sana ngayon,
na hindi natuloy ang kasal sa simbahan. Samantalang ang iba ay itinuloy pa rin ang
kasal, habang ang mga bisita at kamag-anak ay pinanood sila sa pamamagitan ng
paggamit ng teknolohiya o media tulad ng zoom, video, at iba pang makabagong gadget.
Gayundin sa mga nagpabinyag, ang mga magulang, bata, at pari ang nasa simbahan
lamang habang ang mga ninong at ninang ay wala muna o pinanonood sila sa
pamamagitan ng video mula sa kanilang cellphone, laptop, at iba pang makabagong
kagamitan.

Noon, laging kinasasabikan ang unang araw ng pasukan ng mga mag-aaral dahil
muli nilang makikita ang kanilang mga kaibigan, mga hinahangaan, at pati narin ang
mga bagong damit at kagamitan na kanilang gagamitin sa kanilang pagpasok sa
paaralan gayundin ang mga bagong kaalaman na kanilang matutuhan mula sa kanilang
mga guro. Bago ang lahat, kailangan muna nilang magtungo sa paaralan upang
magpatala. Kapag may klase na, masayang nakikisalamuha ang mga mag-aaral sa
kanilang guro at gumagawa sila ng mga gawaing pangkatan upang lalong mapagbuti
ang pagkatuto.

Ngayon, hindi na naranasan ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang ang


moving-up at ang pagtatapos ng mga nasa ikalabindalawang baitang at mga nasa
kolehiyo dahil sa pagbabago ng kalagayan sa edukasyon dulot ng new normal. Sa
kabilang banda, dahil sa bawal muna ang pagtungo sa paaralan, kailangan muna ng
mga mag-aaral ang magpatala online mula sa ibinigay na link ng dati nilang gurong
tagapayo. Ang nakasanayang pakikinig sa guro sa paaralan at paggawa ng mga gawain
at proyekto kasama ang mga kaklase ay hindi muna mangyayari ngayon dahil sa new
normal. Dagdag pa rito, ang pag-aaral ay isasagawa na sa online platform gamit ang
cellphone, computer, at iba pang teknolohiya.

Nakakalungkot mang isipin na maraming nabago sa kultura at pamumuhay ng


mga Pilipino ngayon dulot ng new normal, halos binura nito ang kultura ng mga Pilipino
na kanilang nakasanayan noon. Kailangan nilang tanggapin ito labag man sa kanilang
kalooban. Sa kabilang dako, may magandang naidulot naman ang new normal. Natuto
ang mga tao na magbigay ng maraming panahon sa pamilya at pahalagahan ito.
Marahil dapat paniwalaan ang kasabihang "Walang permanente sa mundong ito, kundi
tanging pagbabago lamang."

Gawain 2
Gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat ang mga datos tungkol sa kulturang pinoy
noon at kultura ngayon sa new normal.

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
8

Noon Tahanan Simbahan Paaralan

Ngayon Tahanan Simbahan Paaralan

Interpretasyon:
Ayon sa iyong pagkaunawa, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kultura noon at
ngayon?

Pagkakatulad: ____________________________________________________________________
Pagkakaiba: ________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot:
5 – taglay ang 3 pamantayan
✔ Nakasunod sa panuto 4-dalawang pamantayan
✔ May kinalaman ang sagot sa paksa lamang
✔ Naipaliwanag nang mahusay
3 – isang pamantayan lamang

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos ng isang pamanahong


papel at pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot,

Pamagat: Dahilan at Epekto sa mga Estudyanteng Muslim sa Pagpasok sa Katolikong


Paaralan

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
9

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang sumusunod na datos at impormasyon:

Distribusyon ng mga respondent ayon sa Kasarian


Apatnapung (40) respondent, dalawampu’t lima (25) sa kanila ay babae at
labinglima (15) naman ay lalaki.

Sino ang naging Dahilan sa Pagpasok sa Katolikong Paaralan


Sa apatnapung (40) respondent, dalawampu’t dalawa (22) na sarili lamang ang
naging dahilan sa pagpasok sa Katolikong Paaralan. Labing- isa (11) ang magulang ang
naging dahilan. Sero (0) naman ang naging resulta sa kapatid gayun din sa
kadahilanang pinapaaral ng kaibigan at iba pa.

