You are on page 1of 28

9

Filipino 9
Unang Markahan – Modyul 4:
Panitikan: Teleseryeng Asyano
Wika at Gramatika: Mga Salitang Ginagamit
sa Pagbibigay Opinyon
Filipino – IkaSiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Panitikan: Teleseryeng Asyano
Wika at Gramatika: Mga Salitang Ginagamit sa
Pagbibigay Opinyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rea Mae O. Suan-Susano
Editor: Clinton T. Dayot, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa,
Shem Don C. Fabila, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C.
Fabila, Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Roshelle G. Abella, Junsly B. Kitay, Lucille
T. Folio, Janeth A. Celin, Vincent Gee R. Abrasado, Crispina P. David
Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil, Ma. Lourdes E. Peronce
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
9

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Panitikan:
Teleseryeng Asyano

Wika at Gramatika:
Mga Salitang Ginagamit sa
Pagbibigay Opinyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling TELESERYENG ASYANO: MGA SALITANG
GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG OPINYON !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa TELESERYENG ASYANO: MGA SALITANG GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY OPINYON !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

Panitikan: Teleseryeng Asyano


Wika at Gramatika: Mga salitang ginagamit sa
pagpahayag ng opinyon

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang


pamantayan. F9PD-Ic-d-40
2. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggalian ng tao laban sa
sarili. F9PU-Ic-d-42
3. Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon (sa
tingin/akala/pahayag/ko/,iba pa). F9WG-Ic-d-42

PANIMULA

Magandang Buhay! Kumusta na?

Handa ka na bang galugarin ang mundo ng nobela sa pamamagitan ng


teleseryeng asyano? Ngayong lingo, gamit ang modyul na ito ay malalaman
mo ang kahalagahan nito. Sa modyul ding ito, matutuklasan mo ang iba’t
ibang tunggalian na nakapaloob sa isang nobela. Madadagdagan din ang
iyong kaalaman tungkol sa mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon
at sa katapusan ng modyul na ito’y makasusuri ka ng teleseryeng asyano,
makakasulat ng pangyayari sa nobela na may tunggalian tao vs sarili at
makatutukoy ng uri ng tunggalian batay sa ipinahahayag ng pangyayari.

Kaya ihanda mo ang iyong sarili at tuklasin natin ngayon ang mundo ng
nobela.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natutukoy ng pangungusap na nagpapakita ng tunggaliang tao laban
sa sarili.
2. Natutukoy ng tamang pahayag na ginamit sa pagbibigay-opinyon
3. Nasusuri ng pinanood na teleseryeng Asyano ayon sa iba’t ibang
tunggalian at katangian ng tauhan
4. Nasusulat ng isang pangyayari na nagpapakita ng tunggalian ng tao
vs. sarili
5. Napahahalagahan ang mga mahahalagang pangyayari sa aralin

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Simulan natin ang pagtalakay ng modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo


sa mga tanong.

A. Panuto: Basahin at unawain mabuti. Tukuyin kung anong tunggalian ang


nangibabaw sa pahayag sa bawat bilang. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. “Ipagpapatuloy ko ba ang pagpunta sa ibang bansa o hindi?”


A. tunggaliang tao laban sa tao B. tunggaliang tao laban lipunan
C. tunggaliang tao laban sa kalikasan D. tunggaliang tao laban sa sarili

2. Si Reign ay gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kahirapan.


A. tunggaliang tao laban sa kalikasan B. tunggaliang tao laban lipunan
C. tunggaliang tao laban sa tao D. tunggaliang tao laban sa sarili

2
3. “Kaya ko to!, Problema lang to!”
A. tunggaliang tao laban lipunan B. tunggaliang tao laban sa kalikasan
C. tunggaliang tao laban sa tao D. tunggaliang tao laban sa sarili

