You are on page 1of 33

School Quarter/Week FIRST QUARTER / WEEK 3

Teacher
Weekly Grade Level GRADE 3 – ILANG-ILANG Date September 5-9, 2022
Learning Areas ESP, ENGLISH, AP, MATH, Time 6:00 A.M – 12:00 NN
Learning
FILIPINO, MAPEH, MTB, SCIENCE
Plan Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday
Classroom-Based Classroom-Based Classroom-Based Home- Based Activities Home- Based Activities
Activities Activities Activities

Day & Time Learning Area Objective/s Topic/s Classroom-Based Activities

Monday- September 05, 2022


5:45-5:50 HANDWASHING
5:50-6:20 Edukasyon Sa Napahahalagahan ang Pagpapahalaga sa Pamamaraan:
Pagpapakatao kakayahan sa paggawa Paggawa
A. Panimula:
Tinukoy mo at ipinakita sa nakaraang aralin ang mga natatangi mong kakayahan o talento.
Nalaman mo na kaliangan mong magsanay upang lalo pang humusay.
Ngayon naman, pag-aaralan mo ang iba’t ibang gawaing maaari mong gawin. Kahit bata ka pa ay
may maitutulong ka sa iba.
B. Pagpapaunlad:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Tingnan ang larawan. Ano ano ang iyong nakikita? Ano ang masasabi mo sa batang nasa larawan?
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

C. Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng
tsek (/) ang patlang kung kaya itong gawin ng batang tulad mo. Lagyan naman ng ekis (X) kung
hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____1. maghugas ng gamit sa kusina
_____2. magligpit ng mga laruan
_____3. magluto ng ulam na mag-isa
_____4. tumulong sa pag-aabot ng gamit
_____5. magkumpuni ng sira sa bahay

C. Paglalapat

Paglalahat:
Maliban sa pagkakaroon ng espesyal na talento, may mga ordinaryong gawain na kaya mong
gawin. Ito ay ang mga simpleng gawaing bahay na maaari kang makatulong. Mas mainam na
mayroong kang pagkukusa sa pagkilos. Hindi ka na
dapat naghihintay na utusan upang gawin ang isang bagay na kaya mo.
Pagtataya:
Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga kakayahan na kaya mo nang gawin at ekis (X) kung hindi mo
pa ito
kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat anginyong sagot sa papel.
__1. Maglaro ng chess
__2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit
__3. Tumula sa palatuntunan
__4. Sumali sa field demonstration
__5. Sumali sa panayam/interview

Takdang Aralin:

Pag-isipan mo ang tanong na ito.


“Paano ko mapauunlad at magagamit ang akingangking kakayahan?”
Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay naito o gumuhit ng isang katumbas ng talata.
6:20-7:10 English Use different kinds of sentences Kinds of Sentences A. Introduction:
in a dialogue (e.g. declarative, This lesson focuses on how to compose four kinds of sentences. At the end of the lesson, you are
interrogative, exclamatory, expected to write dialogues to demonstrate the use of, these kinds of sentences: declarative,
imperative) interrogative, exclamatory and imperative.

Sentences – is a group of words and phrases that expresses a complete thought or idea. It has
subject and a predicate. We use sentences when we speak, read, and write.

Four (4) Kinds of Sentences


1. Declarative sentence states an information or statement about something. It begins with a
capital letter and ends with a period (.). Example: The soldiers fought for our country. 2.
Interrogative sentence is called an asking sentence. It asks information or statement about
something. It begins with a capital letter and ends with a question mark (?). Example: When is your
birthday?
3. Imperative sentence asks someone to do something. It begins with a capital letter and ends with
a period (.). Example: Kindly remove your shoes before entering the room.
4. Exclamatory sentence expresses strong feelings. It begins with a capital letter and ends with an
exclamation mark (!). Example: Mother! The child has a fever.

B. Development
Learning Task 1: Select the letter that matches the pictures and dialogues. Write your answers in
your notebook.

_____1. Your house is beautiful.


_____2. Oh! The house is burning.
_____3. Please call for help.
_____4. Hurry! Put out the fire.
_____5. Kid, are you alright?

C. Engagement

D. Assimilation
Learning Task 3 : Identify the kind of sentence used in each statement. Write your answer in your
notebook. _________1. What can you say about Batangas?
_________2. Batangas has the best beaches.
_________3. Go snorkeling to learn new things about aquatic life.
_________4. Amazing! Sea creatures are really interesting!
_________5. Try scuba diving next time.

7:10-7:50 Nasusuri ang kinalalagyan Kinalalagyan ng Pamamaraan:


Araling Panlipunan ng mga lalawigan ng mga Lalawigan sa
A.Panimula:
sariling rehiyon batay sa Rehiyon Batay sa Ang araling ito ay naglalayon na maipamalas mo ang pag-unawa sa kinalalagyan ng mga lalawigan
mga nakapaligid dito gamit Direksiyon sa rehiyong iyong kinabibilangan at ayon sa katangiang heograpikal nito. Inaasahang masusuri mo
ang pangunahing direksiyon ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay sa edad,
(primary direction) kasarian etnisidad at relihiyon.

Tumawag ng isang bata at patayuin sa gitna ng klase habang nakaharap sa pisara.

Ano-ano ang mga bagay sa harapan ng inyong kaklase? Sa kanyang likuran? Sa kanan? Sa kaliwa?

B. Pagpapaunlad:
Basahin at unawain ang talata sa ibaba.
Makikita sa mapa ang pangunahin at pangalawang direksiyon at ang distansiya ng mga lugar sa
isa’t isa. Upang mas madali mong matukoy ang kinalalagyan ng isang lugar, kailangan mong pag-
aralan at maintindihan ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon. Kung ang lugar ay nasa
pagitan ng hilaga at silangan, sinasabing ito ay nasa hilagang–silangan (HS). Kung ang lugar ay
nasa pagitan ng timog at silangan, ang kinaroroonan nito ay nasa timog-silangan (TS). Samantala,
ang direksiyon sa pagitan ng timog at kanluran ay timog-kanluran (TK). Hilagang-kanluran (HK)
naman ang nasa pagitan ng hilaga at kanluran. Masdan ang compass rose na may pangunahin at
pangalawang direksiyon.

Saan ba matatagpuan sa mapa ang iyong lalawigan? Paano tutukuyin ang lokasyon ng mga karatig-
lalawigan sa CALABARZON?

