You are on page 1of 9

Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

ARALIN 22.3
Pagsasalita Gamit ang Berbal at Di-berbal na
Estratehiya
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Berbal at Di-berbal na Estratehiya sa Komunikasyon 4
Berbal na Estratehiya 4
Di-berbal na Estratehiya 4

Sagutin Natin 5

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 6

Pag-isipan Natin 6

Dapat Tandaan 7

Mga Sanggunian 8
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

Aralin 22.3
Pagsasalita Gamit ang Berbal at Di-berbal na
Estratehiya

Lar. 1. Bahagi ng pang-araw-araw na gawain ng mga tao ang pakikipag-ugnayan sa


kaniyang kapwa.

Introduksiyon
Bahagi ng ating buhay ang pakikipagkomunikasyon. Mula sa tahanan, lalo na sa labas ng
bahay ay nakikipag-usap tayo. Maliban sa paggamit ng mga salita para makipag-usap
(berbal), gumagamit din tayo ng iba’t ibang galaw tulad ng pagturo, pagtindig, pagkumpas,
at ekspresyon ng mukha (di-berbal) upang makapaghatid ng mensahe sa ating kausap. Kaya
sa araling ito, higit mong makikilala, malalaman, at mauunawaan ang ang iba’t ibang
estratehiyang berbal at di-berbal na ginagamit sa epektibong pakikipag-ugnayan.

1
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Natutukoy ang kahulugan ng berbal at di-berbal na komunikasyon.
● Natutukoy ang iba’t ibang anyo ang di-berbal na komunikasyon.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang uri ng komunikasyong ginamit
sa pakikipag-usap.

Simulan

Suri-lawan

Materyales
● kuwaderno
● panulat

Mga Panuto
1. Suriin at unawain ang sumusunod na mga larawan.
2. Sagutin ang mga gabay na tanong na kaugnay ng gawain.

2
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang gamit ng sumusunod na larawan?
2. Naranasan mo na bang magsalita sa harap ng maraming tao? Kailan ito nangyari at
ano ang iyong naramdaman ukoldito?
3. Sa iyong palagay, paano magiging maayos ang pagsasalita ng isang tao sa harap ng
kaniyang kausap?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Paano ang pagsasagawa ng pagpapahayag na berbal at di-berbal? Ano-ano
ang di-berbal na pagpapahayag na ginagawa ng mga Pilipino?

Alamin Natin
nakagisnan nakasanayan; kinalakhan

tuwiran hayagan

3
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

intonasyon pagtaas at pagbaba ng tinig

May dalawang uri ng komunikasyon ang nagaganap sa pagitan ng mga taong kumikilos sa
isang lipunan. Kapwa ginagamit ang mga uring ito upang epektibong maihatid ang mensahe
sa taong kausap.

Berbal at Di-berbal na Estratehiya sa Komunikasyon

Berbal na Estratehiya

Ito ay tumutukoy sa paraan ng komunikasyon na gumagamit ng wika, pasalita o pasulat


man. Higit na karaniwang nagaganap ang komunikasyong pasalita sa pagitan ng mga taong
may ugnayan sa isa’t isa. Ito ay natural na nagaganap na nakabatay sa barayti ng wikang
nakasanayan o nakagisnan na ng isang taong nagsasalita. Halimbawa, ang pagsasalita nang
may punto ng Bisaya, malalim na Tagalog, at iba pa. Gayon din, ang paggamit ng gay lingo,
salitang balbal, at iba pang jargon o coded language ng isang partikular na pangkat.

Mahalagang isaalang-alang sa komunikasyonng pasalita ang angkop na tono ointonasyon,


malinaw na boses, at maayos na pagbigkas upang maging maayos ang paghahatid ng
mensahe sa taong kausap.

Di-berbal na Estratehiya

Ito ay pakikipag-ugnayan na hindi gumagamit ng salita, titik, at wika. Karaniwan itong


kasabay ng pagsasalita. Ang kinesika (kinesics) na tumutukoy sa pag-aaral ng kilos at galaw
ng katawan at ibang bahagi ng katawan ay nakatutulong upang higit na mabigyan ng detalye
ang mensaheng nais iparating. Sa pamamagitan din ng paggamit nito, maaaring
makapaghatid ng mensahe ang isang tao kahit hindi tuwirang nagsasalita o nagsusulat.

