You are on page 1of 2

1.

Bilang isang mag-aaral, ano ang yong saloobin sa kinakaharap na problema ng ating bansa
partikular na sa usaping hatian ng teritoryo sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine
Sea?
- Para sa akin ay maging patas sana ang China. Ang isa pang opinion ko sa isyung ito bilang isang
edtudyante ay dapat tayong maging alerto sa mga balitang ito para malaman natin kung ano
ang nangyayari sa ating bansa. Lalaban tayo kung anoo ang meron sa atin dahil meron tayong
pinanindigan at sinusunod na batas na tama. Sinasabi nang Tsinan a sa kanila ito kahit na sa atin
talaga. Dahil bas a meron silang mga malalaking barko or mga sandata, masasabi na nilang
sakanila ito. “We may be inferior in terms of force but we have the law.” At patuloy tayong
magdasal sa Diyos para sa ikabubuti ng lahat dahil siya lamang ang may alam at may karapatan
sa lahat ng bagay dito mundo. Huwag nilang gawing mang-aagaw ang ituring sa kanila ng ibang
bansa. Kapayapaan dapat ang iniiral hindi pansariling kadamutan. Respetuhin nila ang patunay
na ang Spratly Island ay sa atin at hindi sa kanila. Nanggugulo na naman ang China sa West
Philippine Sea. Para sa akin ang worst case scenario, katulad ng ibang nangyari sa territories na
natin na kinamkam ng China, ay Chinese occupation. Pero sabi nga ng Singapore-based naval
expert Collin Koh Swee Leane, ang nakakatakot dito ay parang hindi na takot ang China na
maisiwalat sila sa buong mundo. Kasi naging mas aggressive sila this time. Lumalakas ang
culture of impunity sa China. Hindi sila natatakot even with the existing sanctions na pwedeng
ipataw sa kanila ng international community. Laging sinasabi ni Duterte na ayaw niyang
giyerahin ang tayo ng Tsina-isang pinagtatawanang pananaw sa international politics.
2. Sa iyong palagay, nararapat lang bang ipagtanggol o bawiin ng ating pangulo ang teritoryong
inaangkin sa atinng bansang China? Bakit OO at Bakit HINDI Ipaliwanag.
Ang pag-aangkin na ito ay kadalasan na nagdudulot ng mga hidwaan at giyera. Ang pinag-
aagawan ay ang Scarborough Shoal na maraming coral reefs na matatagpuan dito kung kaya’t
marami ding mahuhuli ditong isda na pwedeng pagkakitaan at magpalago ng ekonomiya ng
isang bansa. Ito marahil ang dahilan ng bawat bansa kung kaya’t pinag-aagawan ito. Kailangan
nating ipaglaban ang ating karapatan. Hindi dapat tayo pumayag na maagaw ninuman ang
teritoryong pag-aari natin. Mayroon tayong mga hawak na dokumento ar mapa ng kabuuang
sakop ng Pilipinas na nating ebidensiya ukol sa karampatan natin. Tayong mga Plipino ay may
ganitong ugali na marunong ipaglaban ang alam nating tama at tunay na atin. Hindi tayo
sumusuko, mapatunayan lang ang ating pinaniniwalaan. Kung hindi natin ito babawiin ay
maraming epekto ng pangyayari nito sa atin mga Pilipino. Maraming mga taong mawawalan ng
kabuhayan sa pangingisda. Na mawawalan tayo ng karapatang pandagat na pwde mangisda. At
nasisi ang ating mga yamang dagat dahil sa pag pananakot ng mga Tsino kung ano ang sa atin.
Para sa akin ay may karapatan tayong sabihin na atin ang isla na iyon dahil nasa ilalim ito sa 200
nautical miles ng ating bansa. At sumusunod naman tayo sa kung ano ang nasa batas. Malaki
naman ang ebidensya na atin ito kung babasahin naman ito sa EEZ sa UNCLOS.
3. Sa panahon ngayong tumataas ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas, sa iyong palagay
matutugunan kaya ng ating gobyerno ang nasabing problema sa kasalukuyan, at kung saka
sakali ano ang hakbang na dapat gawin ng ating pamahalaan para tugunanang nasabing
problemang ito.
Para sa akin ay may ginagawa naman ang gobyerno para masulusyunan ang kaso ng COVID 19
kagaya ng pagbili ng mga vaccines galing sa ibang bansa at pati narin ang pagbigay ng ayuda.
Ngunit para sakin ay hindi pa sapat ang kanilang ginagawa. Makikita sa ibang lugar sa Pilipinas
na hindi pa sapat ang pagtugon ng gobyerno sa mga mamamayan ng Pilipinas. Katulad ngayon
nagkakaroon ng community pantry kasi wala na silang maasahan na pagkain sa gobyerno. Ang
sa akin lamang ay sana imbis na pera ang ibigay nila na ayuda ay sana pagkain na lang gaya ng
bigas, itlog, noodles at can goods. Dahil hindi natin sigurado na ang pag gagastusan nila ng pera
ay para sa pang akin ng sarili nila o ng pamilya nila. Baka mamaya ay pinapangsugal na pala
iyon, o kaya pinapangload sa cellphone, o kaya ay pinapambili lamang sa online shopping.
Sayang lamang ang pera na nilaan at binigay. Para din sa akin ay kung gusto ng pamahalaan na
maging Covid Free ay wag muna sila magpatupad ng international flights. Kasi ang solusyon lang
ng pamahalaan kapag dumadami ang cases ay nilolockdown lamang nila ang lugar. Hindi ba nila
naiisip na hindi nila iyon makukuha kung walang nag tratransfer ng Covid galing sa mga taga
ibang bansa na puupunta dito sa Pilipinas. Walang cases kung walang bibigay nito. Sige silang
pauwi ng OFW dito sa bansa at iniisip nila na masosolusyunan nito ang pandemya. Para sa akin
ay madaming mayayaman dito sa Pilipinas mapabusiness man o sa politiko. Pero bakit wala
silang naitutulong. Ang tumutulong na lamang ay ang mamamayan na lang at ang ibang artista.
Dahil wala tayong masyadong maasahan sa gobyerno. Hindi sila ang naghihirap kundi ang mga
mamamayanan. Ang mga hakbang na dapat gawin ay mag travel ban sa lahat ng papasok ng
bansa. Mag provide ng pagkain bilang ayuda at hindi pera at sa huli ay i-ECQ muna ang lahat ng
lugar sa Pilipinas para mabawasan ang pakikipaghalubilo. Kailangan magsimula sa pinaka una
para masulusyunan ang pandemya na ito.

You might also like