You are on page 1of 15

Agro Industrial Foundation College of the Philippines Incorporated

Bolton Riverside, Ecoland, Matina, Davao City Davao Del Sur, 8000, Philippines
Email: aifcpregistrar@gmail.com # (082) 295 2902

"PAGSUSURI NG WIKANG SURIGAWNON GAMIT ANG SINTAKTIKA

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

MAY-AKDA:

CUSTODIO, MEL FIONA


CAAS, JOHN MICO
EMNACIN, MARY GRACE
GUMINANG, JELLIE MAE
IGLORIA, JASMINE
LAGNAODA, KATE CELINE
MAHUSAY, KIESHA BLAIRE
MEDRANO, WINTROPH
MONDAY, PRINCESS ANDREA
RUSTIA, CHARMAE
SUMAMBOT, JELAI MAE
TAGALOG, GERALD
UNGGUI, JAZMEER
Pagkilala (Acknowledgement)

Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa Poong Maykapal na nagbigay ng

lakas sa amin na matapos ang pananaliksik na ito at sa lahat ng nag-ambag at nagbigay ng kanilang

suporta sa processo. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa aking mga tagapayo para sa kanilang

walang sawang suporta. Ang aking taos-pusong pagkilala ay napupunta sa aking mga kasamahan para

sa kanilang binuhos na oras at gayundin sa kanilang mga puna at panghihikayat, gayundin sa layunin

ng pananaliksik na ito. Pinapaabot ko rin ang aking pagpapahalaga sa mga kalahok na naging posible

ang pag-aaral na ito. At Lalo narin sa aming guro na nagbahagi ng kanyang kaalaman at

paggabay.
TABLE OF CONTENTS
Page
Title Page . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i

Acknowledgement. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

Table of Contents . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii

Abstrak. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

Panimula. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Metolohiya. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Talakayan at Resulta. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Pagsusuri ng mga Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Mga Reperensya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Keywords: Surigaonon/Surigawnon, konsepto, wika, deskriptiv, ponema

Abstrak

Layunin ng pag-aaral na ito na ipakita at ipakilala ang mga varayti ng wikang Surigaonon, ang

Surigaonon-Cantilan, at Surigaonon-Tandag. Ang pag-aaral ay partikular na naglalayon sa mga

sumusunod: ilan sa mga katangiang phonological nito. Wika, ang diwa at kaluluwa ng bansa. Nais

alamin ng pag-aaral na ito ang tungkol sa kogneyts, konsepto at istado ng wikang Surigawnon sa

boung lalawigang Surigao del Norte. Ang Desinyong ginamit ay kwali-kwanti deskriptiv, community-

based sa pamamagitan ng pakikipanayam, talatanungan, at pag-oobserba. Natuklasan na karamihan

sa mga lumad-Surigaonon ay migranteng Boholano dahilan sa pandarayuhang pangingisda, negosyo

at sadyang paglayo sa kalupitan ng mga Kastila noon. Wikang Boholano ang pinakamataas na

kogneyts sa wikang Surigawnon na may dalang 65%; Cebuano 48%; Minamanwa 34%; Kamayo 33%;

Tausug 14%; Manobo 11%; at Badjau 10%. Mas mataas ang kogneyts ng Boholano kumpara sa

Cebuano, dahil ang Boholano ay mayaman sa tunog na pinakapopular kasama ang tunog “y” bilang

identidad ng wikang Surigawnon. Ginagamit ang Cebuano depende sa kausap at pang-okasyunal na

wika lamang. Ang konsepto ng wikang Surigawnon ay nabubuo sa pamamagitan ng wikaing kogneyts-

komposisyon batay sa heograpikal at sosyal na dimensiyon.


