You are on page 1of 4

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo

ng isang partikular na
relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga
Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.

Si Nyaminyami ay isang kilala at ginagalang na diyos ng mga tao sa tribo ng Tonga, na pinaniniwalaang naging mabait sakanila noong mga panahon na sila’y
naghihirap. Siya ay naninirahan ng payapa kasama ang pinakamamahal niyang asawa. Ngunit ang lahat ay nagbago nang magpasiyang magtayo ang pamahalaan ng
isang dam sa Kariba. Sinasabi na ang dam ay itatayo sa mismong tabi ng malaking bato na pinaniniwalaang bahay ni Nyaminyami.

Ikinatakot ito ng mga Tonga na baka magalit ang diyos, kaya naman ay nakiusap at binabalaan nila ang mga manggagawa na itigil nalang ang paggawa ng dam.
Ngunit ay pinagtawanan lang sila. Sinimulan na nila ang gawain sa pamamagitan ng paglipat ng mga mamamayan sa mas mataas na lupain at pagputol sa libo-
libong mga puno. Isang araw ay biglaang bumagyo at resulta nito ay isang napakalaking baha na nagsira sa bahay ng marami at pumatay sa mga hayop.
Pinaniniwalaan na ang hindi pangkaraniwang pangyayaring ito ay ginawa ni Nyaminyami. Sa kabila ng kaganapan, ang mga dayuhan ay patuloy sa pagtatayo ang
dam. Mas tumindi ang galit ni Nyaminyami at bumaha nanaman ulit, pero ngayon ay mas lumakas ito kumpara sa nangyari noon. Maraming mamamayan ang
namatay kasama nang ibang manggagawa. Muling pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang mga pangyayaring ito ay dulot sa matinding galit ni Nyaminyami dahil sa
pagtatayo ng dam at sinasabing naiwan ang kanyang pinakamamahal sa asawa sa kabila ng dam.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
3.Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Ang debate o pagdedebate ay hindi lamang karaniwang pagpapaliwanag o pagpaparunggitan o yaong napakakombensyonal na walang namamahala o sumusubaybay
sa mga debatehan. Si Africa (1952) ang nagsabing ang debate ay maituturing na pormal, tuwiran at maypinagtatalunang argumentasyon sa isang itinakdang
panahon.Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawao higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa halimbawa: sabalagtasan/fliptop; sa politika; sa loob ng pamayanan at sa loob ng tahanan.Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang
pananaw o opinion sa isang paksa. Masasabidin natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sapagitan ng mga
pulitiko dahil hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan
ngpangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat na panig tungkolsa isang
pinagtatalunang paksa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay naDebater

1.May malawak na kaalaman patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ngdebate.
2.Mahusay sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sadebate.
3.Mayroong malinaw , malakas at magandang taginting boses
4. Mahusay ang tindig, mayroong kumpiyansa sa sarili, at iba pa.
5. Mahusay sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon.
6. Mahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting
patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba
.

Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng Mohametano habang dumadaan siya.

Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”

Kung kaya’t ang ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa.
Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
Ang isang anekdota (Ingles: anecdote) ay "isang salaysay na may punto", tulad ng pagbabatid ng isang ideyang mahirap unawain tungkol sa isang
tao, lugar, o bagay sa pamamagitan ng konkretong mga detalye ng isang maikling kuwento o upang kilalanin sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang partikular
na ugaling hindi inaasahan o mga katangian.

Maaring totoo o kathang-isip ang mga anekdota; karaniwang tampok ng mga gawang pampanitikan ang anekdotikong paglilihis at kahit ang mga anekdotang
pasalita ay tipikal na kinakasangkutan ng banayad na pagpapahigit sa katotohanan at drama upang libangin ang mga nakikinig. Laging pinapakita ang anekdota
bilang ang pagsasalaysay ng isang insidente na kinabibilangan ng aktuwal na mga tao at kadalasang sa isang tukoy na lugar. Sa mga pananalita ni Jürgen Hein,
nagpapakita sila ng "isang natatanging realismo" at "isang inangking dimensyong makasaysayan."

Si Nasreddin Hodja ay isang pilosopo noong bandang ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kanyang sinilangang bayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey.
Kilala si Nasredin dahil sa kanyang mga nakatutuwang kuwento at anekdota. Sinasabing siya’y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi rin siyang pinagbibiruan.
Mullah Nassreddin
Ang “Mullah” ay isang titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos lahat ng mga Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni Nasrudin. Kahit ang mga di-Muslim sa
Tsina ay alam din ang mga anekdota niya, at sa wikang Tsino ang pangalan niya ay “Afanti.”

