You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Leyte Normal University


INTEGRATED LABORATORY SCHOOL
Tacloban City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


Pangalan: _____________________________________________________________ Petsa: ______________________
Guro: ________________________________________________________________ Iskor: ______________________

I. Multiple Choice Test


PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita sa konsepto ng Sustainable Development?

I. Ang layunin ng Sustainable Development Goals ay hindi lang para sa kalikasan, pati na rin ang ekonomiya at
mamamayan.
II. Pamahalaan ang siyang mangunguna sa pagtaguyod ng Sustainable Development Goals.
III. Polisiyang pang-ekonomiya ang siyang pangunahing layunin ng Sustainable Development Goals sa kadahilang
mga kilos ng tao ang siyang nakakaapekto sa kalikasan.
IV. Ang Sustainable Development ay nakakatugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyan, nang nakokompromiso
ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na matugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan.

A. I at IV B. III & I C. IV, I, II D. I, II, III


2. Maraming pag-aaral ang nagsasabing mahirap ang daan na tinatahak ng buong mundo sa pagkamit ng mga layunin sa
Sustainable Development, ito’y dahil sa mga sumusunod na mga suliranin ng panahon ngayon MALIBAN sa isa.
A. Patuloy parin ang pagtaas ng kaso nang kahirapan ng maraming pamilya.
B. Pagtutulungan ng mga lider na may personal na layunin at intensyon sa pamamahala.
C. Patuloy na kampanya ng mga NGOs at Government Organization.
D. Mga proyektong inilulunsad ng mga grupo at indibiduwal sa pagpapabuti ng kalikasan.

3. Ang mga sumusunod ay ang mga organisasyon or grupo na hinamon na makamit ang mga layunin ng Sustainable
Development. Isa dito ay ang binuo tatlong buwan matapos ang pagpupulong sa Brazil noong 1992.
A. Philippine Council for Sustainable Development
B. Council for Sustainable Development in the Philippines
C. World Commission on Environment and Development
D. United Nations Development Programme

4. Ang mga sumusunod ay ang mga kahinaan ng Sustainable Development MALIBAN sa isa.
A. Ang likas na yaman ay naghihirap habang tayo ay umuunlad.
B. Mayroon pagkakaiba ng pondo at teknolohiya sa implementasyon na mapuksa ang problemang kinakaharap.
C. Maraming mga sakit ang wala panglunas katulad na lamang ng HIV-AIDS at Kanser.
D. Lahat ng bansa ay nagtutulungan upang umunlad.

5. Ito ay isa sa mga solusyon na nahanap ng mga mananaliksik sa pagkasira ng kalikasan.


A. Pagtuklas na mas mabuting gamitin ang natural kaysa sa artificial.
B. Naimbento ang pagtanim na hindi gumagamit ng lupa.
C. Ang paggamit ng gas na nagiging demand sa araw-araw.
D. Komersyal na elektrisidad kapalit ng paggamit ng solar energy.

6. Kailan binuo ang World Commission on Environment and Development na nag-aaral sa epekto ng pagkasira ng
kalikasan?
A. 1982 B. 1980
C. 1983 D. 1985

7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa karapatan ng mga tao upang mabuhay ng malaya at mapayapa?
A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Pang-ekonomiya o pangkabuhayan
D. Karapatang Kultural
8. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng tao na makibahagi sa mga prosesong politikal at pagdedesisyon ng pamayanan.
A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Pang-ekonomiya o pangkabuhayan
D. Karapatang Panlipunan

9. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng tao na lumahok sa mga gawaing kultural ng pamayanan at magtamasa ng
siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
A. Karapatang Pang-ekonomiya o pangkabuhayan
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Kultural

10. Ano ang isinasaad ng derogable o relative rights?


A. Dagliang maipapatupad
B. Graduwal na pagpapatupad
C. Mga karapatang maaaring suspindihin o alisin depende sa sitwasyon
D. Mga karapatang hindi maaaring suspindihin o alisin kahit na anong panahon

11. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng incremental rights?