Panimula (Introduksyon)
Ang bansang Pilipinas, bagama’t kinikilala ang wikang Filipino bilang pambansang wika nito ay

hindi pa rin maipagkakaila na isa itong kumplekadong wika. Dahil sa pagkakaroon ng maraming

katutubong wika na kinikilala ng bansa ay hindi maiiwasan ang ganitong suliranin. Gayunpaman, hindi

ito isang negatibong suliranin bagkus ay maaaring tignan bilang isang sitwasyong nagpapatunay na

sadyang mayaman sa wikain ang bansang Pilipinas. Wika, ang kaluluwa ng kultura sa bawat lipunang

kinabibilangan. Sang-ayonsa teoryang lingwistik-relativitikay sa kanilang haypotesis kung paano mag-

isip angisang tao ay tiyak ganun din ang paraan ng kanyang pananalita. Ang wika ay kasangkapan sa

komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit dahil ang isang

kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan ng saysay gayunma’y ang pagkawala ng wika ay ang

pagkawala rin ng kultura (Flores, 2015);

Ang pulo ng Mindanao, bagaman binubuo lamang ng anim na rehiyon ay hindi

nangangahulugang hindi ito mayaman sa mga katutubong wika. Kinikilala sa pulong ito ang mga

wikang Bisaya, Butuanon, Meranaw, Tausog, Chavacano, at marami pang iba. At sa bahaging

Hilagang-Silangan ng Mindanao ay ang higit na kilalang wika na ginagamit ng mga naninirahan doon

ay ang wikang Surigaonon. Sa komunidad ng lalawigang Surigao del Norte, maaaring maisip ng ilang

mga Surigaonon kung may saysay pa ba ang kanilang wikang hawak magpahanggang sa

kasalukuyan. Sa pag-aaral ng istadong wikang Surigaonon ay higit ding maipapaliwanag at

mailalarawan ang konsepto ng wikang Surigaonon. Pagkakataon nang seryusuhin ang pagkilala ng

wikang Surigawnon kasunod ng pagkilala ng MTB-MLE bilang “fundamental policy and program” ng

kagawarang Edukasyon, iniatas sa una hanggang tatlong baitang ang implementasyon ng tinatawag na

“MLE Bridging Plan” (DepED Order No. 28, s. 2013). Ang unang wika ng bata ay gamitin bilang

midyum sa pagtuturo ng K-3, (DepEd order 31, s. 2012). At sa panig ng hangaring Komisyon sa

Wikang Filipino (KWF), dapat na pangangalaagaan at ipreserba ang wika, maidokumento ang tunay na

galaw ng wikang Surigawnon sa bawat panahon o henerasyon at nang mapanatili ito alinsunod sa

Batas blg. 7104.


Sa pagsusuri ni Jubilado (2006), ang wikang Surigaonon ay sinasalita sa buong probinsya ng

Surigao del Norte at sa limang munisipalidad ng Surigao del Sur, ang Carrascal, Cantilan, Madrid,

Carmen at Lanuza. Madaling makilala ang wikang Surigaonon dahil sa malimit na paggamit ng letrang j

at y, kaya naman ay tinatawag din ang wikang ito bilang wikang jaon-jaon o wikang waya-waya. At

dahil walang lipunang monolinggwal at dulot na rin ng hangarin ng mga taong makipagkomunikasyon,

makipagkapwa-tao at makipagsapalaran ay nagkaroon ng varyasyon ang wikang Surigaonon na siyang

dahilan upang magkaroon ng varayti ng wikang Surigaonon, gaya ng Surigaonon-Cantilan at

Surigaonon-Tandag na kilalang mga gamiting wika sa probinsya ng Surigao del Sur.Masasabing.

kaunti pa lamang ang mga naitatalang pag-aaral o mga mananaliksik na nagsasagawa ng pag-aaral

hinggil sa wikang Surigaonon. At sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magsisilbi itong ambag tungo sa

pagpapanatili at pagprepreserba ng wikang Surigaonon, gayundin ang mga varayti nito gaya ng

Surigaonon-Cantilan at Surigaonon-Tandag. Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang mas

mapaunlad ang wikang Filipino, lalo na at bihira lamang sa mga katutubong wika sa Pilipinas ang

gumagamit ng ponemang. Wika nga ni Dr. Jose P. Rizal, na habang pinapanatili at iniingatan natin ang

ating sariling wika, ay napapangalagaan din natin ang kaligtasan ng kanyang kalayaan tulad ng

pagsasaisip niya sa sarili. Totoong napakahalaga ng pag-aaral ng wika sapagkat napapangalagaan din

ito, at naipapakita na malaya ang isang lipunan dahil mayroon itong sariling wikang ginagamit, ang wika

ng pagkakakilanlan.

