DLP-on Going

You might also like

You are on page 1of 17

Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S.

QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ngmag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto(MELCS):
Pagkatuto Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita

MGA LAYUNIN:

 Nalalaman ang kahulugan ng Pambansang Kita;


 Natutukoy ang kahalagahan ng P; at
 Nauunawaan ang Pambansang Kita at ang kaibahan ng GDP at GNI.
D. GAD Integration/  Pagiging maparaan
Values  Wasto at rasyonal na pagdedesis yon
Integration/Comprehensive
Sexuality Education
Integration

II. NILALAMAN Paksa: MODYUL 2 – PAMBANSANG KITA


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Gabay ng Guro a. MELCS in Araling Panlipunan 9
2. Kagamitang Pang-Mag-aaral a. EKONOMIKS : ARALING PANLIPUNAN pp.2-12
b.Self-Learning Module : Unang Edisyon Araling Panlipunan : Pangangailangan at Kagustuhan
B. Iba pang Kagamitang
Panturo Laptop, Power Point Presentation,Telebisyon,Visual Aids, Graphic Organizers,Mga Larawan at iba pa.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang ELICIT A. Panimulang Gawain (Tahimik na papasok sa silid-aralan ang bawat hanay sa upuan nito.)
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

aralin at/o pagsisimula ng


bagong aralin Pagbati
Magandang Umaga Grade 9-Diamond! Lahat: Magandang Umago po, Bb. Quimson!

Panalangin
Bago tayo tumungo sa ating aralin ay umpusihan muna natin ang araw
na ito sa panalingin. Tayo ay tumayo, Binibining Janine, pangunahan (Tumayo ang mga mag-aaral at pumunta si Binibining Janine sa harap upang
mo ito. pangunahan ang pagdarasal)

Bago kayo umupo ay maaari lamang na pakipulot ang mga kalat sa


silong at gilid ng inyong mga upuan. (Sumunod sa sinabi ng guro)

Kumustahan (Pupulutin ang mga kalat at aayusin ng mga mag-aaral ang mga upuan.)
Kumusta ang mga mag-aaral ng Grade 9-Diamond? Patingin naman
ng mga ngiti n’yo. (ngumiti at bumungisngis)
Mag-aaral: Ang sarap ng tulog at ulam ko ma’am kaya naman nasa good
Talaga naming mala-kislap ng diyamante ang mga ngiti ng 9-Diamond! mood ako ngayon Ma’am.
At dahil diyan, natitiyak kong kayo ay handa na sa ating aralin, tama
ba? Lahat:Tama po, Bb. Quimson

Pagbibigay ng Paalala
Bago tayo magsimula sa ating aralin ay nais ko lamang kayong
paalalahanan sa aking mga tutunin sa klase o school rules.
(isinalaysay ang mga tuntunin sa klase)
Lahat:Opo, Ma’am!
Makakaasa ba akong kayo ay susunod sa mga ito, 9-Diamond

Pagtatala ng Liban sa Klase


Binibining Ashley, ilan ang lumiban sa ating klase at sino-sino ang mga Ashley: __ po ang lumiban sa ating klase ngayon, Ma’am at sina, ___ po ang
ito? mga ito. Si ___ po ay excuse dahil po s’ya ay may sakit. Ito po ang kaniyang
excuse letter, Ma’am.
Sige, balitaan n’yo na lang s’ya sa ating aralin ngayon kapag siya ay
pumasok na.
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

Balik-aral
B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak
aralin Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling aktibidad patungkol sa bago Mag-aaral: Ma’am, hindi n’yo po naitatanong. Mga Girl Scout at mga Boy
nating aralin. Dito makikita kung kayo ba ay nagbabasa ng inyong mga Scout po kami rito kaya lagi kaming handa!
libro o kayo ba ay lagging handa sa inyong mga bagong aralin.

Ganoon ba? Kung gayon ay tayo ay mag-umpisa na! Lahat: Sige po, Ma’am!

