You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Pagtuturo sa Filipino

Baitang 8

Petsa: Ika-21 ng Nobyembre, 2019

Ikaapat na Araw

I. Layunin
a. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
(balbal, kolokyal, banyaga)
b. Natatalakay ang paggamit ng mga impormal na salita sa kontemporaryong panahon.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan
ng multimedia (social media awareness campaign)

II. Nilalaman
Paksang-aralin: Gramatika
Sanggunian: Filipino-Pluma 8, pp. 351-353
Kagamitan: tsart, tsok, laptop, activity sheets

III. Pamamaraan:
A. Aktibiti:
Ang bawat mag-aaral ay bubunot ng tig-iisang strip ng papel na may nakasulat na salita. Babasahin ng
mga mga mag-aaral isa-isa ang kanilang nabunot na salita at gagamitin nila ito sa sarili nilang pangungusap.

(Mga Salitang Balbal, Lalawiganin, Kolokyal)

B. Analisis:
1. Ano ang masasabi mo sa mga salitang ibinigay ng guro?
2. May mga pagkakaiba ba ang mga impormal na salita?
3. Tungkol saan kaya ang ating tatalakayin sa umagang/hapong ito?

C. Abstrak:
D. Aplikasyon:

Panuto: Tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal o banyaga ang mga salitang may salungguhit
sa bawat pangungusap. Isulat sa linya ang iyong sagot.

_______________1. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin.


_______________2. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.
_______________3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursoing may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
_______________4. Hanep ang saya pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.
_______________5. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
_______________6. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.
_______________7. Kilig to the bones ang saya ko nang ibili ako ng bagong iPod ni Tatay.
_______________8. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.
_______________9. Kumain tayo habang nanonood ng videotape.
_______________10. Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni ermat.

Inihanda ni: Itinala ni:

Bb. Farah Mesiah P. Delantar Dr. Elsie Joy B. Leal


Substitute Teacher Principal III

You might also like