You are on page 1of 11

TEORYANG SOSYOLINGGWISTIK

PINAGMULAN NG SALITANG SOSYOLINGGWISTIK

Binuo lamang sa loob ng nakaraang limampung taon. Ang salitang


Sosyolinggwistik ay nilikha noong 1939 ni Thomas C. Hudson, sa pamagat ng kanyang
articule “Sociolinguistics in India”.

1960s naging sikat ang pag-aaral ng sociolinguistics at nagkaroon ito ng


dalawang pamagat: sociolinguistics at ang sosyolohiya ng wika. Sa katapusan
nagkaroon ng kaibahan ang dalawa, ang sosyolohiya ng wika ay humahawak sa mga
paliwanag at hula sa mga ganap na wika sa iba’t-ibang antas ng grupo. 

Teoryang Sosyolinggwistik- pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang


panlipunang phenomenon.

-nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang


indibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o
grupo. At dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa
iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon.

Ayon kay (Constantino, 2000) sa aklat ni Santos, et al. 2010, ang


sosyolinggwistikong teorya ay ang ideya ng paggamit ng heterogenous ng wika dahil sa
magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan,
interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang
simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang
sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa, isang pagsama-sama ng
mga anyo sa isang nagkakaibang cultural at sosyal na mga gawain at grupo.

Ayon naman sa pagtatalakay sa dyornal na inilathala ng Shiffield Academy sa


United Kingdom, ang sosyolinggwistika ay ang pinagsamang pag-aaral ng
sosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-uugnay ang wika at ang lipunan:

Sociolinguistics is the study of the relationship between language and


society. Sociolinguistics can help us understand why we speak differently
in various social contexts, and help uncover the social relationships in a
community.
(http://sites.google.com/a/sheffield.ac.uk/aal2013/branches/sociolinguistics/what-
is-sociolinguistics).

Ayon dito malaki ang tulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan
kung bakit may iba-ibang wikang ginagamit ang isang lipunan. Kung saan ang
sosyolinggwistika ay ang teoryang nagsasaad ng ugnayan ng wikang ginagamit ng mga
tao sa isang particular na lugar at malinaw na naglalarawan ng mga kalagayan ng tao
dito.

Ayon naman kay Saussure (1915), ang teoryang sosyolinggwistik ay teorya na


batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.

Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na


ang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.

Ayon naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa


sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang
kolektibo o pangkat.

AYON SA UP DIKSYONARYONG FILIPINO

Ang lipunan ay tumutukoy sa malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang


set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo
at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.

Ayon sa aming nakitang pananaliksik tungkol sa Teoryang Sosyolinggwistik sa


isang nilathalang Tesis ni Berly J. Lebrita (Mayo, 2016).

Ang layunin niya sa pag-aaral na ito ay suriin ang implikasyong


Sosyolinggwistikal ng mga tulang Filipino sa Bagwis at malikom, matukoy at masuri ang
paksa at mensahe ng mga tula gamit ang Teoryang Sosyolinggwistik.

Natuklasan ng mananaliksik na ang mga tulang Filipino sa Bagwis ay mayroong


mga paksang nauugnay sa pamumuhay ng bawat tao kahit sila ay may iba’t ibang
relihiyon at prinsipyo. Karamihan sa mga paksang ito ang tumatalakay sa pagiging
mabuting tao o ang magandang pag-aasal, kapayapaan, nagbibigay puna sa mga
baluktot na pag-uugali ng mga tao.

Ang Bagwis ay may malaking papel na ginagampanan lalo na sa mga tulang


naisulat na dito. Ito ang nagiging talaan ng mga nangyayari sa lipunang sakop nito mula
sa simpleng damdaming nararamdaman ng sumusulat hanggang sa mga masalimuot
na pangyayari sa lipunan.

Iminumungkahi ng mananaliksik na magkaroon ng dagdag na pag-aaral tungkol


sa kalagayan ng Bagwis sa kasalukuyan; magkaroon pa ng mas malalim na pag-aaral
gamit ang teoryang Sosyolinggwistikal at mapag-aralan pa ang ibang genre ng
panitikan katulad ng maikling kwento at Sanaysay sa Bagwis.
KATUTURAN NG MGA TERMINO NG TESIS NA ITO.

Ang pag-aaral na ito ay may mga terminong dapat bigyang pansin upang maging
madali ang pag-aaral na ito.

Tula- ay isang komposisyon (ng mga salita sa tugma o sa tuluyan/prosa) na may


katangi-tanging kariktan ng kaisipan at ng lenggwahe (Estareja, 2007).

Sa pag-aaral na ito ang tula ay tumutukoy sa mga tulang Filipino na naisulat sa


Bagwis na susuriin sa pag-aaral na ito.