Ang aktibidad na ito ay tatawagin nating “KITA, KITA!” Lahat: Wow! Ano po iyan, Ma’am? Group Activity po ba iyan?

Naku!, hindi. Tayo ay magtatanungan lamang kung magkano nga ba Lahat: Ahh.. Gets na po naming, Ma’am!
ang kinikita ng mga magulang n’yo at ng inyong negosyo n’yo kung
meron man.

Kung gayon ay magsimula na tayo

(durasyon ng aktibidad)

Mag-aaral: Ang yaman pala ni ____. Sana all!

(Nagtawanan ang mga mag-aaral)

Ssshh! (tumahimik ang klase)

ENGAGE Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ay gusto kong ipaliwanag Mag-aaral: Ma’am ako po!
C. Pag-uugnay ng mga n’yo ang salitang KITA sa inyong sariling salita
halimbawa sa bagong aralin
Oh, ano ang salitang KITA base sa aktibidad na inyong ginawa? Mag-aaral: Ma’am ang salitang KITA ay ito po yung pera na pinaghihirapan
natin sa pamamagitan ng trabaho at negosyo. Dito rin po tayo kumukuha ng
pang gastos natin sa pang-araw-araw.

Tama! Napakalaking tulong ng KITA sa ating buhay, hindi ba? Nakita (ang ibang estudyante ay nakikinig at ang ilan naman ay tumatango)
niyo naman na ang ilan sa inyo ay mas mataas ang halaga ng gastusin
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

kaysa sa kita. Sa ganitong Gawain ay makikita niyo kung ano ang mga
dapat at kailangan lang na bilhin.

Tulad nga ng sinabi ng inyong kaklase, ditto tayo kumukuha ng pang


gastos sa araw-araw, kapag walang kita? Wala rin tayong pagkain.

Klas, kanina ay nakita n’yo o nalaman n’yo kung gaano nga ba kalaki
ang kita ng inyong pamilya at kung gaano rin kalaki ang inyong
pinagkakagastusan sa isang buwan. Naisip n’yo rin ba ito sa ating
bansa? Kung gaano nga ba ang kinikita ng ating bansa o ang mga
sector nito?

Oo naman. Kayo ay making dahil ating tatalakayin ngayong araw kung Mag-aaral: Ma’am, puwede po kaya natin malaman kung magkano nga ba
paano nga ba sinusukat ang kita sa ating bansa at kung saan ng aba ang kinikita ng ating bansa?
napupunta ang mga kita na hindi natin alam kung saan nagmula.
D. Pagtalakay sa bagong Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ay maari n’yo bang basahin Mag-aaral: (binasa ang unang layunin)
konsepto at paglalahad ng ang mga layunin ng ating aralin ngayong araw?
bagong kasanayan #1 (Ipapakita ng guro ang power point presentation sa telebasyon)

Pakibasa naman ang pangalawa Mag-aaral: (binasa ang pangalawang layunin)

Ngayon naman ay ang panghuli Mag-aaral: (binasa ang pang huling layunin)

At dahil alam na natin ang layunin ay batid kong kayo ay handa na sa


ating bagong aralin. (Inilipat ng guro sa susunod na slide ang power
point sa telebasyon)

Handa na ba kayo klas? Lahat: Handa na po kami, Ma’am!

Pakibasa ng sabay sabay klas Lahat: Pambansang Kita!


Meron ba sa inyo ang nakakaalam kung ano ang Pambansang Kita? Mag-aaral: Ma’am puwede pong basahin yung nasa libro?
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

Oo naman Mag-aaral: Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay


nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng
ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit
ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.

Sa madaling salita, ang Pambansang Kita ay ang kabuuang kitang Mag-aaral: Ahh..National Income po, Ma’am?
pinansyal ng lahat ng sector na nasasakupan ng isang bansa o ng
estado.

Tumpak ka riyan!

Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,


masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating
ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o
pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.

Nauunawaan n’yo na ba ang Pambansang Kita? Lahat: Opo, Ma’am!