4. “Ang sakit n’yo naming magsalita Nay, kaya lang naman ako naglihim kasi alam
kong hindi kayo papayag”
A. tunggaliang tao laban sa sarili B. tunggaliang tao laban sa kalikasan
C. tunggaliang tao laban sa tao D. tunggaliang tao laban lipunan

5. Malalim na ang gabi at parang uulan nang maisipan ni Raine na umuwi.


A. tunggaliang tao laban sa sarili B. tunggaliang tao laban sa tao
C. tunggaliang tao laban sa lipunan D. tunggaliang tao laban kalikasan
B. Panuto: Basahin at unawain mabuti. Tukuyin kung anong tamang pahayag na
pupuno sa bawat patlang upang mabuo ang isang pagbibigay opinion.
6. Bagama’t marami akong masakit na salitang natanggap mula kay nanay,
______________ nagawa niya iyon dahil sa ako’y isang pasaway.
A. sa ganang sarili B. labis kong sinusuportahan
C. kung hindi ako nagkakamali D. sa tingin ko
8. Nag-aral siyang mabuti kahapon, _____________ papasa siya bukas sa
pagsusulit.
A. sa aking pagsusuri B. labis kong sinusuportahan
C. sa aking palagay D. sa totoo lang

9. Mula sa inilahad na datos at ibidensya ng biktima __________________ ay higit


na kapani-paniwala ito kaysa inilahad ng kalaban.
A. lubos kong pinaniniwalaan B. sa aking pagsusuri
C. sa tingin ko D. sa aking pananaw

10. Tumahimik na ang bata _________________ dahil busog na ito.


A. sa tingin ko B. sa aking pagsusuri
C. sa totoo lang D. lubos kong pinaniniwalaan

11. Buhay ko ‘to, kaya ____________ ako ang dapat masusunod.


A. Sa tingin ko B. batay sa’yo
C. sa aking pagsusuri D. sa paniniwala ko

12. Makinis ang balat ni Marta ___________siya ay gumagamit ng sabon na


pampaganda.
A. Sa tingin ko B. sa aking pagsusuri
C. sa palagay ko D. labis kong pinaninindigan na

3
13. Binigyan ako ng pagkain ni Ana, ___________ napakabait niya.
A. para sa akin B. sa aking pagsusuri
C. sa palagay ko D. labis kong pinaninindigan na

14. Bayan ko ito, kaya _________ dapat lang na ipaglaban ito.


A. para sa akin B. batay sa’yo
C. sa palagay ko D. labis kong sinusuportahan

15. Nagsisisi na siya ________________ magbabago na ang lahat


A. ayon sa’yo B. para sa akin
C. sa tingin ko D. sa paniniwala ko

Magaling at nasagutan mo na ngayon


ang ilang mga katanungan tungkol sa araling
tatalakayin. Subukin mo naman ngayon ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagsagawa ng iba pang gawain sa mga
kasunod na bahagi ng ating aralin.

Handang handa ka na ba? Simulan mo


na!

4
TUKLASIN

GAWAIN 1

Tanong ko! Sagot Mo!

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang at sagutin ito ayon sa
karanasan mo.
1. Naranasan mo na bang maglihim sa iyong magulang?
2. Pinagalitan ka ba ng iyong mga magulang?
3. Nagtanim ka ba ng galit sa kanila? Bakit?
4. Bakit ka naman kaya naglihim? Ito ba ay para sa kabutihan o
kasamaan?
5. Sa tingin mo, may mabuting maidudulot ba ang paglilihim?

5
SURIIN

PAGSUSURI

Panuto: Sagutan mo ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang napansin mo sa gawain 1?


2. Ano sa tingin mo ang kinalaman ng gawain 1 sa ating talakayan?
3. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-
aaralan?
4. Para sa iyo, makabuluhan ba ang gawaing iyong ginawa sa magiging aralin
natin?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Sa bahaging ito ng aralin ay matutuhan at mauunawaan mo ang tungkol


sa mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon. Nakapaloob din dito
ang iba’t ibang uri ng tunggalian ng nobela at diyalogo na halaw sa teleseryeng
Asyano na “Guns and Roses”. Kaya magsimula ka nang magbasa at ika’y
siguradong may matutuhan dito.