Ang isang lipunan o komunidad ay di- maaring mabuhay nang walang wika, at ang maunlad na

kalinangan o kultura ay dahil sa paggamit ng wika. Darating ang panahon na ang katutubong wika ay

di- ganapang matutunan ng mga bata, dahil ang prosesong ito ay nagbibigay daan sa language shift

patungo sa pagkamatay ng wika o ang tinatawag na moribund. Dagdag niya, Ang wika ay maaring

maglaho o mawala ng tuluyan mula sa isang lugar at maaaring lilitaw sa ibang lugar. Minsan, ang wika

ay namamatay dahil ang speech community ay nangangamatay. Ang ganitong pagkawala ng wika ay

tinatawag na Linguicide.
Pamamaraan ng Pananaliksik (Metolohiya)
Ang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong kwalitatibo-kwantitatibong desinyo at Multiple test

o maraming subok na kung saan sinubukang alamin at analisahin ang wikang Surigawnon ayon

profayl; pag-oobserba ng komunikasyon sa komunidad, (Philipsen at Wood na banggit ni Santos

et.al.2009); suri sa mga kogneyts ng wikaing varyati na ginagamitan ng pormulang “(NxN table of

distances) calculate lexicostatistic percentages” sa pagkuha ng kogneyts gamit ang wordlists. Ang pag-

aaral ay community-based na pagdulog sa talakay ni Wardhaugh (2006) tungkol sa pagsisiyasat ng

mga relasyon sa pagitan ng wika at lipunan ni (William Labov) kung paano gumalaw ang wika sa

komunikasyon ng isang komunidad. Ang mga kuhang datos ay nagmumula sa lumad na mamamayang

Surigawnon at kasalukuyang henerasyon ng Surigao del Norte. Ayon kay Bailey et al. (2011), ang

kwalitatibong pamamaraan ay naglalayong tukuyin ang mga isyu mula sa pananaw ng mga

respondente o kalahok, at maunawaan ang mga kahulugan, at interpretasyon na ibinibigay nila sa

kanilang mga kilos. Sa madaling sabi, ang deskriptib-kwalitatib na pamaraan ay angkop sa pag-aaral

na ito sapagkat tinukoy ang mga sosyolinggwistikong varyabol kung bakit malimit gamitin ang mga

ponemang /j/ at /y/ sa wikang Surigaonon at inilarawan din ang katangiang ponolohikal ng mga

naturang ponema dahilan upang magkaroon ng varayti ng wikang Surigaonon, ang Surigaonon-

Cantilan at Surigaonon-Tandag.

Ginamitan din ito ng pagsasalin upang mas lalong maintindihan ang mga salitang Surigaonon.

Ayon kay Santiago (2011), ang pagsasaling-wika ay binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang

nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika. Masasabi ngang malaki

ang ambag ng pagsasalin sapagkat maaaring mapahalagahan ang kasaysayan at kultura ng iba’t ibang

lipunan at ng lahi sa mga partikular na panahon at bukod pa dito ay mayroon itong pakinabang sa

pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at

kaasalan ng mga mag-aaral. Ang mga nakalap na salitang Surigaonon lalo na sa dalawang varayti nito

na Surigaonon-Cantilan at Surigaonon-Tandag tungo sa wikang Filipino.


Talakayan at Resulta
Ipinapakita ang distribusyon ng profayl ng mga tagatugon ayon sa wikang kanilang

ginagamit (mga mamamayan sa Surigao). Sa unang wika nakakuha ang Surigawnon ng

pinakamalaking bahagdan na 63.9% na sinundan naman ng wikang Boholano na nakakuha

ng 24.1% Cebuano ay nakakuha lamang ng 2.4%. Mayroong 54.2% na bahagdan na

nagsabing wala silang ibang wikang sinasalita, ibig sabihin ang karamihan sa mga tagatugon

ay nagsasalita ng wikang Surigaonon. Batay sa profayl may 63.9% ang gumagamit ng wikang

