You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO – DULA

Pangalan:_____________________________ Baita at
Seksyon:_________
Guro:_____________________________ Iskor:__________________

Aralin : MGA SANGKAP NG DULA


Pamagat ng Gawain : ANG SAGLIT NA KASIGLAHAN, TUNGGALIAN, AT
KASUKDULAN
Layunin : Nasusuri ang tiyak na elemento ng dulang nabasa.
Manunulat : IVY ROSE G. PASCUAL, MARISSA B. GABAIS

MGA SANGKAP NG DULA


(ANG SAGLIT NA KASIGLAHAN, TUNGGALIAN, AT KASUKDULAN)

Ang gitna ng isang dula ay binubuo ng mga tiyak na elemento. Ito ay


ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.

 SAGLIT NA KASIGLAHAN
Ang saglit na kasiglahan ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga
tauhan sa suliraning nararanasan. Dito ay panandaliang nagtatagpo ang mga
tauhang kasangkot sa suliranin.

 TUNGGALIAN
Ito ang bahaging kababasahan ng pakikipagtunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa suliraning kahaharapin. Ang
tunggalian ay maaaring: tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan o tao laban
sa mga pwersa ng kalikasan.

 KASUKDULAN
Tinatawag itong climax sa wikang Ingles. Dito nasusubok ang katatagan
ng tauhan. Sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o pinakakasukdulan ng tunggalian.

Basahin ang buod ng dulang “Walang Sugat” ni Severino Reyes para sa


gawain.

WALANG SUGAT (BUOD)


Severino Reyes
Nagbuburda si Julia habang nakaharap kay Tenyong. Pagkatapos,
biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang
ama ni Tenyong. Ayon kay Lucas, napagkamalan itong isang tulisan. Napatay
ang kanyang ama na si Kapitan Inggo at nais ni Teyong na maghiganti. Hindi
naman ito nagustuhan ng kasintahang si Julia at kanyang ina na si Kapitana
Puten.
Ngunit ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong.
Dito ay may dumating namang manliligaw si Julia, ang mayamang si Miguel.
Sa paglaon, itinakda ang kasalang Julia at Miguel kaya nagpadala ng liham si
Julia kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ang liham ay hindi
nasagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lang ni
Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na
si Tenyong, kaya labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang
magpakasal kay Miguel.
Sa araw ng mismong kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na
duguan at anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang
makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay
Julia. Pumayag naman si Tadeo, ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia
dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanilang mga
anak.
Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang lahat ng “Walang
Sugat!” “Walang Sugat!” Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya
ay makasal kay Julia.

Gawain 1: SAGLIT NA KASIGLAHAN, TUNGGALIAN AT KASUKDULAN

Balikan ang mga detalye ng dulang nabasa. Sa sagutang papel,


gumawa ng “story mountain” ng mga pangyayari sa dula upang maayos na
maipakita ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.

KASUKDULAN

TUNGGALIAN

SAGLIT NA KASIGLAHAN

You might also like