Sosyolinggwistika- ay isang larangan na nakatuon sa paggawa ng pag-aaral sa


ugnayan ng wika at lipunang siyang gumagamit nito (Santos, et al. 2010).

Sa pag-aaral na ito ang sosyolinggwistika ay ang basehan ng mananaliksik sa


pagsusuri ng mga tula.

Bagwis- ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Mindanao State


University- General Santos City (bagwisonline.webs.com).

Sa pag-aaral na ito ang Bagwis ay ang pahayagan na pagkukunan ng mga


akdang susuriin ng mananaliksik.

Paksa- ang pinag-uusapan o tinatalakay sa isang akda (Almario, 2010).

Sa pag-aaral na ito ay tinutukoy ng mananaliksik ang paksa ng mga tula sa


Bagwis.

Mensahe- ay ang diwang nais ipabatid o iparating. Maaari din nangangahulugan


itong katuturan o kabuuan (Almario, 2010).

Sa pag-aaral na ito ay tinutukoy ng mananaliksik ang mensaheng nakapaloob sa


mga tula sa Bagwis.

Gumamit ng teoryang sosyoliggwistika ang mananaliksik kung kaya isa itong


malaking basehan sa pag-aaral ng mga tula sa Bagwis.

Pangkalahatang Pamamaraan ng mananaliksik sa pagsusuri ng Tula sa Bagwis.

Lahat ng mga tulang nakalap ay sinuri ng mananaliksik. Pagkatapos na makalap


ang mga tula ay sinimulan na ang pagbasa at pagsuri sa paksa, mensahe at
implikasyong sosyolinggwistikal.

Pagkatapos na masuri sa implikasyong sosyolinggwistikal ang mga tula ay


tutukuyin na ng mananaliksik ang tunay na kalagayan ng tulang Filipino sa Bagwis at
ang paksa at mensaheng nais iparating ng may-akda.
Halimbawa ng pagsusuring ginawa ng mananaliksik sa mga Tula sa Bagwis:

1. Sayaw ng Mindanaw
ni: Camille Grace Tapec
A.Y. 2014-2015 (Oktubre-Marso)

Niyog ang tanging hiling, hawak ang pathaw


Ang dagta nitong pinakamamahal na dugong bughaw
Nalapatan ng makulay na sapat ng kapakinabangan
Na nagsilbing lamat, at tinakpan ang katuturan
Taong lunod sa kahinaan ngunit balot ng katapangan
Sisirin mo ang dagat ng makapal na dugo
Pahiran mo ng pilyego, ang sugatang pulo
Upang mailigtas ang mga nakakaawang sangkot
Sa engkwentrong, sayawan ng lirikong paikot-ikot
Na ang tanging hangad lamang ay kapirasong bunot

Bungang inaasahan na magkaloob ng katarungan


Gayunpaman ay nagbigay ng daan sa karahasan
Dahilan ng pag-amoy ng napakabahong kahirapan,
Na kahit takpan pa natin ang mga sugat ng katotohanan,
‘Di alintana ang nakakaawang kahihinatnan ng ating bayan

Ligaw na bala ng ugat ay di lasap ng mga Pilipino


‘Di maipangalandakan ang kapayapaan na nakakalito
Mabuhay ka pa rin bang tukuyin, oh Pilipino?
Nahati sa dalawa ang pintig ng nasyonalismo

Paksa: Kaguluhan sa Mindanao.

Paliwanag: Maraming Pilipino ang naglalaan at nakararanas ng kahirapan. Kaya ito rin
ang dahilan kung bakit hindi natin makamit ang kapayapaan. Ang kawalan ng
kapayapaan hindi lamang sa Mindanao ngunit pati na rin sa inang Pilipinas.

Patunay: Saknong II

Sisirin mo ang dagat ng makapal na dugo


Pahiran mo ng pilyego, ang sugatang pulo
Upang mailigtas ang mga nakakaawang sangkot
Sa engkwentrong, sayawan ng lirikong paikot-ikot
Na ang tanging hangad lamang ay kapirasong bunot

Mensahe: Hindi mawawala ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao maging sa


buong bansa hanggang hindi nagkakaisa ang bawat Pilipino.
Paliwanag: Nakakalimutan na ng iba na kahit magkaiba ang mga tribo na naririto at
nasasangkot sa karahasan at kahirapan ay mga Pilipino pa rin na naghahanap ng
nasyonalismo.

