You are on page 1of 19

"Pagsusuri ng Pagbabago sa Kulturang Bayanihan: Noon at Ngayon"

Pananaliksik na Inihanda sa
Kaguruan ng Kolehiyo ng Edukaksyong Pangguro
Batangas State University -Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

Nina:
Banog, Joseph Daniel
Bagsic, Hazel Anne
De Ocampo, Noella Nicole
Garcia, Kathleen Caringal
Extra, Angel Jeiah
Solis, Sherlene
Teñoso, Jordan

Nobyembre 2023

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Kabanata I
Ang Suliranin
Panimula
Isa sa mga pinakamaganda at pinakamahalaga na maaaring ipamana ng mga Pilipino sa mga
susunod na henerasyon ay ang ating kultura. Ang mga Piliipino ay kilala sa pagkakaroon ng maraming pag-
uugali na positibo, maganda, at ninanais ng mga ibang tao na makuha o magaya. Kilala ang mga Pinoy sa
pagiging positibo kahit anuman ang mangyari o dumating na pagsubok sa kanilang buhay ay nagagawa pa
rin nilang harapi ito ng nakangit. Kilala rin sila sa kung paano sila tumanggap ng bisita, karamihan sa mga
Pilipino ay nagsasalo salo sa tuwing may okasyon o kaya piyesta sa kanilang lugar, nagbibigayan ng mga
inihandang pagkain; isa pang kaugalian ng mga Pilipino ay ang matinding pagkakabuklod-buklod ng Mag-
anak, ang mga Pilipino ay natural na malapit sa kanilang pamilya at mga kamag-anak. Marami sa mga
Pilipino ang tumitira sa bahay ng pamilya o magulang nila kahit na nasa wastong gulang na sila o kaya may
edad na dahil likas sa mga Pilipino ang hindi kaya mamuhay na malayo sa kanilang pamilya. Ang iba naman
ay titira sa kalapit na bahay o kaya sa tabing bahay lamang ng kanilang mga kamag-anak. At higit sa lahat
ang pinakakilala at pinaka itinatanging pag-uugali ng mga Pilipino ay ang bayanihan.
Ang Bayanihan ay isang kaugaliang Pilipino na nagmula sa salitang Pilipino na "bayan", na
nangangahulugang bansa, bayan o pamayanan. Ang salitang bayanihan mismo ay literal na
nangangahulugang "nasa isang bayan", na tumutukoy sa diwa ng pakikipag-isa sa pakikipag-isa, trabaho at
pakikipagtulungan upang makamit ang isang partikular na layunin.
Ang espiritu ng Bayanihan ay nagpapakita ng konsepto ng mga Pilipino na makakatulong sa isa't
isa lalo na sa mga oras ng pangangailangan nang hindi inaasahan ang anumang kapalit. Lubhang naniniwala
ang mga Pilipino sa pagtulong sa kanilang mga "kababayans (kapwa mga kababayan)" sa anumang
posibleng paraan na magagawa nila upang mapagbigay ang isang pagtulong sa kamay. Ito ay isang
magandang kaisipang Pilipino sa pagtulong sa isa't isa. Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-
buklod at mapayapang pagsasama at sistema ng tulungan sa isang pamayanan.
Sadyang likas na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kanilang mga kapwa Pilipino at
maging sa mga ibang lahi. Hindi naaalis sa bawat henerasyon ang konsepto at ang pagpapalaganap ng
bayanihan sa ugali ng mga tao sa Pilipinas. Kung mapapansin kapag may nakita silang aksidente o may
nangyaring di maganda sa isang tao sa kalsada, hihinto sila at ititigil ang kanilang mga ginagawa upang
matulungan iyon at mag kakapit-bisig.
Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Ang pag-aaral ng kultura ng bayanihan sa Pilipinas ay may mga mahahalagang benepisyo at
implikasyon para sa pagsasamahan sa lipunan. Ito ay nagbibigay inspirasyon at nagpapalaganap ng diwa
ng pagkakaisa sa komunidad. Sa pamamagitan ng bayanihan, ang mga tao ay natututong magtulungan at
magkaisa sa mga oras ng pangangailangan, na nagpapalakas sa kanilang komunidad.