Wala na ba kayong katanungan tungkol sa Pambansang Kita? Ngayon


naman ay alamin natin kung paano ng aba sukatin ang Pambansang
Kita.

(Ililipat ng guro ang slide ng pwer point))

May tatlong panukat ang ginagamit upang masukat an Pambansang


Kita o tinatawag ding GNI/GNP.
Mag-aaral: Gross National Income o Gross National Products.
Ano nga ba ang GNI/GNP?

Magaling! Tinatawag din ng iba ang GNP na Gawang Pinoy.


Mga Paraan ng Pagsukat sa Gross National Income (GNI) at Gross National
Pakibasa ang tatlong panukat. Pakibasa ang una. Product (GDP) Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng
pagsukat sa Gross National Income:
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

(1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach),

1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach) - ang


pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan,
bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang
pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:

a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga


mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng
manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga
mamamayan ay kasama rito.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng
mga bahaykalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales
para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba
pang gastusin nito.
d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) – makukuha ito kung
ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.
e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan
sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay
nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang
mapagkukunan ng datos o impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net
Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga
mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa
loob ng bansa.

Narito ang pormyula ng Gross National Income sa pamamaraan batay


sa paggasta o expenditure approach ay:

GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA
Bukod ditto ay may ituturo rin akong mas madali na pormyula, ito ay:
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

GNI=C+G+CF+(X-M)+SD+NFIA
Mag-aaral: Opo, ma’am!
(Ituturo ng guro kung paano gamitin ang mga pormyula)
Mag-aaral: (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon
Nakuha ba klas? (income approach)

Pakibasa naman ang pangalawang panukat.

2. Paraan Batay sa Kita ng mga Sangkap ng Produksiyon (Income


Approach)

a. Sahod ng mga manggagawa – sahod na ibinabayad sa


sambahayan mula sa mga bahay – kalakal at pamahalaan.
b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong pribado at
pag-aari at pinapatakbo ng pampamahalaan at iba pang negosyo.
c. Depresasyon- pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng
pagkaluma at bunga ng tuloy tuloy na paggamit sa paglipas ng
panahon. d. Di-tuwirang buwis at subsidiya
1. Di-tuwirang buwis- kabilang ditto ang sales tax, custom
duties, lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis.
2. Subsidiya- salaping binabalikat at binabayaran ng
pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o
serbisyo. Isang halimbawa nito ay ang pag-ako ng pamahalaan ng
ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.

Walang nakalagay sa module n’yo na pormyula para rito ngunit


magbibigay ako, galling itto sa pinanood kong bidyu s youtube klas.

GNI=EC+EI+CI+G
Mag-aaral: (3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin
(Ipapakita ng guro kung paano gamitin ang pormyula) approach)
Ngayon, pakibasa ang panghuli.
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

3. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin)

Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross


Domestic ang mga produkto ng bansa kung pagsasamahin ang
kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng
bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at
serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income
from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din
nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa. Mag-aaral: Wala na po, Ma’am!

Ngayon na nalaman n’yo na ang tatlong panukat para makuha ang


Pambansang Kita, ay may mga katanungan ba patungkol sa mga ito?

At dahil wala na, kayo ay magkakaroon ng maikling aktibidad.


Lahat: Magpapakita ang guro ng Income chart ng taong 2020. Gamit ang
(Ipapaskil ng guro ang cartolina na naglalaman ng Gawain) tatlong panukat, Ang mga estudyante ay bibigyan ng 5 minuto para sukatin
ang GNI ng Pilipinas sa taong 2020.
Ang aktibidad na ito ay SUKATIN MO! Maaari n’yo bang basahin ang
PANUTO klas? (Ang mga estudyante ay nagsimula na sa kanilang Gawain)

(Pagkaraan ng 5 minuto ay tsinekna nila ang kanilang papel) Mag-aaral: Ma’am, paano poi yon?

Magaling, 9-DIAMOND! Talaga naming nakinig kayo sa ating


(Ginawa ang YuYuYu Clap)
talakayan. At dahil dyan, bigyan n’yo ng YuYuYu Clap ang inyong mga
sarili!

