You are on page 1of 1

Quency Jean R.

Velasco
Geo A. Temblor
Written Report
Ikaapat na Yugto-Pagsasalin Ng mga katutubong panitikang Di- Tagalog

Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng


panitikang pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang panitikan” ay panitikan lamang ng
mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-
etniko ng bansa. Upang maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto sa Pagsasalin ang LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary Language Teacher
Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng Ford Foundation. Inanyayahan sa isang
kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing
wika ng bansa (Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan.
Pinagdala sila ng piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit sa
pagsasalin. Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature,
Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa.
Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili
ang mga manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino,
pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at tinawag na KURDITAN. Sa pamamagitan ng pagsasalin,
ang mga kwentong orihinal na sinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan upang mapasama sa
pambansang panitikan sapagkat meron nang bersyon sa wikang pambansa

You might also like