6
Basahin Mo!

Alam mo ba na ang Nobela ay isang akdang buhat o katham-buhay na


binubuo ng isang mahabang kwentong piksyon na nakapaloob sa tinatawag na
mga kabanata. Ito rin ay isa sa mga akdang pampanitikan na makukuhanan ng
magandang aral sa buhay. Ito ay pwedeng maging isang pelikula. Mangyayari
lamang ito kapag ang nobela ay isinapelikula o ipinalabas sa telebisyon. Ito ay
tinatawag na telenobela at isa sa pinakamalakas sa larangan ng
teleserye/telenobela ay ang Asya.

Sa isang panitikan may mga tunggaliang nakapaloob sa isang obra. Ang


tunggaliang ito ang nagsisilbing “spice” upang maging maganda ang takbo ng
banghay.
Ibat’ibang uri ng tunggalian
➢ Tunggaliang tao laban sa sarili – ito ang tunggaliang ang kaaway ng
pangunahing tauhan ay ang kanyang sarili. Halimbawa ng ganitong
tunggalian ay ang: 1. Ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagkatao
(identity crisis) 2. Ang pagkakaroon ng tunggalian ng konsiyensiya (guilt
feeling) 3. Tunggaliang nilalabanan ang isang gawain o trabaho.
-May kaugnayan din ito sa pangyayaring kinakaharap ng pangunahing
tauhan at kung ano ang kanyang gagawing pagpapasya.

➢ Tunggalian ng Tao laban sa Lipunan-Ang kinakalaban ay maaaring


ang mga pangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa nito
ay ang kahirapan, kawalan ng katarungan, pag-uuri-uri ng mga tao sa
lipunan at iba pang suliraning panlipunan.

➢ Tunggalian ng Tao laban sa Kalikasan- dito naman ay pilit na


pinaglalaban ng pangunahing tauhan ang puwersa ng kalikasan.
Halimbawa nito ang lindol, baha, bagyo, buhawi, pagguho ng lupa at iba
pa.
➢ Tunggalian ng tao laban sa tao-ang kinakalaban ng pangunahing
tauhan ay ang mga tao sa kanyang paligid. Maaaring may isang
tauhang palaging kontra sa pangunahing tauhan. Ito ay karaniwang
idinadaan sa taalino, lakas ng katawwan, tagisan ng kapangyarihan
gayundin ng paniniwala, pananaw at prinsipyong pinaninindigan.

7
Dagdag Kaalaman!

Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon

Ang Opinyon ay tumutukoy sa paliwanag lamang batay sa mga


makatotohanang pangyayari, saloobin at damdamin ng tao. Hindi maaaring
mapatunayan kung tama o hindi. Bahagi na ng pang-araw araw na buhay
ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o
namamamalas sa ating paligid. Sa pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung
tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusupan upang
masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-
tanggap ang ating mga opinyon.
Mga pahayag sa pagbibigay ng Matatag na Opinyon
Buong igting kong sinusoportahan ang…
Kumbinsido akong…
Lubos kong pinaniniwalaan…
Labis akong naninindigan na…
Ayon sa nabasa kong datos
Mga pahayag sa pagbibigay ng Neutral na Opinyon
Kung ako ang tatanungin…
Kung hindi ako nagkakamali…
Sa aking palagay…
Sa aking pagsusuri…
Sa aking pananaw..
Sa tingin ko…
Sa totoo lang…
Pakiramdam ko…
Para sa akin… …

Ngayong alam mo na ang tungkol sa akdang pampanitikan na Nobela at


ang iba’t ibang tunggalian nito maging ang mga salitang ginagamit sa
pagpapahaygg ng opinyon. Ipagpapatuloy mo ngayon ang paghasa ng iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pagbasa ng diyalogo na halaw sa teleseryeng
asyano na “Guns and Roses Episode 2”.

