You are on page 1of 2

Christ the King College

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Calbayog City, Samar

FIL 101
INTRODUKSIYON SA
PAG-AARAL NG WIKA
(SANAYSAY)

ANGEL MERCADER
BSE 1FIL

BB. MA. LUZ MARINGAL


GURO

A.Y. 2022-2023
Gumawa ng SANAYSAY sa tulong ng mga gabay na tanong:

1. Ano ang paralinggwistika?


2. Ano ang kahalagahan ng pagkatuto ng kaalamang paralinggwistika sa komunikasyon at
pagtuturo?

Ang bawat isa sa atin ay marapat lamang na magtaglay ng mga kaalamang kapaki-
pakinabang lalo na sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Sa buhay ng tao ay napakahalaga
ng komunikasyon lalo na’t tayo ay nakikipagsapalaran sa iba’t ibang tao. Ang tono ng ating
pananalita ay sumasalamin sa kung ano ang ating nararamdaman, sa kung ano ang ating nais
ipahiwatig. Ang pagtaas at pagbababa ng tono ng pananalita ay nagdududlot ng magkaibang
epekto sa tagapakinig. Sa larangan ng pagkatuto at pagtuturo ay nagsisilbing tulay ang
komunikasyon. Ano nga ba ang paralinggwistika? Ano ang kahalagahan nito sa
komunikasyon at pagtuturo?

Paralinggwistika ang tawag sa linggwistika kung saan dito matutukoy kung papaano
natin bigkasin ang isang tunog o salita. Ito ang nagsisilbing tulay sa mabuting komunikasyon –
komunikasyon kung saan tayo ay nagiging isa. Maliban dito, ito ay isang instrumento na
ginagamit sa isang bagay na nais natin matutunan sa pang araw-araw, hindi lamang sa sinasabi
ng tao kundi sa pamamagitan ng pag intindi upang mailahad natin ng mas maayos o mainam ang
isang impormasyon o detalye. Minsan, ang pagkakaunawa sa isang impormasyon ay hindi
nakabase sa kung ano ang sinasabi, kundi sa kung paano ito sabihin. Dito matutukoy kung ang
nagsasalita ay nagagalit sapagkat nagtataas ng boses, nasisiyahan o kahit nagugulumihan sa
isang bagay.

Ayon kay Shirley Weitz, ang paralinggwistika ay nagtatakda ng malaking imbakan kung
paano sinabi ang isang bagay, hindi sa kung ano ang sinabi "(Nonverbal Communication, 1974).
Ito'y isang paraan na di-berbal na komunikasyon kung saan ang tao ay maaaring magbigay ng
impormasyon sa iba gamit lamang ang pagtaas at pagbaba nang tono, pagbikas ng salita at bilis
ng pagsasalita.

You might also like