You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Butuan City
AUPAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aupagan, Butuan City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SCORE


PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
S.Y. 2022 - 2023

Name: __________________________________________ Grade & Section: ______________ Date: ___________

Directions: Write the letter of the correct answer in the space provided.

_______ 1. Ang uri ng pagsulat na may layuning pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mag
aaral sa paaralan.
A. Akademikong Pagsulat C. Malikhaing Pagsulat
B. Diyornalistik Pagsulat D. Teknikal na pagsulat
_______ 2. Ang pagsulat ay ginagamitan ng kamay (pagsulat sa papel at kompyuter) at mata (upang
matutukan ang writing output) kung kaya’t maituturing itong
A. Emosyonal B. Espiritwal C. Mental D. Pisikal

_______ 3. Kailan maituturing ang isang uri ng sulatin na pang-akademiko?


A. Kapag ito ay naisulat mula sa damdamin ng isang tao.
B. Kapag ito ay naglalahad ng importanteng argumento.
C. Kapag ito ay may subhetibong pananaw.
D. Kapag ito ay waring opinion lamang.
_______ 4. Kailan mo maituturing ang takdang-aralin na isang uri ng pang-akademikong sulatin?
A. Kapag ito ay ginagamitan ng isip.
B. Kung ang sagot nito ay makikita agad sa internet.
C. Kapag ito ay ni-research at kinopya mula sa internet.
D. Kapag ito ay nakabase sa isang prosesong intelektuwal.
_______ 5. Ano ang pinakamahalagang bahagi ng isang akademikong sulatin?
A. Katawan B. Panimula C. Wakas D. A at B
_______ 6. Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at
kaisipang nais ipahayag sa akda
A. Katawan B. Panimula C. Wakas D. B at C
_______ 7. Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at
kaisipang nais ipahayag sa akda
A. Katawan B. Panimula C. Wakas D. A at C
_______ 8. Ang mga sumusunod ay mga halmbawa ng mga panitikana ginagamitan ng pasulat. Alin sa
mga halimbawa ang NAIBA?
A. Diyaryo B. Facebook C. Libro D. Pocketbook
_______ 9. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang anyo ng pang-akademikong pagsulat, maliban sa
A. Bibliya b. Bibliyograpiya c. Disertasyon d. Tesis

