You are on page 1of 33

ARALIN 1:

KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA
SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Panimula

• Ang unang yugto ng imperyalismo at


kolonyalismo ay nagsimula dahil sa tatlong
pangunahing salik:
• ang pagpapalawak ng relihiyon,
• pagpaparami ng ginto at pilak dahil sa
sistemang merkantilismo, at
• paghahangad ng mga Europeong bansa ng
kadakilaan.
• Sa pagpasok ng ika 19 na siglo, isang panibagong sigwa
ng imperyalismo ang magaganap.
• Ang panibagong imperyalismo ay lubos na kakaiba kaysa
sa unang pananakop ng mga Europeo humigit-kumulang
200 taon na ang nakalipas.
• Ang pananakop na ito ay kilalanin bilang :Ang Ikalawang
Yugto ng Imperyalismo”.
Pagtatalakay
• Ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay
may iba’t-ibang motibo.
• Ito ang; industrialisasyon, Kapitalismo,
Nasyonalismo at ang paglaganap ng
kaisipan na kung tawagin ay
• “Social Darwinism.
Industrialisasyon
• Noong 1780 Nagsimula ang Industrial
Revolution sa Europa particular na sa
Great Britain.
• Iba’t-ibang mga imbensyon at
inobasyon tulad ng Spinning Jenny,
Flying Shuttle, Steam Engine at iba pa
ang lumaganap noong industrial
revolution sa Europa.
• Ang mga imbensyon na ito ay nagresulta sa lubos na
pagbilis ng produksyon ng iba’t-ibang produkto sa
England.
• Sa loob lamang ng maikling panahon, lumaganap ang
industrial revolution sa malaking bahagi ng Europe.
• Dahil sa biglaang pagbilis ng produksyon, dumating sa
punto na kinakapos na ang mga pabrika ng mga raw
materials (hilaw na sangkap ng produksyon) para sa
paggawa ng iba’t-ibang manufactured goods.
• Kung kaya’t lalo pang kinailangan ng mga Europeong
bansa na maghanap ng mas maraming lupain na
maaari nilang mapagkunan ng mas maraming likas na
yaman kumpara sa dati.
• Dati-rati kuntento nas ang mga Europeong bansa na magtatag
ng mga himpilan sa mga bansang kanilang sinakop o di kaya’y
kumontrol lamang ng iilang mahalagang lungsod lalo na sa mga
tabing-dagat.
• Ngunit sa pagpasok ng ikalawang yugto ng imperyalismo,
kinakailangan na nilang sakupin ang buong bansa upang
makuha ang mga likas na yaman nito upang matustusan ang
kanilang lumalaking pangangailangan sa mga hilaw na
sangkap(raw materials).
• Ang ikalawang sanhi ng ikalawang yugto ng
imperyalismo ay ang Kapitalismo.
• Dahil sa labis ng pagtaas ng produksyon ng mga
pabrika sa Europa, lubos na dumami ang mga
produkto na maaaring bilhin ng mga
mamamayan.
• Dumating sa punto na mas marami na silang
nagagawang produkto kaysa sa bilang ng mga
produktong nais bilhin ng mga mamamayan.
• Ang mga sobrang produkto na hindi
nabili ay tinatawag na surplus.
• Para sa mga kapitalistang Europeo,
malaking kawalan ng salapi kung hindi
nila maibebenta ang mga surplus.
• Upang mabawi ang kanilang pinuhunan
kinakailangan nilang maibenta ang mga
sobrang produkto.
• Ngunit hindi na nila ito maibenta sa kapwa
Europeo, kaya naisipan ng mga Europeo na
buksan ang mga pamilihan sa mga bansang
Asyano at Aprikano sa kalakalan upang sa
kanila ibenta ang mga surplus.
• Ginawa nila ito sa pamamagitan ng
pakikipagkasundo katulad ng ginawa ng
Russia at Germany(Alemanya) sa China
makalipas ang Opium War o sa
pamamagitan ng pananakot katulad ng
ginawa ng Amerika sa bansang Hapon.
• Bukod sa ekonomikong dahilan, ang
mga Europeo noong ikalawang yugto
ng imperyalismo ay nanakop dahil sa
bugso ng pagkamakabayan o
nasyonalismo.
• Ito ang ikatlong dahilan.
• Isang paniniwala noong 19th century
na ang mga kolonya ay simbolo ng
kadakilaan.
• Para sa mga Europeo, ang mga
dakilang bansa ay nakatadhanang
manakop ng mga bagong lupain, at
ang mga bansang hindi mananakop
ay magiging mahina sa hinaharap.
• Dahil sa paniniwalang ito, ninais ng
mga Europeo na manakop upang
kanilang maipagmalaki ang
kanilang bansa at madaig ang
kanilang mga karibal.
• Ang ikaapat na dahilan ng
ikalawang yugto ng imperyalismo ay
nauugnay sa labis na rasyonalismo,
• ito ang paglaganap ng isang
kaisipan na kung tawagin ay Social
Darwinism