C. Pakikipagpalihan
Basahin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin dito ang pananda para sa hilagang-kanluran?
A. HK B. HS C. TK D. TS
2. Bawat mapa ay may simbolo o sagisag na palaging nakaturo sa direksiyong
_________________.
A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog
3. Madaling hanapin ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng paggamit ng
__________________.
A. guhit B. larawan C. mapa D. panturo
4. Ano ang ibang tawag sa pangunahing direksiyon?
A. Bisinal B. Cardinal C. North Arrow D. Ordinal
5. Ang pangalawang direksiyon ay tinatawag ding __________. A. Bisinal na direksiyon B.
Cardinal na direksiyon C. North Arrow D. Ordinal na direksiyon

D. Paglalapat

Paglalahat:
Mahalaga ang direksyon sa pagsasabi ng lokasyon ng iba’t- ibang lugar. Ang kaalaman dito ay
nakatutulong sa mga manlalakbay. Ang apat na mga pangunahing direksyon ay ang hilaga,
kanluran, timog at silangan. Sa pagitan ng mga pangunahin na direksyon, matatagpuan ang mga
pangalawang direksyon.

Pagtataya:
Gamit ang mapa ng Rehiyon IV-A CALABARZON sa ibaba, sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Takdang Aralin:

Ang pag-alam ba ng lokasyon ng iba’t ibang lugar sa pamayanan ay tanda ng pagpapahalaga mo sa


pook na tinitirhan? Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
7:50-8:40 Math Gives the place value and Place Value and Pamamaraan:
value of a digit in 4- to 5- Value of a Digit in
A. Paninimula
digit numbers. 4 to 5 Digit Ang bilang na ginagamit sa panahon ngayon ay gumagamit ng simbolo. Ang bilang na
Numbers. ipinapakita sa simbolo ay tinatawag na digits. Ang puwesto ng bawat digit sa bilang ay
mayroong katumbas na value sa place value.
B. Papapaunlad:
Tingnan mo ang place value chart sa ibaba at pag-aralan kung paano ipinakita ang bilang na
12,549.

Ang value ng 1 sa ten thousands place ay 10,000. Ang value ng 2 sa thousands place ay 2000.
Ang value ng 5 sa hundreds place ay 500. Ang value ng 4 sa tens place ay 40 at 9 naman sa
ones place.

Maaaring isulat ang bilang na 12,549 sa expanded form. Halimbawa: 10,000 + 2000 + 500 +
40 + 9 = 12,549.

C. Pakikipagpalihan
Ibigay ang place value at value ng mga digits na nasa unahan. Isulat ang nawawalang bilang sa
iyong kuwaderno.

D. Paglalapat
Paglalahat:
Ang numero ay isang ideya o konsepto na kinakatawan ng mga 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, at 9
digits. Maaring ipakita ang mga numero gamit ang tsart ng place value. Ang bawat digit ay
may sariling value ayon sa place value ng digit. Ang mga numero ay pinapangkat sa periods o
grupo ng tatlong digits.

Pagtataya:
Basahin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kuwaderno.

Takdang Aralin:

Sagutin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Sa pahina 9 ng Module


8:40-9:30 Filipino Natutukoy ang mga salitang Pagtukoy sa mga Pamamaraan:
magkakatugma salitang
magkakatugma A.Panimula:
Itanong Ano ang ginawa mo kagabi kasama
ang pamilya mo?
Pagbabahagi ng karanasan ng mga mag-
aaral. Basahin sa mga bata ang tulang “Ang
Aming Mag-anak” sa Alamin Natin, p.7.
B.Pagpapaunlad:
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ilarawan ang pamilyang binanggit sa tula.
Paano ipinakita ng bawat isa ang pagtutulungan? Pagdadamayan?
Ganito rin ba ang iyong mag-anak?
Hayaang sagutin ito ng mga bata batay sa kanilang sariling karanasan.
Paano mo ipakikita ang pagmamahal at pagmamalaki sa sariling pamilya?
Ipabasang muli ang tula.
Ipasuri ang mga salitang may salungguhit.
Ipasulat ang mga ito sa pisara.
Ipabasa ang mga salita. Linangin ang bawat salita.

C.Pakikipagpalihan
Aling mga salita ang dapat magkakasama? Ipaliwanag ang ginawang pagsasama-sama ng mga
salita. Ano ang napansin mo sa hulihang tunog ng mga salita?
Aling mga salita ang magkakatugma?
D.Paglalapat
tanong:
Aling mga salita ang dapat magkakasama?
Ipaliwanag ang ginawang pagsasama-sama ng mga salita.
Ano ang napansin mo sa hulihang tunog ng mga salita?
Aling mga salita ang magkakatugma?
Paglalahat:
Ano-ano ang salitang magkakatugma?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin,p. 8.
Magkakatugma ang mga salita kung____________________________________.
Pagtataya:
Gumawa ng isang puno ng mga salita. Isulat ang mga salita sa bawat dahon na
ididikit sa puno. Siguraduhin na may mga salitang magkakatugma. Ipagawa ang
Linangin Natin, p. 8.
Takdang Aralin:
Sumulat ng sampung(10) salita na magkakatugma sa inyong kwaderno sa Filipino.
9:30-9:40 Break
9:40-10:20 maintains a steady beat when Pagtukoy sa mga A. Panimula:
replicating a simple series of Sukat ng Musika Ang pag-awit, pagkilos, at pagtugtog ay magkakaugnay na gawain. Maaari tayong magsagawa ng
MAPEH rhythmic patterns in measures simpleng pagkilos sa saliw ng awitin batay sa bilang ng beats na napapaloob sa isang sukat ng
(Music) of 2s, 3s, and 4s (e.g. echo awit. Maaaring magmartsa, mag-balse, o regular na paglakad ang isagawa sa saliw ng isang awit.
clapping, walking, marching,
tapping, chanting, dancing the Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga
waltz, or playing musical awit at rhythmic patterns na may dalawahan,
instruments) tatluhan, at apatang sukat.

B. Pagpapaunlad:

Paano mo malalaman na ang isang awit o


isang rhythmic pattern ay nasa dalawahan,
tatluhan, at apatang sukat?
1. Ano anong mga uri ng hayop ang makikita sa mga larawan? __________
2. Sa paanong paraan ipinangkat ang mga hayop? __________
3. Ano anong mga hayop ang ipinangkat sa dalawahan? Tatluhan? Apatan? ___________

C. Pakikipagpalihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: I-grupo ang labindalawang quarter notes na nasa kahon ayon sa
bilang na ibinigay. Pagsama-samahin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilog. Gawin
ito sa iyong kuwarderno.

D. Paglalapat
Gawain sa Pagkatutuo Bilang 3: Bilangin ang mga sumusunod na stick, quarter note, at
quarter rest. Ang bawat isang stick, quarter note at eight notes ay katumbas ng isang
bilang. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Takdang Aralin:
Lagyan ng check (  ) ang kahon na
naglalarawan ng iyong pagsasagawa ng
sumusunod na kasanayan mula sa mga
gawaing natapos. Gawin mo ito sa iyong
kuwaderno.
10:20-11:10 MTB Writes poems, riddles, chants, and Tula, Bugtong, Awit o Pamamaraan:
raps Rap
E. Panimula:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makasusulat at mababasa ng tula, bugtong, awit o
rap.