8
Tandaan: Habang nagbabasa ka ay dapat suriin mong mabuti ang mga
pangyayari na nagpapakita ng tunggalian ng tao vs sarili.

“GUNS AND ROSES”


Halaw sa teleseryeng Guns and Roses (Episode 2)

Si Reign ay isang babaeng simple at nangangarap ng masayang


buhay kapiling ang kanyang magiging asawa sana. Kaya lang sa hindi
inaasahan sa araw ng kasal nila mismo ay binaril ang kanyang nobyo na
naging dahilan ng pagkamatay nito. Lubos ang pagkalungkot at luksa niya
kaya mula noon hindi na siya naglaan ng oras sa pagmamahal. Nakatuon na
lamang ang atensyon niya sa pagtatrabaho at pamilya.
Isang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang ahensya at
labis itong nagbigay pag-asa sa kanya.

Hello! Magandang
Umaga, ito po ba si Magandang Umaga din
Reign…? po. Oo, ako nga po..

Pwede ka ng magkapagtrabaho
sa ibang bansa , Pumunta ka lng Naku! Maraming Salamat po.
sa opisina.

9
Matapos makipag-usap si Reign ay agad niyang inasikaso ang mga
kakailanganin niya ng patago sapagkat alam niyang hindi ito
magugustuhan ng kanyang ina dahil hindi ito payag na mapalayo sa
kanilang pamilya. Ngunit isang araw, sa hindi inaasahan ay nalaman ng
kanyang ina ang plano niyang pagpunta sa ibang bansa para magtrabaho.
Labis itong nagdulot ng galit sa puso ng kanyang ina.

Reign! Reign! Reign!... bakit ka Hindi naman sa ganun Nay.. Sa


naglihim sa akin? Bakit? Wala na ba totoo lang, Gusto ko lang
akong halaga sa iyo bilang ina?! talagang magtrabaho sa ibang
bansa at matulungan kayo.

Hindi ‘yan totoo! Ang sabihin mo


Ang sakit mo namang magsalita
gusto mo kaming takasan, tulad
Nay… Gusto ko lang naman
noong una gusto mong mag-asawa
tumulong… kaya hindi ko
kasi sawa ka na sa amin. Kung hindi
ipinaalam sa inyo kasi alam kong
ako nagkakamali, Tatakas ka! Hindi
hindi kayo papayag
man natuloy noon, kaya ngayon
tatakas ka ulit!!
Buo na po
ang pasya
ko Nay!

Sige! Umalis ka! Umalis!... Kalimutan Sa tingin ko hindi ito ang tamang
mo na lang na may nanay ka! panahon para mag-away tayo ay.
Aalis muna ako.

10
Umalis muna ng bahay si Reign kahit may kirot sa kanyang puso.
Pumunta siya sa isang lugar na kung saan doon niya ibinuhos lahat ng
kanyang sama ng loob at problema. Hinanap siya ng kanyang kuya maging
ng kaibigan niya. Ngunit hindi niya ipinaalam dito kung saan siya. Labis ang
kaniyang sama ng loob na nararamdaman sa ngayon lalo pa at bumabalik
balik pa rin sa kanyang puso’t isipan ang kirot sa puso na kanyang
naranasan sa buhay, ang pagkamatay ng kaniyang nobyo.

O kay lupit naman Bakit ba ganito?


ng kapalarang ito… Huhuhuhuhu…Ang sakit!
Ang sakit sakit sa
puso…!
Pakiramdam ko, ako na
ang masama sa lahat.

Gabi na ng maisipan niyang umuwi. Halos lumupasay siya sa daan


dahil sa kanyang kalasingan at kinakausap pa ang sarili na walang pakialam
sa mga taong dumadaan.

Huhuhuhuhuhu

Kaya ko ‘to!,
problema lang to!