Patunay:

Saknong IV

Bungang inaasahan na magkaloob ng katarungan


Gayunpaman ay nagbigay ng daan sa karahasan
Dahilan ng pag-amoy ng napakabahong kahirapan,
Na kahit takpan pa natin ang mga sugat ng katotohanan,
‘Di alintana ang nakakaawang kahihinatnan n gating bayan

Saknong V

Ligaw na bala ng ugat ay di lasap ng mga Pilipino


‘Di maipangalandakan ang kapayapaan na nakakalito
Mabuhay ka pa rin bang tukuyin, oh Pilipino?
Nahati sa dalawa ang pintig ng nasyonalismo

Implikasyong Sosyolinggwistikal:

Ang pagbanggit ng mga salitang “Kahirapan”, “Karahasan”, at “Katarungan” ay


patunay na sa panahong ito ang lipunan ay may nararanasaang kaguluhan. Kung kaya
ang bawat isa particular na sa Mindanao ay naghahanap ng kapayapaan.

2. MSU COMFORT ROOM


ni: Shella Mae Pajota
A.Y. 2013-2014 (Nobyembre-Marso)

Kapuri-puri ka sa aming paningin


Bawat gusali ika’y agaw pansin
Tao’y laging ikaw ang hinahanap
Tawag ng kalikasan sa iyo’y pinapalasap

Sa pag-ihip ng hangin ako’y napapatihin


Sikmura’y napabaliktad ng mapatingin
O sadyang kay lakas ng iyong dating
Sa aking sikmurang hindi namakakain

Sa guni-guni aking pinangarap


Pagpasok sayo sana’y matanggap
Ang kabulukang taglay sana’y di mabatid
Itong diwa ko’y sana’y di mabatid

Sa tuwing ako’y nangangailangan ika’y naririyan


Laging handing ialay ang iyong kahinaan
Para sa kapakanan ng karamihan
Taglay mong bait na walang kapantay
Kaya pang-aabuso sayo’y walang humpay

Noo’y halimuyak ng Rosas ang iyong taglay


Ngunit nang lumaon ito’y nagiging amoy patay
Kailan kaya mapawi ang aming lumbay
Paghahangad ng katarungan sa iyong pagkamatay
Sana’y hustisya ay maibigay
Upang sikmura ko’y di na bumigay

Paksa: Pang-aabuso sa isang bagay o lugar na parte ng kalikasan.

Paliwanag: Ang isang pampublikong lugar katulad ng palikuran ay madalas na


nagiging marumi. Ito ay dahil na rin sa iba’t ibang taong gumagamit ng hindi wasto at
nang-aabuso nito.

Patunay:

Saknong I

Kapuri-puri ka sa aming paningin


Bawat gusali ika’y agaw pansin
Tao’y laging ikaw ang hinahanap
Tawag ng kalikasan sa iyo’y pinapalasap

Saknong II

Sa pag-ihip ng hangin ako’y napapatihin


Sikmura’y napabaliktad ng mapatingin
O sadyang kay lakas ng iyong dating
Sa aking sikmurang hindi namakakain

Mensahe: Tayo rin ang maapektuhan ng mga pang-aabuso natin sa isang bagay o
lugar na parte ng kalikasan.

Paliwanag: Ang mga ginagawa nating pang-aabuso sa isang lugar o bagay na parte ng
kalikasan ay babalik rin sa atin. Tayo rin ang maghihirap at maaapektuhan nito.
Patunay:

Saknong IV

Sa tuwing ako’y nangangailangan ika’y naririyan


Laging handing ialay ang iyong kahinaan
Para sa kapakanan ng karamihan
Taglay mong bait na walang kapantay
Kaya pang-aabuso sayo’y walang humpay
Saknong V

Noo’y halimuyak ng Rosas ang iyong taglay


Ngunit nang lumaon ito’y nagging amoy patay
Kalian kaya mapawi an gaming lumbay
Paghahangad ng katarungan sa iyong pagkamatay
Sana’y hustisya ay maibigay
Upang sikmura ko’y din a bumigay

Implikasyong Sosyolinggwistikal:

Ang Rosas ay ginamit ng may-akda na salita na sumisimbolo sa “MSU- Comfort


Room”. Mapapansing ang “Rosas” ay kilalang- kilala naiuugnay sa kultura ng mga
mambabasa at manunulat. Sapagkat ang rosas ay may magandang imahen sa mga
tao. Ngunit ito rin ang ginamit niyang pamukaw ng pansin ng mga taong nasasangkot
sa lugar na ito. Kung kaya ang kakikitaan ng simpleng pamumuhay ang lipunang
kinasasakupan ng tula sapagkat hindi gumamit ang may-akda ng mga bulgar at
mararahas na salita.

