You are on page 1of 18

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356893311

Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Tugon sa


Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng
Pandemya

Article · December 2021

CITATIONS READS
0 81,433

1 author:

Jennilyn Daza
La Consolacion University Philippines
1 PUBLICATION 0 CITATIONS

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Jennilyn Daza on 09 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang


Filipino Tugon sa Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng
Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya
Jennilyn V. Daza
jennilyn.daza@email.lcup.edu.ph
Disyembre, 2021

Abstrak: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang masukat ang antas nang pagkatuto ng mga

mga mag-aaral sa wika at panitikan na gamit ang mga makabagong estratehiya na siyang

magiging batayan upang mabigyan ng maayos na daloy ang pananaliksik. Gagamit ng isang

diskriptibong palarawang pag-aaral upang makita ang antas ng pagkatuto at ito ang pinagsanib

ng kwalitatibo at kwantitatibong istadistika. Ang mga kasangkot sa pag-aaral ay mga mag-aaral

sa sekondarya na mataas na paaralan ng Talisay. Ang pagkakatuklad sa antas ng kanilang

pagkatuto sa wika at panitkan sa filipino ay siyang mapaglalapat ng makabagong estratehiya

upang malampasan ang hamong kinahaharap sa panahon ng pandemya. Ang magiging

rekomandasyon ay magkaroon ng makabagong estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo ng

wika at panitkan upang ang interes at kaantasan ng pagkatuto ay mapataas at higit na mabigyan

ng kasapatan ang pangangailangan ng guro sa pagtuturo ng wika at panitkan sa Filipino.

Mga Susing Salita: kaantasan, estratihiya, pagkatuto, wika, pantikan, pandemya

1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

Ang guro ay isang instrument ng pagkatuto ng ng isang pag-aaral na maiaangat ang antas

ng kanilang kaalaman sa isang Asignatura. Higit na nagkakaroon ng isang maayos na paglalapat

kung ang guro ay may kasanayan at ito ay kanyang eksperto na pagtuturo sa isang asignatura.

1
Sapagkat ang isang maayos na gampanin ng isang guro ay mag bahagi ng kanilang kaalaman sa

mga mag-aaral at kapwa guro na nagtuturo ng kanilang piling larang upang higit na umigpaw

ang kanilang kaalaman sa nasabing karunungang inaasam at matagumpayan ang kanilang

kamalayan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang guro ay isang propesyon na hindi

matatawaran dahil sa kanilang paglilingkod at pagtulong sa mga kabataan na matuto sa

asignaturang Filipino. Malinang ang kaalaman dahil sa pagseserbisyo ng guro ng walang

hanggang pagsubaybay sa mag-aaral upang maabot nila ang kanilang pangarap. Isang pangarap

din ng guro na maging isang kilalang tapat na lingkod bayan ang kanilang mga mag-aaral sa

hinaharap.

Ang isang guro ay may kaakibat na responsibililad upang ang kanyang mga mag-aaral ay

matuto sa asignaturang kanyang pinagtuturo lalo na sa piling larang o kanyang

pinagkadalubhasaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Batay sa isang pahayag ni Meneses (2021) sa kanyang ginawang artikulo na “Mga

Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya” ngayong 2021 na

ipinapahayag na isang hamon ito sa mga guro at mag-aaral na magkaroon ng isang maayos na

pagpapahatid at paglilipat ng kaalaman na hindi nakakaapekto ang kasalukuyang dinaranas na

pandemya. Binigyan tuon niya ang pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nasa mga

tahanan lamang. Ang “Online Classes” at modyular na pagtuturo ang kaniyang binigyan ng tuon

upang magkaroon ng pagpapatuloy na pag-aaral ang mga mag-aaral sa kanilang tahanan upang

maiwasan ang pagkakaroon ng hawaan sa sakit na COVID-19.

