You are on page 1of 9

Filipino

Baitang 4• Yunit 4: Mitolohiya

ARALIN 4.4
Pagsulat ng Mitolohiya
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Ang Pagsulat ng Mitolohiya 3
Ang Paggamit ng Salita 4
Ang Paggamit ng Pamagat 5
Tiyaking Kumpleto ang mga Elemento ng Mitolohiya 5

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 6

Pag-isipan Natin 6

Dapat Tandaan 8

Mga Sanggunian 8
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Aralin 4.4
Pagsulat ng Mitolohiya

Lar. 1. Ang Pagbuo ng Kuwento ay Mula sa Mayamang Imahinasyon

Introduksiyon
Maraming pangyayari sa paligid na mapagkukunan ng mga maaaring ikuwento; Halimbawa
ay ang mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid na bahagi ng ating kultura at
kaugalian. Marahil ay nakapagtataka pa rin na hanggang sa kasalukuyan ay malaki pa rin
ang lugar ng mitolohiya sa panitikan ng iba’t ibang lahi, gayong ipinakikita ito noon ng mga
naunang tao upang ipaliwanag ang mga pangyayari sa paligid, lalo na ang likha ng kalikasan.

1
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Nais mo bang maranasan na maging manunulat? Pangunahing layunin ng araling ito na


magabayan ka kung paano magsulat ng isang mitolohiya tungkol sa pamayanan.

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa
natatanging tao sa pamayanan.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasaha nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa
natatanging tao sa pamayanan, tugma, o maikling kuwento (F4PU-Ia-2;
F4PU-Ic-2.2).

Simulan

Sarili Kong Kuwento

Materyales
● panulat
● papel

Sundin ang isinasaad sa panuto:


Panuto
1. Kung ikaw ay bubuo ng sarili mong kuwento, tungkol saan ito at bakit?
2. Gawing gabay ang grapikong pantulong sa ibaba.

2
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Mga Gabay na Tanong


1. Tungkol saan ang kuwentong nais mong isulat?
2. Sino-sino ang tauhang nais mong bumida sa kuwentong ito?
3. Ang kuwentong nais mo bang isulat ay batay sa sarili mong karanasan? Oo o hindi?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang Mitolohiya? Paano
makabubuo ng isang maayos na daloy ng kuwento?

Ang Pagsulat ng Mitolohiya


Ang pagsulat ay isang kasanayang kailangang linangin ng mag-aaral. Ang isa sa mga
maaaring isulat ay ang mga kuwentong nasasaksihan, naririnig, at kinasasangkutan mo.

3
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Ang Paggamit ng Salita


1. Makapangyarihan ang salita sa paglikha ng isang kuwento. Mas marami kang alam
na salita, mas madali ang pagsulat dahil mas madali ang pagpapahayag ng isip at
damdamin.
2. Ang mga salita ay maaaring naglalarawan, nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari, o nagpapaliwanag sa isang bagay.
3. Halimbawa, kung magsusulat ng isang kuwento tungkol sa isang taong natatangi sa
pamayanan, isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong:

4
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

4. Maaaring gumamit ng mga pahiwatig, simbolo, at katimpian ng mga salita upang


maging masining at mapag-isip ang mambabasa.

Ang Paggamit ng Pamagat


Kailangang ang iyong kuwento ay may pamagat. Maging simple sa pagbibigay ng pamagat.
Gumawa ng pamagat na ibinatay sa paksa ng iyong kuwento. Tiyakin na ang iyong pamagat
ay nakatatawag ng pansin sa mga mambabasa.

Tiyaking Kumpleto ang mga Elemento ng Mitolohiya

5
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

Sagutin Natin
1. Ano ang mga paksang maaari nating isulat sa pagsulat ng isang kuwento?
2. Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng isang kuwento?

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang kuwento?
2. Paano lumikha ng isang kuwento?
3. Bakit mahalagang maisulat ang mga kuwento sa paligid?

Isaisip Natin
Sa iyong opinyon, bakit magandang paghanguan ng mga kuwento ang paligid o ang iyong
pamayanan?

Pag-isipan Natin

A. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay tama at Mali kung ang
pahayag ay mali.

________________ 1. Karanasan ng kapwa lamang ang maaaring gawan o


paghanguan ng/sa pagsulat o paggawa ng mitolohiya.

6
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

________________ 2. Mahalagang linangin ang kasanayan sa pagsulat ng isang


mitolohiya.

________________ 3. Nakatutulong ang paggamit ng pahiwatig, simbolo, at katimpian


ng mga salita upang maging masining ang kuwentong lilikhain.

________________ 4. Opsiyonal ang paglalagay ng pamagat sa isang kuwento ayon sa


kagustuhan ng may-akda.

________________ 5. Tiyaking kumpleto at isinaalang-alang sa pagsulat ng daloy ng


kuwento ang mga elemento ng mitolohiya gaya ng banghay,
tauhan, tagpuan, suliranin, at kaisipan.

________________ 6. Kapag natapos na ang ginawang kuwento ay hindi na ito maaari


pang irebisa.

________________ 7. Dapat ipabasa ang ginawang mitolohiya sa iba upang mabigyan


ito ng puna.

________________ 8. Maaaring maglagay ng anomang naisin na pamagat sa


ginawang mitolohiya.

________________ 9. Maaaring isulat ng manunulat ang mga kuwentong


nasasaksihan, naririnig, at mismong kinasasangkutan.

________________ 10. Dapat na isaalang-alang ang mungkahi ng mga nagbigay ng


puna upang mapaganda ang isinulat na kuwento.

Dapat Tandaan

7
Filipino

Baitang 4 • Yunit 4: Mitolohiya

● Ang pagsulat ay isa sa pinakamahalagang kasanayang dapat malinang sa mga


mag-aaral higit lalo ang pagsulat ng sariling kuwento.
● Mahalagang isaalang-alang ang mga dapat gawin sa pagsulat ng isang mitolohiya.
● Dapat kapupulutan ng aral ang mga isusulat.
● Maaaring makalikha ng mga kuwento batay sa pangyayaring naobserbahan,
napakinggan, at kinasangkutan.

Mga Sanggunian
Gonzaga-Merida, Marina., et. al. 2016. Bulwagan 7. Quezon City: Abiva Publishing House Inc.

Lazaro, Nina Christina, & Liwanag, Lydia B. 2006. Interaktibong Modyul sa Filipino. Quezon
City: New Star Publishing House

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. 1991. Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex
Book Store.

Sicat-De Laza, Crizel., et. al, 2018. Baybayin 10. Manila City: Rex Bookstore, Inc

Vas, Gratian. 2009. Creative Writing. New Delhi: Sterling Publishers Private Limited.

__________. 2020, Agosto 13. Ano ang Mitolohiya. Inakses noong Marso 1, 2022 sa
https://gabay.ph/mitolohiya/.

You might also like