You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Zambales National High School
Iba, Zambales, Philippines
Telefax No. (047) 602 - 1202

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8


I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang iba’t-ibang itinuturong sanhi sa pag-usbong ng unang
digmaang pandaigdig
2. Naisasagawa ang graphic organizer ukol sa sanhi ng unang digmaang
pandaigdig
3. Naisusulat ang mga hakbang upang maiwasan ang digmaan

II. Nilalaman
A. Paksa
Unang Digmaang Pandaigdig: Mga Sanhi

B. Sanggunian
 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace C. Mateo et’al, pp. 448-454

C. Kagamitan
 Mga larawang may kaugnayan sa aralin
 Power point presentation
 Chalk
 Board

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati sa mga mag-aaral
2. Pagbabalik-aral
Panuto: Pagbabalik-aralan ang mga konsepto ukol sa Rebolusyong
Industriyal.

Mga gabay na katanungan:

1. Ano ang rebolusyong Industriyal?


2. Maari bang makapagbigay ng Ilang imbensyon na nabuo dahil
sa nasabing rebolusyon?
3. Pagganyak
Panuto: Sa pamamagitan ng mga tulong na larawan at salita,
tutukuyin ng mga mag-aaral ang lihim na salita sa likod nito.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagtalakay at pagtukoy sa iba’t ibang sanhi ng unang digmang
pandaigdig.
2. Panuto: Punan ng impormasyon ang graphic organizer sa
ibaba, at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ang ang
ugnayan ng sanhi ng unang digmaang pandaigdig

SANHI
N A
WWI

I
C. Pangwakas na gawain
1. Paglalahat
Panuto: Ilalapat ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman ukol sa
pangunahing sanhi
Mga gabay na katanungan:
1. Ano-ano ang sanhi ng unang digmaang pandaigdig?
2. sa iyong palagay, ano kaya ang pinakapangunahing sanhi ng
unang digmaan?

2. Pagpapahalaga
Gabay na katanungan:
1. Sa iyong palagay, ang mga naging pangunahing sanhi ba ng
unang digmaan ay makatwiran?

IV. Pagtataya
Panuto: Sa ½ crosswise, sumulat maikling sanaysay sa sumusunod na katanugan
1. Bilang isang mamamayan, ano ang gagawin mo upang
maiwasan ang digmaan

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin ang sumusunod na aralin (pp. 451-453)
1. Ang pasimula at pangyayari ng unang digmaang pandaigdig
2. Mga naging bunga ng unang digmaang pandaigdig

Inihanda ni:
Jenno N. Ochea
Student Teacher

Ipinasa kay:
Princess Diane L. Pancipanci
Critic Teacher/Teacher II

You might also like