Mga Tiyak ng Suliranin


Sa pananaliksik na ito, hinahangad na mabigyang kasagutan kung may pagbabago ba naganap sa
kulturang bayanihan noon at ngayon henerasyon:
1.Paano naiiba ang konsepto ng bayanihan noong mga nakaraang panahon kumpara sa
kasalukuyan?
2.Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa mga pagpapahalaga at pananaw ng mga tao tungkol
sa bayanihan noon at ngayon?
3.May mga natatanging lugar o komunidad ba sa Pilipinas na nananatiling matatag ang tradisyonal
na bayanihan?
4.Ano ang mga halimbawa ng tradisyonal na bayanihan sa nakaraan at paano ito nagbago sa
kasalukuyan?
5.Ano ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga pagbabago sa kulturang bayanihan ng mga
Pilipino?

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik patungkol sa "Pagsusuri ng Pagbabago sa Kulturang Bayanihan: Noon at
Ngayon" ay may malalim na kahalagahan sa mga sumusunod na aspeto:

1. Pag-unawa sa Kasaysayan - Ito ay makakatulong upang sa mas maunawaan ang kahalagahan ng


bayanihan sa kasaysayan ng Pilipinas at kung paano ito nag-iba sa paglipas ng panahon. Ito ay nagbibigay
daan upang malaman ang mga pangunahing aspeto ng pag-unlad at pagbabago ng lipunang Pilipino.

2. Kilos na Panlipunan - Ang pangunahing layunin ng bayanihan ay tumulong sa kapwa, at sa pamamagitan


ng pag-aaral ng pagbabago sa kulturang ito, maaring magkaroon ng mas malalim na pang-unawa kung

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
paano maaaring mapalaganap ang kaisipang ito sa lipunan at kung paano ito maaaring magamit sa mga
aktwal na pagtulong sa mga nangangailangan.

3. Edukasyon - Makakatulong ang pananaliksik na ito sa edukasyon at kamalayan ng mga tao tungkol sa
kasaysayan at kahalagahan ng bayanihan. Ito ay nagbibigay daan para sa mga pag-aaral na makatulong sa
mas mabuting pag-unawa sa sariling kultura.

4. Kultura at Identidad - Ang kulturang bayanihan ay bahagi ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-
aaral nito ay nagbibigay-kahulugan sa pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng bansa.

Batayang Konseptwal
Upang higit na maunawaan kung may pagkakaiba at pagkakatulad parin ba ang kulturang
bayanihan ng mga pilipino noon at ngayon henerasyon.Upang maisagawa ang pag-aaral na ito,ang
paradigm sa susunod na pahina ay makakatulong upang mabigyang linaw ang isinasagawang pag-aaral.

1. Paano mo maipaghahambing ang dating kahulugan ng bayanihan sa tradisyonal na lipunan at sa


kasalukuyang panahon?
2. Naipapakita ang mga konkretong halimbawa ng bayanihan sa iba't-ibang bahagi ng bansa upang
maunawaan kung paano ito mananatili o magbabago sa hinaharap.
3. Pag gawa ng talatanungan para sa ebalwasyon at pagsusuri ng mga respondent sa kung ano ang
pagkakaiba o pagkakatulad nilang nakita patungkol sa kulturang bayanihan ng mga pilipino noon
at ngayon.
4. Pagsasaalang-alang sa resulta ng ebalwasyon at pagsusuri ng mga respondent.
5. Pagsisiyasat kung meron ba talagang pagkakaibang naganap sa kulturanf bayanihan ng mga
Pilipino.
6. Pinal na resulta ng mga respondente sa kung anong pagbabago ang kanilang nasuri sa lultuirang
bayanuhan ng mga Pilipino: Noon at ngayon henerasyon.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Pigyur 1

