You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
TALON-TALON CENTRAL SCHOOL SPED CENTER
TALON-TALON, ZAMBOANGA CITY
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
GRADE 1
QUARTER 2- WEEK 4
Petsa/oras ( 40 minuto ) Araw ng Huwebes, Ika 27 ng enero taong 2022
I. Layunin Nakapagpipinta ng bahay/tanawin ng paaralan o
desinyo gamit ng tiyak na kulay upang makalikha ng
tiyak na damdamin. (A1PR-ie-1 )
II. Paksang - Aralin Napipinta ang
Bahay/Tanawin ng
Paaralan o Desinyo gamit
ng Tiyak na Kulay
III. Pamamaraan: Mga larawan, Tv, malinis na papel, activity sheets,
coupon for reward, krayola /water color
ARTS
Quarter 2, Wk. 4 - Module 2

A. Panimulang Gawain
a. Awit na may kilos/ reward coupon
b. Balik-aral
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kulay ng hinog na saging?


A.berde B. pula C.dilaw

2.Ano ang kulay ng mansanas ?


A.pula B.dilaw C.puti

3.Alin sa mga larawan ang may natural na kulay o


di-likha ng tao?

A. B. C.
c .Pagganyak
Alam ba ninyo ang kwento ni Noah’s arch?Sabi sa
kwento na ang bahaghari o rainbow ay simbolo ng
pangako ng Diyos kay Noah na hindi na ulit
babaha .
Mga bata ito ang larawan ng bahaghari ?Alam ba
ninyo kung ilang kulay meron ito ? anu-ano ang mga
kulay ng bahaghari ? kailan madalas makita ang
bahaghari at kailan ito nagpapakita ? Bakit
mahalaga ang kulay ng isang bagay o kagamitan?

B. Panlinang na Gawain
a. Paglalahad
Mga bata Pagmasdan ang larawan. Ano ang
ginagawa ng mga bata sa larawan?
Ayusin ang “jumbled” na mga titik sa ibaba upang
matukoy ang ginagawa ng mga bata.
(NTADAPI) -_____________________ )

b. Pagtatalakay

a. May mga larawan ako ng mgagandang paintings


ng mga kilalang pintor ng Pilipinas. Hahatiin ko
kayo sa dalawang pangkat .pangkatin ang mga
paintings na mabundok , matubig at magusali . Ano
ang nagpapaganda dito ?.

May inihanada akong gamit pang kulay at


larawan .kulayan ang bahay sa
ibaba gamit ang mga tiyak na kulay alinsunod sa
binigay na panuto.
1. Kulayan ang bubong ng kulay pula.
2. Kulayan ang pinto ng kulay dilaw.
3. Kulayan ang mga bintana ng luntian o berde.

F . Isaisip
Laging tandaan na ang pagpipinta o paggawa ng
desinyo ay isang kakayahan ng tao. Ang paggamit ng mga
tiyak na kulay ay nakakatulong sa pagpapakita ng tiyak na
damdamin ng isang taong nagpipinta o pintor.
Mahalaga rin ang paggamit ng mga tiyak na kulay upang
maipapakita ang tiyak na damdamin sa pamamagitan ng
pagpipinta.
G.Isagawa
Upang malaman kung ikaw ay may
natututunan sa araw na ito, isagawa ang nakasaad
na panuto. Kulayan ang larawan gamit
ang kagamitan sa pagpipinta.

H.Takdang -aralin
Gayahin ang pagguhit sa nakalarawang sining at ang
mga kulay nito.
ANA MARIA A. FERNIN JICILA M. ALVAREZ JULIETA M. BESAS Ed.D
Teacher Observed Observer/Master Teacher I School Principal IV

You might also like