Ano ang Dahilan sa Pagpasok sa katolikong Paaralan


Batay sa resulta, labingtatlo (13) ay lokasyon ang dahilan; dalawa (2) ay
kahirapan; lima (5) ay pangangailangan o interes.

Epekto sa Pag-aaral sa Katolikong Paaralan


Sa apatnapung respondent (40) may dalawampu’t tatlo ang nagsabing mayroong
epekto ang pag-aaral sa katolikong paaralan at labimpito (17) ang nagsabing wala itong
epekto.

Ano ang paniniwala ang Nabago sa Pagpasok sa Katolikong Paaralan


Labing-apat (14) ang nagsabing gawi sa paniniwala ang nagbago; labing dalawa
(12) kultura sa paniniwala ang ang nagbago; sampu (10) ang iba pa na paniniwala ang
nagbago sa pagpasok sa Katolikong Paaralan.

Karakter na Nabago sa Pagpasok sa katolikong Paaralan


Ang mga karakter na nagbago sa pagpasok sa katolikong paaralan ay
sumusunod: labingwalo (18) pananalita; walo (8) karakter na pag-iisip; pito (7) sa
pananamit; apat (4) iba pa sa karakter ang nagbago.

Mula sa: https://www.wattpad.com/394454122-pamanahong-papel-dahilan-at-epekto-ng-mga/page/2

____1. Ang isinagawang pag-aaral ay nakatutok sa _____________.


A. Pagkakaiba sa kultura ng mga Muslim at Katoliko
B. Mga dahilan at epekto sa Muslim sa pagpiling mag-aral sa Katoliko
C. Inaalam kung sino ang nakaimpluwensya sa pag-aaral ng Muslim
D. Diskriminasyon nakukuha ng mga Maslim sa Katolikong paaralan

____2. Batay sa resulta ng pananaliksik, may epekto sa _________ ang pag-aaral ng mga
Muslim sa Katolikong paaralan.
A. Kulturang paniniwala C. kulturang tradisyon
B. Kulturang pakikipagkapwa D. kuturang wika

____3. Batay sa inilahad na datos, ang mananaliksik ay gumamit ng __________upang


makakuha ng istadistika sa kaniyang pinag-aaralan.
A. interbyu B. sarbey C. deskriptibo D. analytical

_____4. Sa kabuuan ng pag-aaral masasabing ______________.


A. May epekto sa mga Muslim ang pagpasok sa Katolikong paaralan.
B. Bahagya lamang ang epekto sa mga Muslim ang pagpasok sa Katolikong
paaralan.

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo
10

C. Walang epekto sa mga Muslim ang pagpasok sa Katolikong paaralan.


D. Dapat pag-aralan ang ganitong impormasyon upang makatulong.

_____5. Kung ikaw ang gagawa ng rekomendasyon ng pag-aaral, alin sa sumusunod ang
HINDI mo imumungkahi?
A. Para sa mga estudyanteng Muslim hindi sila dapat magpaapekto sa
paniniwala ng isang pangkatolikong paaralan.
B. Para sa mga estudyanteng Muslim dapat nilang palakasin ang kanilang
sariling paniniwala upang hindi sila maapektuhan ng Katolikong paaralan.
C. Para sa mga propesor ng paaralan, dapat nilang bigyan ng pansin ang epekto
sa mga mag-aaral na Muslim ang pag-aaral sa pangkatolikong paaralan.
D. Para sa mga administrador ng Katolikong paaralan, magsagawa ng
pagpupulong para sa mga magulang at estudyanteng Muslim tungkol sa
kanilang karapatan at pagrespeto sa kanilang paniniwala.

Pagninilay

Magsaliksik tungkol sa mga kilalang pagdiriwang o piyesta na naisagawa sa iba’t


ibang lugar sa Luzon. Sumulat ng isang sanaysay hinggil dito.

_______________________________________

_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagsulat:

Nilalaman - 45%
Wastong gramatika – 30%
May kinalaman sa paksa- 25%
Kabuuan- 100%

Binabati kita at natapos mong lahat ng mga gawaing inilaan sa iyo para sa
modyul na ito at sa buong markahan. Ipagpatuloy ang iyong pagiging masipag at
matiyaga.

Modyulsa Filipino 8
Unang Markahan: Ikawalong Linggo

You might also like