You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Asyano 7

Paaralan: Justice Cecilia Muñoz Palma High School Baitang: 7


(JCMPHS)
Guro: JEAH MAE M. TIPDAS Araling
Asignatura: Panlipunan
Petsa at Week 1
Oras: (5:30 pm – 6:10 pm) Markahan: Una
G7 - Alvarez
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan
Pangnilalaman ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang
Asyano.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa
Pagganap bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang asyano.
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na
nataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang
C. Pinakamahalagang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
Kasanayan sa ngayon sa larangan ng:
Pagkatuto a. 7.1 Agrikultura
b. 7.2 Ekonomiya
c. 7.3 Pananahanan
II. NILALAMAN
A. Aralin/paksa: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano
B. EASE II Module 1 Kapaligiran, Kayamanan, Kalingain (Philippine Non Formal
Education Project). 1998. Pp.5-20
C. Kagamitang Panturo: Canva Presentation, Laptop/Cellphone, Papel at TV
D. Panimulang Pagtataya (para sa Panibagong Markahan/Unit)
III. PAMAMARAAN
1. Panalangin
A. Panimulang 2. Pagpapanatili ng kalinisan sa silid-aralan
Gawain 3. Pagtawag ng Liban
4. Balitaan
Mga Likas na Yaman sa Asya
a. Science (Environment, Waste Management,
Ecological)
Pagpapakita ng Larawan:
Pagbabalik aral sa kung ano-ano ang mga likas na yaman sa
asya kahalagan nito at saan maaring matagpuan

B. Balik-Aral
Pagbibigay kaalaman ng kamag-aral tungkol dito
Gawain: Suri-rawan
Integration:
a. Filipino (Pang-uri - paglalarawan)
b. ESP (Pagpapahayag ng Saloobin)
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba, tukuyin kung anong
salita ang nais nitong ipabatid.

C. Pagganyak

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong napapansin sa mga larawan?
2. Sa iyong palagay, tungkol saan ang larawan?
D. Pamamaraan
Gawain:
Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat ang bawat pangkat
ay magkaroon ng gawain na dapat matapos sa nakatakdang
oras.
Integration: English & Arts
Pangkat 1: Agrikultura (Brainstorming)
- Ibibigay ng pangkat kung ano ang iba’t ibang anyo /
klase at gawain ng agrikultura.
Pangkat 2: Ekonomiya (Paglalapat)
- Isusulat sa Manila Paper ang ugnayan ng Agrikultura sa
● Activity Ekonomiya.
Pangkat 3: Panahanan (Pagpapaliwanag)
- Ano ang kahalagahan ng panahanan (tao o pamilya) sa
pagkakaroon ng kaayusan sa ekonomiya at paglago ng
agrikultura
Rubriks sa paggawa:
5 3 2 Kabuuang
Puntos
Nilalaman Ang nilalaman Iilan sa mga May
ay may nilalaman ay nilalaman
kaugnayan sa may na hindi
paksa na may kaugnayan kaugnay
sapat na sa paksa at sa
pang-unawa may iilang paksang
suportang ibinigay
detalye

Kaayusan Naipamalas May Hindi


nang maayos kaayusan at masyadon
at na may maayos g
naipaliwanag na na nagpakita
ang paksa paliwanag. ng
kaayusan.

Orihinalidad May matibay Kasiya-siyan May


na pag-unawa g pag-unawa mahinang
at sapat na ukol sa suporta o
kaalaman ukol pag-aaral ebidensya
sa pag-aaral tungkol sa
paksa

Kooperasyon Bawat Iilan sa Karamiha


miyembro ay miyembro n sa
nagkaroon ng ang miyembro
pagkakaisa sa nagbibigay ang hindi
pagbibigay ideya at nakiki
ideya upang nakikipag koopera
maisagawa ang koopera ukol
paksa sa paksa