PINAGBATAYAN PROCESS KINALABASAN


(INPUT) (PROSESO) (OUTPUT)
Nais malaman ng Ang mga Inaasahan ng mga
mga mananaliksik mananaliksik ay mananaliksik na
kung ano ang namahagi ng tanong mayroong makalap
pagkakaiba o sa mga matatanda at ng mga
pagkakatulad nilang mag-aaral mula sa impormasyon upang
nakita patungkol sa FM 2101 ng lubos na maunawaan
kulturang bayanihan Batangas State kung mayroong
ng mga pilipino University upang pagbabago sa
noon at ngayon,kaya makakalap ng mga kulturang bayanihan
gumawa ang mga impormasyon o datos ng mga Pilipino noon
mananaliksik ng hinggil sa paksang at ngayon.
kwestyuner upang tinatalakay.
malaman kung
meron ba talagang
pagkakaibang
naganap sa
kulturang bayanihan
ng mga pilipino.

Haypotesis:
Masasabi ba ang kulturang bayahinan sa kasalukuyanng henerasyon ay may kaunti nang pagbabago
kumpara sa mga nakaraang henerasyon, na maaring sanhi ng mga pagbabagong
panlipunan,teknolohikal at ekonomikal.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Batayang Teoretikal
Sa pananaliksik na ito binigyang pokus ang teoryang patungkol pagkakaiba at pagkakatulad ng
kulturang bayanihan ng mga Pilipino noon at ngayon henerasyon. Ang bayanihan ay ang pinaghalong
impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga Pilipino noong unang pamumuhay.
Nangangailangan ang pag-aaral na ito ng mga karagdagang impormasyon o datos na maaaring makuha
sa internet upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mananaliksik patungkol sa paksa at
magawa ng maayos ang pag-aaral. Ang mga nakalap na impormasyon ay susuriin para magsilbing
gabay sa pagsasagawa ng pag-aaral. Bubuo din ng mga katanungan ang mga mananaliksik na may
kaugnayan sa paksa at mapagkukunan ng mga karagdagang impormasyon. Ang mga datos na nakuha
sa ginawang pagsusuri at sarbey ay susuriin ng mga mananaliksik at aalamin ang resulta nito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Sa pamamagitan ng malinaw na pagtukoy sa saklaw at limitasyon ng pagaaral, mas mapapadali
ang pag-unawa sa mga aspeto na maaaring saklawin at hindi saklawin ng imbestigasyon ukol sa
pagbabago sa kulturang bayanihan.

Saklaw:
a. Panahon - Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagkakabukas ng pagkakaiba-iba sa kulturang bayanihan
sa mga nakaraang dekada at sa kasalukuyang panahon.
b. Lokasyon - Ipinapakita ang mga aspeto ng bayanihan sa loob ng tiyak na mga komunidad, lugar, o
bansa.
c. Mga Partisipante - Maaaring limitahan ang pag-aaral sa mga tao o grupo ng tao na aktibong sangkot
sa kulturang bayanihan, kasama ang kanilang mga karanasan, opinyon, at kontribusyon.
Limitasyon:
a. Antas ng Detalye - Maaaring hindi masalaysayang masuri ang lahat ng aspeto ng kulturang
bayanihan dahil sa limitasyon sa oras, datos, o iba pang mapagkukunan.
b. Pagkakaiba-iba - Ang kulturang bayanihan ay maaaring mag-iba-iba sa iba't-ibang lugar at
panahon, kaya't hindi lahat ng aspeto ay maaaring maisama sa pagaaral.
c. Wika - Ang pag-aaral ay maaaring limitado sa mga wika o wika na nauunawaan ng mga
mananaliksik o mga partisipante.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Salita