Surigawnon bilang unang. Katutubong hanapbuhay ay pagsasaka at pangingisda, karamihan

sa kanila ay mga migrante galing Bohol

CATEGORYA DALOS (Frequency) %

Aklanon 1 1.2

Bukidnon 20 24.1

Cebuano 2 2.4

Gigaquitnon 2 2.4

Leyteno 1 1.2

Surigaonon 53 63.9

Tagalog 2 2.4

Waray 2 2.4

Pagsusuri ng mga kaugnay na Literatura


Ang mga kaugnay na literatura tungkol sa pag-aaral na ito, na nakaayos bilang independiyente

at dependent mga baryable, ay sinusuri sa papel na ito. Ang sintaks/sintaktika ay nagsisilbing

independent baryable. Ang wikang surigawnon ay isa ring dependent variable. Ang instrumento ay

batay sa dalawang variable mula sa na ilathala na mga pag-aaral.


Sintaks/ Sintaktika
Ang sintaks ay mula sa salitang Griyego na “syntattein”na ang ibig sabihin ay pagsama-sama o

pagsamasamahin. Ito ang pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama- sama ng mga

salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap.Ayon kay (Jeska, 2022) Sintaks ang

bahaging ito ng grammar na may kinalaman sa Sistema ng mga rul at mga kategori na syang batayan

sa pagbubuo ng mga pangungusap sa madaling salita, ang sintaks ang pag-aaral ng straktyur ng mga

pahayag o pangungusap. Malikhain sistematik ang sintaks ng isang grammar. Tinatawag na

gramatikal-rul angtamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng pangugusap. Pero kung hindi ayon

sa gramatikal-rul ang isang kombinasyon ng mga salita, hindi ito gramatikal. Bukod ditto, sinasabing

gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga neytiv-spiker na tama ito sa wika nila.

Sintaks sa Wikang Filipino kumbinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at ang

pagsasama-sama ng mga pariralang ito upang makabuo ng pangungusap – ay kalipunan ng mga salita

na nagpapahayag ng isang buong kaisipan.

Sa pag-alam kung bakit malimit na gamitin sa wikang Surigaonon ang mga sintaks na nag

kokonekta sa mga pangungusap /j/ at /y/ panghalip, pang-uri, pang-abay, pantukoy at iba pa ay

pangunahing pinagbatayan ang teoryang sosyolinggwistiko. Ayon kay Constantino (2012), ito ay batay

sa pamamalagay na ang wika ay isang panlipunang penomenon, na nagiging makabuluhan ang

anumang pahayag, aksiyon, salita ng isang indibidwal kung ito ay nakakonteksto sa loob ng lipunan at

itinatalastas sa ibang indibidwal o grupo. Masasabing ang pagkakaroon ng varayti ng wikang

Surigaonon ay kinakasangkutan ng pag-uugali sa paggamit o pagsasalita ng wika, na kung saan ay

kinakailangang bumagay sa lugar o di kaya ay sa kausap ang wikang gagamitin, sa layuning makabuo

ng makabuluhang pakikipagkomunikasyon sa tao. Pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito binabago

ng tagapagsalita ang gramar sa pamagitan ng pagdaragdag, pagbawas, at pagbabago ng mga

alintuntunin. Sa madaling sabi, umaadap ang tao sa wikang ginagamit sa isang lugar gayundin sa

taong kausap upang makamit ang pagkakaunawan. Bunga ng ganitong pag-uugali sa paggamit ng

wika ay nagkakaroon ng varayti ang isang wika. Nagkakaroon ng interference o ang impluwensya ng
unang wika sa pagsasalita, at interlanguage naman na ayon sa paliwanag ni Constantino ay isang

mental gramar na nabubuo ng tao sa pagdating ng panahon sa proseso ng pangungusap.

Ang mga suring-basa na inilalahad ay nagbigay tulong sa malalimang pag-alam ng wikang

sinusuri. Kaligiran ng wikang Surigawnon na mula kina Dumanig, at Pigafetta; at ang mga pangkat na

Katutubong Surigawnon na mula sa pakipanayam ni Pilan sa kay Dahila amad Araman, pinuno ng

tribong Manobo-Surigao ay napakahalagang impormasyon para sa masusing pagbibigay

interpretasyon o pagpapaliwanag ng mga kasunod na datos sa nasabing pag-aaral.

