You are on page 1of 5

“Ang Pagkatalo ni Enteng”

Ni Leni P. Revilloza

Sa tuwing sasapit ang summer vacation nagkakaroon ng liga ng larong basketbol sa


Barangay Escolta.
“Piding, Sali tayo sa liga sa barangay,tiyak na mananalo tayo” ang sabi ni Enteng
habang umiinom ng softdrink sa tindahan ni Aling Ikay.
“Sige, isali natin sina Eric, Ramon, Roy, Athan at Joey upang makabuo tayo ng
isangkoponan” ang tugon naman ng kaibigan.
“Sa susunod pa naming Linggo ang simula makakapagsanay pa tayong mabuti
upang masigurado natin na mananalo tayo” ang mahabang sagot ni Enteng.
“Huwag tayong pakasigurado Enteng magagaling din ang makakalaban natin” ang
mahinahong wika ni Piding.
Hindi na sumagot si Enteng, ngunit para sa kanya sila ang mananalo sa laro.
Nakaabot sa championship ang koponan nina Piding at Enteng.
“Sigurado ako na tayo ang magiging champion sa liga” ang mayabang na wika ni
Enteng.
Tilian, sigawan, palakpakan at kantiyawan ang mga manonood dahil nakakalamang ang
kabilang koponan.
Sa huli na talo ang koponan nina Enteng at Piding. Masaya silang nakpagkamaysa mga
na nalo maliban kay Enteng.
“Enteng huwag kang malungkot, ganun talaga sa isang laro may nananalo at
natatalo” ang pag- aalo ni Piding sa kaibigan.
“Oo, dapat hindi ako nag sigurado na mananalo tayo, nagging mayabang ako.
Pasensya na Piding sa susunod hindi ko na gagawin iyon” ang nag sisising sabi ni Enteng.
At maluwag sa kalooban na tinanggap ni Enteng ang kanilang pagkatalo.

"Si Rosang Mareklamo”


Ni Lolita P. Pielago

Masayang naglalaro si Rosa nang bigla siyang inutusan ng kaniyang ate


Patty.“Rosa, bumili ka muna ng suka at patis sa tindahan, magluluto ako ng adobo”,
utos ni Patty. “Ayoko ate, naglalaro pa ako”, nakasimangot na tugon ni Rosa. “Ayan ka
na naman, ang hirap mong utusan” galit na sabi ni Patty.
Narinig ng nana yang pagtatalo ng dalawa. “Rosa sundin mo na ang inuutos
ng ate mo”, wika ni Nanay. Nagdadabog at nakasimangot na sumunod si Rosa.
Pagbalik ni Rosa ay lalong lumukot ang mukha nito, “Hay naku, ang dami-
daming bumibili, ayaw nila ako pasingitin sa pila”, reklamo niya. “Ate sa susunod
pwede bang huwag mo na akong utusan”, sabi niya sa nakatatandang kapatid. “Aba!
Sumusobra ka na, “galit na tugon ni Patty.
Bumalik si Rosa sa sala upang ipagpatuloy ang paglalaro. Lumapit sa kanya ang
kaniyang Nanay. “Anak, mali ang ginawa mo, masyado kang mareklamo at ayaw ng
mauutusan. Dapat tumulong ka sa mga gawaing bahay na makakaya mo ng gawin. “Nay,
sori po, mali po ako”, paumanhing tugon ni Rosa. Tumayo si Rosa at muling pumasok sa
kusina. “Sori ate, mali ang ginawa ko. Pwede mo na akong utusan kahit naglalaro ako”,
nakangiting sabi niya. Napangiti na rin ang ate ni Rosa. “Salamat naman at nakapag-isip
isip ang kapatid ko, bulong nito sa sarili. Mula noon maayos at maluwag sa kalooban na
sumusunod si Rosa sa lahat ng iniuutos sa kanya.

You might also like