Bayanihan - isang bahagi ng ating kultura na masasabing makaluma o tradisyunal, dahil sa


panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng pagbabayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga
magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay, na
noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales, ng kanilang kasamahan patungo sa
isang bagong pwesto.
Sarbey - ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon mula sa mga indibidwal, ito ay
mayroong ibat ibang layunin, at maaring isagawa sa iba't ibang paraan. Malapitang pag susuri
ng phenomenon sa karaniwang batay sa instrumentong pampanaliksik na talatanungan.
Kultura - isang bansa na binubuo ng kanyang katutubo, at katangi tanging kaugalian,
paniniwala at mga batas. Nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan, at mabisang
kasangkapan sa pambansang pag kakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng makikipag
kapwa.
Ninuno - ay ang pinag mulang lahi ng isang tao, hayop, o maging ang halaman. Isa rin itong
magulang o (sa rekursibo) ang magulang ng isang nuno.
Datos - kaalman tungkol sa kahit na anong bagay, kinokolekta at sinusuri upang makagawa ng
desisyon.
Pakikipaghalubilo - ay ilang mga ugnayan,koneksiyon at interaksyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang tao.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Kabanata II
Kaugnay na Literatura

Ayon kay Noguera, R. T. (1998) ay sumasalamin sa Bayanihan, isang tradisyunal na Filipino


community pedagogy na tumutuon sa kolektibong positibong relasyon at bolunterismo. Binibigyang-diin
nito ang pangangailangan para sa karagdagang pag-aaral upang matuklasan ang potensyal ng Bayanihan sa
pagtugon sa mga patuloy na hamon ng komunidad tulad ng kahirapan, karahasan, at pagkasira ng ekolohiya.
Binibigyang-diin ni Noguera ang papel ng pananaliksik sa pag-unawa at paggamit ng mga katutubong lakas
upang harapin ang mga isyu ng tao at ekolohikal, na hinihimok ang mga psychologist at social worker na
tuklasin pa ang potensyal ng Bayanihan para sa pagpapaunlad ng mapagkakatiwalaang diwa ng komunidad
ng mga Pilipino.

Ayon kay Jeff Menguin (2021), ang Bayanihan ay nangunguna sa mga pagpapahalagang Pilipino.
Naniniwala kami na magkakasama tayong mabubuhay at umunlad. Taun-taon, nararanasan natin ang
pinakamalakas na bagyo, pagsabog ng bulkan, lindol, at maging ang mga kalamidad na gawa ng tao. Palagi
kaming nagbabalik. Panatilihin namin ang aming mga ngiti. Iyan ay dahil alam natin na kahit sino tayo
kapag kailangan natin ng tulong, ang ating mga kapwa Pilipino ay magkakaisa upang tumulong sa mga
nangangailangan.

Malinis ang mga tahanan ng mga Pilipino, ngunit marumi ang ating mga lansangan; ang abot ng
ating pag-aalala, tulad ng ating mga walis tingting, ay hindi masyadong lumalampas sa ating mga
tarangkahan at bakod. “Tapat mo, linis mo,” sabi ng motto: Linisin mo ang nasa harap mo — at masaya
kaming literal itong tanggapin, tinatanggihan ang responsibilidad para sa mga lugar na hindi namin
tinuturing na sa amin. Kaya, makikita mo ang mga tao na binubuksan ang kanilang mga bintana ng kotse
at basta-basta naghahagis ng plastic wrapper sa kalye. Hindi ang aking pag-aalala, ang kanilang mga aksyon
ay nagpapahiwatig.

Ang Bayanihan, na kilala rin bilang tulongan o damayan, ay isang popular na libangan sa mga
Pilipino. Higit pa rito, ito ay katangiang katutubong Pilipino at mahalagang bahagi ng paraan ng
pamumuhay ng mga Pilipino. Ang pagsasagawa ng bayanihan ay sentro sa mga komunidad na nasa

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
kailangan. Sa labas ng mga pamayanang Pilipino, kabilang ang iba pang mga terminong nagsasaad ng
bayanihan pagtutulungan at pagkakapatiran (Ang, 1979).

Sa tradisyonal na pananaw, bayanihan ang tawag "Obra comun" o "ser juntado para la obra," kung
saan ginagawa ng lahat ang trabaho. Tungkol saang dekonstruksyon ng bayanihan, dalawang salita ang
umusbong, tulad ng bayan at bayani. Bayannangangahulugan ng bansa, lugar, o mga tao dahil ito rin ay
nagsasangkot ng pakiramdam ng pagiging kabilang o pagbabahagi karanasan. Ang Bayani ay isang taong
naglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagtrato sa lahat bilang pantay, nais also tantamount to kapwa,
pakikipagkapwa, and pagkukusang-loob. Sa bayanihan, bawat isa ang miyembro ng komunidad ay isang
bayani, at ang mga miyembro ay nagtutulungan para sa mga pangangailangan ng komunidad (Vermont
Law, 2018).

