You are on page 1of 1

Republic Of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES


Heritage City of Vigan, Province of Ilocos Sur

Name: Briones, Ruzzel Anjelo V. Section: BAPS – 2C


Subject: PAN 101 Date: 01/17/2023

Written Work

ACTIVITY 03: PAGSULAT NG REPLEKSYONG SANAYSAY

SUMULAT NG REPLEKSYONG SANAYSAY SA PAKSANG " ANG TUNGGALIAN NG


MAHIRAP AT MAYAMAN, NG MALIIT AT MALAKI, MAHINA AT MALAKAS, INAAPI AT
MAKAPANGYARIHAN ".

APAK NG PAGMAMAHAL
By RUZZEL ANJELO BRIONES
Sa kasalukuyang panahon, ang tunggalian ng bawat tao sa ating bansa ay
nanggagaling sa maling pagkakaintindi ng dangal at respeto. Nakakalimutan ng
ating mga mamamayan na sa hirap at ginhawa, ang sari-sarili nating paraan para
makilahok sa lipunan ay may nararapat na mga prinsipyong sinusunod. Ang
pagkakakilanlan natin sa iba’t-ibang kategorya ay walang kinalaman sa kung may
halaga ba tayo o wala. Nanggagaling ang halaga sa tamang pag-iisip at magandang
asal kaugnay sa pakikitungo sa kapwa nating Pilipino. Kaya’t sa dulo ng mundo,
hindi kailangan maging mayaman para maging masaya; malakas para manalo sa
laban; at makapangyarihan para sundin ng mga minamahal natin sa buhay. Ang
kaunting pagkukumbaba ay makakalayo na sa progreso ng ating samahan,
sapagkat dito natin maiintindihan na ang pagkatao natin ay patas lamang.

You might also like