B.Pagpapaunlad:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa
kuwaderno.

1. Anong uri ng akda ang binasa?


2. Ilang linya ang bumubuo sa tulang binasa?
3. Ano ang taludtod?
4. Ano ang pagkakaiba ng tula sa ibang teksto?

F. Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula?
3. Masayahin ba ang kuting?Basahin ang saknong sa tula na nagpapahayag nito?
4. Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting?
5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag.
6. Napansin mo ba ang paraan at nilalaman ng isang tula?

D.Paglalapat

Paglalahat:
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo
ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng taludtod. Ang saknong ay ang parte ng tula na
tumutukoy sa grupo ng dalawa o higit pang mga linya o taludtod. Ang taludtod naman ay ang parte
ng tula na tumutukoy sa isang linya ng mga salita sa isang tula.
Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang sinasaad
sa pangungusap at ekis (X) nang kung hindi.
______ 1. Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin
sa malayang pagsulat.
______ 2. Ang tamang pagbasa ng tula ay may wastong bilis, tono at damdamin.
______ 3. Bawat tula ay walang kahulugan.
______ 4. Ang tula ay binubuo ng saknong.
______ 5. Ang saknong ay binubuo ng taludtod.
Takdang Aralin:
Sumulat ng isang tula na binubuo ng dalawang saknong.
11:10-12:00 Science Describe the different Mga Katangian ng Pamamaraan:
objects based on their Solid ayon sa Kulay
A. Panimula:
characteristics (e.g. shape, Anu-ano ang mga katangian ng solid?
weight, volume, ease of
low) B. Pagpapaunlad:

Pagmasadan ang mga bag ninyo? Anong katangian nito ang agad ninyong mapapansin? Bakit
ninyo ito nagustuhan?

Ang unang Katangian ng Solid ay Ang Solid ay may Kulay.

Isa sa mga pisikal na kaanyuan nito ay ang kulay. Sa tulong ng liwanag, ang iyong mga mata ang
ginagamit na organ, upang makita ang mga kulay ng bagay sa paligid katulad ng pula, dilaw, puti,
itim, asul rosas, lila at kahel.
C. Pakikipagpalihan

Sa inyong kwaderno, gumuhit ng limang bagay na makikita mo sa loob ng silid-aralan at


kulayan ito.

D. Paglalapat

Paglalahat

Ang mga solid ay may iba’t ibang kulay.

Pagtataya:
Gamit ang krayola kulayan ng kanilang tunay na kulay ang mga sumusunod na solid.
Takdang Aralin:

Gumihit ng tatlong bagay na makikita sa tahanan at kulayan ito.

Tuesday- September 06, 2022


5:50-6:20 Edukasyon Sa Napahahalagahan ang Pagpapahalaga sa Pamamaraan:
Pagpapakatao kakayahan sa paggawa Paggawa
A. Panimula:
Maliban sa pagkakaroon ng espesyal na talento, may mga ordinaryong gawain na kaya mong
gawin. Ito ay ang mga simpleng gawaing bahay na maaari kang makatulong. Mas mainam na
mayroong kang pagkukusa sa pagkilos. Hindi ka na
dapat naghihintay na utusan upang gawin ang isang bagay na kaya mo.
B. Pagpapaunlad:
Ano anong gawaing bahay ang ginagampanan mo? Tunghayan sa
kuwentong babasahin mo kung sino kina Miko at Mika ang ang nagpapakita ng pagpapahala sa
kakayahan sa paggawa.
Si Noreen Masunurin at Si Mak Maktol
J. Lopo
C. Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Unawain ang bawat pahayag mula sa kuwento. Isulat ang Tama
kung ang kilos ay pagpapakita ng kakayahan sa paggawa. Isulat ang Mali kung hindi. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
_____1. Taglay ni Noreen ang pagkukusa. Katangiang hindi na kailangang utusan upang gawin
ang isang gawain.
_____2. Ipinagpapaliban ni Mak ang pagsunod sa utos at sinasabing “sandali lang.”
_____3. Tagapag-abot ng kailangan sa pagluluto si Noreen.
_____4. Kaya na ni Noreen na paliguan ang sarili.
_____5. Lumalabas ng bahay si Mak upang maglaro kahit walang pahintulot ng ina.
C. Paglalapat

Paglalahat:
Maliban sa espesyal na kakayahan o talento, may mga ordinaryong gawaing bahay ang pwede
mong magawa. Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay na kapalit.
Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Sagutin ang mga katanungan. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sino kina Noreen at Mak ang dapat mong tularan? Bakit?
2. Ano anong mga kilos o katangian na nabasa mo sa kuwento ang hindi dapat ginagawa o
ipinakikita ng batang tulad mo?
3. Ano ano namang mabubuting gawain ang nabanggit na dapat mo ring gawin?

Takdang Aralin:
Bilang bata, ano ang inyong gagawin upang maisapuso ang mga natutunan?
6:20-7:10 English Use different kinds of sentences Kinds of Sentences A. Introduction:
in a dialogue (e.g. declarative, This lesson focuses on how to compose four kinds of sentences. At the end of the lesson, you are
interrogative, exclamatory, expected to write dialogues to demonstrate the use of, these kinds of sentences: declarative,
imperative) interrogative, exclamatory and imperative.

B. Development
a. Zed love watching the pine trees along the way.
b. I love the cold weather.
c. Is it true that Baguio is a cold place, father?
d. Would you like to have a vacation in Baguio?

What punctuation mark is


used at the end of the sentence?
- second sentence?
- third sentence?
- fourth sentence?

C. Engagement
Tell whether the following sentences are declarative or interrogative.
Write your answers on your paper.
a. The roses in the garden are red.
b. What kind of paper is this?
c. This is a linen paper.
d. The princess is beautiful
e. What is your favorite food?

D. Assimilation
Let pupils give example of declarative and interrogative sentences.
7:10-7:50 Nasusuri ang kinalalagyan Kinalalagyan ng Pamamaraan:
Araling Panlipunan ng mga lalawigan ng mga Lalawigan sa
A.Panimula:
sariling rehiyon batay sa Rehiyon Batay sa Ano-ano ang makikita sa mapa maliban sa mga simbolo o pananda na napag-aralan na natin?
mga nakapaligid dito gamit Direksiyon Mayroon ba?
ang pangunahing direksiyon
(primary direction) D. Pagpapaunlad:
May apat (4) na pangunahing direksiyon sa pagtukoy ng kinalalagyan ng isang lugar o pook. Ang
mga ito ay Hilaga (North), Timog (South), Silangan (East), at Kanluran (West).

