You are on page 1of 2

AMING WIKA, SA’N KA NAGMULA?

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng ating identidad bilang mga Pilipino.
Ito ay isang mahalagang bahagi ng pamilya dahil ito ang pangunahing paraan ng
komunikasyon at pagpapahayag ng mga damdamin at saloobin. At mahalaga rin na
malaman natin kung ano ang pinagmulan ng ating wikang ginagamit sa kasalukuyan
sa tulong ng pag-alam sa angkan ng wikang ginamait ng ating pamilya. Sa paraang
ito malalaman natin kung bakit ito ang ginagamit nating wika.

Unang henerasyon. Ang aking mama’t papa (magulang ng aking ina) ay


nagmula sa Negros Occidental kung kaya ang kanilang dayalek ay ilonggo at
nadaragdagan ng bisaya bilang kanilang ikalawang wika dahil napunta sila sa
Mindanao partikular na sa bayan ng Alamada. Ang aking Lolo’t lola (magulang ng
aking ama) naman ay tubong Iloilo kaya sila ay mga ilonggo ngunit ang ginagamit
nilang wika hanggang sila ay tumanda ay bisaya dahil nang sila’y nag-asawa
nanirahan na sila sa Lungsod ng Heneral Santos. Ang ikalawang henerasyon
naman ng aming pamilya ay ang aming mga magulang. Sila ay mga bisaya-ilonggo
ang ginagamit, ngunit nang sila ay ikinasal nanirahan sila sa bayan ng Pigcawayan
na ang dayalek na ginagamit ay ilonggo kung kaya’t hanggang sa kasalukuyan ang
wikang kanilang ginagamit ay Ilonggo at malimit na lamang gumamit ng wikang
bisaya. Anopa’t kaming dalawang magkakapatid ay laking ilonggo ang wikang
ginagamit at nadaragdagan lamang ito ng wikang bisaya, tagalog at ingles dahil sa
pakikisalamuha, pagpunta sa ibang lugar at panonood naming ng telebisyon.

Kaya mahalaga ang pagbakas ng wikang ginagamit ng ating angkan upang


malaman at mapanatili natin ang paggamit nito.
GAWAIN 5

Angkan ng aming
Wika

Bisaya at Bisaya at Bisaya at Bisaya at


Ilonggo Ilonggo Ilonggo Ilonggo

MAM PAPA LOLO LOLA


A

Bisaya Bisaya
at at
Ilonggo Ilonggo
MAMAN TATAY
G

Bisaya, Bisaya,
Ilonggo, Ilonggo,
Tagalog, at Tagalog, at
Ingles Ingles
AKO KAPATID

You might also like