4
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

May iba’t ibang anyo ang di-berbal na komunikasyon ang ilan sa mga ito ay ang:
a. Ekspresyon ng mukha. Tumutukoy ito sa pagpapakita ng emosyon ng tao kung siya
ba ay masaya, malungkot, galit, at iba pa.
b. Galaw ng mata. Tumutukoy ito sa kilos ng mata ng tao na nagpapahiwatig ng iba’t
ibang senyales.
c. Kumpas ng kamay. Tumutukoy ito sa galaw ng kamay na nagpapahiwatig ng
pagsang-ayon o pagtutol at iba pang pagsenyas.
d. Tindig o postura. Tumutukoy ito sa pagtayo ng isang tao kung may kumpiyan sa ba
siya o wala.

Sa paggamit ng dalawang uri ng komunikasyon, higit na nagiging epektibo ang


pakikipagtalastasan. Ang paggamit ng angkop na di-berbal na komunikasyon habang
nagsasalita ay makatutulong sa pag-unawa ng taong kausap sa mensaheng nais iparating.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kinesika?
2. Paano magiging epektibo ang pagsasalita?
3. Bakit mahalaga na mabatid ang uri ng komunikasyon na gagamitin?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Paano nakatutulong ang di-berbal na komunikasyon sa pagsasalita?

5
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

2. Bakit mahalagang taglayin ng isang indibidwal ang kasanayan sa pagpapahayag sa


berbal at di-berbal na pamamaraan?

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, paano higit na naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng
mga berbal at di-berbal na estratehiya sa komunikasyon?

Pag-isipan Natin
Tukuyin kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng berbal o di-berbal na
estratehiya sa pakikipag-usap. Isulat sa patlang ang B kung berbal at DB naman kung
di-berbal.

________________ 1. Pasigaw na tinawag ni Manong Ebe ang babaeng bumili ng taho


sapagkat nalimutan nitong kunin ang kaniyang sukli.

________________ 2. Tinapik ni Anna sa balikat ang kaibigang nakalugmok dahil sa


sama ng loob.

________________ 3. Kumaway si Jules bilang pagpapaalam sa kaniyang mag-anak


bago siya pumasok sa terminal.

________________ 4. Nangasim ang mukha ni Sam sa pagkain niya ng manggang


hilaw.

________________ 5. Kinausap nang maayos ni Tin ang nakaalitang kaklase.

________________ 6. Dinig sa buong pasilyo ang anunsiyo ng presidente ng klase na

6
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

nagsasabing wala ang kanilang guro.

________________ 7. Kinurot ni Andrew ang pilyong kapatid na nanabunot sa kaniya.

________________ 8. Nagkilitian ang magnobyo sa gitna ng mga nakatinging tao na


nasa parke.

________________ 9. Matamis na ngiti ang isinukli ni Mae sa iniabot na regalo ng


kaniyang manliligaw.

________________ 10. Naluha sa tuwa si Nina nang malamang nakapasa siya sa board
exam.

Dapat Tandaan

● Ang berbal na estratehiya ay tumutukoy sa paraan ng komunikasyon na


gumagamit ng wika, maaaring pasalita o pasulat man.
● Ang di-berbal na estratehiya ay tumutukoy sa pakikipag-ugnayan na hindi
gumagamit ng salita, titik, at wika. Karaniwan itong kasabay ng pagsasalita.

Mga Sanggunian

Adaya, Jomar G. et. al. 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Unang Edisyon).
Jimczyville Publications. Malabon City.

7
Filipino

Baitang 10 • Yunit 22: Pagsasalaysay

Animoza, Imelda V. 2007. Hiyas ng Diwa IV. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.

Antonio, Lilia D., et. al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C & E
Publishing, Inc.

Del Rosario, Mary Grace G. et. al. 2014. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.

Gonzaga, Marina at Dimaguila, CristIna. 2016. Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at


Panitikan. Abiva Publishing House, Inc. Quezon City.

Lacano, Diana Gracia L. at Maida Limosnero-Ipong. 2015. Parola. Valenzuela City: JO-ES
Publishing House Inc.

Marasigan, Emily. 2016. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing House.

You might also like