You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Unang Markahan

Petsa: ika-18 ng Hulyo, 2022        Oras: 9:00 AM - 10:00 AM         Pangkat: Bonifacio

I. Layunin
Sa katapusan ng 60 minuto na aralin, 95% ng mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. nakakikilala sa iba’t ibang konsepto ng heograpiyang pisikal;
b. nakapagpapahalaga sa mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga
tao; at
c. nakagagawa ng malikhaing infographics tungkol sa mga anyong lupa at
anyong tubig.

II. Nilalaman
Paksa: Katangiang Pisikal ng Daigdig
Kagamitan: flash cards, marker, whiteboard
Sanggunian: Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig, AP8 Curriculum
Guide, Araling Panlipunan 8 Modyul Quarter 1

III. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
● Panalangin
● Pagbati
● Pagtatala ng lumiban sa klase

B. Gawain
Unscramble Me! Panuto: Hatiin ang klase sa limang (5) pangkat. Gamit
ang whiteboard at marker, isulat at ayusin ang mga pinaghalong letra na
naka-flash sa screen upang makabuo ng salita. Sa loob ng 15 segundo at
hudyat ng buzzer, itaas ang white board upang makita ang sagot.

1. YGIEARHOAP HEOGRAPIYA
2. IGDAGID DAIGDIG
3. GTANRAAKA KARAGATAN
4. TNIKNEONTE KONTINENTE
5. MKLAI KLIMA
6. RKODEAW EKWADOR
7. IUGODLTN LONGITUD
8. ATDTIUL LATITUD
9. OERHNYI REHIYON
10. OSYKNOLA LOKASYON
C. Pagsusuri/ Pag-aanalisa
● Ano-ano ang iyong napansin sa mga salitang nabuo?
● Gaano kahalaga ang pag-aaral ng heograpiyang pisikal?

D. Paglalahat/ Paghahalaw
● Ano ang heograpiyang pisikal?
● Ano-ano ang limang tema ng heograpiya?
- Lokasyon
- Lugar
- Rehiyon
- Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
- Paggalaw
● Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng daigdig?
- Estruktura ng Daigdig
- Longitude at Latitude
- Klima
● Ano-ano ang iba't-ibang kontinente?
- Africa
- Antarctica
- Asia
- Europe
- Australia
- North America
- South America
● Ano-ano ang mga anyong lupa at tubig?
● Ano-ano ang mga karagatan sa daigdig?

E. Paglalapat/Aplikasyon
Panuto: Kumuha ng ½ na papel. Sa loob ng 3-4 na pangungusap,
ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-alaga ng mga likas na yaman.

1. Bakit kailangan nating alagaan ang mga Anyong Lupa?


2. Bakit kailangan nating alagaan ang mga Anyong Tubig?

Pamantayan sa pagwawasto
Pamantayan Puntos

Nilalaman 30

Kaugnayan 20

Kabuuang puntos 50
IV. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Kumuha ng ¼ na papel. Sagutan ang mga tanong na naka-flash sa
screen.

Tanong
1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
2. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong
imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern
hemisphere?
3. Ito tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar.
4. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga
lugar at bagay na nasa paligid nito?
5. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig?
6. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinag-iisa na magkapareho
ang katangiang pisikal at kultural.
7. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may
patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang
ilang bahagi nito?
8. Ano ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig?
9. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang
may pinakamaliit na sukat kilometro kwadrado?
10. Ano ang pinakamalaki at pinakamalawak na karagatan sa buong
daigdig?

Sagot
1. Heograpiya
2. Ekwador
3. Paggalaw
4. Relatibong Lokasyon
5. Mt. Everest
6. Rehiyon
7. Mantle
8. Asia
9. Antarctica
10. Pacific Ocean
V. Kasunduan
Panuto: Gumawa ng malikhaing digital infographics tungkol sa iba't ibang
anyong lupa at tubig na matatagpuan sa Pilipinas.

Pamantayan para sa paggawa ng Malikhaing Infographics


Pamantayan Pinaka Mahusay Katamtaman Puntos
mahusay 20 puntos 13 puntos
25 puntos

Nilalaman Napaka Mas Mabisang


bisang mabisang naipakita ang
naipakita ang naipakita ang paksa
paksa paksa

Pagka Napaka Mas Maganda at


malikhain ganda at maganda at napakalinaw
napakalinaw napakalinaw ng digital
ng digital ng digital infographics
infographics infographics

Kaugnayan Napakalaki Mas Malaking


ng maalaking kaugnayan
kaugnayan kaugnayan sa paksa
sa paksa sa paksa

Kalinisan Napakalinis Mas malinis Malinis ang


ng digital ng digital digital
infographics infographics infographics

Kabuuang puntos

Inihanda ni:

JULIUS C. ANCHETA, II

You might also like