Compass Rose – Ipinapakita nito ang cardinal na direksiyon: ang Hilaga, Timog, Silangan, at
Kanluran. Laging nakaturo ito sa Hilaga.

North Arrow – May mga mapa naman na gumagamit ng North Arrow upang ituro kung saan ang
Hilaga.

Mga Pangalawang Direksiyon o Ordinal na Direksiyon


HS – Hilagang-Silangan (Nasa pagitan ng Hilaga at Silangan)
HK – Hilagang-Kanluran (Nasa pagitan ng Hilaga at Kanluran)
TS – Timog-Silangan (Nasa pagitan ng Timog at Silangan)
TK – Timog-Kanluran (Nasa pagitan ng Timog at Kanluran)

E. Pakikipagpalihan
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang salitang inilalarawan o
binibigyan ng paliwanag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga pangunahing direksiyon ay tinatawag ding __________ na direksiyon.


2. Ang simbolo na nagpapakita ng Cardinal na direksiyon sa mapa at ginagamit ng mga scouts ay
ang __________.
3. Ang Hilagang-Silangan at Timog-Kanluran ay halimbawa ng __________.
4. Ang __________ay ginagamit sa mapa upang ituro kung saan ang Hilaga.
5. Tinatawag ding __________ ang pangalawang direksiyon.

E. Paglalapat
Paglalahat:
Mahalaga ang direksyon sa pagsasabi ng lokasyon ng iba’t- ibang lugar. Ang kaalaman dito ay
nakatutulong sa mga manlalakbay. Ang apat na mga pangunahing direksyon ay ang hilaga,
kanluran, timog at silangan. Sa pagitan ng mga pangunahin na direksyon, matatagpuan ang mga
pangalawang direksyon.

Pagtataya:
Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Saang direksiyon sumisikat ang araw?


A. Kanluran B. Silangan C. Timog D. Hilaga
2) Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapa?
A. Compass rose B. Direksiyon C. Pananda D. Simbolo
3) Ang Hilaga, Timog, Kanluran, at Silangan ay tinatawag na mga______.
A. Compass rose C. Pangunahing Direksiyon B. Pangalawang direksiyon D. Pangatlong
Direksiyon
4) Alin sa mga sumusunod ang ginagamit upang mahanap ang tamang direksiyon ng iyong
patutunguhan?
A. Compass rose B. Globe C. Mapa D. Arrow
5) Anong direksiyon ang nasa pagitan ng Hilaga at Silangan?
A. Hilagang– silangan C. Timog-silangan B. Hilagang—timog D. Hilagang-kanluran

Takdang Aralin:

Iguhit ang mga panandang ginagamit sa pagtukoy ng direksiyon. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Compass
2. Compass rose ng pangunahin at pangalawang direksiyon
3. North arrow, ilagay kung saang direksiyon ito nakaturo

7:50-8:40 Math Reads and writes numbers Pagbasa at Pagsulat Pamamaraan:


up to 10 000 in symbols and ng Bilang
E. Paninimula
in words. Hanggang 10 000 Maraming paraan kung papaano babasahin at isusulat ang bilang o numero depende sa kung
paano nakapuwesto ang digit sa place value. Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makabasa at
makapagsulat ng bilang hanggang 10,000.
F. Papapaunlad:
Pagmasda at basahin mo ang halimbawang bilang sa ibaba. Pansinin mo kung paano isinulat
sa salitang bilang at simbolo.
Sa halimbawang bilang sa itaas, mapapansin mo na unang isinulat ang 8 sa pangkat ng libuhan
sunod ang 6 sa sandaanan at iba pang digit. Gumamit din ng kuwit upang ihiwalay ang libuhan
sa kasunod na place value. Sa pagsulat naman ng bilang na simbolo mapapansin mo rin na
nagsimula ito sa libuhan o pinakamataas na puwesto ng digit sa kaliwa.

G. Pakikipagpalihan
Pagtambalin ang mga salitang bilang sa katumbas na simbolo o figure. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

H. Paglalapat
Paglalahat:
Sa pagsusulat ng salitang bilang at simbolo, magsimula sa digit/s na nasa pangkat o period ng
libuhan o ten thousands kasunod ang pangkat ng daanan o hundreds hanggang sa pangkat ng
sampuan at isahan. Lagyan ng kuwit upang ihiwalay ang libuhan sa kasunod na place value o
units period. Lagyan ng zero sa lugar ng place value na nawawala. Sa pagbabasa naman ng
bilang, magsimula sa digit/s na nasa pangkat o period ng libuhan, kasunod ang salitang libo o
thousand. kapag may zero sa gitna ng mga bilang, ituloy na basahin ang kasunod na bilang.
Pagtataya:
Isulat ang salitang bilang ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. 5 008 ____________________________________________
2. 6 702 ____________________________________________
3. 2 003 ____________________________________________
4. 9 012 ____________________________________________
5. 9 999 ____________________________________________

Takdang Aralin:

Sagutin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Sa pahina 11 ng Module


8:40-9:30 Filipino Nagagamit ang iba’t ibang bahagi Paggamit ng Iba’t Pamamaraan:
ng aklat sa pagkalap ng ibang Bahagi ng
impomasyon Aklatsa Pagkalap ng A.Panimula:
Impormasyon Ang aklat ay isang mahalagang instrumento sa iyong pagkatuto.
Ito ay naglalaman ng mga impormasyon upang madagdagan pa ang iyong
kaalaman. Ito ay may iba’t ibang bahagi na may iba’t ibang nilalaman.
Mahalagang matutuhan mo ang bawat bahagi nito upang magamit ito
nang tama.
B.Pagpapaunlad:
Basahin ang tsart tungkol sa mga Bahagi at gamit ng Aklat

G. Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong . Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Habang nagbabasa ka ng iyong aklat ay may salita na hindi pamilyar sa iyo. Saan mo maaaring
matagpuan ang kahulugan nito?
2. Ikaw ay lumikha ng isang aklat at nailimbag mo na ito. Saang bahagi ng
aklat mo maaaring ilagay ang pangalan ng naglimbag at ang petsa kung kailan ito nailimbag?
3. Ipinahahanap sa iyo ng iyong guro ang pahina ng isang paksa o aralin sa aklat dahil gusto mong
malaman ang nilalaman nito, saan mo ito maaaring mahanap?
4. Anong bahagi ng aklat ang nagbibigay-proteksiyon dito?
H. Paglalapat
Kumuha ng isang aklat ipakita sa klase ang bawat bahagi ng aklat.