A. Dagliang maipapatupad
B. Graduwal na pagpapatupad
C. Mga karapatang maaaring suspindihin o alisin depende sa sitwasyon
D. Mga karapatang hindi maaaring suspindihin o alisin kahit na anong panahon

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI karapatan ng isang bata?


A. Karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
B. Karapatang magkaroon ng marangyang buhay
C. Karapatang magkaroon ng kalidad na edukasyon
D. Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso, panganib at kaharasan.

13. Si Nena ay kadalasang nabubugbog nga kangyang amang manginginom. Anong anyo ng paglabag sa karapatang
pantao ang naranasan ni Nena?
A. Emosyonal na paglabag ng karapatang pantao
B. Sikolohikal na paglabag ng karapatang pantao
C. Pisikal na paglabag sa karapatang pantao
D. Struktural na paglabag ng karapatang pantao

14. Anong anyo ng paglabag sa karapatang pantao ang pinapakita kung ang mga ayuda pagkatapos ng isang kalamidad ay
hindi naipapamahagi sa isang mahirap na komunidad?
A. Estruktural na paglabag ng karapatang pantao
B. Emosyonal na paglabag ng karapatang pantao
C. Pisikal na paglabag sa karapatang pantao
D. Sikolohikal na paglabag ng karapatang pantao

15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI epekto ng paglabag sa karapatang pantao?
A. Hindi paglabas ng katotohanan sa nangyaring panghahalay sa isang menor de edad.
B. Paglaganap ng takot sa Brgy. Pag-asa dahil sa natagpuang patay sa kanilang lugar.
C. Mayroong bayanihan at kapayapaan sa isang pamayanan
D. Pagkaroon ng depresyon ng isang ama dahil ilegal siyang tinaggal sa trabaho.

16. Ano ang kaugnayan ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao sa sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatang
pantao?
A. Ang pisikal na paglabag sa karapatang pantao ay nagdudulot ng emosyonal at sikolohikal na trauma sa mga
nagiging biktima nito.
B. Nagkakaroon ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao kung hindi nakakamtan ang sikolohikal at emosyonal
na pangangailangan ng tao.
C. Ang mga estruktura sa lipunan ay nakakaapekto sa pisikal at emosyonal na kalagayan ng karapatang pantao.
D. Dulot ng sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatang pantao, nakakaapekto ito sa pisikal na katayuan ng
buhay ng isang tao.
17. Alin ang HINDI nagpapakita ng pagsusulong ng mga patakaran sa Artikulo II ng Saligang Batas na nagpapaliwanag
ng mga gampanin ng estado sa pagbibigay ng proteksyon ng mga mamamayan at para sa kaunlaran ng bansa?
A. Pagpapatupad ng mga programa na magpapaunlad sa sektor ng agrikultura.
B. Pagprotekta sa mga karapatan at interes ng kabataan at kababaihan.
C. Pagbigay ng mga insentibo sa mga Pilipinong siyentista, imbentor, at artista.
D. Pagtadhana ng mga hangganan ng bansang Pilipinas.

18. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang ang karapatan ng bawat isa ay maitaguyod at mapangalagaan?
A. Pagbabalewala sa karapatan ng mga kababaihan at ng LGBT community.
B. Ilegal na pagkulong ng mga kritiko at political opponents ng pamahalaan.
C. Paggamit ng police power upang matakot ang mga mamamayan.
D. Pagkilala ng pamahalaan sa mga karapatan ng lahat ng sektor sa lipunan.

19. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa mga karapatang sibil at politikal MALIBAN sa isa.
A. Represyon ng media B. Extrajudicial killing
C. Demolisyon D. Illegal detention

20. Ito ay tumutukoy sa aspetong kultural na pagtatalaga kung ano ang para sa mga babae at lalake.
A. Kasarian B. Seksuwalidad
C. Kultura o Tradisyon ng Lipunan D. Relihiyon

21. Anong salik ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian dahil sa pag-aangkop ng kakayahan
ng tao sa kaniyang panlabas na kaanyuan?
A. Relihiyon B. Kakayahang Pisikal
C. Kultura o Tradisyon ng Lipunan D. Wala sa nabanggit

22. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng isang patriyarkal na lipunan MALIBAN sa isa.
A. Pamumuno ng kalalakihan
B. Pagpapamana ng mga ari-arian sa mga anak na lalaki
C. Pagiging taga-suporta ng kalalakihan sa kanilang mga asawa
D. Pagdedesisyon ng mga kalalakihan sa mga usaping pampamilya

23. Ang mga inaasahan na gampanin ng isang tao batay sa kaniyang kasarian at mga paniniwala ng lipunan na kaniyang
ginagalawan ay tinatawag na _________________.
A. Gender Role B. Gender Identity
C. Sexual Orientation D. Gender Discrimination

24. Makikita pa rin ba sa kasalukuyan ang pagkakaiba ng tradisyunal na gampanin ng kalalakihan at kababahihan?
A. Opo, dahil ito ay tradisyon na ng lipunan.
B. Opo, dahil ekslusibo lamang sa isang kasarian ang bawat gampanin.
C. Hindi po, dahil wala namang pagkakaiba sa gampanin ng kalalakihan at kababaihan.
D. Hindi po, dahil maari na ring gampanan ng ibang kasarian ang mga gampanin na dating eksklusibo lamang sa
isang kasarian.

25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng katayuan ng mga miyembro ng LGBTQ+ sa kasalukuyan?
A. Sa mas maraming bansa at rehiyon ay malaya nang nakagagalaw ang mga miyembro ng LGBTQ+ community.
B. Nasa proseso pa rin ng pakikipaglaban para sa pagtanggap ng kanilang lipunan at sa pakikipaglaban para sa
kanilang karapatan ang mga miyembro ng LGBTQ+ community.
C. Nakamit na ng mga miyembro ng LGBTQ+ community ang kanilang hangarin na matanggap ng kanilang lipunan
at makuha ang mga karapat na kanilang ipinaglalaban.
D. Lahat ng nabanggit

26. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng katayuan ng mga kababaihan sa kasalukuyan?
A. Pantay na ang karapatan ng kababaihan at kalalakihan sa lahat ng bansa.
B. Hindi pa rin malaya na maging bahagi ng iba-ibang institusyon ng lipunan at magkaroon ng mga karapatan na
kapareho sa mga kalalakihan ang mga kababaihan sa karamihang bansa.
C. Malaya nang maging bahagi ng iba-ibang institusyon ng lipunan at magkaroon ng mga karapatan na kapareho sa
mga kalalakihan ang mga kababaihan sa karamihang bansa.
D. Lahat ng nabanggit

27. Ano ang batas na naglalayong proteksiyunan ang mga kababaihan at kabataan laban sa pang-aabuso at karahasan?
A. Batas 9266 B. Batas 9662
C. Batas 9622 D. Batas 9262
28. Sa anong bansa inaasahan ang mga kalalakihan na mabigyan ng maayos na buhay ang mga kababaihan?
A. Lumang Tsina B. Pransiya
C. Lumang India D. Pilipinas

29. Ang mga sumusunod na bansa ay nanguna sa pagbibigay ng karapatan sa mga kababaihan na bumoto at maiboto
MALIBAN sa isa.
A. Australia B. Germany
C. India D. Russia

30. Alin sa mga sumunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Ekonomik na pang-aabuso?


A. Pananakit ng nobyo ni Juliana
B. Ang masakit na pananalita ni Jonathan
C. Pagpilit ni Elias kay Salome na magkaroon ng seksuwal na gawain
D. Ang hindi pagpayag ni Jerome na magtrabaho si Julie kahit gusto niya ito

31. Paano mapapanatili ang kaligtasan ng mga kababaihan at kabataan na biktima ng pang-aabuso ayon sa Batas 9262?
A. Pagsusumbong sa guro
B. Pagpopost sa social media
C. Pagbibigay ng protection order
D. Pagsuspende sa suspek sa kanyang trabaho

32. Paano hinahatulan ang taong lumabag sa Batas 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act?

I. Pagkakakulong
II. Pagbabayad ng hindi bababa sa Php 100,00 at hindi tataas sa PhP 300,00
III. Pagkabilanggo ng dalawang (2) taon
IV. Sasailalim sa Psychological counseling
A. I, II, III B. II at III C. III at IV D. I, II, IV
33. Anong batas ang may layunin na magkaroon ang kababaihan ng karapatang makapagdesisyon patungkol sa kanilang
kalusugan at pagpapamilya?
A. CEDAW B. RA 9262
C. RA 9710 D. RA 10354

