You are on page 1of 44

ORGANISASYON NG MGA

DISKURSONG PASALITA AT PASULAT


A. KAISAHAN
B. KOHIRENS
C. DIIN
D. ANG PAGGAWA NG
BALANGKAS
Ang makrong kasanayang PAGSASALITA
at PAGSUSULAT ay napakahalaga sa
buhay ng tao. Ito ay mga kasanayang
ekspresibo at produktibo o mga
kasanayang ginagamit sa pagpapahayag
ng ideya o kaalaman at damdamin o
emosyon.
KAISAHAN
KAISAHAN
• Isa sa mag dapat bigyang pansin ng isang manunulat
ay ang kaisahan ng diwa o ideya sa kanyang
komposisyon.
• Ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa
iisang pangkalahatang ideya, may isang paksang
pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng
mga suportang pangungusap.
KAISAHAN
• Tumutukoy sa kaisahan sa isang tiyak na katangian o
aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito
ay “magkakalapit lahat”.
KAISAHAN
• Tawag sa pangangailangan ng iisang paksang
tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon. Buhat
sa isang limitadong paksa, maaaring bumuo ng isang
paksang pangungusap na maaaring matagpuan sa
alin mang bahagi ng talaan.
KAISAHAN
• Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng pangungusap,
kailangang magkaroon din ng kaisahan sa ideya, layunin
at tono upang mapag-ugnay ang mga kaisipan nang
malinaw at maayos. Makatulong din sa pagkakaroon ng
kaisahan ang semantic mapping bago magsalita o
magsulat upang matiyak na ang mga sumusuportang
detyalye ay hindi lumalayo sa pangunahing kaisipan.
KAISAHAN
KOHIRENS O
PAGKAKAUGNAY-
UGNAY
KOHIRENS O PAGKAKAUGNAY-
UGNAY .

Pagkakaroon ng kaugnayan ng mga


ideya sa kanyang teksto o akda.
• Mahalaga ang papel ng mga salita
na ginagamit bilang mga tagapag-ugnay
sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa
pagitan ng mga bahagi ng pahayag
MGA SALITANG GINAGAMIT
UPANG MAGKAROON O
KAYA'Y MAPANATILI ANG
UGNAYAN NG MGA SALITA O
PANGUNGUSAP SA
KOMPOSISYON
1. Paggamit ng mga panghalip
na panao at mga panghalip na
pamatlig:

(siya, ito, iyan, iyon, dito, doon,


diyan atbp.)

Halimbawa: Isa sa
pinakamahalagang tuklas ng tao
ay ang komunikasyon, kapag inalis
ito, para na nating pinahinto ang
ikot ng mundo.
2. Paggamit ng nga salitang
naghahayag ng karagdagan (at,
isa pang)

Halimbawa:
Gusto kong pumunta sa isang
lugar na tahimik ang kapaligirann,
maganda ang tanawin at walang
nakakakilala sa akin.
3.Paggamit ng mga salitang
naghahayag ng pagsalungat.

(subalit, ngunit atbp.)

Halimbawa: Subalit ang realidad ng


buhay, ng lipunan at ng mamamayan
sa bansang ito ay hindi lamang
nagsasaad ng ligaya at tuwa.
4. Paggamit ng mga salitang
naghahayag ng bunga ng
sinundan

(dahil, bunga atbp.)

Halimbawa: Dahil sa magandang


pakikisama, nakaamot paminsan-
minsan ng kung ano-ano si Aling
Doray sa kapwa tindera.
5. Paggamit ng mga salitang
naghahayag ng pagkakasunud-
sunod ayon sa panahon.

(samantala, pagkatapos atbp.)

Halimbawa: Pagkatapos naming


ubusin ang kalahating lata ng
matatabang talaba, kaagad naming
pinuntahan ang sinasabi ni Mark.
6. Paggamit ng mga salitang
magkakasingkahulugan at
maging ang pag-uulit ng mga
salita.

Halimbawa: Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad,


hindi inilagay kundi inilaglag. Sapagkat ang mga palad na nagbigay
at nandidiring mapadiit sa marurusing na palad na wari bang ang
maninipis na kamay lamang ang malilinis
Ito ang mga salita o
kataga na ginagamit
upang magibigay ng mga
panibagong ideya na may
kaugnayan sa unang

PANDAGDAG bahagi.