Ayon sa Everything-Filipino (2023), "Bayanihan is a core essence of the Filipino culture.". Ang
ibig sabihin lamang nito ay nakatatak sa pagka-pilipino. Ngunit sa panahon ngayon ay karamihan ng
natulong ay may pag-aabang ng kapalit. Sinabi rin nila na, "The value of Bayanihan must be re-established
and reaffirmed- the value of helping one another, without expecting anything else in return."

Kahit man ganon ang naging sitwasyon sa modernong panahon, Isang kapuri-puring kaugalian ng
mga Filipino ang bayaníhan o maramihang pagtutulungan para sa anumang gawain (Almario, V.,2015).
Ang bayanihan ay hindi lamang nakikita sa pagbubuhat ng bahay, nakikita rin ito sa pagta-trabaho sa bukid.
Upang mapabilis ang trabaho ay naghahati-hati sila ng gawain. Dagdag pa rito, ang bayanihan ay parte na
ng ating kultura. Ito ay isa sa mga nakaugalian na ng mga pilipino. Ang bayanihan ay nagpapakita ng iba't-
ibang kaugalian ng mga Pilipino. Pagkakaisa, pagtutulungan, malasakit sa kapwa katatagan at
pagpapahalaga sa kultura. Ito ang ilan sa mga kaugalian ng mga pilipino na nagpapatibay ng pundasyon ng
isang komunidad.(Noypi.com.ph.,2023)

Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Polo, S. (2022) na ang mga Pilipino at naniniwala na ang lahat ay makakaya at
malalampasan basta’t sama-sama. Dito nagmula ang bayanihan at naturingan na kaugalian na ng mga

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Pilipino. Ayon sa kanilang nakalapna datos na ang pagiging serbisita ay dapat na ipagpatuloy at pagyamanin
upang makilala ulit lalo na ng mga kabataan. Dagdag pa rito, naniniwala ang mga mamamayan ng Irosin
na tanging magkakabarangay o magkakapit-bahay lamang ang nagtutulungan, ngayon ito ay mas napalawak
sapagkat gamit ang modernong teknolohiya madali ng makapagbigay ng tulong kahit nasaang panig ka man
ng mundo.

Napakaraming halimbawa ng bayanihan ang lumitaw sa kasalukuyang panahon isa na rito ang
“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan” mga salitang nakasulat sa karatula na
ginawa ni Ana Patricia Non (2021) 4 sa kanyang Maginhawa Community Pantry na ang layunin ay
makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain. Ang simpleng pamamaraan na ito ay
nagbigay ng matinding impak upang ang lahat ay magtulungan at magsagawa ng Community Pantry sa
bawat sulok ng bansa. Ang Maginhawa Community Pantry ay nagsilbing bagong mukha ng kulturang
bayanihan sa kasalukuyan. Dahil sa pagbabayanihan nagagawa nitong pag-isahin ang isang nasyon o
maging ng buong mundo. (Sarah Janine et al, 2022).

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Kabanata III
Pamamaraan o metodolohiya
Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik, respondente
ang pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal na tritment sa pananaliksik. Ito ay mga paraan o
estratehiyang ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinasagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong metodolohiya. Pinili ng mga


mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan para makalikom ng
mga datos. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang disenyong ginamit ay angkop para sa pag-aaral
sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos na isinasagawa.

Nauunawaan ng mga mananaliksik na ang Descriptive Survey Research Design ay nababagay sa


pag-aaral na isinasagawa kahit na limitado lamang ang kanilang respondente. Ito ay sa kadahilanang hindi
lamang sila nakadepende sa mga sagot sa kanilang talatanungan kundi ay maaari rin silang magsagawa ng
panayam at obserbasyon upang idagdag sa mga nakalap nilang datos at impormasyon. Ang mga
mananaliksik ay naniniwala na magiging mabisa ang paggamit ng disenyong paglalarawan o deskriptibo sa
pagkalap ng datos at impormasyon para sa kanilang isinasagawang pananaliksik.