Paglalahat:
Ang mga bahagi ng aklat ay Pamagat,
Paunang Salita, Talaan ng Nilalaman,
Katawan ng Aklat, Glosari, Pabalat,at Pahina ng Karapatang Sipi
Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Kumuha ng isang aklat. Sagutin ang mga
mga katanungan. Sundin ang mga iba pang direksyon. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.
1. Para sa iyo, ano ang isang aklat?
2. Magpunta sa unang pahina ng aklat, ano ang iyong nakita? Isulat ang
nilalaman ng unang pahina.
3. Tingnan ang talaan ng mga salita o glosari. Kopyahin ang unang tatlong
salita na natagpuan mo dito.
4. Kung ikaw ay nakakita ng aklat na pakalat-kalat, ano iyong gagawin? Bakit?
Takdang Aralin:
Gumawa ng isang dummy na aklat at isulat ang bawat bahagi nito sa inyong kwaderno.
9:30-9:40
9:40-10:20 shows the illusion of space in Pagpapakita ng Pamamaraan:
MAPEH drawing the Ilusyon ng Espasyo A. Panimula:
(Arts) objects and persons in different Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maipakita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga
sizes bagay at mga tao na may iba’t ibang laki sukat, at posisyon.

B. Pagpapaunlad:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Buuin ang mga hugis upang mabuo ang inyong tahanan. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.
C. Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at
Mali kung di-wasto. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
_____1. Nagiging kaakit-akit ang isang
disenyo sa pamamagitan ng paggamit ng
ilusyon ng espasyo. _____2. Ang kulay ng
mga bagay na malapit sa tumitingin ay
mapusyaw.
_____3. Ang kulay ng mga bagay na malayo
sa tumitingin ay matingkad.
_____4. Ang mga bagay sa dibuho na malapit sa tumitingin ay malalaki at mas detalyado.
_____5. Ang mga maliliit ay nagmimistulang malayo sa tumitingin at mas kaunti ang detalye.

D. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at malungkot na mukha kung di wasto.
1. Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay paraan upang maging makahulugan ang isang likhaing
sining.
2. Sa pagguhit gamit ang ilusyon ng espasyo, kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na
malapit sa tumitingin at maliit naman kung ito ay malayo sa tumitingin
3. Naipapakita ng ilusyon ng espasyo sa pagguhit ang ibat-ibang laki o sukat ng mga bagay at tao.
4. Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik upang ipakita ang layo o
distansya,lalim at lawak ng isang likhang sining.
5. Ang kulay ng mga bagay na malapit sa tumitingin ay mapusyaw habang ang malayo ay
matingkad.

Paglalahat:
Ang mga bagay sa isang dibuho ay nagiging mas makatotohanan sa pamamagitan ng ilusyon ng
espasyo. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng laki at posisyon ng mga bagay. Ang kulay ng
mga bagay na malapit sa tumitingin ng larawan ay mas matingkad habang ang malalayo ay
mapusyaw. Mas kita ang detalye ng mga bagay na malapit sa tumitingin kaysa sa mga malayo.

Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tingnan muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong
sa ibaba. Lagyan ng bituin ( )kung ito ay iyong nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

Takdang Aralin:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit ng
isang dibuho o disenyo na nagpapakita ng
ilusyon ng espasyo ang pokus ay sa laki ng
mga bagay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

10:20-11:10 MTB Writes poems, riddles, chants, and Tula, Bugtong, Awit o Pamamaraan:
raps Rap I. Panimula:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makasusulat at makababasa ng tula, bugtong, awit
o rap.

B.Pagpapaunlad:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol
sa iyong alagang hayop o pangarap mong maging alagang hayop. Sagutin
ang mga gabay sa ibaba sa pagsulat mo ng tula. Isulat sa bond paper ang
isusulat mong tula.
1. Ano ang inaalagaan mo o nais mong alagaan?
2. Ano ang pangalan ng iyong alaga o nais mong alagaang hayop?
3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga o ng nais mong alagaan?
4. Ano ang bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong alaga o nais mong gawin ng sabay kayo ng
hayop na iyong aalagaan?
5. Mahal mo ba ang iyong alaga o mamahalin mo ba ang iyong hayop na nais alagaan.
6. Paano mo ipinakikita o ipakikita ang pagmamahal sa iyong alaga o aalagaang hayop?

J. Pakikipagpalihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Basahin at sagutin ang bugtong sa Hanay A at itapat ang sagot sa hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Kung kalian ko pinatay A. ilaw
Saka humaba ang buhay
2. Malambot na parang ulap B. t shirt
Kasama ko sa pangarap
3. Isang butil ng palay C. kandila
Sakop ang buong bahay
4. Isa ang pasukan D. tenga
5. Tatlo ang labasan
5. Malapit sa mata E. unan
Hindi makita
D.Paglalapat

Paglalahat:
Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas
bilang isang palaisipan. Tandaan na ang awit ay isang tula. Pansinin ang sipi ng awit na nais
mong awitin at tingnan ang paraan kung paano ito isinulat.
Pagtataya: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong na nasa ibaba. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

Takdang Aralin:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Subukang lagyan ng himig at tono ang
nagawa mong tula at saka awitin ito. Maaari mo rin itong gawing rap. Pumili lamang ng akmang
tono para rito. Maaari kang humingi ng tulong sa nakatatandang miyembro ng pamilya upang
mahanapan ito ng tamang tono at himig. Maaari mo itong ivideo at ipost sa FB Group bilang
Performance Task.
11:10-12:00 Science Describe the different Mga Katangian ng Pamamaraan:
objects based on their Solid ayon sa Hugis
E. Panimula:
characteristics (e.g. shape, Anu-ano ang mga bagay na makikita mo dito sa sild-aralan? Ano ang hugis ng mga ito
weight, volume, ease of
low) F. Pagpapaunlad:

Ang pangalawang Katangian ng Solid ay Ang Solid ay may Hugis.

Ang solid ay may mga hugis Ang hugis ng solid ay hindi nababago. Ang molecules ng solid ay
bahagya lamang ang paggalaw dahil sa ito ay dikit-dikit at siksik. Ang ilan sa mga halimbawa ng
hugis ng solid ay bilog, bilohaba, tatsulok, parihaba at parisukat.
G. Pakikipagpalihan

Sa inyong kwaderno, gumuhit ng limang bagay na makikita mo sa loob ng silid-aralan at


tukuyin ang hugis nito.

H. Paglalapat

Paglalahat

Ang mga solid ay may iba’t ibang hugis..

Pagtataya:
Tukuyin ang hugis ng mga sumusunod na bagay.
1. orasan
2. pisara
3. mesa
4. kwaderno
5. globo

Takdang Aralin:

Gumihit ng tatlong bagay na makikita sa tahanan at tukuyin ang hugis nito.

