You are on page 1of 1

12 – 01 – 2023

Sa aming mga minamahal na mga magulang at tagapag-aruga,

Pagbati ng kapayaaan sa diwa ng nalalapit na Kapaskuhan !!!

Ang paaralang Juan R. Liwag Memorial High School – Senior High School ay nakikiisa po sa hangaring mas lalo pang maging bukas ang
isipan ng bawat mag-aaral sa kagandahan ng isang likhang-sining na bahagi ng kanyang pang- araw -araw na pagkatuto at pag-unlad
kaya naman sa darating na ika – 4 ng Disyembre ay nakatakda pong makiisa ang ating paaralan sa isang Film Viewing sa mga sinehan
ng Robinson’s Movieworld ang kalapit na mall ng ating paaralan mula ikawalo ng umaga hanggang ikalawa ng hapon. Hahatiin po ang
panonood sa tatlong baha-bahagi ( 8 am – 10 am), ( 10 am – 12 noon ) at ( 12:00 – 2:00 pm ). Inaasahan po na matatapos ang
panonood makaraan ang halos dalawang oras at pagkatapos ng panonood ay bibigyan pa po ang bawat mag-aaral ng dalawang oras
pa para makapaglibot sa palibot ng mall upang ganap na madama ang nalalapit na diwa ng Kapaskuhan at makihalubilo sa kapwa
mag-aaral. Sa pinanood rin pong pelikula ay nakatakdang magsagawa ang bawat mag-aaral ng kanilang suring pampelikula, reaksyong
papel at replektibong sanaysay upang mapatunayan ng bawat guro sa iba’t ibang asignatura ang kanilang pagtangkilik sa kagandahan
ng sining.

Umaasa po kami sa inyong pagbibigay pahintulot sa inyong mga anak at minamahal naming mag-aaral na maging bahagi ng Film
Viewing na ito at makakaasa rin po kayo sa pag-aaruga at pagbibigay atensyon namin sa kanila habang kami ay magkakasama at
gagabayan sila hanggang sa kanilang pag-uwi.

Naniniwala po kami na sa ating pagtutulungan at pagkakaisa ang layunin at gampanin ay magiging isang tagumpay.

Sumasainyo,

__________________
Guro, Taon at Pangkat

Jeffrey M. Sta. Ines


OIC, Asssistant Principal II

Noime O. Villegas
SHS Principal II

You might also like