You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan

Ikaapat na Linggo
IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Essential Competencies)


• Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng
kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon. (AP7HAS-If1.6)

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga
sumusunod mong kasanayan:
1. Natataya ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay
ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng Agrikultura at
Ekonomiya.
2. Nakagagawa ng slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng
likas na yaman sa pamumuhay ng mga asyano.

ARALIN 3
MGA PINAGKUKUNANG YAMAN
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon sa Larangan ng Agrikultura, Ekonomiya, Pananahanan at
Kultura

Pagasasaka at Panustos na Pagkain sa Timog-Silangang Asya.


- Bigas ang pangunahing pagkain sa buong rehiyon ng Timog- Silangang Asya.
Dalawang uri ng palay ang itinatanim ditto-palay sa matubig na bukid at palay sa
mga burol at bundok. Ang aning palay sa mga matubig na bukirin ay higit na malaki
kaysa ani sa mga burol at bundok. Dahil dito, karamihan sa mga pagkain sa rehiyon
ay nagmumula sa pagsasaka ng mga matubig na
kapatagan.
Mga Suliranin ng Timog-Silangang Asya

- Nahaharap ang Timog-Silangang Asya sa malaking suliranin ng panustos na


pagkain dahil sa napakabilis na paglaki ng bilang ng populasyon nito. Bagaman
nagsisikap ang mga bansang magdagdag ng mga bagong pananim, maglagay ng
mga irigasyon at gumamit ng makabagong paraan sa pagsasaka, hindi pa rin
makasapat ang mga ito para sa lumalaking
populasyon.

1
Kalagayan ng Pagsasaka sa Asya

-Dalawa sa bawat tatlong Asyano ang nabubuhay sa pagsasaka. Karamihan sa


kanila ay nagmamay-ari ng mga maliit na lupa na kanilang tinatamnan ng sapat
na pagkain para sa kanilang mga sarili at pamilya/ ang iba ay gumagawa para sa
mayayamang haciendero, samantalang ang iba pa ay naglilingkod sa mga
sakahang pampamahalaan o pangmadlang
bukirin.

Ang Kalagayan ng Pangingisda sa Asya


- Pangunahing pagkain ang isda sa mga baybayin at pulo ng Silangang Asya.
Namamahala ang Tsina at Hapon ng malalaking pangkat ng mga bangka sa
pangingisda na naglalayag sa dagat ng hilagang Pasipiko sa paghuli ng hilagang
Pasipiko sa paghuli ng isda. Ang isda ay mahalagang putahe sa pagkain ng mga
taga- Bangladesh, Sri Lanka at Myanmar. Ang pangingisda sa mga ilog at lawa ay
pangunahing hanapbuhay sa maraming bahagi ng timog-Silangang Asya lalo na sa
mga bungad ng malalaking ilog tulad ng Mekong. Ang Tsina ay maraming ilog at
lawang napagkukunan ng mga
isdang tabang

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman


Sa paanong paraan mapag-iingatan ng mga Pilipino ang
kanilang likas na yaman?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2
Gawain 3: Paglalapat

Ang polusyon ang isa sa mga suliraning nakakaapekto sa


mga pamayanang urban. Ang mga yamang tubig at yamang lupa
ay pawing apektado ng polusyon. Sumulat ng isang maikling
sanaysay kung paano matutugunan ang problema ng polusyon sa
ating bansa.

KARAGDAGANG PAGPAPAYAMANG GAWAIN


Likhain Natin: Slogan mo, Post mo!
Layunin (Goal) - .Makagawa ng Islogan hinggil sa kahalagahan ng implikasyon ng
agrikultura at ekonomiya sa pamumuhay sa Pilipinas.
Gampanin (Role) – Bilang environmental advocate (nangunguna sa pangangalaga ng
likas na yaman), ikaw ay naatasan na magpaskil sa iyong facebook account ng isang
slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga
Asyano
Mga Manunuod (Audience)- Kapwa mag-aaral, friends sa facebook, maging mga tao
na nanguna sa pangangalaga ng likas na yaman.
Sitwasyon (Situation)- Kabi kabila ang mga balitang iyong napapanood tungkol sa
walang pakundangan na pagputol ng mga puno sa kabundukan, paggamit ng mga
maling kagamitan sa pangingisda katulad ng dinamita, patuloy na pagtapon ng basura
sa katubigan at patuloy na pagbuga ng maruruming usok mula sa mga pabrika.
Produkto (Product) - Islogan
Mga Hakbangin:
1. Gamit ang inyong Facebook account, magpaskil sa inyong wall ng isang islogan
na naglalahad ng pangangalaga ng likas na yaman na nakatutulong sa
kabuhayan ng mga Asyano. (Tandaan: Siguraduhing naipakita sa guro ang
nagawang islogan bago ipost.)
2. Gumamit ng akmang post background sa Facebook upang makapukaw ng
atensyon ng iyong mga kaibigan sa Facebook.
3. Maaaring hingin ang tulong o suhestyon ng mga kasama sa bahay upang
makabuo ng magandang islogan
Halimbawa: “ Ang tubig ay buhay kaya nararapat
pahalagahan”
Pamantayan (Standards)
Tandaan: Hindi maaaring magpaskil sa Facebook wall hangga’t wala pang pahintulot ng
guro. Padalhan ng mensahe ang iyong guro gamit ang messenger upang maiwasto ang
islogan na ginawa
Pamantayan Marka
Nilalaman 50 puntos
(Ang ideya ay akma sa tema/sitwasyon)
Malikhain 25 puntos
(Ginamitan ng akmang post background sa facebook)
Audience Impact 25 puntos
(bilang ng mga naglike at nagheart sa post)
Kabuuang Marka 100 puntos

You might also like