Wikang Surigawnon
Isipin ang isang mundo kung saan ang mga salita ay hindi lamang mga kasangkapan para sa

komunikasyon kundi pati na rin ang masalimuot na mga gawa ng sining, kung saan ang bawat parirala

ay isang brushstroke sa canvas ng kultura, at ang bawat pangungusap ay isang himig na sumasalamin

sa kasaysayan. Ngayon, nais kong dalhin ka sa isang paglalakbay upang tuklasin ang kagandahan ng

wikang Surigawnon, isang wika na hindi lamang humubog sa aking pagkakakilanlan ngunit mayroon

ding natatanging lugar sa tapiserya ng komunikasyon ng tao. Wika, ang diwa at kaluluwa ng bansa.

Nais alamin ng pag-aaral na ito ang tungkol sa kogneyts, konsepto at istado ng wikang Surigawnon sa

boung lalawigang Surigao del Norte. Ang bansang Pilipinas, bagama’t kinikilala ang wikang Filipino

bílang pambansang wika, ay hindi maipagkakaila na komplikado ang nasabing wika. Dahil sa

pagkakaroon ng maraming katutubong wika na kinikilala ng bansa ay hindi maiiwasan ang ganitong

suliranin. Gayunpaman, hindi ito isang negatibong suliranin bagkus ay maaaring tingnan bílang isang

sitwasyong nagpapatunay na sadyang mayaman sa wikain ang bansang Pilipinas. Ayon kina

( Dumanig at Jubilado, 2015), ang wikang Surigaonon ay sinasalita sa buong probinsiya ng Surigao del

Norte at sa limang munisipalidad ng Surigao del Sur, ang Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen at

Lanuza. Madaling makilala ang wikang Surigaonon dahil sa malimit na paggamit ng letrang j at y, kayâ

naman ay tinatawag din ang wikang ito bílang wikang jaon-jaon o wikang waya-waya. Pinakalayunin ng

pag-aaral na ito na mailahad at maipakilala ang varayti ng wikang Surigaonon, ang Surigaonon-

Cantilan at Surigaonon-Tandag. Na ang mga Surigaonon ay may sariling wika ng pagkakakilanlan at at

mailahad ang mga implikasyong dulot ng pagkakaroon ng varayti ng wikang Surigaonon sa lipunan.
Simula pa noong panahong kolonyal, malaki ang naging interes ng mga mananakop sa

pagalam ng wika ng mga katutubo (Salazar, 2013). Dala ito ng pagkilala na ang wika ang

kumakatawan sa ideolohiya ng mga tao, kakabit ang kanilang mga pagpapahalaga, kalinangan, at

kamalayan. Mahigit na 400 taon nang interesado ang mga Europeo sa mga wika sa Pilipinas.

Kapansin-pansin na ang trend o kalakaran ng pag-aaral ng mga iskolar hinggil sa wika ay sumasabay

sa mga pangyayari sa kasaysayan tulad ng kolonisasyon at paglaya mula sa mga mananakop. Sa

kalaunan lámang naging mas interesado ang mga iskolar na Sebwano at Tausug na saliksikin ang

kakanyahan ng wikang sarili, dahil na rin sa pag-usbong ng mga unibersidad sa bansa at pagdami ng

mga katutubong iskolar na nangibang-bayan upang arálin ang mga sopistikadong metodong

linggwistiko na umiiral sa ibayong dagat.

Sa isang pag-aaral ni Rubrico (2011), inilarawan niya ang paglitaw ng isang wikang creole sa

lungsod Davao na katangian ng isang katanggap-tanggap na wikang pambansa dahil umaayon ito sa

haraya ng Konstitusyong 1987 ng linggwa frangka na pinapayaman ng mga umiiral na wika sa bansa.

Ang naturang “varayti ng wikang Filipino,” bagaman naimpluwensiyahan ng Tagalog, ay kakikitaan ng

malaking pagkakaiba sa gramatikal na katangian ng varayting sinasalita sa Metro Manila. Sanhi ito ng

malalalim na pangwikang pakikisangkot ng mga di-Tagalog (partikular ng mga Sebwano) sa isang

linggwistikong komunidad kung saan ang katutubong kompetensing pangwika ng mga Davaweño ay

humahalo sa paggamit ng Filipino.