(itunuro ang YuYuYu clap sa mga estudyante)

E. Pagtalakay sa bagong Syempe Klas, hindi riyan nagtatapos ang ating talakayan. Alam n’yo n Mag-aaral: Ma’am ako po!
konsepto at paglalahad ng ang ibig sabihin ng Pmabansang Kita at marunong na rin kayo kung
bagong kasanayan #2 paano ito sukatn. Ngayon, dumako tayo sa Kahalagahan ng Pagsukat
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

sa Pambansang Kita.

Sa tingin n’yo klas, Bakit mahalaga na malaman natin ang mga ito? Mag-aaral: Ma’am mahalaga na alam natin ang mga ito dahil kailangan nating
Bakit mahalaga na masukat natin ang Pambansang Kita? malaman kung ano na nga ba ang estado ng ating ekonomiya.
(Inilipat ng guro sa susunod na slide ang power point presentation)

Oh sige Mag-aaral: Ma’am, Ma’am ako rin po

Tama, dahil bilang mag-aaral ay karapatan at responsibilidad niyong


malaman o alamin kung ano na nga ba ang nangyayari sa ating
ekonomiya. Wala na ba?
Mag-aaral: upang masuri ang kalagayan at pag-unlad ng ekonomiya ng isang
Ano iyon? bansa.

Tama. Marahil ang ilan sa inyo ay hindi alam ang kahalagahan nito
kaya making kayo upang malaman n’yo bakit nga ba mahalaga ang
mga ito.

Ayon kay C.R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang aklat na


Economics Principles, Problems, and Policies ang kahalagahan ng
pagsukat sa pambansang kita dahil;

1. Ito ay nakapagbibibigay ng ideya at paliwanag sa pagbabago ng


antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon.
-Syempre unang-unang ay dapat mong malaman ang mga
impormasyon bakit nga ba nagbago ang antas ng ekonomiya.
Halimbawa na lang ay ang pagtukoy sa GDP o ang Gross Domestic
Product ng isang bansa.

2. Ang mga datos ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, ay


masusubaybayan ang direksyon na tinutungo ng ekonomiya kung
paunlad o pagbaba.
-Sa pamamagitan din ng GDP ay makikita mo kung gaano ang ibinaba
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

o itinaas an gang kita ng isang bansa o ang ekonomiya nito sa


partikyular na taon.

3. Ito ay magiging gabay sa pagpaplano sa ekonomiya upang bumuo


ng mga patakaran at polisiya na makapagpabuti sa pamumuhay at
makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
-Oh nasabi na rito sa pangatlo ang rason kung bakit ng aba mahalaga
ang pagsukat ng Pambansang Kita. Dahil ito ang magiging gabay sa
pagpaplano sa pagpapataas sa economic performance ng isang
bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang


kita, magiging haka-haka lamang basehan na walang matibay na
batayan.
- Kapag walang maayos na sistema sa pagsukat ng pambansang kita,
ang pagtatantya sa kalagayan ng ekonomiya ay maaaring maging labil
at hindi matibay. Ito ay dahil ang mga desisyon at patakaran ng
pamahalaan, negosyo, at iba pang sektor ay dapat batay sa tumpak at
tiyak na datos upang makaiwas sa hindi wastong hakbang na
maaaring magdulot ng negatibong epekto sa ekonomiya.

At ang panghuli ay;

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaring natin


masukat ang kalusugan ng isang ekonomiya.
-Tulad nga ng sinabi ko sa number 1 ay maaari nating masukat ang
Pambansang Kita sa pamamagitan ng GDP masuskat natin ang GNI
ng o kilala bilang Gross National Income. Sa pamamagitan ng pag-
aaral sa mga ito, maaari nating masuri ang pag-unlad, kalagayan, at
potensyal na paglago ng ekonomiya ng isang bansa.

Dahil tapos na nating talakayin ang Pambansang Kita, may mga Lahat: Wala na po Ma’am!
katanungan ba kayo sa aralin na ito?

