You are on page 1of 32

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Kasanayang Pampagkatuto

Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t


ibang tekstong binasa. (F11PS-IIib-91)

LAYUNING PAMPAGKATUTO
1.Nakikilala ang mga tiyak na katangianng tekstong naglalarawan;
2.Nakapaglalarawan ng karaniwan,teknikal, at masining na paraan; at
3.Nasusuri ang tekstong naglalarawan saisang teksto batay sa tiyak na
katangian nito.
Ang tekstong deskriptibo o
paglalarawan
Ito ay nagtataglay ng impormasyong
may kinalaman sa limang pandama- paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama.
Inilalarawan nito kung gaano kaganda
ang mundong nilikha ng Diyos, ang mga
positibo at negatibong naririnig tungkol sa
nangyayari sa ating bayan, naikukuwento ang
masarap na nilutong ulam ng nanay, ang
nalalanghap na sariwang hangin at matukoy
ang pakiramdam ng masaya at malungkot.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ito ay naglalayong magsaad ng


kabuoang larawan ng isang bagay,
pangyayari, o kaya naman ay magbigay
ng isang konseptong biswal ng mga
bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
URI NG
PAGLALARAWAN
URI NG PAGLALARAWAN
1.KARANIWANG PAGLALARAWAN

Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan.

Obhektibo ang paglalahad ng kongkretong katangian ng mga


impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawang paglalarawan.

Payak o simple lamang ang paggamit ng mga salita upang


mabigay ang kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan naamoy at
naramdaman sa paglalarawan.
HALIMBAWA
paningin- matangos ang ilong
pandinig- malakas ang sigaw
panlasa- maanghang ang sili
pang-amoy- maasim ang pawis
pandama- masakit ang sugat
URI NG PAGLALARAWAN
2.MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng mga matalinghaga o


idyomatikong pagpapahayag.

Malayang nagagamit ang malikhaing imahinasyon upang


mabigyan ng buhay ang isang imahen o larawan.

Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng


damdamin at pananaw ng sumulat.
HALIMBAWA
paningin kutis na mala labanos
pandinig- nakabibinging katahimikan
panlasa- nakapagliliyab na anghang
pang-amoy- humiwalay ang kaluluwa sa baho
pandama- nasunog ang balat
Apat na Mahalagang
Kasangkapan na
Ginagamit sa Malinaw
na Paglalarawan
Panuto: Magbigay ng literal at malikhaing
paglalarawan sa sumusunod na mga larawan.
Panuto: Magbigay ng literal at malikhaing
paglalarawan sa sumusunod na mga
larawan.
Panuto: Magbigay ng literal at malikhaing
paglalarawan sa sumusunod na mga
larawan.
Panuto: Magbigay ng literal at malikhaing
paglalarawan sa sumusunod na mga
larawan.
Rubrik sa pagsulat ng
Tekstong Deskriptibo
PAMANTAYAN PUNTOS NATAMONG
PUNTOS

Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 15

Lantad ang pangunahin ideya na tatalakayin 15

Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya 20

Organisado ang mga ideya gamit ang isang angkop na hulwarang 20


organisasyon

Matibay na nailahat ang mga ideya nang may sapat na 30


batayan/sanggunian at walang kinikilingan upang maipakita ang
kredibilidad ng impormasyong isinaad sa isinulat na teksto

KABUUAN 100
GABAY SA PAGSULAT NG
TEKSTONG DESKRIPTIBO
PAMAGAT
❑INTRODUKSIYON
❑Kaaya-ayang simula. (Isang talata) (5 pangungusap)

❑KATAWAN
❑Malinaw na paglalarawan sa paksa (dalawang talata) (6 na
pangungusap bawat talata)

❑WAKAS
❑Kaisipang kikintal sa mambabasa. (isang talata)
(3pangungusap)

You might also like