You are on page 1of 2

Pangalan: Montemayor, Elisha Therese V.

Student Number: 202220563


Seksiyon: Fil 40 X2-1
Repleksyong Papel: Ang Kinabukasan ng Wika sa Mata ng Manlilikha

Pinaniniwalaan ko na ang diskurso tungkol sa kinabukasan ng ating wika ay binubuo ng


maraming salik na nakakaapekto sa hinahanap natin pag-unlad. Ito’y isang problema na
komplikado at hindi kaya solusyonan ng isang Unibersidad. Maaari nilang subukan lumikha ng
napakaraming panukala o magsimula ng bagong programa upang isulong ang paggamit ng
Filipino at mga katutubong wika.- ngunit nakakalimutan nila kung paano tumatakbo ang
pag-iisip ng isang mag-aaral.

Malaki ang halaga ang pagiging mahusay sa Ingles. Isa itong kultura, na sa kasamaang palad, ay
na itinanim sa mga Pilipino. Maraming henerasyon ang naapektuhan nito, at dahil sa desisyon
na isentro ang Ingles sa bansa, nagkaroon ng hindi mabuting kahihinatnan. Isang halimbawa
dito na ang pag-usbong ng mga mamamayan na ang kanilang nakasanayang wika ang Ingles.
Dagdag ko pa dito ang maling pagkilala nila sa Pilipino bilang lengguwahe ng lansangan, mga tao
na walang pinag-aralan. Sa wakas, upang makaalis sa panghuhusga, tumungo sila sa kaligtasan-
ang pagkalimot ng katutubong wika para sa Ingles.

Kung babalikan naman natin ang unang punto, tinutukoy ko ang pagpapalaganap ng midya at
teknolohiya. Maaring makatulong ang mga iminungkahi na programa ni U.P,, pero kaunti lamang
na estudyante ang buong pusong may interes na lumalim ang pagkakaunawa niya sa wika. Ito’y
titignan lamang na isang asignatura na kailangang ipasa upang makapagtapos. Ano ang
magiging halaga nito kung ang magiging pananaw ng estudyante sa programa ay napilitan
lamang? Mas mahusay na ituro ang wika sa kolokyal na pamamaraan at discurso kaysa gawin
itong akademikong yunit. Kaya’t hinihikayat ko ang paggamit ng midya at teknolohiya. Sa
pamamaraan sa pagpapahayag ng mga fictional books, komiks, animasyon, printmaking,
eskultura, atbp., na ang paksa ay nakasentro sa ating wika at kultura.
Bilang isang manlilikha, laking lungkot ko pagkatapos basahin ang dokumento. Isa sa mga
seksyon ay nakatuon lamang sa pananaliksik. Wala ding pagkilala na gamitin ang mainstream
media bilang isang instrumento na makakatulong sa pag-unlad ng ating wika. Umaasa ako na
bigyang pansin din kaming mga alagad ng sining at kilalanin ang aming kontribusyon sa
paglaganap at pag preserba ng wika at kulturang Pilipino.

You might also like