You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

Kwarter: 4 Linggo: 2 Petsa: Mayo 8, 2023


Araw: 1 Oras: 8:40-9:20
10:20-11:00
11:00-11:40

Banghay-Aralin sa Music 5

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learner demonstrates understanding of concepts pertaining to volume in music.
B. Pamantayan sa Pagganap
The learner demonstrates applies dynamics to musical selections.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCs)
The learner uses appropriate musical terms to indicate variations in dynamics:
1. piano (p)
2. mezzo piano (mp)
3. forte(f)
4. mezzo forte (mf)
5. crescendo (<)
6. decrescendo (>)
D. Enabling Objectives
Natutukoy ang iba’t ibang terminolohiyang musikal upang maipakita ang iba’t ibang
antas ng dynamiks.
II. Kagamitang Panturo

Paksa: Dynamiks

A. Mga Sanggunian
K-12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) p. 257
B. Mga Kagamitan
Powerpoint Presentation
C. Pagpapahalaga
Napapahalagahan ang kaayusan ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan
ng mahinahon na boses upang magkaunawaan.

Integrasyon: Agham

IV. Pamamaraan
A. Gawaing Rutinari
1. Pagbati
2. Pagdarasal

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

3. Pampasiglang gawain (Video)


4. Pagtatala ng Liban

B. Paglalahad / Aktibiti
1. Pagganyak
Pakinggan ang tunog at tukuyin ang bagay na pinagmulan nito.
1. huni ng ibon 4. agos ng tubig sa sapa
2. tunog ng eroplano 5. chime
3. kulog at kidlat 6. fireworks

Alin sa mga tunog na narinig ang mahina? malakas?

2. Paglalahad
Pakikinig sa awiting-bayan na Ili-Ili Tulog Anay (Awiting-Bayan ng Aklan)
https://www.youtube.com/watch?v=reffH9YQzXk

3. Analisis
Tungkol saan ang napakinggang awitin?
Sa paanong paraan ito inawit?

5. Abstraksyon

Tingnan mo ang iskor ng awit. Ano ang napansin mong simbolo sa itaas ng
mga nota?

Ang dynamics ay isa sa mga elemento o sangkap ng musika. Ito ay ang


pamamaraan ng madamdaming pagpapahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito
ay tumutukoy sa masining na paglakas at paghina ng awit at tugtugin.
Maihahalintulad ito sa perspective at tindi ng kulay sa sining. Ang mahina at
magaang tunog ay nagpapahayag ng kapayapaan o pagiging malayo samantalang
ang malakas na tunog ay nagbibigay ng pakiramdam ng kasiglahan, buhay at
kabataan. Ang hina at lakas ng tunog na naririnig ay tinatawag na tindi o intensity.
Ang tindi sa musika ay nababago batay sa nais ipahayag na damdamin ng
sumulat ng musika gayundin ng mga bagay na nais niyang bigyang diin.

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

Ang iba’t ibang antas ng dynamics sa musika ay maipahihiwatig sa


pamamagitan ng mga simbolo na nagsisilbing gabay sa mga mang-aawit o
manunugtog upang lalong mabigyang buhay ang komposisyong musikal.
Ang salitang mahina o malakas ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang
dynamics. May mga salitang maaring gamitin upang ipahayag nang wasto ang
tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog.

ANTAS NG DYNAMIKS

6. Pagsasanay
Pagtambalin ang antas ng dynamiks sa simbolo nito. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
Antas ng Dynamiks Simbolo
Forte A. <
Piano B. mp
Crescendo C. pp
Decrescendo D. mf
Pianissimo E. f
Mezzo forte G. p
Fortissimo H. >
Mezzo piano I. ff

7. Paglalahat
Ano ang dynamiks?
Ano ano ang antas ng dynamiks?

8. Paglalapat
Ano ang nararamdaman mo kapag nakarinig ka ng mahinang tugtog?
Malakas
na musika?
Masakit ba sa tainga na pakinggan ang taong nagsisigawan?
Mainam bang mag-usap lang nang may mahinahon na boses ang dalawang
tao upang magkaunawaan?

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

9. Pangkatang-gawain
Awitin ang sumusunod na awitin nang may wastong antas ng dynamiks.
Pangkat I - Sa Ugoy ng Duyan (piano)
Pangkat II- Kung Ikaw ay Masaya (forte)

V. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang antas ng dynamiks na inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng
sagot sa kahon at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. mahina a. mf
2. malakas b. pp
3. higit na malakas c. p
4. dahan-dahang paghina d. f
5. hindi gaanong mahina e. <
6. hindi gaanong malakas f. mp
7. dahan-dahang paglakas g. ff
8. higit na mahina h. <

VI. Takdang-aralin
1. Magtala ng mga awitin na may mahina (p) na dynamics at may malakas (f) na
dynamiks.
2. Magdala ng gunting, pandikit, at barbecue sticks.