Halimbawa:

at, maliban sa, dagdag pa rito,


at saka, kaugnay dito.
Ito naman ay ginagamitan
ng mga salitang :

PANGHALILI
pareho, at,hindi lang, kundi
maging, bilang, kaya, o hindi.
Ginagamitan naman ng
mga salitang:

PANSUSOG
Walang duda, tunay nga,
ipagpalagay na, upang mas
maliwanag, ito'y totoo na
Kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagkawalang
kasiguraduhan.

PANUBALI
Halimbawa: ngunit, subalit, at
magkagayon ma’y, sakabilang dako,sa
kabaligtaran nito’y
Ginagamitan naman ng mga
salitang:

PAGHAHAMBING
katulad ng/nang
kaugnay ng/nang
kagaya ng/nang
Ginagamitan naman ng mga
salitang:

PAGLALARAWAN
bilang halimbawa, kagaya ng mga
sumusunod
Mga salitang ginagamit naman
bilang pagtatapos.

PANAPOS
Halimbawa:
magkagayon, kung kaya, bilang resulta
nito,bilang tugon, at dahil dito,
samakatwid
DIIN/EMPASIS
DIIN/EMPASIS
• Sa kasalukuyang panahon ay mas nais ng
mga tao maging ng mga kabataan ang
pagkakaroon ng tuon ng isang tagapagsalita
o manunulat.
• Ang mga retorikang pamamaraan na tuon
(emphasis) at pa-iiba-iba (variety) ay
mahalaga sa malikhaing pagsusulat.
Tumutulong ang tuon upang magawa ng
manunulat niyang ideya o kaisipan.
• pagbibigay ng higit na pansin sa
pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang
komposisyon.
MGA IBA'T IBANG URI NG DIIN

1.Diin sa pamamagitan ng posisyon


2.Diin sa pamamagitan ng proporsyon
3.Diin sa pagpares-pares ng ideya
1. Diin sa pamamagitan
ng posisyon
• Tumutukoy ito sa paggamit ng pamaksang pangungusap
sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set
ng mga pahayag o talata.
Paksang Pangungusap s
Unahan ng Talata
• Isa sa pinakadakilang niyang ipinagkaloob ng Diyos sa tao
ay wika. Dahil sa wika ay nagkakaunawaan at
nagkakalapit-lapit ang mga tao sa daigdig. Ito ang midyum
upang maipadana ng Tao sa kanyang kapwa ang
anumang kanyang naiisip, nakikita at nadarama tungkol
sa kanyang paligid.
Paksang Pangungusap s
Gitna ng Talata
• Isinilang si Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa
isang dampa sa Tanauan, Batangas. Nagmula siya sa
isang angkang mahirap lamang. Ang kanyang mga
magulang ay sina Dionisia Marana at Inocencio Mabini at
bagama't mga dukha lamang ay kapwa mga huwarang
magulang sa Tanauan.
Paksang Pangungusap s
Hulihan ng Talata
• Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila,
dinakip at ibinilanggo si Mabini dahil sa kanyang labis na
paghanga kay Andres Bonifacio. Nang siya'y palayain,
agad siyang umanib sa pangkat ni Emilio Aguinaldo at
kalauna'y kanyang naging tagapayo at kanang kamay.
Simula noon si Mabini ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
2. Diin sa pamamagitan
ng proporsyon
• Sa simulaing ito, ang bawat bahagi ay binibigyan ng
proporsyon na diin ayon sa halaga, laki, ganda, at iba
pang sukatan.
Diin sa pamamagitan ng
proporsyon
3. Diin sa pagpares-
pares ng ideya
• Ang paglalahad ng ideya sa pamamagitan ng pagpares-
pare ng mga ito ay nakapagbibigay ng malinaw na
pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay.
Makakatulong ito sa pagpapahayag ng barayti ng
implikasyon.
ANG
PAGGAWA
NG
BALANGKAS
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS

Ito ang pinakakalansay ng isang akda. Ito ang


pagkahati-hati ng mga kaisipang nakapaloob sa
isang seleksyon ayon sa ayon sa pagakakasunod-
sunod ng mga ito.
Mga Tuntunin
sa Pagsulat ng
Balangkas
1. Piliin ang mga pangunahing
paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad
ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga bilang
nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol
sa pangunahing paksa. Gamitin ang
malalaking titik tulad ng A, B, C, o D.
Lagyan ng tuldok ang malaking titik at
isulat nang may kaunting pasok ang
maliit na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat
maliit na paksa, gamitin ang mga bilang
na 1,2,3,4 at iba pa.

4. Gamitin ang malaking titik sa


simula ng pangunahing paksa, maliliit na
paksa at mga detalye.
Katanungan?
Maraming Salamat

at

Sa Diyos ang papuri!

You might also like