_______ 10. Kapaki-pakinabang ang akademikong paguslat dahil


I. nagkakaroon din ng kasiyahan sapagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng
lipunan.
II. napapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at napapaunlad ang mga
pagpapahalagang iskolarli.
III. nalilinang ang pagpapahalaga sapaggalang sa katotohanan at ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng
kanilang pag-aaral atakademikong pagsisikap.
IV. nalilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tuladng paggawa ng buod, pagtatala, pagbabalangkas
ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon saisang mapanghikayat na sulatin.
A. I B. I at II C. I, II, at III D. I, II, III, IV
_______ 11. Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat sa pag-aaral?
I. Upang makabuo ng organisadong ulat.
II. Upang makasulat ng liham ng aplikasyon.
III. Upang makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon.
IV. Dahil mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit.
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, III, IV D. I, II, IV
_______ 12. Bakit mahalaga ang paggamit ng Fiipino sa akademikong pag-sulat?
A. Upang malinaw sa isip ng gumagamit nito, pasalita man o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas
sa paggamit ng wikang Filipino.
B. Upang mas madaling maintindihan ng lahat, nakapagtapos man ng pag-aaral o hindi.
C. Dahil ito ang wika ng Pilipinas.
D. Lahat nang nabanggit.
_______ 13. Ang pagsulat ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa
malapad at makapal na tipak ng bato ayon kay?
A. Badayos 1999 B. Bernales 2000 C. Rivers 1975 D. Sauco 1998
_______ 14. Ang pagsulat ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Sa
pakikipagkomunikasyon gamit ang pagsulat, mayroong iba’t ibang pamamaraan at
pagpapakahulugan. Ang pamamaraan ng pagsulat kung saan malaya kang
nakikipagkomunikasyon ay isang halimbawa ng
A. Pormal na pagsulat C. Makatang pagsulat
B. Di-pormal na pagsulat D. Kombinasyon ng pormal at di-pormal
_______ 15. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong
pagtalakay ng balangkas ng paksa.
A. Akademiko B. Di-Pormal C. Pormal D. Wala sa nabanggit
_______ 16. May paraan din ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan
ng mga mambabasa at manunulat. Ito ay tinatawag na
A. Akademiko B. Journalistic C. Referensyal D. Teknikal
_______ 17. Trending na drama ngayon ang Mara Clara at Ibarra na hango sa nobelang Noli Me Tangere
na isinulat pa ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang mga karakter ng kwento ay
gawa-gawa lamang ngunit ang kuwento ay hango sa mgaa totoong paangyayari. Ang
kwentong ito ay maihahambing sa anong uri ng pagsulat?
A. Malikhain B. Masining C. Teknikal D. Lahat ng nabanggit
_______ 18. Ang mga estudyante ni Ginang Silda ay inatasan niyang gumawa ng sarili nilang tula patungkol
kanilang inspirasyon sa buhay. Anong uri ng pagsulat ang itinuro ni Ginang Silda sa kanyang
mga estudyandet?
A. Akademiko B. Diyornalistik C. Malikhain D. Teknikal
_______ 19. Sa larangan ng paaralan, anong uri ng pagsulat ang kadalasang ginagamit ng mga guro sa
tuwing sila ay naghahanda ng kanilang itatalakay sa silid-aralan?
A. Akademiko B. Diyornalistik C. Propesyunal D. Teknikal
_______ 20. May pagpapapupulong na gaganapin sa inyong paaralan para pag-usapan ang gaganaping
acquaintance party. Sa gaganaping pagpupulong, paano mo isasabuhay ang iyong kalaman
patungkol sa mga akademikong sulatin?
A. Ang pagbibigay atensyun at pakikinig sa nagaganap na pagpupulong.
B. Pagbibigay ng pokus o atensyun sa taga-ulat at pagtatala ng anumang sasabihin niya.
C. Ang pagsulat ng katitikan ng pulong habang pinag-uusapan pa ang mga agenda upang maitala ang mga detalye
ng napagkasunduan sa naganap na pagpupulong
D. Lahat ng nabanggit.
_______ 21. Sa panahon ngayon, nauuso na talga ang pagvavlog. Halos lahat nga tao, bata man o
matanda, may pinag-aralan man o wala, tila lahat ay gumagawa ng kabi-kabilang “content”.
Bilang mag-aaral sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang, sa anong akademikong sulatin maaring
isalin ang mga vlogs?
I. Bionote II. Lakbay-sanaysay III. Larawang sanaysay IV. Talumpati
A. I, II B. II at III C. III at IV D. Lahat ng nabanggit
_______ 22. Sa anong gawi mo maisasabuhay ang paggawa ng akademikong sulatin sa loob ng silid-ralan?
A. Pagkopya ng sagot mula sa kahit anong website sa google.
B. Pagsulat ng liham patungkol sa iyong nararamdaman sa iyong kaklase.
C. Pagsulat ng sanaysay patungkol sa iyong ideya, repleksiyon o aral na iyong nakuha sa klase.
D. Wala sa mga nabanggit.
_______ 23. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng akademikong sulatin, maliban sa
A. Newspaper C. Pamanahong papel
B. Term paper D. Konseptong papel
_______ 24. Alin ang HINDI kabilang sa propesyunal na pagsulat?
A. Investigative report C. Lesson Plan
B. Lab Report D. Police Report
_______ 25. Ang mga akademikong sulatin ay inilalarawan bilang isang organisado at may kaayusan ng
daloy o pagkasunod-sunod ng mga nilalaman. Alin sa mga sumusunod ang HINDI parte ng
isang akademikong sulatin?
A. Agenda B. Kathambuhay C. Talumpati D. Tula
_______ 26. Paano nagiging makabuluhan ang pag-aaral ng mga akademikong sulatin?
I. Makapaglalahad ng opinion
II. Masasanay sa paglutas ng mga suliranin sa matematika, agham, at iba pang asignatura.
III. Mahubog ang isipan ng mga mag-aaraal sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag
ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
IV. Malilinang ang mga kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik
A. I at II b. III at IV c. I at IVd. II at III
_______ 27. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng akademikong sulatin, maliban sa
A. Introduksyon b. Layunin c. Paksa d. Pamaraan ng Pagsulat
_______ 28. May limang pilosopiya ang pagsulat—ang proseso, pagtuklas, pagtugon at _______.
A. Desisyon B. Emosyon c. Pakikisama d. Sarili
_______ 29. Kung ikaw ay magbabahagi ng sanaysay sa maka-modernong panahon ngayon, saan
ba mas angkop na isulat ang iyong mga ideya?
A. Blogspot B. Facebook C. Tiktok D. Twitter
_______ 30. Ito ay isang maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng
komprensya
A. Abstrak B. Bionote C. Sintesis D. Wala sa nabanggit