Wednesday- September 07, 2022


5:50-6:20 ESP Napahahalagahan ang Pagpapahalaga sa Pamamaraan:
kakayahan sa paggawa Paggawa
A. Panimula:

Mas mainam na habang bata ka pa ay natututuhan mo na ang iba’t ibang gawaing bahay.
Magagamit mo ito hanggang sa iyong paglaki. Pahalagahan mo ang mga kakayahang ito sa
paggawa.

B. Pagpapaunlad:

Isulat ang mga gawain na iyong isinasagawa sa tahanan, paaralan, at pamayanan.

C. Pakikipagpalihan

Pagpapakita ng larawan ng “Bayanihan”a. Pagmasdan ang larawan. Ano ang inyong nakikita
sa larawan? b. Ano ang mensahe na nais ipabatid ng larawan? c. Mahalaga ba ang
pakikipagtulungan sa mga gawain sa bahay, paaralan, at organisasyon?
D. Paglalapat

Pagpapakita ng maikling dula-dulaan ayon sa hinihingi ng bawat pangkat.

Paglalahat:

Ang mga naiatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamayanan ay nagpapakita ng malaking
tiwala sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man.

Pagtataya:Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumawa ng pang-isang linggong listahan ng gagawin


katulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Takdang Aralin:

Gumawa ng isang talaarawan ng inyong pang-araw araw na mga gawain.


6:20-7:10 English Use different kinds of sentences Kinds of Sentences A. Introduction:
in a dialogue (e.g. declarative, Give the following situation.
interrogative, exclamatory, a. SM mall called your mother that she won a raffle, what would be her
imperative) reaction?
b. While walking to school you saw a snake crossing on your way, what do
you think will be your reaction?
c. A coconut fell on the farmer’s side, what would be the reaction of the
farmers.
d. Your classmate asks you to stay beside her, what do you think will she
tells you?
e. You are asking the help of your mother to wash your clothes, what will
you say to her?

B. Development
Tell whether the sentence is a command or request.
1. Set the table.
2. Please wash the plates.
3. Put the plates on the table.
4. Please clean the table.
5. Bring out the waste can.
C. Engagement
Describe how you feel, if you are happy,
afraid, angry, or suffering from pain.
1. Hurrah! We won the game.
2. Go out! This is not the place for you.
3. Help! A dog is running after me.
4. My tooth is aching!
5. Leave me alone!

D.Assimilation
Tell whether the following sentences are imperative or exclamatory.
a. Return this book to the cabinet.
b. What a nice day!
c. Please carry the chair.
d. Oh my tooth is aching!
e. Don’t touch that, it’s hot!

f. Will you please give me a glass of water?


7:10-7:50 Nasusuri ang kinalalagyan Kinalalagyan ng Pamamaraan:
Araling Panlipunan ng mga lalawigan ng mga Lalawigan sa
A.Panimula:
sariling rehiyon batay sa Rehiyon Batay sa Mahalaga ba ang pagtukoy sa mga bagay na makikita sa lugar o nakapaligid dito upang marating
mga nakapaligid dito gamit Direksiyon mo ito?
ang pangunahing direksiyon
(primary direction) F. Pagpapaunlad:
Maliban sa paggamit ng mga pangunahin at pangalawang direksyon, ng distansya sa iba’t ibang
bagay, simbolo at pananda, ang pagtukoy ng isang lugar ay ibinabatay rin sa kinaroroonan ng mga
nasa paligid at katabing-pook ang lokasyon ng isang lugar. Relatibong lokasyon ang tawag dito.

G. Pakikipagpalihan
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_______1. Anong look ang nasa hilaga ng Laguna?
_______2. Anong lugar ang nasa kanluran ng Rizal?
_______3. Ang Tayabas Bay ay nasa _______ ng Batangas.
_______4. Ano ang nasa Timog-Silangan ng Laguna?
_______5. Ano ang nasa Hilagang-Kanluran ng Cavite?
F. Paglalapat

Paglalahat:
Ang mga direksiyon o lokasyon ng isang lugar ay ibinabatay sa kinaroroonan ng mga nakapaligid
at karatig-pook. Ang tawag dito ay relatibong lokasyon.
Mas madaling matutukoy ang kinaroroonan ng mga lugar kung alam kung paano hanapin ang
relatibong lokasyon ng mga lugar na ito.

Pagtataya:
Pag-aralan ang mapa ng Calabarzon. Tukuyin ang mga look na makikita dito.

Takdang Aralin:
Magdisenyo ng isang pamayanan. Gawin puntong reprensiya ang inyong bahay.
7:50-8:40 Math Rounds numbers to the Pag-round-off ng Pamamaraan:
nearest ten, hundred and Bilang sa
A. Panimula:
thousand. Pinakamalapit na
Sampuan (Tens), Madalas rounding off sa pinakamalapit na puwesto o place value ang pagtatantiya
Sandaanan na ating ginagawang paraan upang mapabilis ang pagbibilang ng mga bilang. Sa
(Hundreds), at araling ito, ikaw ay inaasahang mai-round – off ang mga numero sa pinaka malapit
Libuhan na sampuan (tens), daanan (hundreds) at libuhan (thousands).
(Thousands)
Tingnan mo ang halimbawa sa ibaba . Gamit ang number line madali mong
makikita kung saan pinakamalapit ang 38.

Pinakamalapit ang 38 sa 40 kaysa sa 30. Kaya ang 38 round off to nearest tens o
pinakamalapit na sampuan ay 40.

B. Pagpapaunlad:

Mayroon pang mabilis na paraan sa pag-round off ng bilang. Sundin at tandaan


ang mga sumusunod na hakbang. Tingnan mo rin ang halimbawa sa kanan.
C. Pakikipagpalihan
Ngayon subukan mo ang gawaing ito. I-Round-off ang mga numero sa
pinakamalapit na sampuan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

D. Paglalapat

Paglalahat
Ang rounding numbers/ round-off na numero ay isang pagtatantya lamang ng
isang partikular na bilang ng mga bagay o pagsukat. Sundin at tandaan ang mga
hakbang sa pag round-off ng bilang. Round up kung ang digit sa kanan ng ira-
round-off ay 5,6,7,8,9. Round down kung ang katabing digit ng ira-round-off ay
4,3,2,1,0. Palitan ang lahat ng digit sa kanan ng place value ng zero.
Pagtataya:

Ipinakikita ng talahanayan ang lawak ng lupain ng ilang bansa sa Asya.


Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng rounded-off na
numero tulad ng ipinahihiwatig. Isulat mo ang sagot sa iyong kuwaderno.

