KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY SA GCASH TEXT SCAM AT SIM
REGISTRATION
TOP RADIO JINGLES QUICK DEMOS OR WORK SAMPLES (1:41 - 1:43)
Blooper Beep | No Signal | Visual and Sound effects | Fail Beep *Useful*
Announcer: Mula sa istasyon ng XKRM 99.8, inihahandog ang inyong pinagkakatiwalaang
tagapaghatid ng napapanahong isyu, advice, at balita tuwing umaga. Nandito, sina Ate Xy at
Ate Ru. (noise sound then stop)
Ruffa: Magandang magandang magandang umaga mga kalisteners and of course to you Ate
Xy.
Xyla: Yes, at magandang umaga nga rin sayo Ate Ru at mga kalisteners.
Ruffa: Ayun (clap sound) mukhang mataas ang energy natin today, at sana sa ating mga
kalisteners din.
Xyla: Oo nga partner, dahil sa hatid nating balita ngayon, na tiyak ay magpapabaga sa ating
mga tagapakinig, kaya’t kailangan nila at natin ng energy. (energy fm sound)
Ruffa: Sinabi mo pa. Well, ito na nga ngaaa Ate Xy, may tanong ako sayo, nakapagregister
kana ng sim card mo?
Xyla: Ako? Syempre naman. Bakit mo pala natanong Ru, hindi ba ay April 26 pa ang deadline
nyan?
Ruffa: Ayun nga Teh, namove kasi ang deadline dahil sa binigyan palugit ang mga
telecommunication at makukulit na pilipinong hindi pa rin nakakapag register.
Kaya mga kalisteners kung hindi pa kayo nakakaregister, ngayon pa lang ang gawin nyo
na, madali lang ho yan. Siguraduhin na yung legit o tamang link ang gagamitin sa pagregister,
bisitahin po natin ang mga official website ng smart, tnt, at globe.
At ito pa nga Xy, ayon sa DICT ay mas dumarami daw ngayon ang mga insidente ng text
scam.
Xyla: Hay nako, tama ka jan partner, maski nga akong nakapagregister na ay nakakatanggap
parin ng iilang mga text scam na yan, pero syempre hindi ako nagpapaloko.
Ruffa: Nako, maging ako nga rin partner at nakakatanggap parin ng mga scam scam na yan.
Xyla: Nakakainis ngang talaga. At ito pa nga Ru, hindi na lang basta basta text ang sinesend ng
mga scammer ngayon, naging mautak na rin sila. Nagsasabing nanalo daw ng ganito ganyan,
galing sa bangko, sa gcash, nagsesend ng links at minsan alam pa mismo ang pangalan natin.
Ruffa: Oo nga, talagang nakakatakot at alam nila ang pangalan at impormasyon natin. Kaya’t
mga kalisteners, important advice lamang po, maging maingat tayo sa pag pindot pindot ng
mga link na nasesend saatin, huwag basta bastang magbibigay ng mga personal na
impormasyon.
Xyla: Tama, at kung maigi ho ay basahing mabuti ang mga text na natatanggap, huwag agad
agad maniwala sa mga text na nagsasabing nanalo ng ganito ganyan lalong lalo na kung hindi
kilala ang may ari ng number. At paalala, mag-iingat ho tayo.
Ruffa: Yes, yes, yes namaaan mga kalisteners. Kaya’t iyon muna po ang aming hatid na balita
para sa oras na ito, at magbabalik kami mamaya pagkatapos ng aming mumunting break time.
Ako po ulit Ate Ru!
Xyla: At ako naman si Ate Xy!
SABAY: At muli, kayo po ay nakikinig sa XKRM 99.8.
TOP RADIO JINGLES QUICK DEMOS OR WORK SAMPLES (1:24 - 1:31)
ABS-CBN Summer Station ID 2012 "Pinoy Summer, Da Best Forever" (1:30 - 1:34) END