(Adao, 2021), Nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t iba ring

mga tao na may iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, at pananaw ang kasangkot sa proseso ng

komunikasyon. Dito rin papasok ang katangian ng wika na pagiging heterogenous o may iba’t ibang

anyo, mapalingguwistiko, mapaokupasyonal o mapasosyal man ang mga anyong ito. Kabílang din sa

mga dahilan ng pagkakaiba ng anyo ng wika ang lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-

ekonomiko, politikal, at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na

gumagamit ng naturang wika.


Maraming dahilan kung bakit naiimpluwensyahan ang isang wika. Una na rito ay ang

paglalakbay, pangangalakal, pakikisalamuha sa iba, at pag-aasawa. Maging ang paglipat o migrasyon

ng tao sa ibang lugar, at ang lokasyon mismo ng isang lugar ay salik din upang magkaroon ng varayti

ang isang wika. Ito rin ang paliwanag ni Moran sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng lingguwistikong

varayti ang mga wika. Sa tuwing nababanggit ang wikang Surigaonon ay pilíng lugar lámang ang

nakakikilala, partikular sa Mindanao, subalit pagdating sa Visayas at Luzon ay bihira lámang ang

nakaaalam sa ganitong wika na umiiral sa hilagang bahagi ng Mindanao. Figyur 1. Iskematik Dayagram

ng Pag-aaral Varayti ng Wikang. Surigaonon 31 Sa pag-aaral ni Bautista, Jr. hinggil sa direksiyong

historikal ng mga pananaliksik panggramar ng mga wikang Timog Bisaya, nabanggit niya na si

Francisco Perlas Dumanig ang unang nagsagawa ng pananaliksik sa wikang Surigaonon.

Ang wikang Surigawnon ay pangunahing wika na sinasalita ng mga lumadnong mamamayan

ng Surigao del Norte at Surigao del Sur. Batay naman sa sarbey ng ng Caraga Region na nagkaroon

ng 88,129 o 22.40% na bahagdan mula sa kabuuang populasyon ng rehiyong Caraga; at may nakitang

95% ng mga mamamayan ang gumagamit ng Surigawnon (panlalawigang saklaw) bilang unang wika

na kabahagi nito ang wikang Cebuano at Boholano sa punto ng Tausug.(Dumanig, 2015) Maraming

mga wikaing litaw sa lalawigang Surigao del Norte at Surigao del Sur nagkakaiba-iba ng diin,

intonasyon at gamit sa mga dakong timog ng baybay-dagat at sa mga bayan-bayan. Ang wikaing ito ay

naging Surigawnon hindi sa pagkanatural o katutubong wikain ng Surigawnon kundi sa palatandaang

pinagkakilanlan (identification) sa lalawigan na pinangalanang Surigao Minsan hiwalay na wika sa

isang partikular na lugar at halong wika naman sa ibang partikular na lugar. Samantala ang mga

wikang Minamanwa, Kamayo-butuanon, Tausug, Manobo at Badjau ay hindi hiwalay na sinasalita

kundi kasama sa komposisyon ng wikang Surigawnon. Samakatuwid ang konsepto ng wikang

Surigawnon ay pinakamalapit na angkan nito ang Boholano nasundan ng Cebuano, Minamanwa,

Kamayo, Tausug, Manobo at Badjau. Sa kabuuan, may 31% kogneyts-komposisyon sa ibang mga

banggit na sinuring katutubong wikain at nagkaroon ng taal Surigawnon na 69% sa kanyang nabuong

komposisiyon ng wikang Surigawnon sa lalawigang Surigao del Norte. Kasama sa pagsusuri ng

konsepto ay ang pagbigay paliwanag sa katawagang Surigawnon na siyang pangkalahatang tawag ng


wika sa mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur. May tawag na Sinurigao ni TParedes

(2015) na wikang varayti mismo sa syudad ng Surigao; maaaring Sinurigaonon sa pinaikling bersyon

SurigawnongSinurigao varayti

Konklusyon

Ang pinakapangunahing layunin nitong pananaliksik ay upang masuri ang wikang Surigawnon

ayon sa kogneyts, konsepto, istado, at impormasyon ng wikang Surigawnon. Ang pag-aaral ay

gumamit ng deskriptibong kwali-kwanti desinyo gamit ang mga paraang pakikipanayam, talatanungan

profayl at wordlists, at pag-oobserba kung saan sinubukang alamin at analisahin ang wikang