Dahil dito, alinsunod sa batas Republika Blg. 9155 seksyon 2 ay isinasaad ang ganito:

Ang estado ang siyang mamgangalaga at tataguyodc sa Karapatan ng lahat ng


mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at upang
gawing bukas para sa lahat ang naturang edukasyon sa pamamagitan ng sistemang
pagkatutong alternatibo para sa mga kabataan wala sa paaralanm at matatandang mag-

2
aaral na ang layunin a6y pagkalooban sila ng mga kasanayan, kaalaman at halagahan
na kinakailangan nila upang sila’y maging mga mamamayang mapangalaga,
nakapagsasarili, produktibo, at Makabayan

Sa batas na ito ay kinakailangan ng pagbibigay ng tuon sa mga mag-aaral lalo na

ngayong sa panahon ng pandemya ang paglilipat ng kaalaman at pagkatuto nila sa mga aralin na

kinakailangan sa asignatura na kanilang pinapasukan sa baiting kung saan sila nabibilang.

Kinakailangan pa rin pataasin ang antas ng kanilang kaalaman upang sa sunod na baiting ay

magkaroon ng paghahanda sa mga aralin na makakatulong sa kanilang pagkatuto at pagkaunawa

sa mga aralin na kanilang pag-aaralan. Ito ay isang katuparan sa pagpapataas ng kaalaman sa

pagkatuto ng mga mag-aaral na gamit ang makabagong estratehiya sa pagtuturo ng wika at

panitikan sa asignaturang Filipino. Bilang guro, kinakailangan ang maayos na paglalapat ng mga

pamamaraan sa pagtuturo lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemya dahil marami sa mga

mag-aaral ang nahihirapan na matuto at makapagbahagi ng kanilang kaalaman sa pag-aaral ng

asignaturang Filipino lalo na ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng mga

impormasyon mula sa isang modyul na kinakailangang unawain at bigyan ng sapat na

kapaliwanagan sa mga detalye ng isang aralin.

Sa pamamagitan ng Division Memorandum No. 172, s. 2020

"Implementation of the Learning Delivery Modalities (LDM) 1 Course for


Division and School Leaders Under the Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-
LCP)"

ay naisakatuparan ang implementasyon ng Learning Delivery Modalities (LDM) sa ilalim ng

BE-LCP. Ang mga gawain sa pagsasanay ay naglalayong mapahusay ang kahandaan ng mga

guro para sa pagpapatupad at pamamahala ng mga learning delivery modalities na naaayon sa

mga patakaran at magbigay ng patnubay sa mga opisyal sa paggawa ng matalinong mga desisyon

na nauugnay sa pagpapatupad ng iba't ibang mga modalidad. Ang distance learning ay isa sa

3
mga learning delivery modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang pagtuturo ay

nagaganap kahit ang mga guro at mag-aaral ay hindi pisikal na magkaharap. Nakapaloob sa

modalidad na ito ang Modular Distance Learning (MDL) na kung saan ang bawat mag-aaral ay

mayroong Self-Learning Materials (SLM) o mga nakaimprentang modyul na naglalaman ng

kanilang mga aralin at mga gawaing sa pagkatuto. nakasaad sa Seksyon 2 (1) ng artikulo XIV ng

1987 Constitution na nabanggit din sa RA No. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of

2013,

na ang estado ay dapat magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto,


sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng
sambayanan at lipunan habang sa bisa naman ng DepEd Order No. 012, Series 2020,
“Adoption of the Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for school year
2020-2021 in the Light of the COVID 19 Public Health Emergency”

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay magpapatupad ng iba’t ibang Learning Delivery

Modalities (LDMs) upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral habang

sinisigurado ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan. Ito ay maipatutupad sa

pamamagitan ng blended learning, distance learning at homeschooling.

Naipahayag naman sa International Journal for Scientific Advances (2021) na ang

modular distance learning ay ang paggamit ng mga inihandang modyuls ng mga 10 guro na

naglalaman ng mga gawain at babasahin na tutugon sa learning competencies ng mga mag-aaral.

Nakasaad sa International Journal Multidisciplinary Research and Analysis (2020) ang

pagpapatuloy ng pag-aaral sa kabila ng COVID 19 pandemic ay ginagamitan ng mga

alternatibong pamamaraan tulad ng online learning at modular learning.