3. Luha
ni: Beilaveach
A.Y. 2011-2012 Hunyo-Oktubre

Walang humpay silang


Nagsipagbagsakan
Inihahatid ba sila ng
Kalangitan?
Bumagsak sa
Katahimikan
Hated ay mga tinik na
Walang pakundangan

Di maarok ang lalim ng kaisipan


Puso mo’y di batid
Isangguni man
Halos pukawin ko si
Kamatayan
Nanag pagdaloy ay mapigilan

Bakit nga ba hindi ko matanggap


Naglahong init ng
‘yong mga yakap
Tamis ng halik ‘di na lasap
Animo’y hayop na
Mailap

Muli ako’y nangamba


Dumungaw sila sa
‘king mga mata
Batid kong kahinaan
Ang taglay nila
‘wag muna at andiyan
Pa siya

Anung pigil ang


Aking gawin
Pagtangis di kayang
Hawiin
Tuluyang pinalaya na
Rin
Tigang na lupa, sila’y inangkin

Paksa: Kalungkutan at pagluha dahil sa pagmamahal.

Paliwanag: Ang pagluha ng isang tao ay hindi maiiwasan. At ito ay may iba’t ibang
dahilan. Isa na rito ang pagmamahal sa kapwa na minsan ay hindi nagtatagumpay.

Patunay: Saknong I

Walang humpay silang


Nagsipagbagsakan
Inihahatid ba sila ng
Kalangitan?
Bumagsak sa
Katahimikan
Hated ay mga tinik na
Walang pakundangan

Mensahe: May mga nangyayari sa ating buhay na hindi natin kontrolado.


Paliwanag: Ang pagkawala ng isang minamahal at ng kanyang mga paglalambing ay
nagdudulot ng kapighatian na humahantong sa pag-agos ng mga luha.

Patunay:

Saknong III

Bakit nga ba hindi ko matanggap


Naglahong init ng
‘yong mga yakap
Tamis ng halik ‘di na lasap
Animo’y hayop na
Mailap
Saknong IV

Muli ako’y nangamba


Dumungaw sila sa
‘king mga mata
Batid kong kahinaan
Ang taglay nila
‘wag muna at andiyan
Pa siya
Saknong V

Anung pigil ang


Aking gawin
Pagtangis di kayang
Hawiin
Tuluyang pinalaya na
Rin
Tigang na lupa, sila’y inangkin

Implikasyong Sosyolinggwistikal: Ang mga salitang makikita sa tula ay hindi bulgar


at pawang mga salitang payak lamang ngunit mapapansin na ginamit niya ang mga
“kalangitan”, “katahimikan”, “kamatayan” at “kahinaan” na naglalarawan na ang lipunan
sa panahong ito ay may pagkanararamdamang pighati at kalungkutan.

4. Simple Lang
ni: Marshien Calamonte, PUP
A.Y. 2011-2012 Nobyembre- Marso

Ako’y simpleng tao


Tagumpay ay hangad ko,
Pangarap na maging guro
Pagsusumikapang makamit ko

Sarili’y maihahambing
Sa pagong na walang tulin,
Ngunit kahit na mahina’y
Determinado pa rin,

Magulang ko’y gabaay


Tungo sa magandang buhay
Mga katangiang taglay
Tulong na sa tagumpay,

Namanang kasipagan
Aking pahalagahan
Upang sa tuwina’y maging
Modelo sa kabataan.

Paksa: Pangarap ng isang tao.

Paliwanag: Ang bawat isa sa atin ay may isang pangarap na minsan ay simple lamang
ngunit malaki ang naidudulot nito sa ating buhay. Sa simpleng pangarap lamang nag-
uumpisa ang lahat.

Patunay:

Saknong I

Ako’y simpleng tao


Tagumpay ay hangad ko,
Pangarap na maging guro
Pagsusumikapang makamit ko
Saknong II

Sarili’y maihahambing
Sa pagong na walang tulin,
Ngunit kahit na mahina’y
Determinado pa rin,

Mensahe: Ang pagkamit sa pangarap ay nangangailangan ng gabay at kasipagan.

Paliwanag: Katulad ng munting musmos na nangangarap, ang isang tao ay


nangangailangan rin ng gabay para sa pagkamit ng simpleng pangarap na ito.
Patunay:

Saknong III

Magulang ko’y gabaay


Tungo sa magandang buhay
Mga katangiang taglay
Tulong na sa tagumpay,
Saknong IV

Namanang kasipagan
Aking pahalagahan
Upang sa tuwina’y maging
Modelo sa kabataan.

Implikasyong sosyolinggwistikal: Ang salitang ginamit ng may-akda katulad ng sa


pamagat ng tulang “Simple Lang” at ang pagbanggit ng “ako’y simpleng tao” ay patunay
lamang na ang lipunan sa panahong ito ay kakikitaan ng payak na pamumuhay at may
positibong pananaw sa buhay.

You might also like