Iwinasto ni:

NORINA M. MADERAZO
Master Teacher I

Pinansin ni:

JANE L. ANTE, EdD


Principal IV

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

Kwarter: 4 Linggo: 2 Petsa: Mayo 9, 2023


Araw: 2 Oras: 9:50-10:40
1:00-1:50
1:50-2:40

Banghay-Aralin sa Arts 5

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learner demonstrates understanding of colors, shapes, space, repetition, and
balance through sculpture and 3-dimensional crafts.
B. Pamantayan sa Pagganap
The learner demonstrates fundamental construction skills in making a 3-dimensional
craft that expresses balance, artistic design, and repeated variation of decorations
and
colors
1. papiermâché jars with patterns
2. paper beads
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCs)
Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa paggawa ng paper beads at papier mache jar.
II. Kagamitang Panturo

Paksa: Mga Paraan sa Paggawa ng 3-Dimensyonal Craft (Paper Beads at


papier
mache)
A. Mga Sanggunian
K-12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) Arts 5 p. 289
B. Mga Kagamitan
Powerpoint Presentation
C. Pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa kalikasan sa paggamit ng recycled materials para sa likhang
sining

Integrasyon: Araling Panlipunan

IV. Pamamaraan
A. Gawaing Rutinari
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pampasiglang gawain (Video)
4. Pagtatala ng Liban

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

B. Paglalahad / Aktibiti
1. Pagganyak

Ano ang masasabi Ninyo sa mga larawan sa itaas?


Saan yari ang mga kwintas at kurtina?
Nais nyo bang malaman kung paano gawin ang mga sining na ito? At ang
mga
kagamitan sa pagbuo nito?

2. Paglalahad
Pagpapanuod ng isang video clip tungkol sa paggawa ng paper beads.

3. Analisis
Tungkol saan ang napanuod?
Ano and 3D art at mga halimbawa nito?
Sa paanong paraan ito nililikha?

5. Abstraksyon
Narito ang mga teknik sa paggawa ng paper beads.

1. Para sa pabilog na style, patatsulok ang paggupit ng papel. Gamit ang dowel,
maingat na irolyo ang papel mula sa malapad na bahagi. Lagyan ng glue ang dulo
at gitnang bahagi ng papel upang madikit ang rolyo at maiwasan ang pagkalas nito.

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

2. Para sa iba’t-ibang estilo, pag-aralan ang larawan.

3. Gumawa ng maraming beads at iba’t-ibang estilo para sa gagawing


proyekto.
4. Lagyan ng barnis o pamapakintab ang beads habang nakatuhog sa ting
ting o dowel at patuyuin sa floral foam.
5. Siguraduhing na maayos at tuyong-tuyo ang glue o pandikit.

Ang mga kasangkapan sa paggawa ng paper beads ay maaring mga


patapong papel o mga magazine at di kailangan ang mga mamahaling kagamitan.
Kaya maari kang kumita ng malaki dahil d gaanong mahal ang iyong puhunan.

6. Pagsasanay
Pagsasagawa ng iba’t ibang teknik sa paggawa ng paper beads.

7. Paglalahat
Ano-ano ang iba’t ibang teknik sa paggawa ng paper beads ang natutunan
nyo?

8. Aplikasyon
Pangkatang-gawain

V. Pagtataya
Pagsunod sunudin ang mga hakbang sa pagtataka o papier maché sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-10 sa patlang bago ang pangungusap.
Gawin ito sa iyong kwaderno.
_______ Ibilad sa araw upang matuyo.
_______ Pahiran ng manipis na wax ang molde.
_______ Pintahan ayon sa nais na disenyo.
_______ Sa tulong ng nakatatanda, hiwain ang taka gamit ang cutter upang
makuha ang molde. Mapapansin na madali itong tanggalin dahil sa tulong ng
ipinahid na wax sa molde bago takaan.
_______ Ihanda ang mga kagamitan.

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

_______ Balutan muli ng dyaryo na may pandikit ang parte ng pinaghiwaan.


_______ Patuyuin muli.
_______ Idikit ito sa molde. Maaring punitin ang dyaryo ayon sa molde upang
maiwasan ang gusot. Siguruhing lahat ng parte ng molde ay nalagyan ng dyaryo.
Ulitin ito hanggang magkaroon ng 8-10 patong na papel ang lahat ng parte ng
molde.
_______ Idikit muli ang taka sa pamamagitan ng rugby.
_______ Pahiran ng pandikit ang lumang dyaryo at patungan ito ng isa pang
pahina ng dyaryo.