Makikita sa pag-aaral na isinagawa nina Abante et al (2020) sa kanilang pag-aaral na may

titulong “A Comparative Analysis on the Challenges of Online LearningModality and Modular

Learning Modality: A Basis for Training Program” na ginagamit ang dalawang pangunahing

4
alternatibong pamamaraan ang pag-aaral na online at modular learning sa panahon ng pandemya.

Lumabas din sa isinagawang pag-aaral na may mga suliranin itong kaugnay sa mga guro ng

parehong pampubliko at pribadong guro at paaralan. Nailantad sa pag-aaral na ginawa ni

Marohombsar (2020) na walang kaugnayan ang modyular na pagdulog sa konsepto ng antas at

lalim ng pagbasa ng mga mag-aaral. Subalit nararapat pa rin na magkaroon ng English reading

module bilang tugon sa mga suliraning kaugnay.

Dahil sa mga problemang kinakaharap ng mga guro sa kasalakuyan ay hindi biro lamang

sapagkat ito ay isang bokasyon na ang pagtuturo ay hindi kinakailangan na magkaroon ng isang

sapat na isa lamang na pamamaraan, bagkus maraming pamamaraan upang misalin ang

kaalaman at pagkatuturo sa mga mag-aaral . Ang pagtuturo ay pinag-aaralan ng mga guro upang

makapagsalin ng kaalaman mula sa mga nakalahad sa isang batayan na kinakailangang pag-

aralan. Kagaya minsan na ang guro ay nagsasakripisyo lamang upang makapagturo sa isang

lugar na malayo sa kabayanan, Ito ay masasabing isang pagseserbisyong may puso at didikasyon

sa pagtulong sa mga kabataang nagpapasaya sa mga guro kapag may natutuhan sila sa

ibinabahagi ng kanilang guro mula sa araling Filipino.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto

ng mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

5
mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga

magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

Kaya ang layunin nang pag-aaral na ito ay isang bahagi na nakapokus sa kalagayang ng

mga guro kung ano ang nais mabigyan ng maayos na serbisyo ng pamahalaan dahil ang mga

guro ang siyang pundasyon ng mga pangarap ng mga kabataan sa hinaharap.

2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Sa pagtuturo ng isang guro sa asignaturang Filipino ay isang saligan ang kinakailangan

upang mas mapalalim ito at mabigyan ng malawak na interpretasyon. Ang wika ay palaging

maraming gamit lalo na sa pag-aaral ng mga sintaksis, morpolohiya, ponolohiya, semantiks at

ponolohiya. Ang pagtuturo ng wika ay may kaakibat na pagtutok sa mga pagkakabuo, kahulgan

at pagkakabigay ng kalayaang maibahagi ang mga impormasyon nakalatag sa kanilang

kahulugan Alinsunod sa kautusang Tagapagpaganap blg.263 noong 1940 na nag aatas na:

Nagbibigay pahintulot sa paglilimbag ng isang disyunaryong tagalog at balarila ng


wikang Pambansa at itatagubilin din na pagtuturo ng wikang pambasa sa mga paaralan,
pambayan man o pribado.
.

Ang kautusang ito ay isa lamang sa matatag na batayan upang higit na paunlarin ang

wikang pambasa sa Pilipinas. Marami pang pamamaraan o estratehiya ang kinakailangan

upang higit na maging hulwaran ang mga nagawang babasahin at upang lumawak o higit na

mapaunlad ang gamit ng wikang Pambansa. Marami sa ngayon sa mga kabataan ang hindi

na maalam sa paggamit ng wastong salita sa pakikipag-usap sa pormal na talakayan. Kung

minsan ay nagiging syukoy na ang kanilang pagpapahayag dahil nahahaluan na ng salitang

banyaga ang kanilang impormasyon na ipinapahayag. Kinakailangang ito ng guro ang wika

sa ibat-ibang kaparaanan na magkaroon ng mataas na antas ng pagkatuto ang mga mag-aaral

6
lalo na sa kasalukuyang panahon na lalong nangingibabaw ang wikang dayuhan sa sa

paggamit ng sosyal Medya..

