You are on page 1of 7

PAGGAWA NG DOKUMENTARYO

(Performance Task, Checklist, and Rating Scale)

Submitted to:
Prof. ANTONIO TOLENTINO

Submitted by:

ENTE, NOVE CLAIRE


BSED Social Studies

In fulfillment of the Assessment II - 3rd Examination, on the 2nd Term,


2nd Semester, of Academic Year 2019-2020.

April 18, 2020


Pamantayan sa Pagganap

Nakabubuo ng dokumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng


mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.

__PAGGAWA NG DOKUMENTARYO__
Gawain

Layunin ng Gawain
 Naipapakita ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang dokumentaryo ang
pagsusulong sa paggalang sa karapatan ng mga mamamayan patungkol sa
kanilang kasarian at sekswalidad.
 Naibabahagi ang mga karapatan ng bawat kasarian na kailangang igalang at
itaguyod ng bawat tao.
 Naidodokumentaryo ang mga suliranin at deskriminasyong nararanasan ng
bawat kasarian o sekswalidad sa paaralan, trabaho, o lipunan.
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng gender- equality at gender-equity tungo
sa mas matiwasay at maunlad na lipunan at bansa.

Paglalarawan ng Gawain
 Ang klase ay bubuo ng apat na pangkat na mayroong sampung miyembro.
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa pamamagitan ng pagbilang ng isa (1)
hanggang apat (4). Ang magkakatulad ang bilang ang magkaka-pangkat.
 Pagkatapos makabuo ng grupo ay pipili ang bawat isa ng lider na siyang
mangangasiwa sa kanyang grupo at sa mga gampanin ng bawat miyembro.
 Sa paggawa ng dokumentaryo o “video documentary,” sa loob ng komunidad,
kailangang makahanap ng apat na indibidwal na magkakaiba ang kasarian
upang ito ay makapanayam at maidokumentaryo ang mga karanasan nito
tungkol sa kanyang kasarian o sekswalidad. Siguraduhin lamang na ang mga
itatampok ay hindi rin bahagi ng itatampok sa ibang grupo, labinwalong taon o
higit pang gulang, at may pahintulot nila ang pagbahagi ng kanilang
karanasan. Maaari ring gumamit ng alyas o hindi ipakita sa camera ang
kanilang mga mukha kung ito ay kailangan at kanilang nais.
 Gamitin ang makabagong teknolohiya at internet upang makapagsaliksik ng
mga impormasyon, datus, at iba pang mga kaalaman na may kaugnayan sa
kasarian at sekswalidad.
 Sikapin ring maging malinaw at masining ang dokumentaryo at ang daloy ng
paglalahad nito sapagkat ito’y bahagi sa pagtataya ng gawain.
 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng “checklist” ng kanilang mga dapat ihanda
at gawin na iuulat ng lider sa guro araw-araw bago ang presentasyon upang
makita ang kahandaan at pagsulong o “progress” ng bawat pangkat.
 Ang bawat dokumentaryo ay may haba na pito hanggang siyam (7-9) na
minuto. Ang sinumang kumulang o lumampas sa ibinigay na oras ay may
bawas na tatlong puntos mula sa kabuuang puntos ng pangkat.
 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng dalawang linggo upang maisagawa ang
gawain, na magsisimula sa Lunes, April 13, hanggang Biyernes, April 24,
2020. Ito ay ibabahagi sa klase sa April 27, 2020, araw ng Lunes, sa ganap
na ika-walo hanggang ika-siyam ng umaga, sa AVR 2 ng paaralan. Ang
pangkat na hindi makapagsumite at makapagbahagi sa araw na iyon ng
kanilang dokumentaryo ay walang puntos para sa nasabing gawain.
 Sisimulan ng Pangkat-1 ang pagbabahagi at magtatapos sa Pangkat 4.
 Ang mga magiging hurado ng Gawain ay ang Baitang-10 Department Head,
isang guro ng Araling Panlipunan, at ang inyong guro sa asignaturang ito.
CHECKLIST SA MGA DAPAT IHANDA AT GAWIN

Bago Gawin Ang Dokumentaryo (Nagawa/ (Hindi pa


meron na) nagawa/ wala pa)

Preproduction meeting at brainstorming na mayroong


input

Listahan ng bawat miyembro ng pangkat at ang


kanilang gampanin

Pagpili ng mga lokasyon o tagpuan sa loob ng


komunidad

Mga pangalan ng apat na indibidwal na


kakapanayamin

Camera (cellphone/DSLR) at SD Card

Sa Paggawa Ng Dokumentaryo

Set up ng lokasyon, kaganapan at mga kakailanganing


kagamitan

Shooting o pagkuha ng mga iksena

Editing

Paghahanda sa file
(File preparation)
Pinal na video documentary
(Final video documentary)
SA PAGGAWA NG DOKUMENTARYO

RATING SCALE O PAGTATAYA SA GINAWANG DOKUMENTARYO


Gabay:
5-napakahusay 4- mahusay 3-katamtaman ang husay
2- kailangan ng pagsasanay 1-nagsisimula

Nilalaman 5 4 3 2 1

1. Ang simula ay mapanghikayat, malinaw, at


nakapagbibigay ng pangkalahatang ideya sa
paksa.

2. Epektibong nailalahad ang totoong kwento ng


mga tauhan patungkol sa paksa.

3. Ang panayam sa mga tauhan ay epektibong


suporta sa paglalahad ng iba’t ibang perspektibo
ng bawat kasarian

4. Nakapagbibgay ng impormasyon na
nakapagpapalawak ng kaalaman ng manunuod.

5. Lubhang nakahihikayat sa manonood upang


bigyan ng respeto ang bawat tao anuman ang
sekswallidad nito.

Pagkamalikhain at Elementong Biswal

6. Ang mga video at larawan ay angkop at


nakatutulong sa paglalahad ng estorya.

7. Ang mga larawan ay nagdaragdag ng kaalaman at


angkop ang pagkakalagay

8. Ang bawat elemento ng ginawang video ay


mayroong pagkakaisa

9. Ang estilo ng dokumentaryo ay kakaiba, orihinal,


at masining.

Pananaliksik at Organisasyon

10. Nakapagbibigay ng mahahalagang datos at


impormasyon na sumusuporta sa dokumentaryo.

11. Ang mga impormasyon at datos ay makatotohan


at napapanahon.

12. Ang mga kaalamang nasaliksik ay mahusay na


nailagay at naorganisa upang mas madaling
maunawaan.

13. Madaling maunawaan ang mga impormasyon at


datos gamit ang larawan, chart, o graph.

14. Ang proyekto ay nagpapakita ng mahusay na


pananaliksik na mayroong sapat na ebidensya.

Video Continuity at Audio Editing

15. Ang video clips ay malinaw at mayroong


magandang transisyon.

16. Ang “digital effect” ay angkop at nakadaragdag ng


diin sa mga tagpo.

17. Malinaw ang “audio” at mahusay na nakatutulong


sa pagsasaad ng pangunahing paksa.

18. Maganda, mahusay, at balanseng nailapat ang


“background audio/music.”

You might also like