Sample o Respondante

Ang aming napili na respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa mag-aaral ng
FM 2101 ng Batangas State University at sa mga matatanda edad sixty (60) pataas. Pumili kami ng
labinlimang (15) mag-aaral mula sa FM 2101 at limang (5) matatandang residente ng namunga upang
pasagutan ang mga tanong na makakatulong sa pananaliksik na aming ginagawa. Dahil sila ang
respondente, sa kanila magmumula ang mg impormasyong magbibigay linaw sa pag-aaral tungkol sa
"Pagsusuri ng Pagbabago sa Kulturang Bayanihan: Noon at Ngayon.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Talahanayan 1
Distribusyon ng Respondente
RESPONDANTE SAMPLE SIZE
Mag-aaral ng FM - 2101 15
Matandang Residente ng Namunga 5
TOTAL: 20

Instrumentasyon
Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing
instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa
dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa paksang pinag-aaralan. Ang survey ay nagbigay ng
iba’t ibang ideya sa mga mananaliksik kung anu-ano ang mga pagbabago sa kulturang bayanihan noon at
ngayon.

Proseso ng Pagkuha ng Datos


Sa parteng ito matatagpuan ang impormasyon kung saan makapagbibigay kaalaman kung paano
nakuha ng mga mananaliksik ang datos. Ang mananaliksik ay mismong kumalap ng mga impormasyon
upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pagaaral upang matiyak ang kalidad ng
ipipresentang datos.
Ginamit ng mga mananaliksik ang talatanungan sa pangongolekta ng mga datos sa pamamagitan
ng isang survey kung saan sasagutan ng mga respondente ang mga katanungan mula sa mga mananaliksik.
Siniguro ng mga mananaliksik na nakapaloob din sa survey na ang lahat ng datos na makakalap ay
mananatili ang pagiging konpidensyal.
Matapos sagutan ng mga respondente ang survey, ang susunod na hakbang ng mga mananaliksik
ay ang kolektahin ito. Isasaayos ito, pagkatapos naman ay susuriin at Ieencode. Ita-tally ng mga
mananaliksik ang mga nakalap na sagot sa survey.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Kabanata IV
Presentasyon ng nakalap na datos

Bilang ng Taong Pamilyar o Hindi Pamilyar sa Konsepto ng Bayanihan


MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO
Oo 20 100%
Hindi 0 0%
TOTAL 20 100%

Ayon sa survey, dalawangpu (20) katao na may 100% na porsyento ang nagsasabing pamilyar sila
sa konsepto ng bayanihan habang zero (0) katao na may 0% naman ang nagsasabing hindi sila pamilyar sa
konsepto ng bayanihan.

Lumalabas sa survey na ito na lahat ng respodente ay pamilyar sa konsepto ng bayanihan kahit sa


panahon ngayon.
Mga Kahulugan ng Bayanihan Ayos sa mga Respondente
Mga Kasagutan Bilang ng Sumagot Porsyento
Pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao 11 55%
Tradisyunal na kultura sa Pilipinas 3 15%
Pagtulong nang walang hinihinging kapalit 4 20%
Paglilipat ng kubo sa nais paglipatan 2 10%
TOTAL 20 100%

Ayon sa survey, labindalawalang (11) katao na may 55% na porsyento ang nagbigay kahulugan sa
bayanihan na kung saan ito daw ay pagtutulungan at pagkakaisa ng tao; tatlong (3) katao na may 15% na
porsyento naman sa mga nagsasabing ito daw ay tradisyunal na kultura sa Pilipinas; apat (4) na katao na
may 20% na porsyento naman sa mga nagsasabing ito daw ay pagtulong nang walang hinihinging kapalit;
at dalawa (2) na katao na may 10% na porsyento naman sa mga nagsasabing ito daw ay paglilipat ng kubo
sa nais paglipatan.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Lumalabas sa survey na ito na mas marami sa respodente ay nagsasabi na ang kahulugan ng
bayanihan ay pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao tungo sa maayos na komunidad.