Mula sa pag-aaral ni Francisco (2014) natuklasan niya na ang pagkakaugnayan ng

mga kahulugan at impomasyon ay nakabatay ayon sa pagkakaunawaan hanggang matuklasan

ang gamit ng diskurso na matatawag na social fragment. Dahil marami sa kasalukuyan na

ang mga pahayag ng kanilang wika ay ayon na sa napapanahong impormasyon na

naaapektuhan ang pagkakabuo nito ayon sa mga pahayag ng mga salitang milenyals. Kaya

ang kaugnayan nito sa kasalukyang pag-aaral ay higit na paiigtingin ang kaantasan ng wika

sa pagtuturo nito ng asignaturang Filipino na gumagamit ng isang makabuluhang

bokabularyo sa pagbabahagi nila ng mga pangungusap at pagbibigay ng kahulugan nito sa

kaangkupan nito sa panitikang tinatalakay. Ang kaantasan ng pagtuturo ng wika ay siyang

salayan upang mapataas ang kaalaman ng mga kabataan sa pag-aaral ng asignaturang

Filipino sa kasalukuyan kinahaharap natin ang panahon ng pandemya. Hindi hadlang ang

pandemya kung bibigyan lamang ng sapat na solusyon ang kinahaharap na mga suliranin sa

pagtuturo ng wika kaakibat ang makabagong teknolohiya na siyang magiging pamamaraan sa

pagbubuo ng panibagong pagtuturo na may pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Alinsunod sa artikulo XIV, seksyon 6 ng Konstitusyon ng Pilipinas ininasaad na:

Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipin. Samantalang nililinang ito,


ito ay dapatpagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika.

Kaya kinakailangan talagang ituro ng maayos ang wikang pambasa dahil ito ang ating

wikang papaunlarin dahil ito ang ginagamit natin sa pakikpagtalastasan at hindi lang sa

larangan ng pasalita bagkus sa paraang pasulat. Maaming wika ang ating bansa ngunit higit

natin bigyan ng tuon ang wikang pambansa sa kasaluyan dahil hindi na natin nakikita ang

7
pagtangkilik natin sa ating sariling wika lalo na sa social media. Makikita ay kalimitang mali

ang nakasulat sa wikang ingles na hindi naman nating gaanong maunawaan. Imbes na ito ay

hayaan lamang. Bilang mga guro ng mga kabataang may pangarap sa buhay ay

kinakailangan pa nilang linangin ang kanilang kahusayan sa paggamit ng wikang pambasa sa

lahat ng larangan ng pakikipagtalastasan saan man dako ng mundo.

Samantalang ayon sa pag-aaral naman ni Abel et al(2016) ang mga bagong salita na

natutuklasan ay depende sa gamit nito sa sa pagtuturo kagaya sa pagalalro at kinakailangan

din na mabigyan ang ibat-ibang dimisyon nang pag-aaral ng wika sa ibat -ibang larangan

upang makita ang pagkatuto ng mag-aaral. Ito ang isang pamamaraan ng pagtuturo ng wika

na higit na bibinibigyan ang katuturan ng mga salita ayon sa gamit nito sa isang larang o iba

pang larangan na makakatulong sa pagpapataas ng antas ng kaalaman sa wika sa pagtuturo

ng asignaturang Filipino. Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral sa kasalukuyan dahil ang

pamamaraan at ginagawa ay magkakaugnay subalit kinakailangan lamang na ang pokus sa

pagtuturo ng asignatura kaibahan. Kaya ang isang pagtalakay sa pamamaraan o estratehiya sa

pagkatuto ng isang mag-aral sa isang wika ay higit na bigyan pansin dahil marami ang

nagkakaroong ng maling hinuha dahil sa maling interpretasyon .