• Ang Social Darwinism ay isang uri ng
racism kung saan ang mga Europeo ay
naniniwala na sila ang mas nakaaangat
na lahi, samantala ang mga Aprikano,
Asyano at mga katutubo ng America ay
mas mababang uri ng lahi.
• Ang social Darwinism ay nagresulta sa
dalawang paniniwala;
• Una: ang mas mababang uri ng tao ay
kinakailangang yurakan o tapak-
tapakan ng mga mas mataas na uri ng
tao upang maging tulay patungo sa
mas magandang kinabukasan.
• Pangalawa; ang paniniwala ng mga
Europeo na dahil sila ang mas
mataas na uri, sila ay mayroong
obligasyon na gabayan ang mas
mababang uri ng tao patungo sa
sibilisasyon.
• Ito ang tinatawag na White Man’s
Burden.
• Para sa mga Europeong naniniwala sa white
man’s burden, ang kanilang pananakop ay
makabubuti sa mga taong sinakop, dahil
mabibigyan nila ang mga ito ng biyaya ng
sibilisasyon.
• Iba’t-ibang anyo ng imperyalismong
itinatag ng mga kanluranin.
• Ilan sa mga ito ay; Ang pagbuo ng
kolonya, protektorado (protectorate),
concession at ang sphere of influence
• Ang pagbuo ng kolonya ay isang patakaran
kung saan ang isang bansa ay namamahala
ng mga sinakop na lupain upang magamit
ang kanilang likas na yaman.
• Maaaring ang pamamahala sa kolonya ay
tuwiran o di-tuwiran.
• Kapag tuwiran ang pamamahala sa
isang kolonya, ang nanakop na bansa
ay magpapadala ng kanilang kinatawan
sa bansang kanilang sinakop upang
direkta itong pamunuan.


• Kapag hindi tuwirang sistema, ang
nanakop na bansa ay gumagamit ng
mga pinunong lokal bilang kanilang
kinatawan upang mamamahala ng
kanilang kolonya.
• Ang Protectorate o Protektorado ay
tumutukoy sa pagbibigay proteksyon ng
nanakop na bansa sa kanilang nasakop
na lupain laban sa paglusob ng ibang
bansa na kadalasan ay mga Europeong
bansa na karibal ng nanakop na bansa.
• Halimbawa;
• Ang Egypt ay sinakop at ginawang protectorate ng mga
British dahil kapag hindi sila sinakop at ipagtanggol ng
mga British, ang Egypt ay sasakupin ng France o ng iba
pang Europeong bansa na nagnanasang masakop ang
kanilang lupain.
• Ang pamumuno ng mga Europeong bansa sa isang
protectorate ay hindi tuwiran.
• Ang Concession ay nagaganap sa pagitan
ng isang mahina at makapangyarihang
bansa.
• Kung saan ang mahinang bansa ay
nagbibigay ng espesyal na karapatang
pangnegosyo sa mas makapangyarihang
bansa.
• Katulad sa karapatang paggamit sa mga
daungan at paggamit ng kanilang likas
na yaman.
• Ang Sphere of Influence ay
tumutukoy sa isang bansa na hindi
ganap na nasakop ng mga dayuhan.
• Ngunit mayroong control at
ekslusibong karapatan sa ilang bahagi
ng kanilang lupain ang mga dayuhan.
• Isang halimbawa nito ay noong 1895, kahit hindi
nasakop ng mga Aleman (Germans) ang China, nagawa
pa ring makontrol ng Germany (Alemanya) ang
Shandung province kung saan ang kanilang batas ang
umiiral.
Pagtataya

• Subukin Natin
• 1. Paghambingin ang Una at ikalawang yugto ng
imperyalismo. Itala ang mga dahilan ng bawat yugto
UnangYugto ng Imperyalismo Ikalawang yugto ng
Imperyalismo

• 2. Ano ang social Darwinism? Ipaliwanag.
• 3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Pagbuo ng Kolonya at
protektorado.

You might also like