34. Ang mga sumusunod ay ang mga saklaw ng batas na Magna Carta of Women MALIBAN sa isa.
A. Lahat ng babaeng Pilipino
B. Marginalized Women
C. Iba’t ibang kasarian
D. Women in especially difficult circumstances

35. Alin sa mga sumusunod na batas ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduhan na kumprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan?
A. CEDAW B. RA 9262
C. RA 9710 D. RA 10354

36. Anong batas ang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa ano mang aspeto ng
buhay?
A. CEDAW B. RA 9262
C. RA 9710 D. RA 10354

37. Sa batas na CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women, sino ang dapat
na magkaroon ng kalayaan na makisali sa mga gawaing panlipunan?
A. Kababaihan B. Kabataan
C. Kalalakihan D. Matatanda

38. Si Gina ay isa sa dalawang babaeng kasapi nang isang kooperatiba. Sa kanilang pagtitipon ay hindi tinanggap at
pinakinggan ang kaniyang mga makabuluhang suhestiyon. Ano sa tingin ninyo ang batas na nalabag ng iba pang mga
kasapi?
A. Anti-Violence Against Women and Their Children
B. Anti-Child Pornography Act
C. Magna Carta of Women
D. Reproductive Health Law
39. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng pagpasok ng mga kababaihan sa prostitusyon?
A. Kahirapan B. Kakulangan ng trabaho
C. Kalidad ng edukasyon D. Problema sa pamilya

40. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa legal na kasalan ng magkaparehas na kasarian na kung saan ay kinikilala
sila sa mata ng tao at pati na rin sa mata ng batas?
A. Same Sex Marriage B. Sam Sex Wedding
C. Same Sex Relationship D. Same Sex Union

Panuto: Unawain at basahin nang mabuti ang sumusunod na talata.

Si Ana at Alberto ay siyam na taon ng nagsasama bilang magkasintahan. Nasa tamang edad na sila parehas para
magpakasal at napagpasyahan nilang magpakasal pagdating ng kanilang ikasampung anibersaryo. Ngunit, makalipas
ng tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal ay nagtaksil si Ana sa kaniyang asawa at sumama sa ibang lalake. Dahil
sa pangyayaring ito ay napag-isipan ni Alberto na tuluyan nang makipaghiwalay kay Ana dahil sa pagtataksil na
kaniyang ginawa.

41. Alin sa mga sumusunod na mga batas ang nararapat isampa ni Alberto para tuluyan na silang maghiwalay at mawalan
ng karapatan si Ana sa kanilang ari-arian?
A. Declaration of Nullity of Marriage (Art. 35-38, 53 of Family Code)
B. Annulment of Marriage (Art. 45-47 of Family Code)
C. Declaration of Voidable Marriage (Art. 12-17 of Family Code)
D. Legal Separation (Art. 55-63 of Family Code)

42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI parte ng grounds para mag sampa ng Annulment of Marriage?
A. Pagtataksil sa asawa o infidelity
B. Walang parental consent
C. Walang pisikal na kakayahan na makipag talik
D. May sakit na nakukuha sa pakikipagtalik o tinatawag na STD

43. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa mga dahilan kung bakit hindi pa naisasabatas ang same sex marriage sa Pilipinas
MALIBAN sa isa.
A. Ang bansa ay binubuo ng malaking populasyon ng mga Katoliko.
B. Hindi ito kagustuhan ng mga miyembro ng LGBTQ community.
C. Hindi pa tuluyang bukas ang puso at isipan ng mga Pilipino upang tanggapin ang pagsasabatas nito.
D. Ito ay labag sa Family Code ng Pilipinas.