Ang pagtuturo ng wika ay isang mabusising pagtalakay dahil marami ang mga

salitang magkakapareho ng bigkas, diin at minsan magkapareho pa ang salita ngunit

nagkakaroon ng pagkakaiba sa pagbibigay ng kahulugan at minsan ay naiiba rin ang

interpretasyon. Mula sa pag-aaral ni Tubio, et al (2017) natuklasan niya na ang mga

makabagong salita mula sa social media ay nakakatulong sap ag aaral ng weika sa mga mag-

aaral, subalit hindi ito nauunawaan ng mga guro kung hindi maalam sa paggamit ng social

media ang guro sa pagtuturo ng wika. Kaya ang pagtuturo ng wika ay isang masalimuot na

8
kaparaanan na gumamit ng isang estratehiya na aangkop sa pagturo ng mga guro ng wika

upang higit na mapataas ang kaantasan ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa wikang kanilang

ginagamit. Kaya sa patuloy na pag-aaral sa pagtuturo ng wika sa asignaturang Filipino ay

kukunin ang kaantasan nito upang masukat ang kahinaan at kagalingan ng mga mag-aaral.

Dahil sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pagtuklas ng makabagong estratehiya ang guro

upang umigpaw pa ang kaalaman ang mga mag-aaral sa mga salitang hindi maunawaan lalo

na sa paggamit nito sa pagbabasa ng mga halimbawa ng mga uri ng panitikan.

3. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Sa pagtuturo ng isang panitikan sa sekondarya ay higit na malawak kaysa sa elementarya

mas sa pagsusuri, pagpapalawak ng ideya ng mga mag-aaral at higit sa lahat kasangkot ang

wikang binibigyan ng tiyak na katuturan upang mas higit na maunawaan ang kaalaman sa paksa,

at sa daloy ng panitikang binabasa. Ang guro ang siyang nagmamaneho sa larangan nang

pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sila ang gumagawa ng mga kaparaanan upang maibigay ang

sapat na kaalaman sa pagkatuto sa asignaturang Filipino. Ang estratehiya ay isang salik na

makakatulong upang masukat ang antas ng kanilang kaalaman sa pag-aaral ng panitikang

Pilipino. May mga kagamitang pampagtuturo ang nagiging salik upang higit na mapataas ang

kaalaman o di kaya ay salik din na kinakailangan matuklasan ng mga guro sa pagpapataas ng

kaantasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan sa asignaturang Filipino.

Ayon kay Nerizon (2021) sa kanyang pananaliksik na may titulong “Mga Pamamaraan at

Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya” binanggit niya na sa pag-aaral ng

isang akda, tungkulin ng isang guro na iparanas sa mga mag-aaral ang akda. Sa huli ay sinabi

niya na Malaki ang papel na ginagampanan ng paggamit ng panitikan sa pagtuturo ng Filipino.

9
Nagiging instrument ito sa paglinang at pagpapayaman ng karanasan sa pagbasa ng mag-aaral.

Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil sila ay parehong tumatalakay sa mga

pamamaraan subalit ang kasalukuyang pag-aaral ay gustong matukoy ang kaantasan ng

pagkatuto ng mag-aaral sa panitikan sa asignaturang Filipino .

.Ayon mana sap ag-aaral ni Mangahis (2019), “Panitikang Mapagpalaya o Mandaraya?

Isang Holistikong Kritika sa Kasalukuyang Panitikang ginagamit sa Pagtuturo ng Filipino sa

Baitang 7-10”, Lumabas na sa apat na baitang na nakapaloob sa Junior High School, dalawang

taon lamang mababasa at matatalakay ng mga mag-aaral ang mga teksto at panitikang lokal o

Pambansa. Sa natitirang dalawang taon ay puro na babasahing Asyano at pandaigdig ang

magiging tuon ng talakayan sa klase sa Filipino at dito na iikot ang teksto na kanilang mababasa.

Bukod pa rito, limitado ang nagiging saklaw ng mga panitikang lokal na ipinapabasa sa mga

mag-aaral dahil sa limitadong taon na maaari itong gamitin sa loob ng silid-aralan. Bunga nito,

lumalabas ang ibat-ibang suliraning kinakaharap sa Filipino. Ito ay may kaugnay sa pag-aaral

ngayon dahil nalalaman dito ang pamamaraan na ginamit sa pagtuturo ng panitikan subalit ito ay

nakapokus sa kaantasan ng makabagong estratehiya sa pagtuturo ng panitikan.