Iwinasto ni:

NORINA M. MADERAZO
Master Teacher I

Pinansin ni:

JANE L. ANTE, EdD


Principal IV

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

Kwarter: 4 Linggo: 2 Petsa: Mayo 10, 2023


Araw: 3 Oras: 9:50-10:40
1:00-1:50
1:50-2:40

Banghay-Aralin sa Arts 5

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learner demonstrates understanding of colors, shapes, space, repetition, and
balance through sculpture and 3-dimensional crafts.
B. Pamantayan sa Pagganap
The learner demonstrates fundamental construction skills in making a 3-dimensional
craft that expresses balance, artistic design, and repeated variation of decorations
and
colors
1. papiermâché jars with patterns
2. paper beads
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCs)
Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa paggawa ng paper beads at papier mache jar.
D. Enabling Objectives
Nakagagawa ng kwintas o pulseras gamit ang iba’t ibang teknik sa paggawa ng
paper
beads.
II. Kagamitang Panturo

Paksa: Paggawa ng 3-Dimensyonal Craft (Paper Beads)


A. Mga Sanggunian
K-12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) Arts 5 p. 289
B. Mga Kagamitan
Powerpoint Presentation
C. Pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa kalikasan sa paggamit ng recycled materials para sa likhang
sining

Integrasyon: Agham

IV. Pamamaraan
Performance Task #1

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

Paglikha ng kwintas o pulseras gamit ang 3D Arts – Paper Beads.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Sa pamamagitan ng lapis, markahan ang papel at gupitin ito pagkatapos.
3. Kunin ang kabilya, magsimula sa malaking bahagi ng papel papaliit.
4. Bahagyang lagyan ng pandikit ang papel at magsimulang bilutin. Pagdating sa dulo ng
papel, siguruhing mayroon itong pandikit upang kumapit sa bilot ng papel.
5. Pahirin ang labis na pandikit at dahan-dahang tanggalin sa kabila ang paper beads. Ilipat
ang paper beads at hayaang matuyo.
6. Tuhugin ang mga paper beads gamit ang sinulid at karayom upang makagawa ng
kwintas.
7. Maaaring barnisan ang paper beads upang tumibay at maging makintab.

RUBRIKS SA PAGGAWA NG KWINTAS O PULSERAS GAMIT ANG PAPER BEADS

Pamantayan Nakasunod Nakasunod Hindi


sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa
nang higit subalit may pamantayan
sa ilang (1)
inaasahan pagkukulan
(5) g (3)
1. Nakagawa ako ng orihinal na disenyo
2. Nasunod ko nang tama ang pamamaraan
sa paggawa.
3. Naipakita ko ang kahusayan sa paggawa.
4. Naihandog ko ang aking likhang-sining
sa isang mahal sa buhay.
TOTAL

Iwinasto ni:

NORINA M. MADERAZO
Master Teacher I

Pinansin ni:

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

JANE L. ANTE, EdD


Principal IV

Kwarter: 4 Linggo: 2 Petsa: Mayo 11, 2023


Araw: 4 Oras: 7:50-8:40

Banghay-Aralin sa Filipino 5
I. Layunin
Nasasagot ng tama ang mga katanungan sa pagsusulit.
Nasasagot ang mga katanungan ng walang halong pandaraya
II. Unang Lagumang Pagsusulit
Sanggunian: ADM Module
Kagamitan: test paper, sagutang papel
Kagandahang-asal: Katapatan
III. Pamamaraan

A. 1. Pagbibigay ng mga pamantayan sa pagsasagawa ng pagsusulit


2.Pagpapaliwanag ng guro sa mga panuto.
B. 1. Pagkuha ng pagsusulit
2. Paggabay ng guro sa mga mag-aaral.
C. 1. Pagwawasto ng mga sagot.
2. Pagkuha ng iskor ng bawat mag-aaral.

IV. Pagbibigay ng takdang-aralin.

Iwinasto ni:

NORINA M. MADERAZO
Master Teacher I

Pinansin ni:

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
JULIAN A. PASTOR MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
CUTA, BATANGAS CITY

JANE L. ANTE, EdD


Principal IV

Address: Cuta Central, Batangas City


Contact No: (043) 726-5059
Email address: japmes01@gmail.com

You might also like