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng Agrikultura para sa ekonomiya at
panahanan?
● Analysis 2. Paano nagkakaugnay ang Agrikultura, Ekonomiya at
Panahanan?
3. Batay sa aralin ano ang epekto sa ekonomiya ng isang bansa
kung ito ay salat sa likas na yaman?
Implikasyon ng Likas na Yaman
Agrikultura
- Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang
mga produktong panluwas nito ay nagmula sa pagsasaka.
Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan nito
● Abstraction ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas
maraming produkto. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilan
ay gumagamit ng mga makabagong makinarya. May ilang mga
mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa
pansariling ikabubuhay lamang.
May iba't ibang sektor ang Agrikultura ito ay
● Pagsasaka - Ang pagsasaka ang isa sa mga pangunahing
pinagkukunan ng pagkain at materyales, kagaya na
lamang ng palay, trigo, niyog, tubo, pinya, kape, mangga,
at tabako.
● Paghahayupan - Tumutukoy sa pag-aalaga ng mga hayop
na gaya ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at
pato. Ang layunin nito ay ang pagbibigay ng mga
pangangailangan sa karne at iba pang mga pagkain. Ito
ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng mga
tagapag-alaga ng mga hayop
● Pangingisda - Bilang isa sa mga pinakamalaking
tagatustos ng isda sa mga bansa sa iba’t ibang panig ng
mundo, matatagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking
daungan ng isda. Sa pangingisda makukuha ang mga
pagkaing-dagat na siyang pangunahing pinagkukunan
ng protina ng mga Pilipino.
● Paggugubat - Sa panggugubat nakukuha ang hilaw na
mga sangkap na ginagamit bilang proteksyon,
hanapbuhay, pagluluto, at panlibangan, kagaya na
lamang ng plywood, mesa, pader, panggatong, bangka, at
iba pa. Sa panggugubat din nakukuha ang mga
halamang hindi kahoy katulad ng rattan, nipa, anahaw,
at kawayan
Ekonomiya
- Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod
sa kasaganaan nito sa likas na yaman. Ang mga ito ay
pinagkukuhanan ng mga materyales na panustos sa kanilang
pagawaan. Maging ang mauunlad na bansa ay dito kumukuha
ng mga hilaw na materyales kung kaya’t halos nauubos ang
likas na yaman ng huli at hindi sila nakikinabang nito. Sa
kabilang banda, likas na yaman din ang kanilang iniluluwas,
kasabay nang paggamit ng mga tradisyonal at makabagong
teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita.
Panahanan
- Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang
pagdami ng nangangailangan ng ikabubuhay at pananahanan
nito. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa
katangian ng likas na yaman nito. Isang katotohanan na ang
populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t
ang ilan ay nagsasagawa ng land conversion, na nagdudulot
naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Gumagamit ang
tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at
ng kanilang kapaligiran.
“Batay sa araling ating tinalakay ano ang epekto o implikasyon
● Application sa paglaki ng populasyon sa ekonomiya, panahanan at
suliraning pangkapaligiran?
Gawain: Maikling Pagsusulit
Panuto: Batay sa ating napag-aralan, basahing mabuti ang
bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel
E. Pagtataya 1.Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga
produktong panluwas nito ay nagmula sa pagsasaka.
a. Agrikultura
b. Ekonomiya
c. Panahanan
2. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa
katangian ng likas na yaman nito
a. Agrikultura
b. Ekonomiya
c. Panahanan
3. Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga
materyales na panustos sa kanilang mga pagawaan
a. Agrikultura
b. Ekonomiya
c. Panahanan
4. Makatutulong ang likas na yaman upang mapataas ang
antas ng pambansang kita
a. Agrikultura
b. Ekonomiya
c. Panahanan
5. Ang paggamit ng tradisyunal at makabagong
teknolohiya sa paglinang ng likas na yaman ay
nakatutulong upang mapataas ang antas ng pambansang
kita.
a. Tama
b. Mali
c. Wala sa nabanggit
Tamang Sagot
1. A
2. C
3. B
4. B
5. A
Hugot Mo, Sulat Mo!
Lumikha ng tatlong hugot na may kinalaman sa pangangalaga
F. Kasunduan ng kalikasan at kapaligiran.
Halimbawa:
“Ang kalikasan ay parang pag-ibig, kapag iyong pinabayaan ito
ay mawawala”

SCORE INDEX
5 4 3 2 1 0

Prepared by: Observed by:


JEAH MAE M. TIPDAS KARLO C. GUILLERMO
Guro sa Araling Panlipunan 7 Guro sa SSE 115

You might also like