Sa pananaliksik nina Apolonio et al (2018), na may pamagat na “Mga Estratehiya ng

Interbensyong Kagamitan sa Panitikan sa ibat-ibang Panahon”, bumuo sila ng kagamitang

pampagtuturo na naglalaman ng panitikan ng Pilipinas sa panahon ng Kastila, Pagbabagong

diwa, Himagsikan, Amerikano at Hapon. Ipinabalido ang nabuong estratehiyang Interbensyong

Kagamitang Pampagtuturo sa mga gurong eksperto at mag-aaral batay sa Layunin, Nilalaman,

Organisasyon, Presentasyon at Pagsasanay kung saan napatunayang mabisa ang nabuong

estratehiyang interbensyong Kagamitang Pampagtuturo inirerekomendang gamitin bilang

instrument sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-

10
aaral dahil ito ay kapwa tumatalakay sa mga estratehiyang makakatulong sa prosesong

pampagtuturo at pagkatuto sa larangan ng panitikan. Subalit ang binibigyang-pokus ng

kasalukuyang pag-aaral ay ang kaantasan ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral sa panitikan.

Samantalang sa pag-aaral naman ni Magulod (2018) na may titulong “Innovative

Learning tasks in enhancing Literary Appreciation Skills of Students”. Lumabas sap ag-aaral na

ito na ang mga mag-aaral na naging kalahok ng pananaliksik na ito ay nagtataglay ng hindi

gaanong nadebelop na kakayahan at kawilihan na magbasa ng ibat-ibang uri ng literature.

Nangangahulugan lamang ito na nangangailangan pa ng paghubog sa mga mag-aaral na

tangkilikin at pahalagahan ang pagbabasa at pag-aaral ng panitikan. Dahil dito, makikita ang

pangangailangan sa pagbuo ng mga makabagong estratehiya upang maging kawili-wili at

mapataas ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan.

Ayon naman kina Buitrago et al. (2017) sa kanilang pag-aaral na may titulong “Teaching

Vocabulary with Fables Reading with Primary Learners in Complejo Educativo La Julita from

Pereira” lumabas sa pag-aaral na ito na sa pamamagitan ng paggamit ng Pabula ni Aesop sa

Foreign Language Classroom ay nagbibigay sa mga guro upang magkaroon ng mga materyal na

kukuha ng interes ng mga mag-aaral na magiging daan sa pagkatuto ng mga bata ng mga

pagpapahalaga at pagkatuto ng foreign language. Ito ay may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral

dahil ito ay tumatalakay sa pagtuturo ng pabula sa pagkakaroon ng interes ng mga mag-aaral

subalit ang kasalukuyang pag-aaral ay may layuning malaman ang kaantasan ng pagkatuto gamit

ang bagong estratehiya nang pagtuturo sa panahon ng pandemya.

11
4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Sa pagtataya ng pagkatuto kinakailangan na magkaroon ng isang matibay na panukatan ang

isang tagapagsalin ng kaalaman na higit na makakakuha ang interes ng mga mag-aaral sa pag-

aaral ng asignaturang Filipino. Ang asignaturang Filipino para sa mga mag-aaral ay isang tinik

sa kanilang lalamunan dahil sa ito ay isang pag-aaral ng sariling wika ngunit hindi nila

nauunawaan.

Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

Ayon kina Manlangit et al. (2020), ang modyular na pamamaraan ay isang uri ng distance

learning na ginagamit ang Self-Learning Modules (SLM) batay sa Most Essential Learning

Competencies (MELC) na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon. Upang malaman ang

kaantasan ng pagkatuto ng isang mag-aaral sa asignaturang Filipino. Higit na sinusukat ang

kanilang kahusayan at kagalingan sa pag-aaral ng aralin sa Filipino. Ipinahayag din niya na ang

pagkatuto ng isang mag-aaral ay nakasalig sa kanilang interes sa asignaturang kanyang

pinapasukan o sa kanyang aralin na nais.