Takdang Aralin:
I-round-off ang sumusunod na bilang sa pinakamaliit at pinakamalaking bilang na
magagawa sa paground-off sa sandaanan. Isulat mo ang sagot sa iyong
kuwaderno.

8:40-9:30 Filipino Nagagamit ang iba’t ibang bahagi Paggamit ng Iba’t Pamamaraan:
ng aklat sa pagkalap ng ibang Bahagi ng
impomasyon Aklatsa Pagkalap ng A.Panimula:
Impormasyon Ang aklat ay isang mahalagang instrumento sa iyong pagkatuto.
Ito ay naglalaman ng mga impormasyon upang madagdagan pa ang iyong
kaalaman. Ito ay may iba’t ibang bahagi na may iba’t ibang nilalaman.
Mahalagang matutuhan mo ang bawat bahagi nito upang magamit ito
nang tama.
B.Pagpapaunlad:
Basahin ang tsart tungkol sa mga Bahagi at gamit ng Aklat

C. Pakikipagpalihan
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ano-ano ang bahagi ng aklat?
Ano ang tungkulin ng bawat bahagi ng aklat? Paano mo pangangalagaan ang bawat bahagi ng
aklat?
Paano mo pahahalagahan ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya?
Paano mo pangangalagaan ang bawat bahagi ng aklat? Paano mo pahahalagahan ang gawain ng
bawat kasapi ng iyong pamilya?
A. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa kuwaderno.
1. Saang bahagi ng aklat makikita ang mga paksa at nilalaman ng
iyong aklat?
A. Pahina ng Pamagat C. Katawan ng Aklat
B. Talaan ng Nilalaman D. Glosari
2. Nais mong malaman kung kailan nailimbag ang aklat, saang bahagi ito
maaaring makita?
A. Paunang Salita C. Pahina ng Karapatang Sipi
B. Pahina ng Pamagat D. Pabalat
3. Ito ang nagsisilbing proteksiyon ng libro.
A. Pabalat C. Indeks
B. Talaan ng Nilalaman D. Pahina ng Pamagat
4. Mayroon kang hindi naintindihang salita sa ginagamit na libro, saang
bahagi ng libro maaaring makita ang kahulugan nito?
A. Glosari C. Talaan ng Nilalaman
B. Pahina ng Pamagat D. Pabalat
5. Ang talaan ng mga paksa at ang mga pahina nito.
A. Talaan ng Nilalaman C. Katawan ng Aklat
B. Glosari D. Pabalat

Paglalahat:
Ang mga bahagi ng aklat ay Pamagat,
Paunang Salita, Talaan ng Nilalaman,
Katawan ng Aklat, Glosari, Pabalat,at Pahina ng Karapatang Sipi
Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Gumuhit ng isang aklat o libro. Isulat sa loob nito ang mga dapat at hindi dapat gawin upang
mapangalagaan ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Takdang Aralin:

Isaulo ang mga bahagi ng aklat para sa recitation bukas.


9:30-9:40 BREAK
9:40-10:20 Explains the concept of Paglalarawan sa Pamamaraan:
MAPEH malnutrition Sintomas ng
(Health) Kakulangan sa A.Panimula:
Nutrisyon Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na mailarawan ang mga sintomas ng kakulangan sa nutrisyon,
matututuhan ang paraan kung paano maiiwasan ang kakulangan sa mineral at makapagbigay ng
hinuha sa sitwasyon ukol sa malnutrisyon.

B.Pagpapaunlad:
B. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Anong uri
ng mineral (Iron, Iodine, Calcium) mayroon
ang mga pagkain sa ibaba? Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. gatas ______________
2. halamang dagat ______________
3. keso ______________
4. isda ______________
5. talaba ______________
6. manok ______________
7. hipon ______________
8. alimango ______________
9. malunggay _____________

Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay tama at Mali kung ang
pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_______1. Ang taong namumutla at nahihilo ay may senyales ng sakit na anemia.
_______2. Kung ang katawan mo ay may kakulangan sa iodine posible kang magkasakit ng
rickets.
_______3. Ang sakit na goiter ay may sintomas ng pag- umbok at pagluwa ng mata. _______4.
Pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at paglutong ng mga kuko ay senyales ng sakit na goiter.
_______5. Ang paglaki ng thyroid sa ibaba ng unahan ng leeg ay may sakit na osteoporosis.

Takdang Aralin:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Magbigay ng hinuha mula sa babasahing sitwasyon ukol sa
malnutrisyon. Sagutin ng Tama o Mali at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. A. Ang
pagkain nang sobra ay makabubuti sa ating katawan upang tayo ay maging malusog at masigla.
_____________________________________________________
B. Ang malnutrisyon ay dulot ng kakulangan sa pagkain, di-masustansyang pagkain, at dahilan ng
pagbaba ng timbang. _____________________________________________________
10:20-11:10 MTB Differentiates count from mass Pangngalang Pamilang Pamamaraan:
nouns at Pangngalang
Di-pamilang A.Panimula:
Sa Pagtatapos ng araling ito, inaasahang matukoy ang pagkakaiba ng Pangngalang Pamilang
Count Nouns sa Pangngalang Di–Pamilang (Mass Nouns), makapagbigay ka ng halimbawa ng
Pangngalang Pamilang (Count Nouns at Pangngalang Di– Pamilang (Mass Nouns), at magamit sa
pangungusap ang mga Pangngalang Pamilang at Di –Pamilang.
B.Pagpapaunlad:
Paglalahat:
Ang pangngalang pamilang o count nouns ay mga pangngalang
nabibilang ng isa– isa. Ilan sa mga halimbawa nito ay bag, lapis, baso, at
plato.
Samantalang ang pangngalang di– pamilang o mass nouns ay mga
pangngalang di—nabibilang ng isa– isa. Ilan sa mga halimabawa nito ay
bigas, paminta, juice, gatas,at tubig.

Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang pamilang at DP
kung Di-Pamilang.
1. isang boteng catsup 10. ubas
2. itlog 11. kape
3. isang kilong harina 12. tubig
4. Karne 13. guyabano
5. bahay 14. patis
6. isang tasang suka 15. palay
7. Mansanas 16. isang bandehadong pansit
8. Carrot 17. milk tea
9. gamut 18. Pipino
Takdang Aralin:
Sumulat ng 5 halimbawa ng Pangngalang Pamilang at 5 Di-Pamilang at gamitin ito sa
pangungusap.

11:10-12:00 Science Describe the different Mga Katangian ng Pamamaraan:


objects based on their Solid ayon sa
Tekstura I. Panimula:
characteristics (e.g. shape, Hawakan ang inyong mga palad. Maaari mo bang tukuyin ang tekstura nito?
weight, volume, ease of
low) J. Pagpapaunlad:

Ang pangatlong Katangian ng Solid ay Ang Solid ay may Tekstura.


