You are on page 1of 2

Batch 6 – Ptr.

Allan Loreno

First of all, I would like to thank God who gave me this opportunity to join this class and to our

P.C.U Professor Bishop Dr. Alex Arceno. Thank you po Bishop, pagpalain po kayo ng Panginoon sa

pagbabahagi po ninyo ng inyong kaalaman sa amin na mag-aaral ng JSOM.

In the Book of Bible Teaching, it made easy conversational tagalog verson. Dito po natin

matututunan ang mga pamamaraan ng pag-aaral at pagtuturo, gamit po ang Hook-Book-Look-Took na

kung saan ito ay napaka ganda. Mahusay na pamamaraan ng pag-aaral at pagtuturo ng Biblia. Sapagkat

hindi po lahat ng mga mag-aaral ay madaling turuan dahil sila ay may mga kanya kanyang mga

personalidad at ang apat na bahagi ng edukasyon sa buhay ng isang mag-aaral ay Heart-Head-Hands at

Habit. At kapag ang isa mag-aaral ay Heart, kadalasan ay feeler, sila po ay natututo base sa kanyang

pakiramdam. Ang Head Learner ay sila po yong magaling tumugon. Sila po ay may matalas na pag-iisip.

Ang Hands Learner naman ay gusto nila ang mga actual na pagkatuto. At ang Habit naman po ay yun ang

mag-aaral na gustong gumawa ng mga project. Ito ang dahilan kung bakit hindi ganoon sila kadaling

turuan.

Salamat po sa Panginoon na mayroong mga kaparaanan ng pag tuturo gamit ang mga sangkap ng

Hook-Book-Look-Took. At ito po ay bagay doon sa mga tagapag turo at ganoon din naman sa mga

tinuturuan. Sa mga tagapagturo dapat sila po ay mga encourager, education, equipper at enabler. At ang

pagiging Christianong guro ng Biblia, kailangan mayroon siyang mahigpit na commitment. Kailangan din

ang matibay na pananalig sa katotohanan. Dapat ang emosyon ay panatag at magaling makipag-ugnayan.

Mapagpigil sa sarili, hindi mainitin ang ulo, may kaloob na magturo, mabait, mahabagin, mapagkumbaba,

mahinahon, at mapagtiis. At mahusay na tagapangasiwa ng salita ng Diyos.


Mababasasa rin po natin sa aklat na ito: kung paano pag aralan ang Biblia.

1. Hermeneutics – Kung paanong binibigyang kahulugan, pagpapaliwanag o isinasalin ang sinasabi

ng salita ng Diyos.

2. Exegesis – Inaalam ang background o kasaysayan ng mga talata o salita at ang panitikan anyo -

kung ito ay parabula, liham o tula,etc.

3. Exposition – Pinapaunawa natin ang kahulugan ng mga salita kasama na ang mga pagsusuri nito

sa mga tagapakinig sa kasalukuyang panahon.

Ang Isang mabisang kaparaanan ng paggawa ng lesson plan gamit ang Hook-Book-Look-Took

(HBLT). Ang Hook ay para hulihin ang attention ng mga mag-aaral. Ang Book – para iprisinta at

ipaliwanag ang lesson. Ang look – para tulungan ang mga mag-aaral na isabuhay ang natutunan.

At ang Took – bilang Take Away /Assignment para sa lesson at bilang pagsusuri po sa kabuuan ng

aklat na ito ay Malaki ang naitutulong nito para sa akin. Sapagkat lalo ko pong naintindihan ang

mga aralin ng biblia ng Madali lalo na sa paghahanda ng mga aralin o lesson plan.

Maraming Salamat po. To God be all the Glory!

You might also like