12
Ipinahayag din ni Llego (2020), ang modular distance learning ay ang pag-aaral ng mga

mag-aaral sa kanilang sariling kaparaanan gamit ang self-learning modules (SLMs). Ito ay

maaaring nakaimprenta o soft copy na angkop sa mga mag-aaral at sa mga kagamitan sa pag-

aaral tulad ng mga kagamitan ng mag-aaral, mga libro, pagsasanay na gawain at iba pang mga

gabay sa kanilang pagkatuto. Para sa mga mag-aaral na may mga electronic gadget gaya ng

smartphone at laptop, maaaring ibigay sa kanila ang softcopy ng mga modyul upang magkaroon

sila ng ibang opsyon sa pag-aaral. Sapagkat ang kanilang kaalaman ay may limitasyon kung ito

ay nasa kanilang tahanan lamang kaya higit na pinaiigting ang mga estratehiya na mapataas ang

kanilang matutuhan sa pag-aaral ng isang asignatura o aralin sa Filipino.

Inilarawan ni Azarias (2018) na ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao

hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa

kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha. Ang panitikan ay isang buhay sapagkat ito ay

repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan.

Ayon kay Magsambol (2020), upang matiyak na ang pag-aaral ay mananatiling walang

sagabal, ang DepEd ay magpapatupad ng distance learning approach, ito ay isang learning

delivery mode kung saan ang interaksyon o ang pagtuturo at pagkatuto ay nagaganap sa pagitan

ng guro at ng mga mag-aaral na malayo sa isa't isa. Magbibigay ang DepEd ng mga naka-

imprentang modyul upang matugunan ang problema ng karamihan sa mga estudyante ang

teknolohiya at internet connectivity.

Ayon sa kaguruan ng Pangasinan (2021) na iniulat din ng The Manila Times, may

dalawang pangunahing suliraning kaugnay ang pagpapatupad ng modyular na pamamaraan. Una

ay ang mga kamaliang taypograpikal kung saan ito ay di katanggap-tanggap gamitin ng mga

mag-aaral. Ikalawa naman ay ang gastos na kaugnay sa pagagagawa at pamamahagi ng modyul

13
kung saan napipilitan na kunin sa sariling bulsa ng mga guro ang gastos na ginanamit sa modyul.

Samantalang ito ay pinatunayan naman sa pahayag ni Bernardo (2020) marami sa mga magulang

ang nagnanais o paborsa paggamit ng nakalimbag at elektronikong modyul bilang alternatibong

pamamaraan na pag-aaral sa panahon ng pandemya at distance learning. Ito ay ayon sa sarbey ng

isinagawa ng kagawaran ng edukasyon ng bansa.

Ayon sa pag-aaral ni Anzaldo (2021), ang mga kalakasan ng modyular na pamamaraan

ay isang estrahiya na nagbibigay ng mataas na kamalayan sa mga aralin na matutuhan nila ang

tinatalakay kahit nasa tahanan lamang. Mahalagang tungkulin sa edukasyon ang pagsipat sa

kaalaman at kaantasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral na ayon sa kanilang mga pinag-aaralang

modyul dahil sa pandemya. Ang magandang pag-uugali ay isang kaparaanan upang ang

pagkatuto ng isang mag-aaral ay nakapokus sa mga aralin, at ang mga guro ay nagiging bukas sa

mga hamon na dulot ng pandemya. Samantala, ang mga kahinaan sa modyular na lapit ay hindi

lahat ng mag-aaral ay nakatuon sa paggawa ng kanilang modyul, ang ilang magulang ang

gumagawa ng gawain ng kanilang mga anak, at ang mga magulang ay nahihirapang turuan ang

kanilang mga anak. Ang inilahad na kalakasan at kahinaan ng modyular na lapit at may

kaugnayan sa isa sa mga layunin ng kasalukuyang pag-aaral na pag-alam sa epekto ng modyular

na lapit sa kakayahang pang-bokabularyo ng mga mag-aaral.

Ayon kina Cheng and Abu Bakar (2017), ang paggamit ng modular na pagdulog sa

pagtuturo ng wikang Ingles ay mas mabisa at nakatutulong para mapaunlad ang mga kasanayan

sa aktibong pagkatuto, critical thinking at problem solving. Ang mga guro ay nagkakaroon ng

pagkakataon para makapagsagawa ng formative assessment o pamamaraan ng pagtataya bago,

habang at pagkatapos ng talakayan. Ang pagdulog na ito ay lubos na napakahalaga dahil hindi

14
maikakaila na ang modular ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at guro

dahil ang pagkakataong gamitin ito ay walang pinipiling panahon.

