You are on page 1of 2

Pagsusuri ng mga datos sa pananaliksik sa

isang proyektong panturismo

Ano nga ba ang turismo?


Ang turismo ay ang paglalakbay o
pagbibisita ng mga tao sa ibang bansa o
lugar na hindi pa napupuntahan o wala sa
kanilang pinagmulan.
Ano naman ang turista?
Ang turista naman ay ang mga taong
naglalakbay na
may layuning makapaglibang o
pansariling dahilan o pakay.
Pano nga ba maisusulong
ang turismo sa isang lugar? Ginagamitan natin ito ng
advertisement o sa tagalog ay
patalastas, ito ay ginagamit upang
mapalakas natin ang turismo ng isang
lugar o isang bansa.
nahahati ito sa dalawa, ang print
media, at elektronik media.
ang mga halimbawa nmn ng print
media ay ang diyaryo, magasin,
flyers, at brochure samantalang sa
elektronik media naman ay ang
telebisyon, radio, at internet
Narito ang gabay sa pagsusuri sa isang proyektong
panturismo (travel brochure)

Una, nakapupukaw pansin na pabalat


-ang pagkakaroon ng malikhain at magandang pabalat
ay nakatutulong upang higit na makuha ang interes ng
mga turista.

Pangalawa, payak at malinaw na nilalaman


-ang pagkakaroon ng malinaw na brochure ay makakatulong
sa pagpili ng mga lugar na ayon sa budget ng mga turista.

Pangatlo, lokasyon ng mga porominente o kilalang pasyalan


-higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga
landmark o tourist spots kung may kasama itong mapa o paraan
kung pano ito pupuntahan.

Pang-apat, lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga


-marapat lamang na isama sa brochure ang mga lugar na maaaring
kainan sa nasabing lugar, ganun na din ang mga maaaring
mapagpahingahan kapag sila’y napagod sa kanilang pamamasyal.

Pang-lima, mga larawan ng mga lugar na maaaring


pasyalan, kainan, at mapagpahingahan
-higit na makapagbibigay ng ideya sa turista ang mga
larawan na ilalagay sa brochure.
Pang-anim, halaga ng trasportasyon at iba pang bilihin
-makatutulong ito ng malaki sa mga turista, upang mapaghandaan
ang mga maaaring gastusin at makapagtabi ng sapat na halaga.

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG


(BOW)

You might also like