You are on page 1of 3

SANDOSENANG SAPATOS

By: Luis P. Gatmaitan

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin
para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina.
Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!”
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si
Tatay. Bihirang magsalita.
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito saaming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para
magpasadya. Ayon samga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatosna gawang-Marikina.
Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ngkanyang mga sapatos.“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay
ganda!” “Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.” “Parang may madyik ang iyong kamay!”Sa lahat ng
papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao siTatay. Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas aykinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti
raw at sapatero angTatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko,kapag bertdey ko, o kung
nakatanggap ako ng honors sa klase.Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirangbalat at tela.
“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamanang ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng
pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isangkaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naminghinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng
Lola ko, sinagot na raw angmatagal nilang dasal na masundan ako.“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga
sapatos! Pero di bale,dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.” Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong
nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiginganak natin!”“Talaga! Kung babae nga, pag-
aralin natin ng ballet. Gusto kongmagkaanak ngballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nanggumawa ng mga
sapatos na pang- ballet .”Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahatnang makita ang bago
kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putolang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatidko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni
Nanay ang kapatid ko kayakulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalanggamot ang kanyang
mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos siTatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O
bakaraw ipinaglihi si Susie sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?” “Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng
Germanmeasleshabang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon angnaging epekto,” malungkot na kuwento ni
Nanay.Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang naiisip ko kapag
nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kayapinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi,ayaw
kong mag-ballet). Pero “Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sapainting, o sa banduria
class? Hindi yata talagang para sa kanya angpagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap. Saksi
ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay
nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie. Biglang namula si Tatay sa narinig.
Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.
“Ano’ng problema mo, ha?”
Mabuti’t napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao at buo
ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, atsa mga pangarap na masyadong mailap.Saksi
ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walangpuwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay
nagpipiknik saparke, may isang mama na nakakita kay Susie. “Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!”
turo nito kay Susie.Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon kolang nakitang nagsalubong
ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyangsuntukin ito. “Ano’ng problema mo, ha? ”Mabuti’t napigilan siya ni
Nanay.
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap niTatay si Susie.“Anak, hindi baleng kulang ang
mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ngNanay mo na lumaki kang mabuting tao at buo ang tiwala sa sarili. ”Masuyo niya
itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansinko, kapag sinusukatan niya ang paa ko,
napapabuntung-hininga siya.Pagkatapos ay titingin sa kuna.
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos nagawa ni Tatay.” bulong ko sa kanya.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlangang kawalan niya ng paa para makapaglaro
kami. Marami namang laro nadi nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka,jackstone , scrabble, at
pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag maynanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako
ang atena alalay!Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magalingang aming kamay kaysa
aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sapagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang
magaling sa kanya.
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isangpambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang
mga paa.“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip
ko. Kulay dilaw natsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!” Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing
nalalapit na ang kanyangkaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.“ Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay
pula ito na velvet at maymalakingbuckle sa tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo atlitaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na
may kaunting takong atmay ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwanat mga bituin. Ang
sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatosna may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski angpinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang
disenyong bulaklak, ribbon,butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos nanapapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing,
ha?”Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mgasapatos. Gumagawa na lamang siya ng
sapatos para sa mga suking dimatanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na
may nakapintang isang pares ng maugat na kamay nalumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music
box namay sumasayaw na ballet dancer.
“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si
Susie nang pumanaw si Tatay.
Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkatako ng mga lumang sapatos na puwedeng
ipamigay sa mga bata sabahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahongmukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit nakahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!” Para kanino ang
mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?”tanong ko sa sarili.Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na
‘yon, nagulat ako.Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-ibaang sukat nito. May sapatos
na pang-baby. May sapatos na pambinyag.May pang-first communion. May pangpasyal. May pamasok
saeskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit napapel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,Alay sa kanyang unang kaarawanInisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na
nandoon ay para kaySusie. Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?Para kay Susie, lugod ng aking buhaySa
pagsapit niya ng ikapitong kaarawanTaon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa
tuwingmagdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso sa kanyang ika-12 kaarawanNapaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing
ganu’n palakalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.“H-Hindi
ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa‘yo, Susie.”Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin
ang mgasapatos.”
“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalangsabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang
mga sapatos.
“Ha?”
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa
harap. Kulay pulangvelvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas angdulo at litaw ang mga daliri.
Kulay puti na may kaunting takong at mayribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mgabituin.
Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikitna bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susiepara maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpektoang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may
mga perpektong sandali. Gayang mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

MGA TANONG:
1. Ano ang hanap-buhay ng tatay ni Karina at Susie? Ano-ano ang mga papuri na natatanggap nito mula sa mga
nagpapagawa sakanya?
2. Bakit kinaiingitan si Karina ng kanyang mga kaklase?
3. Anong baiting muling nagbuntis ang nanay ni Karina? Ano ang naging reaksyon ng pamilya nila? Ano ang pangarap ng
tatay niKarina para sa magiging bagong anak nito?
4. Bakit walang paa si Susie?
5. Anong realisasyon ang napagtanto ni Karina sa kanilang pamilya?

You might also like