44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga suliranin na kinakaharap ng mga miyembro ng LGBTQ
community?
A. Diskriminasyon B. Pang-aabuso
C. Hindi pantay-pantay na Karapatan D. Depresyon

45. Ang mga sumusunod na paraan ay makakatulong upang masolusyonan ang isyu ng prostitusyun sa bansa MALIBAN
sa isa.
A. Pagbibigay edukasyon sa masasamang dulot ng prostitusyon tulad ng HIV or AIDS awareness
B. Pagbibigay ng mga contraceptive pills
C. Pagkakaroon ng maraming opportunidad sa trabaho
D. Pagbibigay kaalaman o kamalayan sa mga masasamang dulot ng prostitusyon

46. Alin sa mga sumusunod ang nakapagbigay ng pampublikong edukasyon na libre at malaya sa impluwensiya ng kahit
anong institusyon sa Pilipinas?
A. Panahon ng pananakop ng Hapon
B. Rebolusyonaryong pamahalaan
C. Panahon ng pananakop ng Amerikano
D. Sa ilalim ng Republika ng Pilipinas

47. Alin sa mga sumusunod na kakayahan ang HINDI na muling sinanay ng mga Pilipino nang dumating ang mga Kastila
sa bansa?
A. Pakikipagdimaan, pakikipagkalakalan, at pamamahala
B. Paggawa ng banga, paghahabi, at pagbuburda
C. Pagluluto, pagpapamilya, at pagsasaka
D. Paggawa ng palayok at basket
48. Ang panahong ito ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng pormal na edukasyon sa Pilipinas.
A. Panahon ng pananakop ng Hapon
B. Rebolusyonaryong pamahalaan
C. Panahon ng pananakop ng Kastila
D. Sa ilalim ng Republika ng Pilipinas

49. Bakit nagpadala ang kalihim ng ng 600 na Amerikanong guro sa Pilipinas?


A. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Kastila at Amerikano
B. Nagkaroon ng kakulangan sa mga guro
C. Nagpatupad ng bagong programa na K to 12
D. Dahil pinaghinalaan ang mga Pilipino na rebelled

50. Bago pa dumating ang mga mananakop, ang mga kababaihan ay sinasanay sa mga sumusunod na gawain MALIBAN
sa isa.
A. Paghahabi at pagluluto
B. Paggawa ng palayok at basket
C. Pagbuburda at pagpapamilya
D. Pakikipagkalakalan at pakikidigma

II. Modified True or False


PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang hinihingi ng pangungusap; Kung ito ay MALI, palitan ang salitang naka
salangguhit at isulat ang tamang sagot upang maging wasto ang pahayag.

1. Ang kolektibong karapatan ay ang mga karapatan sa pag-aari ng mga indibidwal na tao sa pag unlad ng
sariling pagkatao at kapakanan.
2. Ang illegal detention ay tumutukoy sa hindi makatwiran na pagkulong sa isang indibidwal na walang
malinaw na akusasyon ng pagkakasala.

3. Ang pananakit ng ama sa kanyang anak bilang disiplina ay labag sa RA 9262.


4. Isa sa mga probisyon sa ilalim ng RA 9710 ang pagtanggap at pagsasanay sa mga kababaihan upang
maging miyembro ng iba’t ibang uri ng propesyon.

5. Maaaring tumanggi ang mga ospital at doctor na magsagawa ng legal at tamang panggagamot kahit pa
hindi pumayang ang asawa at magulang.

6. Ang Same Sex Union ay tumutukoy sa kasalan ng magparehas na kasarian na kinikilala sa mata ng tao at
pati na rin sa mata ng batas.

7. Ang kasalukuyang sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay binubuo ng kindergarten, anim na taon ng


primaryang edukasyon, apat na taon sa Junior High school, at dalawang taon sa Senior High school.

8. Nagpadala ang kalihim ng Public Instruction ng Amerika ng 600 na mga Amerikanong guro na tinatawag
na Missionaries.

9. Ang pagkilala sa mga modernong gender roles ay mabisang paraan upang maitaguyod ang pamayanang
may pag galang at respeto sa kapwa, tungo sa pagkapantay pantay.

10. Ang United Nations World Charter for Nature ay ginanap noong 1972 sa Stockholm, Sweden para bigyang
pansin ang problema ng industriyalisasyon sa kalikasan.

You might also like