Hindi na niya kayang lumakad at sa kalye pa lang ay nakatulog na


siya. Hindi niya alintana ang taong lasing din na umaaligid at naghihintay
lamang ng pagkakataon at anumang oras para gawin ang masamang balak.

11
Pagpapalalim

Ngayong natapos mo nang basahin ang diyalogo mula sa teleseryeng Asyano na


“Guns and Roses” sukatin natin ang iyong kaalaman batay sa iyong binasa.

Sagutin Mo!
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa sariling opinion.

1. Ilarawan mo ang pangunahing tauhan batay sa iyong binasa.


2. Ano ang labis na dahilan ng galit ng kanyang ina?
3. Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan?
4. Anong positibong katangian ang ipinakita ng pangunahing tauhan?
5. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng pangunahing tauhan, gagawin mo rin ba
ang ginawa niya? Bakit?
6. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ng ina, ano kaya ang maaari mong
gawin sa iyong anak?

Mga Gawain 2

Hanap Mo! Sulat Mo!

Panuto: Maghanap ka ng dalawang pangyayari mula sa diyalogong iyong nabasa


na halaw sa “Guns and Roses” na nagpapakita ng tunggalian ng tao laban
sa sarili at magbigay ka ng opinyon mo tungkol dito na ginagamitan ng mga
salitang nagpapahayag ng opinyon. Gayahin mo ang pormat sa ibaba.

Pangyayaring nagpapakita ng Anong masasabi mo? (Magbigay


tunggalian ng tao laban sa sarili ng Opinyon gamit ang mga
pahayag ng ginagamit sa
pagbibigay opinyon)
1. 1.
2. 2.

12
Mga Gawain 3

Panuto: Balikan mo ang diyalogo na halaw sa “Guns and Roses”. Magbigay ng


tatlong pangungusap na ginagamitan ng mga salitang nagpapahayag ng
opinyon batay sa iyong nabasang diyalogo.

Pangungusap na ginagamitan
ng mga salitang nagpapahayag
ng opinyon

1. ______________________________________________

2. ______________________________________________

3. ______________________________________________

ISAISIP

Ang bunga ng nararamdaman ng isang tao o


kung paano niya naiintindihan ang isang bagay ay
tinatawag na opinyon. Ito rin ay nagsisilbing repleksiyon
ng ugali o pagkakakilanlan ng isang tao.

13
ISAGAWA

PAGLALAPAT

Maligayang bati sa iyo! Masaya ako at napagtagumpayan mong tapusin ang


mga gawain. Alam kong marami ka nang natutunan sa modyul na ito. Para mahasa
ang iyong galing sa pagsusuri ilapat mo ngayon ang iyong natutuhan.

Balikan mo ang teleseryeng Asyano na pinamagatang “Guns and Roses” at


gawin ang pagsusuri.

Sa tingin ko handang handa ka ng ilapat ang iyong mga nalalaman. Kaya


simulan mo na!

Panuto: Balikan mo at basahing muli ng mabuti ang diyalogo sa itaas. Pagkatapos


ay suriin mo ang nilalaman nito ayon sa ibat’ibang tunggalian gamit ang
pormat sa ibaba. Mamarkahan ang iyong gawa batay sa pamantayang
inihanda.

Tunggalian Pangyayari Katangian ng tauhan na


ipinakita

Tao laban sa sarili

Tao laban sa kalikasan

Tao laban sa lipunan

Tao laban sa Tao

14
Pamantayan sa Pagsusuri ng teleseryeng Asyano

Pamantayan =5 puntos =10 puntos =15


puntos
Kaayusan ng Hindi maayos ang May kaunting Maayos na
Pagsusuri pagkakasuri kaayusan ang maayos ang
pagsusuri pagsusuri
Nailalahad Hindi nailahad ang nailahad ng kaunti Nailahad nang
ang katangian ng tauhan ang katangian ng maayos ang
katangian ng sa pangyayari tauhan sa katangian ng
tauhan sa pangyayari tauhan sa
pangyayari pangyayari
Kabuluhan ng Walang kabuluhan May kaunting Magaling!
nilalaman ng ang nilalaman ng kabuluhan ang Makabuluhan
pagsusuri pagsusuri nilalaman ng talaga ang
pagsusuri nilalaman ng
pagsusuri.

KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Magaling! Marami ka nang natapos na gawain. Ngayon, para matukoy mo


ang iyong natutuhan, tayain mo ngayon ang iyong sarili. Ilahad mo ang iyong
natutunan sa mga gawain sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain sa ibaba.

Paano nakatulong ang mga salitang ginagamit sa


pagpapahayag ng opinyon sa pakikipagtalasan

1. ________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

15
3. “Kaya hindi ko ipinaalam sa inyo kasi alam kong hindi kayo papayag”.
Ano ang opinyon mo sa pahayag na ito?

____________________________________________________________

REFLEKSIYON

Magbalik-tanaw ka!
Sa Bahaging ito, balik-tanawan mo ang iyong natutunan. Sa tulong ng organizer
ilahad mo ito.

Tala ng mga natutuhan

Natutuhan ko sa Natuklasan ko Masasabi ko


modyul na … na….. na…..

16
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawain mabuti. Tukuyin kung anong pahayag ang


nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot at siulat sa sagutang papel.

1. Tumawag ang tagapamahala ng ahensya kay Reign at ipinaalam nito na


pwede na siyang makapagtrabaho. Labis naman ang saya na nadarama ni
Reign pagkarinig niya ng balitang ito at matutupad na ang kanyang pangarap.
A. Tumawag ang tagapamahala ng ahensya
B. Ipinaalam nito na pwede na siyang makapagtrabaho
C. Labis ang saya na nadarama ni Reign pagkarinig niya ng balita at
matutupad na ang kanyang pangarap
D. Wala sa nabanggit

2. Inilihim ni Reign ang lahat sa kanyang ina kaya nang nalaman nito ay labis
ang galit at poot na nadarama. Umiyak naman si Reign at nagdalawang isip
kung magpapatuloy ba siya o hindi.
A. Inilihim ni Reign ang lahat sa kanyang ina
B. Nang malaman nito ay labis ang poot at galit
C. Umiyak naman si Reign
D. Nagdalawang isip kung magpapatuloy ba siya o hindi.

3. Nagtalo silang dalawa at nabulyawan siya ng kanyang ina. Nasaktan nang


labis si Reign kaya pinili niyang mapag-isa muna. May luha pa sa kanyang
mata nang umalis siya ng bahay.
A. May luha pa sa kanyang mata nang umalis siya ng bahay
B. Nasaktan ng labis si Reign kaya pinili niyang mapag-isa muna
C. Nabulyawan siya ng kanyang ina
D. Nagtalo silang dalawa

17
4. Napadpad siya sa isang lugar na kung saan pwede siyang uminom. Pumili ng
matapang na inumin kahit na alam niyang malalasing siya. Tinungga niya ang
laman ng bote at umorder pa.
A. Napadpad siya sa isang lugar na kung saan pwede siyang uminom
B. Pumili ng matapang na inumin kahit na alam niyang malalasing siya
C. Tinungga niya ang laman ng bote
D. Umorder pa

5. Nagpasya siyang umuwi ng mapagtanto na malalim na ang gabi. Mag-isa


niyang tinahak ang daan. Pasuray-suray ang kanyang paglalakad dahil sa
kalasingan. Dahil sa hindi na niya kayang lumakad pa ay nakatulog siya sa
daan. Hindi alam ang panganib na maaaring dumating.
A. Nagpasya siyang umuwi ng mapagtanto na malalim na ang gabi
B. Mag-isa niyang tinahak ang daan
C. Pasuray-suray ang kanyang paglalakad
D. Hindi na niya kayang lumakad

B. Panuto: Basahin at unawain mabuti. Tukuyin kung anong tamang pahayag


na pupuno sa bawat patlang upang mabuo ang isang pagbibigay opinyon.

