You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 1
Ikatlong Markahan
Ika- pito at ika-walong Linggo
Ang Pagpapatupad ng mga Alituntunin at Pagsunod
sa mga Gwain sa Paaralan
Mga Kasanayang Pampagkatuto

Nabibigyan katwiran ang pagpapatupad ng


mga alituntunin ng paaralan
Nakalalahok sa mga gawain at pagkilos na
nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling paaralan
Layunin
1. Nakapagsasabi ng mga dahilan kung
bakit nararapat na sundin ng mga mag-aaral
ang mga alituntunin sa loob ng silid aralin.

2. Nasasabi ang mga kabutihan ng paglahok


ng mga mag-aaral sa mga gawain o
programa na ginagawa sa sariling paaralan.

Balikan Natin
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang
sinasabi ng pangungusap at Mali kung hindi
wasto. Isulat ang sagot sa patlang.

____1. Ang paaralan ang nagbibigay kaalaman sa


mga tao lalo na sa mga kabataan.

____2. Ang paaralan ang dahilan sa panlilimos


ng mga kabataan sa lansangan.
1
_____3. Ang paaralan ang nagbibigay ng pagkakataon
upang maiahon sa kahirapan ang bawat bata o
pamilya sa lipunan.

Unawain Natin
Isa sa mabuting gawi ng estudyanteng
katulad mo ay ang simpleng pagsunod sa mga
alituntunin ng silid-aralan. Ito ay napakagandang
gawain at siguradong ikaw ay katutuwaan ng
iyong guro at mga kamag-aral.
Ang simpleng pagpila nang maayos,
pakikinig sa iyong guro sa oras ng klase at
pagpapanatili ng kalinisan ay ilan lang sa
mga ito.
Isa rin sa mga dapat mong matutunan ay ang
pakikiisa sa mga gawain sa paaralan.
Isa na dito ay ang taunang brigada
eskwela na ginagawa taon-taon bago
magsimula ang pag-aaral ng mga bata at
nagsisilbing paghahanda para sa klase.
Bilang isang bata, mahalagang matutunan
mo ang mga ito upang mas maipakita mo ang
iyong pagpapahalaga sa iyong sariling
paaralan.

Ilapat Natin
Panuto: Lagyan ng kung ang pangugusap
ay nagsasabi ng wasto at X naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Ang paglahok sa mga gawaing


2
pampaaralan ay malaking tulong sa ika-
uunlad ng paaralan.

______2. Ang pagsali sa mga gawain ng


paaralan ay isang gampanin mo bilang
isang mag-aaral.

______3. Ang pagtulong sa mga gawain sa


sariling paaralan ay nagpapakita ng
suporta.

Suriin Natin
Panuto: Pagtambalin ang mga sumusunod na
alituntunin sa hanay A sa mga dahilan kung bakit ito
kailangang sundin sa hanay B. Isulat ang sagot sa
patlang.

A B
_____1. Pag-pila nang A. Upang makaiwas sa
maayos. anumang uri ng sakit.
_____2. Pagpapanatili ng
kalinisan. B. Upang maiwasan ang
_____3. Pakikinig sa guro sa anumang aksidente.
oras ng klase.
C. Upang maiwasan ang
pagsasabay - sabay sa
pagsasalita.

3
Likhain Natin
Panuto: Gumawa ng isang collage na
nagpapakita ng kahalagahan ng pagsunod sa
mga alituntunin sa loob ng silid-aralan.

Makalikha ng isang collage na


nagpapakita ng wastong
Layunin
pagsunod sa alituntunin sa loob ng
silid-aralan.
Ang bawat mag-aaral ay isang
Gampanin “Visual Artist” na lilikha ng isang
collage.
Ang mga kapwa mag-aaral at
guro na magwawasto bago
Mga Manonood
ibahagi sa pamamagitan ng “class
messenger”.
Inaatasan na makagawa ng isang
collage ng mga larawan na
Sitwasyon nagpapakita ng kahalagahan sa
pagsunod sa alituntunin sa loob ng
silid-aralan.
Isang malinis at maayos na collage
na nagpapakita ng pagsunod sa
mga alituntunan sa loob ng
Produkto paaralan. Ang collage ay
pagsasama ng mga larawan
upang makalikha ng isang likhang
sining.

Sundin ang mga sumusunod na paraan sa paglikha


ng collage.
4
1. Pumili ng mga larawan na nais gawing collage.
2. Sa pamamagitan ng mga lumang materyales
(dyaryo,magazine,atbp) gumupit ng mga larawan na
nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin sa
paaralan.
3. Idikit sa short bond paper ng pahiga (landscape) sa
pamamagitan ng glue ang mga napiling larawan.
4. Lagyan ng maikiling description sa ibaba ng collage
(alituntunin).
5. Picturan ang ginawa at ipasa sa guro sa
pamamagitan pamamagitan ng facebook messenger
upang mabigyan ng grado.

6. Tayain Natin
Panuto: Buuin ang mga sumusunod na
pangungusap na nagpapakita ng pagsunod sa
mga alituntunin sa loob ng silid-aralan. Piliin ang
inyong sagot sa kahon sa ibaba. Isulat ang sagot
sa patlang.

A. pagpila ng maayos
B. pakikinig sa guro
C. panatilihin ang kalinisan
D. ipasa ito sa takdang - oras
E. itaas ang kamay kung nais sumagot

1. Mahalaga ang __________________ upang higit na


maunawaan ang aralin.

5
2. Ang _________________ nang maayos ay
nagpapakita ng disiplina bilang isang mag-aaral.

3. Upang maiwasan ang anumang sakit sa loob ng


silid-aralan, nararapat na _______________________.

4. Nararapat na __________________ upang maiwasan


ang ingay dahil sa sabay-sabay na pagsalita ng
mga mag-aaral.

5. Sa lahat ng gawaing pinapagawa ng guro,


nararapat na _________________________ upang
maipakita ang iyong magandang gawi sa pag-
aaral.

You might also like