You are on page 1of 2

GRADE 10 FILIPINO IKALAWANG MARKAHAN

Maikling Kuwento: Aginaldo ng mga Mago

Pangalan: ___________________________________________ 10 – Diamond


Paunang Gawain: Suriin ang mga larawan upang iyong matanto at malanan ang hinahanap na salita na kung saan dito
iinog ang ating pagtalakay. Ikaw din ay magbabahagi ng mga salitang may kaugnayan sa salitang iyong mabubuo.

IUGNAY NATIN: Larawan ng mga Pilipino ang pagiging mapagbigay. Kaya naman sa puntong ito ikaw ay magbibigay
ng kaugnay na kaisipan sa pahayag na nasa kasunod na strips. Iugnay ito sa iyong sariling karanasan sa pamamagitan ng
pagsasalaysay ng sariling karanasang magpapatotoo nito.
“Mas mabuting nagbibigay kaysa
tumatanggap”

TALAKAYIN NATIN: Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. At ang sinumang nagmamahal nang tunay at tapat ay
handang ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa
kasiyahan ng taong minamahal. Tuklasin natin sa kasunod na
maikling kuwento kung paano pinatunayan nina Jim at Della
ang wagas na pagpapakasakit para sa isa’tisa. Basahin mo ito
nang may pag-unawa upang sa gayo’y maunawaan mo kung
paano maisasabuhay ang mga mahalagang tema o kaisipang
nakapaloob sa akda?
Maaring panoorin: https://www.youtube.com/watch?
v=4dU3kGA2Bjs
Maaring mabasa sa pahina 219 ng aklat.

PAGSASANAY 1: Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kuwento. Paano nila ipinamalas ang
masidhing pagmamahal sa isa’tisa?
PAGSASANAY 2: Itinuring na marurunong ang tatlong haring mago na nag-alay sasabsaban. Ihambing ang kaugnayan
ng mga tauhang inilarawan sa maikling kuwento sa Tatlong Haring Mago na pinagbatayan ng akda. Ipakita ito sa
pamamagitan ng Comparison Organizer.

DELIA AT Pagkakatula
TATLONG
d
JIM HARING

Pagkakaiba

SA PALAGAY MO? Anong mahahalagang mensahe ang makikita sa akdang iyong nabasa? Paano mo ito isasabuhay at
bibigyang halaga sa iyong buhay? Gamitin ang diyagram sa pagbabahagi ng iyong sagot.

“AGINALDO NG MGA MAGO”

MAHALAGANG MENSAHE PAANO MO ISASABUHAY?

TAYAIN NATIN! Balikan ang mga naging diyalogo ng mga tauhan sa akda. Nakatutulong ba ang masining na
pagpapahayag sa pagiging masining ng akda? Patunayan ang sagot.
PATUNAY!

Anong uri ng tunggalian ang nilikha ng may-akda? Patunayan ang sagot.

You might also like