At dahil wala na, bibigyan ko kayo ng maikling pagsusuri na tatawagin


Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

nating TWO-KUYIN.
(Inilipat ng guro ang susunod na slide sa power point)

Pakibasa klas ang panuto.


Mag-aaral: PANUTO: Narito ang mga ilang salita na nabanggit sa talakayan.
Bigyan kahulugan ang mga ito ayon sa pagkakaintindi sa talakayan ng Guro.
Ang klase ay magkakaroon ng dalawang pangkat. Ang dalawang grupo ay
magkakaroon ng dalawang kinatawan upang basahin sa harap ang kanilang
mga sagot.
Naintindihan ba ang panuto? Mga Salita: GDP

Produksyon

Ekonomiya

Economic Performance

National Income Accounting

Lahat: Opo, Ma’am!


Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang tapusin ang Gawain na ito. Kayo
ay puwede na magsimula.

(Ang mga estudyante ay nagsimula na sa kanilang Gawain)

Ang inyong 5 minutes ay ubos na, maaaring ayusin ang inyong mga
upuan at ibalik sa dating puwesto. Pumunta na sa harap ang apat na
kinatawanan ng dalawang grupo. (Ang mga mag-aaral ay nagsimula ng basahin ang kanilang mga sagot)

Mahusay, 9-Diamond!! Talaga naman na kayo ay nakinig sa aking


klase! Ngayon ay bigyan n’yo ng YuYuYu clap ang inyong sarili.
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

Mag-aaral: Ma’am paano po iyon?

(Ginawa ang YuYuYu clap

F. Paglinang ng Kabihasaan Ngayon naman ay may sasagutan kayong

EXPLAIN

G. Paglalapat ng aralin sa pang-


araw-araw na buhay

ELABORATE
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

Ngyon naman Klas, upang Makita ko kung ang lahatt sa inyo ay


H. Paglalahat ng Aralin nakinig at natuto. Magkakaroon tayo ng BALITAAN.

PANUTO: Hahatiin ng Guro sa 5 grupo ang klase at sasagutan ng mga


ito ang dalawang tanong sa pamamagitan ng balitaan. Ang bawat
grupo ay may 3 minuto para ibahagi ang kanilang ideya.

1. Ang Gross National Income ay


__________________________________________________
___________________________________________________
___________________________.

2. Ang pambansang kita ay mahalagang pamamaraan sa


pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya
dahil_______________________________________________
___________________________________________________
___________________________.

Nakuha ba Grde 9-DIAMOND? Lahat: Opo,Ma’am!


I. Pagtataya ng Aralin Maikling Pagtataya
EVALUATE Upang masukat ko kung talaga nga bang may natutuhan kayo sa
klase, ay naghanda ako ng isang maikling pagtataya. Maaari bang
maglabas kayo ng inyong itim o asul na ballpen. Tandaan, bawal
mangopya, bawal makipagdaldalan, at bawal ang anumang uri ng
pambubura o alterasyon. Anumang uri ng pambubura o alterasyon ay
isasaalang-alang bilang maling sagot. Bibigyan ko lamang kayo ng
sampung minuto para sagutan ito. Nauunawaan ba, klas?

Lahat: Opo, Sir.


Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

At tapos na nga ang sampung minuto, ibigay ang inyong papel sa


inyong nasa likuran. Ang mga nasa likuran ay ipasa na lamang ang
kanilang papael sa kanilang harapan upang hindi na sila tumayo.
Nauunawaan ba, klas?

Lahat: Opo, Sir.


