You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
DAANG AMAYA II, TANZA, CAVITE
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
MODYUL 10. PAGGALANG SA BUHAY
POSITION PAPER

NAME: Luis, Shane Marween D. DATE: 3/17/23


YR & SEC: 10-Chrysolite SCORE:

I. Pamagat: Rasismo at diskriminasyon sa lahi

II. Panimula
a. Pagpapakilala ng paksa (Maaaring pumili ng isa sa mga isyu na
natalakay)

Ang rasismo, ito ay isang uri ng diskriminasyon o antagonismo ng isang


indibidwal o kumunidad laban sa isang indibidwal batay sa kanilang pagiging
kabilang sa isang partikular na pangkat ng lahi o etniko. Ang rasismo ay isang
nakamamatay na ideyolohiya na pumipigil sa ating pagbubuklod natin bilang
tao.

b. Ang sariling pananaw sa isyu

Ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa


lahi at panliligalig. Hindi ka dapat tratuhin nang naiiba dahil sa iyong lahi o
ibang dahilan, tulad ng iyong mga ninuno, kulay, lugar na pinanggalingan,
etnikong pinanggalingan, mamamayan, o paniniwala.

III. Mga Argumento sa Isyu


a. Buod ng mga argumento

 Diskriminasyon batay sa relihiyon


 Diskriminasyon at karahasan batay sa kulay o lahi
 Diskriminasyon sa paaralan, trabaho at lipunan batay sa kulay o lahi

a. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento

Hindi na bago ang isyu ng rasismo sa panahon ngayon dahil maging noon pa
man ay talamak na ito sa ating lipunan. Isang halimbawa ang pang-aalipin sa
mga ‘black people” na magpasa hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang
nilalabanan ang rasismong kinakaharap.

b. Mga ebidensya para sa mga argumento

Hindi na bago ang diskriminasyon laban sa mga Asyano sa Canada. Bago pa


man ang Kumpederasyon, nagtatrabaho na ang mga migranteng Asyano sa
nagsisimula pa lamang na pinaninirahang lipunan sa Canada sa mga
Katutubong lupain. Halimbawa ng karahasang ito ang pagsasamantala sa
mga manggagawang Tsino sa Canadian Pacific Railway (1881-1885), ang
Chinese Head Tax at ang exclusion laws na nakabatay sa lahi (1885-1947),
ang diskriminasyon ng mga Sikh sa Komagata Maru Incident (1914), at ang
pagdakip at pagpapaalis sa mga Japanese Canadian gayundin ang
pagkumpiska sa kanilang mga ari-arian noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

IV. Ang Sariling Posiyon sa Isyu


Pabor ka ba o hindi pabor sa isyung ito? Magbigay ng ideyang
magpapatibay sa iyong posisyon.

Hindi ako sang-ayon sa isyu ng rasismo. Sapagkat ang diskriminasyon sa lahi


ay hindi dapat maranasan ng sino man dahil tayo ay pantay-pantay lamang na
ginawa ng Diyos. Naaargrabyado ng rasismo ang ating karapatang maging
malaya at magpahayag.

V. Konklusyon
a. Buod ng Iyong posisyon

Sa kabuuan ang rasismo ay nagdudulot ng poot sa bawat isa. Ito ay lumalabag


sa paggalang sa buhay. Sapagkat tayo bilang isang nagsasama samang
lipunan ay dapat lang na mahalin at respetuhin natin ang bawat isa sa atin.

b. Plano ng pagkilos

Sinusubukan ng maraming lipunan na labanan ang rasismo sa pamamagitan

ng pagpapataas ng kamalayan sa mga paniniwala at sa pamamagitan ng

pagtataguyod ng pag-unawa ng tao sa mga pampublikong patakaran, gaya ng

Universal Declaration of Human Rights, na itinakda ng United Nations noong

1948.
VI. Sanggunian

https://www.rappler.com/voices/ispeak/opinion-fight-anti-asian-racism-
canada/

https://www.britannica.com/topic/racism

You might also like