You are on page 1of 2

Pangalan: Gisann L.

Somogat MEd-Filipino
Asignatura: Fil 217- Estruktura ng Wikang Filipino
Tagaturo: Dr. Natalie Gayumao

Gawain 2: Oktubre 29, 2023


Panuto: Talakayin. 10 puntos bawat isang aytem.

1. Ang mga dagdag na titik ay pagluluwag sa importasyong pangwika.


Ang wikang Filipino ay natatangi sapagkat may katangian itong kakaiba tulad ng ito
ay may masistematikong balangkas, sinasalitang tunog at iba pa. Sa paglaganap ng
modernisasyon ay kasabay nito ang pagpapaluwag ng importasyong pangwika na kung
saan gumagamit tayo ng mga hiram na salita lalong-lalo na sa mga terminolohiyang
pang-agham at teknolohiya na ating tinutumbasan ng salitang hiram upang mas
mailahad ang nais maipabatid. Ngunit ang paraan ng panghihiram ay umiba bunga ng
modernisasyon at nagbunga ito ng kalituhan para sa mga taong may kaunting
kaalamang ortograpiya. Nararapat na lapatan ng wasto at angkop na mga letra ang
panghihiram ng salita lalong-lalo na sa mga salitang pang-agham. Dagdag pa, ang
impluwensya ng kultura at relihiyon ay may malaking papel din sa pagpapaluwag ng
importasyong pangwika na kung saan ay dahil sa nakasanayan ay nananatili sa paraang
alam lalo na sa pangtututmbas at paghihiram ng salita. Napakahalaga ng pagkakaroon
ng sapat at mayamang bokabularyo ang isang tao upang maiwasan ang ang pagkalito
hindi lamang sa sarili kung maging para sa iba.

2. Kailangan ang masipag na pagsubaybay sa Filipino upang maging


estandardisado ito at maging modelo ng mga wikang katutubo.
Bilang isang guro ng asignaturang Filipino, may malaki akong responsibilidad sa
pagpapayaman ng wikang Filipino. Ang pagsubaybay sa Filipino upang maging
estandardisado ay ang paggamit ng Filipino hindi lamang sa sarili kundi maging sa mga
estudyante. Ang pagsasalita at pagsusulat sa Filipino ay nagpapakita lamang na dapat
gamitin natin ito lalong-lalo na sa komunikasyon. Napakamakabuhuluhan ng wikang
Filipino, ito’y natatangi di tulad ng mga banyagang salita. Sa patuloy na pagbabago ng
ating mundo dulot ng modernisasyon ay huwag nating hayaang baguhin din nito an
gating wika. Gawin nating bisaha an gating sarili sa wikang Filipino. Ating buuin ang
ating pangangailangan, pansosyal o pampersonal .

3. Hindi kailangang hiram lagi ang pampayaman sa bokabularyo ng


Filipino
Sa panahong ngayon, hindi makakaila na karamihan ay gumagamit ng mga salitang
hiram. Nagpapakita lamang ito na hindi sapat ang kanilang bokabularyong Filipino. Sa
simpleng salita, mapapayabong at mapapayaman pa natin ang ating bokabularyo sa
paraang palagi natin ito dapat gamitin, sa bahay man, sa eskwela, sa daan at kung
saan pa dahil isa itong daan tungo sa pagiging dalubhasa sa wikang Filipino. Magiging
bukas ako sa lahat ng mga posibilidad na kung saan tutulong sa akin para pagyamanin
pa ang aking bokabularyo sa Filipino.

You might also like