Ang tekstura ay tumutukoy sa panlabas o ibabaw na katangian ng isang bagay. Katulad ng hugis,
maaari mo ring matukoy ang tekstura ng solid sa pamamagitan ng paghawak dito. Ang mga
tekstura ay maaaring malambot, matigas, makinis at magaspang.

K. Pakikipagpalihan

Magsulat ng tig-tatlong bagay na may teksturang makinis, magaspang at malambot.

L. Paglalapat

Paglalahat

Ang mga solid ay may iba’t ibang tekstura..

Pagtataya:

Kopyahin ang talaan. Isulat ang angkop na tekstura ng mga sumusunod.


Bagay Tekstura
1. Panghilod
2. Bulak
3. Bato
4. Baso
5. Liha

Takdang Aralin:

Gumihit ng tatlong bagay na makikita sa tahanan na may teksturanf matigas..

Day & Time Learning Area Objective/s Topic/s Home-Based Activities


Thursday- September 09, 2022
5:50-6:20 ESP Napahahalagahan ang Pagpapahalaga sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
kakayahan sa paggawa Paggawa Ipakita sa nanay, tatay o kapatid ang
ginawa mong Talaan ng Gawain. Itanong kung ano pa ang pwedeng idagdag o ayusin sa iyong
ginawa. Ipakita ito tuwing gabi at palagyan kung ilan ang nagawa at hindi mo nagawa.
ESP Module pahina 18
6:20-7:10 English Use different kinds of sentences Kinds of Sentences Pupils will answer the following Learning Tasks.
in a dialogue (e.g. declarative, Learning Task No. 4: Write at least three (3) sentences based on the given pictures to form a
interrogative, exclamatory, dialogue. Use your notebook. Page 17 – English Module
imperative)
7:10-7:50 Araling Panlipunan Nasusuri ang kinalalagyan Kinalalagyan ng Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Sagutin ng opo o hindi
ng mga lalawigan ng mga Lalawigan sa po ang mga sumusunod. Gawin ito sa kuwaderno.
_____ 1) Sinasabi ba ng direksiyon ang dakong kinaroroonan?
sariling rehiyon batay sa Rehiyon Batay sa _____ 2) Sa silangan ba sumisikat ang araw?
mga nakapaligid dito gamit Direksiyon _____ 3) Pangunahing direksiyon ba ang timog-silangan?
ang pangunahing direksiyon _____ 4) Ang kanluran ba ay pangalawang direksiyon?
(primary direction)
7:50-8:40 Math Compares using relation Paghahambing ng Basahin ang pahina 14 at sagutin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 sa pahina 15.
symbols and orders in Bilang Hanggang
increasing or decreasing 10 000
order 4- to 5-digit numbers
up to 10 000.
8:40-9:30 Filipino Nababasa ang mga salitang may Pagbasa ng mga Basahin at unawain ang aralin sa pahina 15 ng MOdule sa Filipino.
tatlong pantig pataas Pantig, Klaster,
Salitang iisa ang
Baybay Ngunit
Magkaiba ang Bigkas
at Salita
9:30-9:40 BREAK
9:40-10:20 MAPEH Performs body shapes and Pagsasagawa ng Hugis Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mag-ehersisyo. Gawin ang mga sumusunod na kilos upang
(P.E.) actions at Kilos ng Katawan 2 lumakas ang katawan. Magpatugtog ng paborito mong tugtog o awit habang isinasagawa ang mga
kilos.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Maging malikhain. Gumawa ng sariling kilos para sa ehersisyo
upang mapalakas pa ang katawan. Gumamit ng kahit anumang awiting masigla para sa gagawing
ehersisyo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

10:20-11:30 MTB Differentiates count from mass Pangngalang Pamilang Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
nouns at Pangngalang Tukuyin ang ang mga sumusunod na pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.
Di-pamilang
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad
sa pangungusap at Mali kung hindi wasto.

MTB Module pahina 13-14


11:10-12:00 Science Describe the different Mga Katangian ng Basahin ang pang-apat na katangian ng solid sa pahina 8.
objects based on their Solid ayon sa Sukat
Sa kwaderno, kunin ang sukat ng mga sumusunod.
characteristics (e.g. shape, 1. Lapis
weight, volume, ease of 2. Kwaderno
low) 3. Libro
Friday- September 09, 2022
5:50-6:20 ESP Napahahalagahan ang Pagpapahalaga sa
kakayahan sa paggawa Paggawa
6:20-7:10 English Use different kinds of sentences Kinds of Sentences Make at least two sentences of each of the following kinds of sentences; declarative,
in a dialogue (e.g. declarative, imperative, exclamatory and interrogative sentences.
interrogative, exclamatory,
imperative)
7:10-7:50 Araling Panlipunan Nasusuri ang kinalalagyan Kinalalagyan ng Iguhit ang Mapa ng CALABARZON sa kwaderno.
ng mga lalawigan ng mga Lalawigan sa
sariling rehiyon batay sa Rehiyon Batay sa
mga nakapaligid dito gamit Direksiyon
ang pangunahing direksiyon
(primary direction)
7:50-8:40 Math Compares using relation Paghahambing ng Sagutin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 at 3 sa pahina15.
symbols and orders in Bilang Hanggang
increasing or decreasing 10 000
order 4- to 5-digit numbers
up to 10 000.
8:40-9:30 Filipino Nababasa ang mga salitang may Pagbasa ng mga
tatlong pantig pataas Pantig, Klaster,
Salitang iisa ang
Baybay Ngunit
Magkaiba ang Bigkas
at Salita
9:30-9:40 BREAK
9:40-10:20 MAPEH Performs body shapes Pagsasagawa ng Hugis Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gawin ang kilos upang masubok ang iyong kakahayan. Sagutin
(P.E.) and at Kilos ng Katawan 2 ang mga tanong pagkatapos.
actions
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Umawit at sumayaw habang iginagalaw ang iyong katawan.
Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang Rubric sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gawin ang sumusunod na ehersisyo. Pahina 27-29


10:20-11:30 MTB Differentiates count from Pangngalang Pamilang Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
mass nouns at Pangngalang Tukuyin ang ang mga sumusunod na pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.
Di-pamilang
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad
sa pangungusap at Mali kung hindi wasto.

MTB Module pahina 13-14


11:10-12:00 Science Describe the different Mga Katangian ng Basahin ang pang-limang katangian ng solid sa pahina 9.
objects based on their Solid ayon sa Sukat
characteristics (e.g. shape, Sa kwaderno, kunin ang timbang ng mga sumusunod.
weight, volume, ease of 1. baso
low) 2. plato
3. kutsa’t tinidor

You might also like