You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
LINGA ELEMENTARY SCHOOL
Linga, Pila, Laguna
PANAPOS NA PAG-UULAT NG TAUNANG GAWAIN SA FILIPINO
2022
I. Panimula
Ang pagbasa ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito upang magkaroon tayo nang sapat na
kaalaman .Pinapaunlad nito ang ating kaisipan at binibigyan din tayo nang aral kahit saan man tayo
magpunta., tiyak na magagamit natin.
Hindi lahat mahilig magbasa ngunit alam dapat nang lahat ang kahalagahan ng pagbabasa. Ang
tanging kakailanganin lamang natin ay ang kagustuhang matuto.
Ang pagkakaroon ng paraan upang matutong magbasa ang mag-aaral ay isang napakahalagang
tulong upang malinang ang kanilang kasayanan. Dahil dito ay nagkaroon ng mga proyekto ang paaralan
upang higit na mapagtuunan ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang proyektong PASADA
ay proyektong inilunsad ng Paaralang Elementarya ng Linga na iniangkla sa Proyektong BUS at Bawat
Bata Bumabasa (BBB). Ang mga ito ay patuloy na nagpapakita ng epektibong resulta upang mahasang
mabuti ang mga mag-aaral.
II. Paglalahad ng Datos
Upang matukoy ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, ang mga guro ay nagsawaga ng
paunang pagtataya sa tulong ng mga tekstong ibinagay ng SDO Laguna. Narito ang resulta ng naging
pagtataya:

PANGALAN NG DISTRITO : PILA


PAARALAN ENROLME BILANG NG DI-NAKABABASA (Datos ng
NT Paunang Pagtataya ,2022)
LINGA Baitang Baitang Baitang Baitang Baitang Baitang TOT
ELEMENT 1 2 3 4 5 6 AL
ARY GR.
SCHOOL 1-6
1. 88 25 25
2. 103 5 5
3. 81 5 5
4. 102 0 0
5. 101 0 0
6. 89 0 0
TOTAL 564 35

III. Mga Nagawa


Ang Linga Elementary School ay malugod na nakibahagi sa mga gawaing kaakibat ng
mga programa sa pagbabasa at inilunsad ang iba’t ibang gawaing kaakibat nito. Layunin ng programang
ito ang pagpapaigting ng literasi na nakaangkla sa Proyektong Bawasahin Unawain at Sulatin (BUS) at
Bawat Bata Bumabasa (BBB).
 Pagsasagawa ng PHIL-IRI at EGRA
Ito ay isinasagawa taon taon upang malaman ang level ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
larangan ng pagbasa.

 Pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ang paaralan nang Linga Elementary School ay nagkarooon
nang ibat-ibang aktibidad noong nakaraang Nobyembre 24, 2022 . Kabilang dito ang pagsasagawa nang
pagkukuwento nang isang naimbitahang panauhin at ang pagsusuot nang mga costume na hango sa
mga character sa libro.
Bukod sa mga nabanggit na aktibidad ay nagsagawa din ang lahat nang guro ng Linga
Elementrary School nang Spelling Contest sa kani-kanilang silid aralan upang makapili ng mga
natatanging batang mag aaral na may kakayahan sa asignaturang filipino.
- Pagsusuot ng mga Pinoy Karakter na kasuotan
Ang “Book Character Costume Contests” ay isinagawa noong Nobyembre 24, 2022 bilang
pakikiisa ng paaalan sa Buwan ng Pagbasa.

- Iispel Mo
Isa rin ang iispel mo sa ginawang aktibidad ng paaralan sa pagdiriwang ng Buwan ng
Pagbasa ang layunin nito ay upang lalo pang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
larangan ng pagbabaybay ng mga salita.
- Pakikinig/Pagbabasa ng Kuwento
Isinagawa ang pagkukuwento sa cover court ng paaralan ng isang
naimbitahang panauhin. Ang layunin nito ay upang maipahatid sa mga nakikinig ang
kagandahan/kahalagahan ng pagbabasa ng kuwento at upang mahikayat ang mga
mag-aaal na lalo pang magbasa. Nagkaoon din ng pagbabasasa ng kuwento ang mga
guro ng Baitang 1 -3 sa kani kaniyang mga silid aralan, Samantalang ang mga Guro
naman mula sa baitang 4-6 ay pumili ng isa sa mga mag-aaral sa bawat seksyon na
siyang magbabasa ng kuwento.
- Pagbibigay ng Sertipiko ng Partisipasyon
Ang mga Guro ay nagbigay ng sertipiko sa mga mag-aaral na nakilahok sa
nasabing aktibidad upang mahikayat ang mga mag-aaal na sumali sa anumang
aktibidad ng paaralan.
IV. Mga Hamon Habang Isinasagawa ang Gwaing Panliterasiya
 Kawalan ng follow up ng pagbabasa sa tahanan dahil ang magulang ay nagtatrabaho.
 Ang naiiwang kasama sa bahay ay walang kakayahan na magturo sa mga mag-aaral ng
pagbasa.
 May mga ilang mag-aaral na nakakaliban sa klase dahilan sa kakulangan ng suportang
pinansiyal.
 Pagliban sa klase dahilan sa pagkakasakit.
V. Mga Plano Para sa Pagpapaigting ng Gawain
 Pagsusuri sa mga naisagawang pagtataya sa pagbasa upang mabigyan ng tamang aksyon
ang gawingpagpapabasa.
 Patuloy na pagpapaigting ng mga programang pagbasa upang mas malinang ang kasanayan
sa pagbasa ng mga mag-aaral.
 Paglalaan ng mas mahabang oras na remedyasyon sa mga mag-aaral na nangangailangan ng
atensyon sa pagbasa.
 Pagdaragdag ng mga kakailanganing kagamtan sa pagbasa.
 Pagpili ng mas maayos at mag epektibong paaran ng pagpapabasa sa mga mag-aaral.
 Pagsasagawa ng home visitation sa mga mag-aaral na palaging liban sa klase kaya
naaapektuhan ang pagbasa.

Inihanda ni:

ROSIE V. TUAZON
Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino

Binigyang pansin ni:

CARLITO F. RAMOS
Punongguro

You might also like