You are on page 1of 2

Cyber-Bullying Tigilan, Kabataan Maiingatan

By: Raiven Andrei R. De Sagun

Bawat isa ay may pantay-pantay na karapatan sa paggamit ng internet subalit ang kalayaang ito ay
hindi lisensya para manakit ng damdamin ng ibang tao. Marami na sa mga tao ngayon ang labis na
nagiging alipin ng mga kapakinabangang hatid ng internet, una na dito ay ang mga kabataan na talaga
namang bihasang bihasa sa paggamit nito na kung minsan ay nagiging daan upang makasakit sa ibang
tao.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang mga benepisyong dulot ng pag-usbong ng mga
makabagong teknolohiya kasama na ang internet. Walang dudang napadadali nito ang mga pangaraw-
araw na gawain, maging ang mga bagay na inaakala nating mahirap kung susumahin. Labis itong nagiging
kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral tulad na lamang ng paggamit ng google kung saan maari nilang
hanapin ang mga sagot sa kanilang mga katanungan o mga leksyong hindi naunawaan. Kasama din dito
ay ang sinasabi ng karamihang 'stress-relievers' tulad ng online games, facebook, tweeter, Instagram at
iba pa na nagagamit nila sa pakikipag-ugnayan sa sinumang tao sa iba't-ibang dako ng mundo.

Labis na natatamasa ng mga kabataan ngaun ang kapakinabangang dulot ng naturang ito. Subalit sa
kabilang banda ay lubha din itong nagbibigay panganib sa kanila. Isang halimbawa na dito ay ang patuloy
na kumakalat na usapin tungkol sa "cyber-bullying" na karaniwang nararanasan ng mga kabataan sa
kasalukuyan. Isa lamang ito sa napakaraming isyu na labis na ikinaaalarma hindi lamang ng mga kaguran
kundi pati na rin ng magulang ng mga kabataan.

Ang "Cyber-Bullying" ay isang uri ng pambubuyo o pananakot sa hindi kaaya-ayang paraan kagaya
na lamang ng recording, texting, chatting at iba pa sa pamamagitan iba't-ibang kagamitang elektronika
tulad ng computers, mobile cellphones o ng kahit anumang electronic gadgets.

Isa lamang ang Pres. Jose P. Laurel National High School sa libu-libong paaralan na naghahangad na
mabigyang solusyon ang isyu ito bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kanilang mga mag-aaral
na nakararanas ng naturang suliranin. Dahil dito, ang pamunuan ng nasabing paaralan ay patuloy na
nananawagan sa mga kabataan, lalong-higit na sa mga mag-aaral na huwag gawing daan ang internet
upang makapanghiya, makapanakit, o makapanglamang sa kapwa bagkus ay gamitin ito upang mapabuti
ang kanilang pag-aaral.

Mayroong batas na ginawa upang tugunan ang isyu ng Cyber-Bullying. Ito ay ang Cybercrime
Prevention Act of 2012 o Republic Act No.10175 na naglalayong parusahan ang mga gumagawa ng ng
cybersex, child pornography, identity theft, at iba pang mga krimen na gamit ang mga elektronikal na
teknolohiya.

Ang mga isyung ito ay napaka-mapaminsala sa isang tao, lalong-higit sa mga kabataan. Maaari itong
magdulot ng masasamang epekto sa mental na kundisyon ng bata tulad ng depression at anxiety. Ang
mga ito ay posibleng maging sanhi ng pananakit sa sarili o kung mas malala ay maari ding magbunga ng
suicide o pagkitil sa sariling buhay.

Hindi rin nakatutulong ang Cyber-Bullying sa pag-aaral ng mga mag-aaral bagkos, dahil sa
negatibong dulot nito, ito ay mas lalong nakakapagpasama ng pagkatuto ng isang bata. Ang Cyber-
Bullying ay walang ibang dulot sa estudyante kung hindi distraksyon mula sa pag-aaral nila.

Maagap na pagtugon at aksiyon ang kinakailangang ibigay sa mga kabataan, lalong-lalo na sa mga
batang nabiktima ng Cyber-Bullying, upang masolusyunan ang lahat ng masasamang dulot nito sa
kanilang kalusugan, pagiisip, at pagkatao.

Napakarami ng maaring maitulong ng mga makabagong teknolohiya sa sangkatauhan kung ito ay


gagamitin sa tamang pamamaraan. Padaliin ang pamumuhay ng tao at hindi ang mang-agrabyado ang
pangunahing layunin ng mga teknolohiyang ito. Tayong lahat ay pantay-pantay sa lipunan at nagtataglay
ng kani-kaniyang kalayaan subalit nawa ay huwag natin itong abusuhin at gamitin para magbigay
kapahamakan o makapanakit ng damdamin ng ating kapwa-tao. Gawin natin itong daan upang makabuo
ng magandang ugnayan sa ating kapwa

You might also like