Sa dalawang taon na isinasagawa ang mga pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng

ibat-ibang estratehiya ay nalalampasan parin nila ang hamon ng buhay. Sa mga kadahilang

iniaalay nila ito sa kanilang propesyon upang ang pagkatutuo ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino lalo na sa wika at panitikan ay maragdan at mapataas ang kaantasan ng kanilang

natutuhan sa araling pinag-aaralan. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matuklasan at

masuri ang kahlagahan ng mga makabagong estratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo

ng asignaturang Filipino na siyang magiging batayan upang mapataas ang kaantasan ng kanilang

kamalayan, interes at pagkatuto sa mga aralin ng wika at panitikan. Hindi lang ito sapat na pag-

aralan kinakailangan bigyan din ng sapat na panahon ng gobyerno ang ganitong sistema ng

edukasyon sa panahon ng pandemya. Habang may hamon sa pagtuturo ang mga guro ay may

mga salik din sa pagkatuto ang mga mag-aaral upang mabigyan ng tugon ang hinahanapan ng

lunas sa mga nakaraang danas nila sa pag-aaral ng wika at panitikan.

5. Sanggunian

Apolonio, et et al (2018).https://www.academia.edu/37747357/SIMtsapter 1-3 Finale docx last


retieved September 18,2021

Artikulo XIV Sek. 5 , Kontitusyon ng Pilipinas 1987 (www. Official gazete.golv.ph)

Anzaldo, Geraldine D (2021) Modular Distance Learning in the New Normal Education Amidst
Covid-19, International Journal of Scientific Advances

Azarias, Honorio (2018), Ang Panitikan, https://www.scribd.com/doc/ d


ate retrieved 09/10/2021,9:46 p.m

Batas Republika Blg. 9155 Sek. 2 mh Konstitusyon ng Pilipinas (www. Official gazete.golv.ph)

15
Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-
Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

Division Memorandum Blg. 172 Serya 2020 ng kagawaran ng Edukasyon Central ng Pilipinas
.
Department of Education (2020) DepEd Order No. 012, Series 2020, “Adoptionof the Basic
Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for school year 2020-2021in the Light of
the COVID 19 Public Health Emergency https://www.deped.gov.ph/wp
content/uploads/2020/10/DO_s2020_032-1-1.pdf, retrieved 10/10/2021, 8:28 p.m.

DM 045, s. 2020 Results-Based Performance Management System Guidelines for School Year
2019-2020 Yearend Activities in Light of COVID-19 Measures , April 18 , 2020

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong 1940 (www. Official gazete.golv.ph)

K. Abbas.-D. A. (2021). Factors Influencing Students Reading Comprehension Difficulties


Amidst the Use of Modular Distance Learning Approach In Mindanao State University
Sulu – Senior High School. Open Access Indonesia Journal of Social Sciences, 4(2), 471-
493. https://doi.org/10.37275/oaijss.v4i2.78 date retrieved09/01/2021, 5:41 pm

Official Gazette (2021) Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987


https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-
pilipinas-1987/ retrieved 09/21/2021, 9:46 p.m.

Manlangit, 2016.https://www.coursehero.com/file/76663852/PANIMULAdoc x /

Magsambol, Bonz .(2020). DepEd's modular learning


. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-deped-modular-learning

Meneses. Jeramae L (2021) Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon


ng Pandemya.ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/353435293_Mga_Pamamaraan_at_Kagamitan_
sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya.

16
Mangahis, Henry Leen A. (2019) Panitikang mapagpalaya o mandaraya? Isang holistikong
Kritika
sa kasalukuyang panitikang ginagamit sa pagtuturo ng filipino sa Baitang 7-10. De La
Salle.

Nerizon (2021) https://www.studocu.ph/document/la-consolacion-university-


philippines/language-and-linterature/mga-pamamaraan-at-kagamitan-sa-pagtuturo-ng-
filipino-sa-panahon-ng-pandemya/16647893 last retireved: September 18,2021

17

View publication stats

You might also like