_______ 31. Kung ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga pangunahing ideya, ano naman sa
paraang analisis?
A. pagpapalit ng mas payak na ideya
B. pag-uugnay ng mga pangunahing ideya
C. paglalagom ng mga pangunahing ideya
D. paghihiwa-hiwalay ng pangunahing ideya
_______ 32. Bakit hindi maaaring maglagay ng opinyon sa buod?
A. Hindi nagiging orihinal ang buod.
B. Hindi nakatutulong ang opinyon sa buod bagkus ay nakasisira sa teksto.
C. Hindi makabuluhan ang buod kapag nahaluan ito ng personal na ideya.
D. Hindi nagagampanan ng buod ang kaniyang tungkulin bilang pinaikling bersiyon ng teksto.
_______ 33. Alin ang tamang pagkakasunod sa pagbuo ng buod?
I. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema
II. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
III.Pag- ugnay- ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
IV. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng mga salita o pangungusap mula sa teksto.
A. I, II, III, IV B. I, III, II, IV C. II, III, I, IV D. II, I, III, IV
_______ 34. May tatlong pinakamahalagang parte ang buod. Alin sa mga sumusnod ang hindi kabilang
dito?
A. Pangunahing Ideya C. Paksang pangungusap
B. Personal na ideya D. Kongklusyon
_______ 35. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng buod, maliban sa
A. Hindi inuuulit ang mga salita ng may akda
B. Mga ⅓ ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
C. Paglalagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensya.
D. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay sa paksa.
_______ 36. Bakit mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya?
A. Ang pagbuo ng sintesis ay gumagamit ng mga salita o pangungusap na makikita sa teksto.
B. Ang sintesis ay nangangailangan ng sariling opinyon ng manunulat na makatutulong sa pag-unawa ng
mambabasa.
C. Ang sintesis ay naglalaman ng mga pinagsamang impormasyon na kailangang himay-himayin tungo sa pagbuo
ng bagong ideya.
D. Ang pagbuo ng sintesis ay nangangailangan ng iba’t ibang batis ng impormasyon kung kaya’t kailangang
isaayos nang may kawastuhan.
_______ 37. Ito ay maikling tala ng pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao batay sa
kanyang mga nagawa.
A. Abstrak B. Bionote C. Kathambuhay D. Talambuhay
_______ 38. Ano ang kahalagahan ng bionote para sa isang manunulat o awtor?
I. Mahalagang malaman ang karakter o katauhan ng isang manunulat
II. Upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
III. Malaman ang kwento ng kanyang buhay.
IV. Malaman ang kanyang kredibilidad
A. I, II at III b. II, III at IV c. I, II, at IV d. I, III, at IV
_______ 39. Ano ang layunin at gamit ng Bionote?
A. Para malinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon ng isang manunulat.
B. Para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa
kanya.
C. Para kapani-paniwala ang isinusulat D. Lahat nang nabanggit.
_______ 40. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat nilalaman ng isang Bionote, maliban sa
A. Ambag sa larangang kinabibilangan C. Mga parangal pang-akademiko
B. Kaligiran pang-edukasyon D. Personal na impormasyon
_______ 41. Nalalapit na ang araw ng kulminasyon para sa Buwan ng Wika, inatasan ka ng inyong guro na
gumawa ng isang sulatin tungkol sa naimbitahang panauhing pandangal. Anong uri ng
akademikong sulatin ang iyong gagamitin? Bakit?
A. Bionote, dahil ito ang mas angkop na pinaukling paraan sa pagpapakilala ng isang pandangal kung saan ay
nailalahad ang kredebilidad sa kanyang larangang kinabibilangan.
B. Talambuhay, dahil nararapat lamang na mailahad ang buong kwento ng buhay ng isang pandangal upang mas
kapani-paniwala ang kanyang kredebilidad
C. Kathambuhay, dahil mas masining ang palalahad nito at maaring gamitan ng piksyon ang kanyang kredebilidad.
D. Lahat ng nabanngit
_______ 42. Alin ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang mahusay na bionote?
A. Isinaalang-alang ang mga mambabasa.
B. Binabanggit ang mga naging karanasan sa pag-aaral.
C. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw kahit ito pa ay tungkol sa sarili.
D. Maikli ang Nilalaman- sa pagsulat ng bionote sikaping paikliin at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon.

Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang katanungan sa numero 43.

_______ 43. Base sa binasang teksto, anong uri ng pang-akademikong sulatin ang ipinapakita?
A. Agenda B. Bionote C. Kathambuhay D. Talambuhay
_______ 44. Ito ay isang pang-aakademikong gawain kung saan ay isinaalang-alang ang pormal na
pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig.
A. Talumpati B. Tanghalan C. Tula D. Wala sa mga nabanggit
_______ 45. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa proseso ng pagsulat ng talumpati?
A. Layunin ng Okasyon C. Tagpuan ng Talumpati
B. Dami ng manonood D. Pagbuo ng Plano

Para sa numero 45-50, basahin at ayusin ang teksto sa ibaba upang ito ay maging isang mahusay
na bionote. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba. (5 puntos).
Scoring Rubrik:
5 puntos – Kung ang bionote ay nagsisimula sa pinakamahalagang impormasyon, mahalagang
Impormasyon, bago ang ibang impormasyon (inverted triangle).

Aupagan National High School


Purok 5, Aupagan, Butuan City
317502@deped.gov.ph

You might also like