You are on page 1of 1

Pangalan: Valeriano Carmela Joy S.

Petsa:Pebrero 4,2021
Antas at Pangkat: 11-ABM 4

Ang Kultura ng Malling sa Pilipinas

Layunin-Ang layunin ng teksto na "Ang Kultura ng Malling sa Pilipinas"ay tumutukoy kung


bakit o paano nagkaroon ng kulturang malling sa ating bansa.Ipinahayag din ng manunulat
ang kanyang sariling opinyon batay sa kanyang ideya upang sa ganon ay mas malalim na
maibigay ng manunulat ang mga kaalaman tungkol sa kultura na batay sa teksto.Batay din sa
teksto ang layunin ng manunulat ay maipahayag sa mga mambabasa ang kahalagahan at
importansya kung bakit umiiral ang kulturang malling sa Pilipinas.

Pananaw-Sa palagay ko ang kulturang umusbong sa ating bansa ay siyang nakapagbigay ng


nga oportunidad sa lahat tao.Dahil sa paglawak ng SM mall sa ating bansa mas nagkakaroon
ang ibang mga tao na magkaroon ng trabaho.Habang lumilipas ang mga panahon mas
nadaragdagan ang mga produkto at mga estruktura na ito na siyang nagpapaangat sa
kulturang malling at sa taong nagpasimula nito.Pinahihiwatig lang sa teksto na kung paano o
ano ang puno't dulo ng umiral na kulturang malling sa atin hanggang saan na ang narating
nito.

Damdamin-Ang naging damdamin ko ay masaya sapagkat sa kulturang malling tinagurian


ang Pilipinas bilang pangatlo sa mga tagatanggap ng mga yaring produkto mula sa ibang
bansa.Dahil dito mas nakikilala tayo ng ibang mga bansa dahil sa umiral na kulturang
ito.Kung hindi ito nasimulan ni Henry Sy ay hindi magkakaroon at iiral ang kulturang
malling sa ating bansa bagkus hindi din aangat ang Pilipinas pagdating sa pakikipagkalakalan
ng mga yaring produkto.

You might also like