TAYAHIN: MAIKLING PAGSUSULIT
A.Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at
isulat ang MALAKING TITIK ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel. Anumang uri ng PAMBUBURA AT ALTERASYON ay
isasaalang-alang bilang maling sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay sa tao ng


kaginhawaan at kasiyahan.
a.Pagkain c.Teknolohiya
b.Kagustuhan d. Pangangailangan
2. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang isang tao sa
araw-araw upang mabuhay.
a.Pagkain c.Teknolohiya
b.Kagustuhan d. Pangangailangan
3. Gusto ng magkapatid na Mj at Shayne na mamasyal sa park ngunit
mas kailangan ng kanilang lola na magpahinga sa bahay. Anong salik (Magsasagot ang mga mag-aaral. Pagkatapos ng sampung minuto, iwawasto
ang nakiimpluwensiya rito? ang mga kasagutan
a.Edad c.Kita
b.Panlasa d. Katayuan sa buhay Lahat: Opo, Sir.
4. Ang istilo ng pananamit ng mga kabataan ngayon ay ibang- iba sa
istilo ng mga pananamit ng mga nakatatanda. Anong salik ang
nakiimpluwensiya rito?
a.Edad c.Kita
b.Panlasa d. Katayuan sa buhay
5. Nakabili ng magarang bahay si Carlo na isang presidente ng
pribadong kompanya, malayo sa buhay niya dati noong siya ay
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

empleyado pa lamang. Anong salik ang nakaiimpluwensiya rito?


a.Edad c.Kita
b.Panlasa d. Katayuan sa buhay

B.Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung
mali.
________6. Ang kagustuhan ay ang mga bagay na hinahangad ng tao
na mas mataas sa kaniyang mga batayang pangangailangan.
________7. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat wala
ang tao sapagkat hindi niya ito kailangan sa pang-araw-araw na
gawain.
________8. Nakakaapekto ang katayuan sa lipunan sa pagkamit ng
pangangailangan at kagustuhan.
________9. Ang labis na paggastos ay indikasiyon na nagpapakita ng
isang matalinong pagpapasiya at pagdedesisyon.
_______10.Ang gamot,bahay, at tirahan ay halimbawa ng mga bagay
na pangangailangan.

Susi sa Kasagutan:
1.B
2.A
3.B
4.B
5.D
6.T
7.M
8.T
9.M
10.T

(Iwawasto ang mga kasagutan. Pagkatapos nito ay aalamin ng guro


kung sino ang nakakuha ng mataas na marka sa klase at bibigyan ng
papremyo at mahusay clap.)
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN

BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

J. Karagdagang Gawain para


sa takdang-aralin at Lahat: Wala na po sir.
remediation Para naman sa ating karagdagang gawain na may kinalaman sa ating
susunod na talakayan.

Karagdagang Gawain : BAITANG-BAITANG

Panuto: Isulat sa bawat baiting ang mga bagay na pangangailangan o


kagustuhan mo. Mula sa pinakababa bilang hindi gaanong importante
hanggang sa pinakataas bilang pinakaimporatnte. Gawin ito sa isang
EXTEND buong papel.

Klas? May katanungan pa ba sa ating aralin?

Lahat: Wala po, Sir.

Kung wala na, ay dito na lamang nagtatapos ang ating talakayan.


Magkita-kita ulit tayo bukas para sa ating panibagong aralin. Paalam
klase! Lahat: Paalam na po sa inyo, Ginnong Nacario!

V. MGA TALA

VI. REPLEKSIYON Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat lingo. Paano mo ito naisasakatuparan? Ano
pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na
maaari niyang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Gurong Nagsasanay ILAH NICOLE S. QUIMSON Baitang 9-DIAMOND

Grade 9 Paaralan LABRADOR NATIONAL HIGH SCHOOL Asignatura ARALING PANLIPUNAN


BANGHAY ARALIN
Markahan IKATLONG MARKAHAN Petsa /Oras M-T-W/2:00-3:00 PM

B. Bilang ng mga mag-aaral na


nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang
Remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedial

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
atulong ng aking
punnongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni: Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:


ILAH NICOLE S. QUIMSON CRISTINA C. EUSTAQIO EDILBERTO A. QUIAL MYRNA D. ORATE
Gurong Nagsasanay Guro III Ulongguro III Punongguro IV

Petsa: ______________ Petsa: ___________ Petsa:____________ Petsa:_______________

You might also like