Bilang ng Taong Nakasali na sa isang Aktibidad ng Bayanihan


Mga Kasagutan Bilang ng Sumagot Porsyento
Oo 16 80%
Hindi 4 20%
TOTAL 20 100%

Ayon sa survey na ito, labing-anim (16) na katao na may 80% na porsyento ang nagsasabing
nakasali na sila sa isang aktibidad ng bayanihan habang apat (4) na katao na may 20% na porsyento naman
ang nagsasabing hindi pa sila nakakasali sa isang aktibidad ng bayanihan.

Lumalabas sa survey na ito na mas marami sa respondente ay nakasali o nakalahok na sa isang


aktibidad ng bayanihan tungo sa isang maayos na komunidad sa pamamagitan ng pagtulong at pagkakaisa
ng mga mamamayan.

Bilang ng mga taong naniniwala na mahalaga ang bayanihan at kailangan parin sa


modernong lipunan
Mga kasagutan Bilang ng sumagot Porsyento
Naniniwala 20 100%
Hindi naniniwala 0 0
TOTAL 20 100%

Makikita sa survey na dalwamput (20) na katao na may 100% porsyento ang nagsasabi na
naniniwala sila na mahalaga ang bayanihan at kailangan parin ito sa modernong panahon, samantala walang
bilang ang sugamot sa hindi sila naniniwala na mahalaga at kailangan ang bayanihan sa modernong
panahon.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Bilang ng mga taong naka pansin sa pagbabago ng kulturang bayanihan sa paglipas ng
panahon.
Mga kasagutan Bilang ng sumagot Porsyento
Meron 18 90%
Wala 2 10%
TOTAL 20 100%

Ayon sa survey labing walong (18) na katao na may 90% na porsyento ang nagsasabing meron silang
napansin na pagbabago sa kulturang bayanihan sa pag lipas ng panahon, habang dalwa (2) na katao na may
10% na porsyento ang nagsabing wala silang napansin na pagbabago sa kulturang bayanihan sa paglipas
ng panahon.
Lumalabas sa survey na ito na mas marami sa mga naging respondente ang naka pansin ng pagbabago
ng kulturang bayanihan sa paglipas ng panahon kesa sa mga respondente naka pansin na walang
pagbabagong naganap sa kulturang bayanihan ng mga Filipino.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Kabanata V
Konklusyon

Ang kabanatang ito ay nagpapakita sa resulta ng isinagawang surbey ng mga mananaliksik. Ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa pagbabayanihan. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung
ano ang Pagbabago sa Kulturang Bayanihan: Noon at Ngayon. Matapos masagutan ng mga respondente
ang surbey na inihanda ng mga mananaliksik, napatunayan na ang kulturang bayanihan sa panahon ngayon
ay may pagbabago. Malaki ang porsyneto na makikita natin na madami ang nakapansin na may pagbabago
ang kulturang bayanihan sa paglipas ng panahon na mayroong 90%. Aming napagtanto na ang kaugaliang
bayanihan ay unti-unting nagbabago. Bagamat hindi pa rin naaalis ang kaugaliang ito sa ating mga Pilipino,
iilan na lang ang patuloy na gumagawa nito sa panahon ngayon kumpara noon. Kaya’t sikapin natin na
panatilihin ang kaugaliang ito sa ating mga Pilipino upang magkaroon tayo ng pakikisama sa bawat isa.

