You are on page 1of 3

Sabjek: Komunikasyon at Baitang: 11

Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino
Petsa: Sesyon: 1 - 4
Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
Kompetensi Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, Google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP-Ic-30)

Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan


(Ayon kay M. A. K. Halliday) (F11PT-Ic-86)
I. LAYUNIN
Kaalaman Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya tulad ng Facebook,
Google, at iba pa sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
Saykomotor Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
Apektiv Napahahalagahan at nagagamit nang wasto ang makabagong teknolohiya
sa mga konseptong pangwika.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Kaalaman ng mga Konseptong Pangwika Gamit ang mga Modernong
Teknolohiya o Social Media
B. Sanggunian Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang at Kulturang Pilipino, Unang
Markahan Modyul 3
C. Kagamitang Modyul sa Filipino, Laptop, Aklat
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN TUGON PARA SA GURO
A. Paghahanda  SUBUKIN
Panimulang Pagtataya
Panuto: Tingnang mabuti ang mga inisyal na nasa ibaba at ibigay
ang pakahulugan nito.

Aktiviti/Gawain  TUKLASIN
Gawain 1
Pagsusuri Panuto: Suriin and sumusunod na pahayag. Tinatanggap ba ang
mga ito sa kasalukuyang pakikipagkomunikasyon gamit ang
makabagong teknolohiya? Ilagay sa patlang ang tsek (/) kung oo at
ekis (x) naman kung hindi.

 SURIIN
Ano ang iyong napansin sa unang gawain? Ano ang iyong
nadarama sa ngayon? Paano kaya ito nakatutulong sa iyo?
B. Paglalahad  PAGYAMANIN
Talakayin ang Paglalahad tungkol sa Bilingguwalismo at
Abstraksyon Multilingguwalismo sa pahina 4 at 5.

(Pamamaraan ng  MGA GAWAIN


Pagtatalakay)
Gawain 1: Pagbibigay ng kahulugan ng mga mahahalagang salita sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag
Gawain 2: Pagbasa tungkol sa Gamit ng Wika sa Lipunan
Gawain 3: Pagbuo ng mga Ideya Tungkol sa Aralin

 ISAISIP
Paggamit ng Modernong Teknolohiya sa Pag-unawa sa mga
Konseptong Pangwika
Malawak ang nagagawa ng pakikipagkomunikasyon
anumang pamaraan ang gamitin maiparating lamang ang mensahe
makaluma man or makabago ito.
Sa kasalukuyan, mabilis ang impluwensya ng teknolohiya sa
komunkasyon. Nariyan ang iba’t ibang social networking sites tulad
ng facebook, twitter, google, at iba pa sa isang mahalagang paksa o
isyung panlipunan at edukasyon.
Nagiging daan din ang modernong teknolohiya upang
unawain ang mga paksang mahalaga tulad ng koseptong pangwika.
Mababasa sa e-mail, social networking sites, blog, at iba pa ang mga
impormasyon tungkol sa wikang Pambansa, wikang panturo,
bilingguwalismo, multilingguwalismo, at iba pa.
C. Pagsasanay  ISAGAWA

Mga Paglilinang na Panuto: Ipagpalagay na ang kasunod na mga impormasyon ay


Gawain ipinadala sa iyong social networking site. Suriin kung paano ginamit
ang mga salita, may konsistensi ba sa antas ng wikang ginamit?
Like, Comment, o Share ba ang pipiliin mo? Isulat sa kuwaderno ang
magiging sagot mo.

D. Paglalahat  KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Ipagpalagay na ipinadala sa iyong social networking
account ang sumusunod na mensahe tungkol sa mga koseptong
panwika. Suriin ang mga ito sa pamamgitan ng pag-unawa kung (1)
nagpapahayag ng damdamin, (2) nagbibigay ng reaksiyon, o (3)
nagbibigay ng karagdagang mga impormasyon. Isulat sa kuwaderno
ang tugon sa iyong sagot.

Gawain 2
Panuto: Pumili ng isang social networking site na madalas gamitin
upang magpadala ng mga mensahe o pahayag sa mga kaibigan.
Padalhan sila ng paglalagom ng mga impormasyon kung paano
naunawaan ang tungkol sa mga koseptong pangwika na
bilingguwalismo at multilingguwalismo. Isulat sa kahon ang iyong
mensahe na ipadadala sa napiling site.
Generalisasyon  REFLEKSYON
Layunin ng gawaing ito na ikaw mismo ang tumaya sa iyong
kaalaman, kaunawaan, at pagpapahalaga sa araling ito sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa pahayag sa ibaba.
IV. PAGTATAYA  TAYAHIN
Sagutin ang Pangwakas na Gawain sa pahina 13 at 14.
V. TAKDANG-ARALIN Tatapusin ng mga mag-aaral ang hindi natapos na mga gawain o
magbibigay ang guro ng iba pang gawain.

You might also like