You are on page 1of 3

( Spoken Poetry )

PANITIKAN

Nagsimula tayong dalawa, bilang isang parabula


Isang kuwento na hinango sa Bibliya
Isinusulat ng nasa anyong patula
Parang tayong dalawa.

Sukat na sukat at kitang-kita ang pagiging tugma


Tila iginuhit ng tadhana, ang puso ng isa’t isa
Kaya malabo masira at mahirap mabuhay.

Kung minsan maihahalintulad din tayo sa nobela


Kuwento na binubuo ng mga kabanata
May tagpuan na kung saan nagsimula tayong dalawa
May mga tauhan upang mas mabuhay ang istorya
At may tema na sumasalamin sa ating dalawa

Ngunit dumadating sa punto na nagiging pabula


Dahil may mga hayop na bigla na lang eeksena
Mga ahas at buwaya na talagang masakit sa mata
Mga hayop na walang ibang ginawa, kundi mamuna ng iba.

Hindi nagtagal at unti-unti naging dula


Ihahalintulad kita sa isang mangtutula
Sa entablado ng buhay ko ay naging labas-masok ka
Babalik sa tuwing nangungulila
At mawawala na parang bula sa tuwing magsasawa.

Hanggang sa mawalan ng saysay taliwas sa tunay kahulugan ng sanaysay,


Kung dati ay nagbibigay ng aral sa iba
Gayon ang isa’t isa ay tila hindi na kilala
Nawala na ang sigla ng tema
Nawala na ang layunin ng bawat nilikha
Nawala na ang gana sa mambabasa.

Sa huli, nagtapos ang lahat sa pagiging anekdota,


Maikling kuwento na may pakanabik na simula
Ngunit katulad sa iba ito’y isa na lamang mga ala-ala,
Mga ala-ala na maaaring pagnilay-nilayan
Ngunit hindi na maibabalik pa.
PANUKATAN NG PAGHATOL

% GRADE 7 GRADE 8 GRADE 9 GRADE 10


Nilalaman (memorize) 20
Pisikal na kaanyuan 20
(tindig,kilos/galaw)
Boses (lakas at hina, bilis at 30
bagal, intonasyon at tamang
pagbigkas
Dramatikong kaangkupan 20
(Damdamin)

Impak sa madla 10
TOTAL 100

______________
Perma ng hurado

1.  Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ay isinasalaysay ang mga pangyayari
tungkol sa pinagmulan ng mga bagay bagay sa daigdig.
a. Maikling kuwento
b. Dula
c. Alamat
d. Epiko

2. Uri ng panitikan na maiksing salaysay lamang tungkol sa isang mahalagang


pangyayari sa isang tao o mga tauhan na may iisang impresyon lamang
a. Maikling kuwento
b. Dula
c. Alamat
d. Epiko
Sanaysay - ito ang uri ng panitikan na may isang maiksing komposisyon na kalimitan
na naglalaman ng mga personal na kuru-kuro ng may akda.
Pabula - ito ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kung saan ang
kumaganap sa kwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay.
Nobela o talambuhay -ito ang uri ng panitikan na binubuo ng ibat-ibang kabanata,isang
mahabang kwento tungkol sa buhay ng isang tao.
Dula- uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
Parabula -ito ay uri ng panitikan na kung saan ang mga pangyayari ay hango sa bibliya
at may moral na aral
Bugtong - ito ang uri ng panitikan na tinatawag ding palaisipan, ito ay isang
pangungusap o isang katanungan na may nakatagong kahulugan na kaylangan isipin o
lutasin.
Epiko - ito ay isang uri ng panitikan na nasa uri ng patula na nakuha natin sa mga
Espanyol na may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang
saknong.
Tula - ito ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng
tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo

You might also like