Minsan, inimbitahan si Nasreddin na magbigay ng sermon. Bago siya magsimula, kanyang itinanong, “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Hindi po,” sagot ng mga tao.
“Ay! Ayaw kong magsermon sa mga taong hindi alam kung ano ang aking sasabihin.”
Nahiya ang mga tao sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang inimbita si Nasreddin.
Tanong niya: “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Opo,” sagot ng mga tao.
“Ay! Kung alam n’yo na kung ano ang aking sasabihin, hindi ko na aaksayahin pa ang inyong oras,” at umalis si Nasreddin.
Talagang sobra na ang pagkalito ng mga tao. Nagpasya silang anyayahan ng isa pang beses si Nasreddin, at pinaghandaan nila ang kanilang isasagot.
“Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Opo,” ang sagot ng kalahati ng mga tao. “Hindi po,” ang sagot ng iba.
Kung kaya’t ang tugon naman ni Nasreddin, “Kayong may alam kung ano ang aking sasabihin… pakisabi doon sa mga hindi nakaaalam.”
At umalis si Nasreddin.

Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikanna naglalayong maipahayag ang damdamin samalayang pagsusulat.Ito ay mga pinagsamang mga piling salita namay
tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan Nadaramang mga kaisipan Nakikita ng mgamata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sadamdamin.
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mgauring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi. Ang mgauri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang
DamdaminTulang Pasalaysay o Narrative poetry sa Ingles,Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula

Tema ng TulaIto ang sentral na mensahe o pang-unawana nais iparating ng manunulat sa mgamambabasa. Ang isang tema ay madalasna nagtuturo ng isang moral
na aralin samambabasa. Ito ay isang unibersal naideya na maaaring mailapat sa sinuman

Tono ng TulaMaliban sa tugma at sukat nanagbibigay ng ritmo sa tula,mahalaga rin ang tono, dahil itonaman ang nagbibigay ng indayog satula.

Aliterasyon Ang tawag sa pag-uulit kung ang tunog o titik ng bawat salita sa bawat taludturan ay nagkakapareho.Asonans ang tawag sa aliterasyon kung ang
inuulitay mga patinig atKonsonans naman kung angnauulit ay mga katinig.

Onomatopeya Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na“libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling
sa isang alamat ngsingsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

Dapat tandaan sa TUGMAAN:Magkakatugma naman ang mga salitang nagtatapos sakatinig na: B, K, D, G, P, S,atTat ang mga salitang nagtatapos sa mga katinig
na:M, NG, N, W, L, Yat R kung magkaparehong patinig ang sinusundan ng mgaito.ga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin

Ang wikang Filipino ay puno ng mga


matatalinghagang pahayag
. Ang mgamatatalinhagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikangFilipino.

Narito ang ilan pang halimbawa ng matatalinghagang pahayag at ang kahuluganng mga ito.
Matalinghagang Pahayag Kahulugan

1. balitang kutsero hindi totoo 6. magsunog ng kilay mag-aral nang mabuti


2. bugtong na anak kaisa-isang anak 7. mababa ang luha iyakin
3. kabiyak ng dibdib asawa 8. tulog mantika mahabang oras ng pagtulog
4. ilista sa tubig kalimutan na 9. nagtataingang kawali nagbibingi-bingihan
5. lakad-pagong mabagal 10. pinagbiyak na bunga magkamukha
Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan o tagapakinig tungkol sa paksang nais nitong talakayin. Ang mahahalagang kaisipan
sasanaysay ay tumutulong sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito samambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaring isulat nangpabalangkas.
Ang balangkas ay isang lohikal o kaya ay kronolohikal atpangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong
tuluyan naipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin nakapupulutanng aral at aliw ng mambabasa.Ang sanaysay ay nasa anyong tuluyan
na pumapaksa sa mga kaisipan at mgabagay -bagay na kakukuhaan ng aral at aliw ng mga mambabasa.Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “pagsasalaysay ng
isang sanay.” Noong1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ngSanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na
nangangahulugang isangpagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal. Ang pormal na
sanaysayay nagbibigay ng impormasyon, nagbibigay ng mahalagang kaisipan, o kaalaman sapamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang
tinatalakay,maingat na salita ang pinipili at hindi kumikiling sa damdamin ng may-akda oobhektibo.Ang di -pormal o personal ay nagsisilbing aliwan o libangan,
nagbibigay -lugodsa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw atpersonal. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipagusap
lamang,pakikipagkaibigan ang tono at subhektibo dahil pumapanig sa damdamin atpaniniwala ng may-akda.

Ang tuwirang pahayag ay naglalahad ng eksaktong mensahe o impormasyongipinahahayag ng isang tao. Ginagamitan ito ng panipi.Halimbawa: “Ipagpapaliban muna
ang pagpapatupad ngChild Safety in Motor VehicleAct ,” ani ni Secretary Roque. Sa di-tuwirang pahayag binabanggit lamang uli kung ano ang sinabi o tinuranng
isang tao. Gumagamit ng pang-ukol tulad ng alinsunod sa/kay, batay sa/kay,ayon sa/kay.Halimbawa: Ayon kay Secretary Roque, ipagpapaliban muna ang
pagpapatupad ng Child Safety in Motor Vehicle Act . Ngayon ay basahin at unawain mong mabuti ang halimbawa

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang
paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.
Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang
malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda
ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Ipinasa ni: LLOYD LOBINO ESGUERRA

Ipinasa ni: AIR JOHN ABELLA REYES

Ipinasa kay: GNG. ESTER CANE

Ipinasa kay: GNG. ESTER CANE

You might also like