Surigawnon ayon sa paraan at galaw ng paggamit, pagkilala sa mga sub-wika na kabahagi ng wikang

Surigawnon at kung paano gumagana ang wika sa komunikasyon ng isang komunidad. Ang mga

kuhang datos ay nagmumula sa lumad na mamamayang Surigawnon at kasalukuyang henerasyon ng

Surigao del Norte. Ang partisipante o impormante ng nasabing pag-aaral ay mga katutubong

mananalita ng Surigawnon at mga karaniwang mamamayan, mag-aaral, nagtrabaho sa mga

tanggapan at iba pa.


Mga Reperensya

Adao, J. Kaantasan ng Wika. Aralin 1-3. PDF. 2022


https://www.scribd.com/document/533650325/KAANTASAN-NG-WIKA-ARALIN-1-3
Bailey, A., et al. (2011). Qualitative research method. Sage Publication.
https://uk.sagepub.com/en-gb/eur/qualitative-research-methods/book242878
Bautista, F. Jr. (2015).Direksiyong historikal ng mga pag-aaral panggrammar ng mga wikang Timog
Bisaya kalakip ang parsiyal na anotasyon ng ilang sulatín sa gramatika mula 1960 hanggang
2015]. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, 21(1),7-31.
https://www.academia.edu/23851923/Direksiyong_Historikal_ng_mga_Pag_aaral_Panggram
ar_ng_mga_Wikang_Timog_Bisaya
Camar, A. (2020). Varayti ng wikang Surigaonon: Isang pagsusuri sa ponemang/j/at/y. International
Journal.
https://www.researchgate.net/publication/346777939_Varayti_ng_wikang_Surigaonon_Isang_
pagsusuri_sa_ponemang_j_at_y
Constantino, P. C. (2012 [Pluralidad tungo sa identidad: Ang varayti ng wikang Filipino sa pagbuo ng
wika at kamalayang pambansa. Salindaw: Sentro ng Wikang Filipino Unibersisad ng
Pilipinas.
https://www.scribd.com/presentation/530862762/Pluralidad-Tungo-Sa-Identidad-Ang-Varayti-
Ng-Wikang-Filipino-Sa-Pagbuo-Ng-Wika-at-Kamalayang-Pambansa
Dilaut. (2018) Philippine Quarterly of Culture and Society, 39(2), 87-131
https://www.jstor.org/stable/23719000
Dumanig, F. (2015). A descriptive analysis of Surigaonon language.
https://www.researchgate.net/publication/277565140_Descriptive_Analysis_of_the_Surigaono
n_Language
Flores, M. L. (2015). Nahuhuli at panimulang pagtatangka: Ang pilosopiya ng wikang 1987 Ang
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 - Official Gazette
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1987/02feb/19870211-Konstitusyon-CCA.pdf
Jeska, A. (2022). Introduksyon ang sintaks. Kahulugan ng sintaks, 2022.
https://aralinph.com/sintaks/
Liwanag, Mariyel Hiyas. (2015) A grammar sketch of Surigaonon. Department of Linguistics Library
(CSSP), of Research, 9(8), 57-72.
https://linguistics.upd.edu.ph/theses_dissertation/a-grammar-sketch-of-surigaonon/
Rubrico, U. “Bibliography of Works and Studies on the History, Structure and Lexicon of the Cebuano
Language.” Di-nalimbag na MA tesis, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon,
2013.
https://www.academia.edu/23851923/Direksiyong_Historikal_ng_mga_Pag_aaral_Panggram
ar_ng_mga_Wikang_Timog_Bisaya
Salazar, S. “A Contribution to Asian Historiography: European Studies of Philippine Languages from
17th to the 20th Century.” Archipel 44 (1992):183-202. Nakalimbag.
https://www.persee.fr/doc/arch_0044-8613_1992_num_44_1_2861
Santiago, A. (2011). Translation: Theory and practice [Pagsasalin: Teorya at praktika]. C & E
Publishing. https://books.google.com/books/about/Pagsasalin.html?id=zwPQnQEACAAJ

You might also like