Rekomendasyon

A. Hindi natin maiiwasan na maging aware sa mga makabagong bagay sa ating makabagong panahon.
Ang panahon na ating ginagalawan ay may mga bagay na maaaring mabago, pero ang nakasanayan
at hindi dapat mabago, at hindi dapat mawaglit kailanman. Malay nating lahat, ito ay magiging
instrumento ng pagkakaisa sa bawat isa.
B. Kahit hindi na tinuturo sa atin ang kaugaliang Pilipino sa mga asignatura ay dapat magkaroon ng
muwang ang mga tao sa mga mabubuting ugali na ating ginagawa. Ipagpatuloy ang magagandang
ugali at iwaglit ang pangit na ugali ng ating bansa.
C. Sa mga kabataan ng bagong henerasyon, inyong marapatin lamang na kayo ang itinalaga bilang
pag-asa ng bayan. Sa inyong sarili pa lamang ay magsimula na ang bawat isa ng pagbabago tungo
sa magandang bukas. Huwag tumulad sa mga walang patutunguhan sa buhay, dahil ang bawat isa’y
may tadhana sa buhay upang magbago.
D. Sa panahon ngayon, nakakalimutan na ng iba ang bayanihan kung tawagin. Kung kaya’t atin itong
muling balikan upang malaman ang iba’t-ibang gawain na talagang ikinagagalak noon.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
E. Mabuting maalaman natin ang bayanihan sapagkat ito ay isang tradisyonal na ginagawa sa ating
lipunan. Ito ay ating tangkilikin sapagkat ito ay nagpapakita o nagpapahayag ng pagkakaisa ng
bawat isa.
F. Kahit na iba at madami na nakasanayan ngayon ng mga nakakarami kailangan pa ding malaman at
matutunan ng bawat isa kung paano ang mga tradisyonal na bayanihan noon.
G. Bigyan natin ng Pansin at halaga ang mga Bayanihan na kakaunti nalang ang gumagawa at kung
patuloy natin itong hindi pahahalagahan ay baka mawala nalang ito dahil sa mga makabagong
hinerasyon.

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Bibliograpiya;

Noguera, R. T. (1998). Bayanihan Research: The Science of Unearthing and Utilizing Filipino
Community Pedagogy To Address Community Needs. Mula sa
https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=importance+of+bayanihan&oq=importanc
e+of+baya#d=gs_qabs&t=1699983315835&u=%23p%3DCiknweoMpjoJ

Polo, S. J. D., & MAED, F. D. (2022). Serbisita: Introducing the Culture of Bayanihan inIrosin. Mula sa
https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=pagkakaisa&oq=pa#d=gs_qabs&t=169997
2096291&u=%23p%3DKeSWAFfi2JQJ

Pacso, G. (2018). Pagkakanya-kanya. Mula sa:https://opinion.inquirer.net/112225/pagkakanya-kanya

Law, V. (2018). Reliving the Bayanihan Spirit: SPRCNHS Landayan Annes Narrative. Mula
sa:https://www.ssoar.info/ssoar/bitstream/handle/document/83683/ssoar-puissant-2023-adlit_et_al-
Reliving_the_Bayanihan_Spirit_SPRCNHS.pdf?sequence=1&lnkname=ssoar-puissant-2023-adlit_et_al-
Reliving_the_Bayanihan_Spirit_SPRCNHS.pdf

Almario, V. (2015). Bayaníhan. Mula sa https://philippineculturaleducation.com.ph/bayanihan/

Everything-Filipino (2023). Filipino Culture: Bayanihan: The Filipino Value That Must Be Retained.
Mula sa https://everything-filipino.com/filipino-culture-bayanihan-the-filipino-value-that-must-be-
retained/

Noypi.com.ph. (2023). BAYANIHAN: Ang Diwa ng Pagtutulungan sa Kultura ng Pilipino. Mula sa


https://noypi.com.ph/bayanihan/#kahalagahan-ng-bayanihan-sa-kulturang-pilipino

Polo, S. (2022). Serbisita: Introducing the Culture of Bayanihan in Irosin. Mula sa


https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=pagkakaisa&oq=pa#d=gs_qabs&t=169997
2096291&u=%23p%3DKeSWAFfi2JQJ

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph
Non; Janine (2022).Serbisita:Pagpapakilala sa Kulturang Bayanihan sa Irosin. Mula sa
https://www.rajournals.com/index.php/raj/article/download/374/127

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas, Philippines +63 43 980 - 0385 loc. 4214

www.batstate-u.edu.ph reso.rosario@g.batstate-u.edu.ph

You might also like