6. Ang sakit mo namang magsalita nay, _____________ hindi ito ang tamang
panahon para tayo ay magtalo.
A. sa aking pananaw B. labis kong sinusuportahan
C. kung hindi ako nagkakamali D. sa tingin ko

7. Gusto ko lang naman tumulong sa ating pamilya ______________kasi naaawa


na ako sa’yo.
A. sa aking palagay B. sa aking pagsusuri
C. sa ganang sarili D. sa totoo lang

8. Kahit naglihim ka sa akin, ____________________ na hindi mo kami iiwan.


A. lubos kong pinaniniwalaan B. kumbinsido akong
C. labis kong sinusuportahan D. sa aking palagay
9. Ang sabihin mo, gusto mong tumakas kasi _____________ matagal na kitang
minamanmanan.
A. sa aking pananaw B. sa totoo lang
C. sa tingin ko D. sa ganang sarili

10. Mahal mo ba ako nay? Kasi ______________________ mahal na mahal ko


po kayo inay.
A. sa tingin ko B. sa aking pagsusuri
C. sa totoo lang D. kung ako ang tatanungin

18
11. Naglihim lang naman ako dahil, _____________ ito ay nakabubuti.
A. sa aking pananaw B. sa ganang sarili
C. kung hindi ako nagkakamali D. sa tingin ko

12. ______________ mabuti pang bukas na lang natin ito pag-usapan.


A. ayon sa iyong sinabi B. buongigting kong sinusuportahan
C. kung ako ang tatanungin D. para sa iyo

13. Lubos na nasaktan si Reign sa pagkamatay ng kanyang nobyo ________


hindi pa humilom ang sugat sa puso niya.
A. Lubos kong pinaniniwalaan B. kumbinsido akong
C. sa aking pagsusuri D. sa ganang sarili

14. Labis siyang nasaktan sa iginawi ng kanyang anak kaya __________ ay hindi
siya nakapagpigil at nabulyawan niya ito.
A. sa aking pananaw B. sa totoo lang
C. para sa akin D. sa aking pagsusuri

15. Umalis siya! ________ wala na talagang respeto ang batang iyon.
A. Sa tingin ko B. Sa aking pagsusuri
C. Sa totoo lang D. Para sa akin

19
MGA SANGGUNIAN

Ili, Jose Ranie, “Pagsusuri ng Nobelang Itinakda” Disyembre 12, 2011.


http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda.html
Clavero, Arnel Jr, “Ang mga tauhan at uri ng tunggalian” Disyembre 10, 2013.
http://prezi.com/ew04ngz2arui/ang-mga-tauhan-at-uri-ng-tunggalian/
Palero, Juan Miguel, “Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at
mga Wastong Gamit ng Salit” http://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-
pahayag-na-ginagamit-sa-pagbibigay-ng -opinyon-at-mga-wastong-gamit-ng-salita.
Cawas, Rodrigo et. Al., “Sanayang aklat sa Filipino 9” 2017.
http://deped.in/sanayangaklat
TFC the Filipino Channel, “Guns and Roses” Enero 13, 2012.
http://www.youtube.com/watch?v=CU8WiXvfvy8

Versace, Gardo, “ Guns and Roses TV Series” Agosto 12, 2019.


http://en.wikipedia.org/wiki/Guns_and_Roses_(TV_series)

20
REA MAE O. SUAN-SUSANO, 24 na taong gulang,
may asawa at may isang anak. Nakapagtapos ng
kolehiyo sa Central Philippines State University, Main
Campus bilang Cum Laude. Nakakuha rin ng 9 na yunit
sa MAEd Filipino sa parehong paaralan. Sa
Kasalukuyan ay permanenting guro na nagtuturo sa
pampublikong paaralan ng Tara Provincial Community
High School na may posisyon na SST-I.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

21

You might also like