You are on page 1of 32

lOMoARcPSD|32637017

Lesson PLAN -(Q1- M3 Mga Likas na Yaman sa Asya)

Teaching Internship (Central Luzon State University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)
lOMoARcPSD|32637017

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya

I. MGA LAYUNIN
MELC: Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya. (AP7HAS-Ie-1.5)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaaasahang:
1. natutukoy ang mga uri ng yamang likas ng kontinente ng Asya,
2. natatalakay ang mga pangunahing likas na yaman na matatagpuan dito,
3. napahahalagahan ang kaugnayan ng pisikal na katangian ng bawat rehiyon ng Asya sa mga
uri ng likas na yamang matatagpuan dito; at
4. nakalilikha ng isang malikhaing aktibidad tulad ng islogan, poster, tula o awit na
naglalarawan ng kahalagahan ng mga yamang likas sa Asya.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 7 (Ang Mga Likas na Yaman ng Asya) Learner’s
Module pahina 6-11
C. Mga Kagamitan: Module, laptop, video clip at mga larawan
D. Pamamaraan: Pagtatalakay-Pagtatanong at Powerpoint Slides

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.1 Pang araw-araw na Gawain

Isang magandang umaga sa inyong lahat, mga


Magandang umaga rin po!
minamahal kong mag-aaral!
Ako nga pala si Maam/Sir (Name), isang Practice
Teacher mula sa University (School) at ako ang
inyong magiging guro ngayon sa Araling
Panlipunan 7.
Handa na ba ang lahat para sa ating talakayan
ngayong araw?
Opo, maam.

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Ngunit bago ang lahat, tayo muna ay magsiyuko


at ating damhin ang presensya ng ating
Panginoon.

(Panalangin sa pamamagitan ng isang video


clip)

Amen.

(Pagtala ng mga lumiban)


Bago tayo magsimula, nais ko munang tanungin
kung mayroon ba kayong mga kamag-aral na
nagsabi na hindi sila makakajoin sa ating
talakayan ngayong araw?
Wala po Maam.
Maraming salamat.
Kumusta naman kayo sa umagang ito, klas?
Mabuti naman po, Maam.
Kung gayon ay maaari bang paki-mute na muna
ang inyong mga microphone at tayo’y
magsisimula na. Kung mayroon kayong nais
sabihin, maaari niyo itong isulat sa chat box o
pindutin ang “raise hand button” sa inyong mga
screen at hintayin lamang na kayo ay tawagin.
Maliwanag ba?
Magaling! Opo, Maam.

A.2 Pagbabalik-aral

Ngunit, bago tayo tumungo sa ating panibagong


aralin para sa araw na ito, balikan muna natin ang
ating nakaraang aralin sa pamamagitan ng isang

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

gawain na tatawagin nating “Kahulugan at


Larawan Nito, Tukuyin Niyo”. Ang gawaing ito
ay malaki ang pagkakahalintulad sa Maramihang
Pagpili (Multiple Choices) kung saan mayroong
katanungan at mga pamimilian, ngunit upang
magkaroon ng kakaibang twist, ang magsisilbing
pamimilian ay pawang mga larawan.

PANUTO: Tukuyin ang mga salitang


inilalarawan sa mga katanungan. Sabihin ang
letra ng tamang sagot, gayundin ang salitang
ipapakita sa larawan.

Nauunawaan ba?
Kung gayon ay simulan na natin! Opo, Maam.

GAWAIN 1: “KAHULUGAN AT
LARAWAN NITO, TUKUYIN NIYO’
(pagpapakita ng isang tanong kada isang slide
ng powerpoint presentation) (pagsagot ng mga mag-aaral)

1.) Ito ay isang uri ng anyong lupa sa Asya na


tinatawag rin na kapatagan sa itaas ng
bundok at ang halimabawa nito ay ang
Tibetan Plateau na itinuturing na pinaka
mataas sa buong mundo (16,000
talampakan). Ano ito?

A.

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

B.

A po Maam.

Letrang A ba? Ano bang salita ang ipinapakita sa Talampas po.


letrang A?

Tama! Ang talampas nga ay isang uri ng anyong


lupa na tinatawag rin na kapatagan sa itaas ng
bundok.

Sunod naman.

2.) Ito ay isa sa mga vegetation cover ng Asya,


na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya
partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain
ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
Ano ito?

A.

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

B. Maam, B po.

Savanna po Maam.

Ano namang salita ang ipinakita sa letrang B?

Magaling! Ang ipinapakita ng nasa larawan ay


isang savanna na isa sa mga vegetation cover ng
Asya, na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya
partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain ng
pinagsamang mga damuhan at kagubatan.

Para naman sa ikatlong katanungan.

3.) Ito ay isa pang uri ng anyong lupa sa Asya na


tinatayang halos sangkapat (1/4) na bahagi ito

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

ng lupain ng Asya at ang Indo-Gangetic Plain


at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya
ay bahagi nito. Ano ito?

A.

B po Maam.

Kapatagan po Maam.

B.

Letrang B ba? Sa tingin niyo anong salita ang


ipinapakita sa letrang B?

Mahusay! Ito nga ay kapatagan, na kung saan ay


isa pang uri ng anyong lupa sa Asya na
tinatayang halos sangkapat (1/4) na bahagi ito ng
lupain ng Asya at ang Indo-Gangetic Plain at
malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

bahagi nito.

Ngayon dumako na tayo sa ika-apat na


katanungan.

4.) Ito ay isa sa mga uri ng anyong tubig na


itinuturing na pinakamalaking lawa sa Asya.
Ano ito?

A. Maam, A po.

Aral Sea po Maam.

B.

Ano namang salita ang inilalarawan sa letrang A?

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Tama! Ang Aral Sea nga ay isa sa mga uri ng


anyong tubig na itinuturing na pinakamalaking
lawa sa Asya.

Ngayon, pumunta naman tayo sa ikahuling


katanungan.

5.) Ang Pilipinas ay nakalatag sa isang malawak


na sona na kung tawagin ay ___________ o
Circum-Pacific Seismic Belt. Ano ito?

A.

B po Maam.

Maam, Pacific Ring of Fire po.

B.

Wala na po, Maam.

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Letrang B ba? Ano sa palagay niyo ang salitang


tinutukoy sa pangungusap na ipinakita sa letrang
B?

Magaling! Ang Pilipinas nga ay nakalatag sa


isang malawak na sona na kung tawagin ay
Pacific Ring of Fire o Circum-Pacific Seismic
Belt?

Mukang naaalala niyo pa nga ang ating


nakaraang aralin.

Salamat sa inyong mga naging sagot.


May mga nais pa ba kayong malaman at
liwanagin sa ating huling aralin?

Kung gayon, ako ay labis na nagagalak sa inyong


mga naging kasagutan sa ating pagbabalik-aral.
Batid ko ngang lubos ninyong naunawaan ang
nakaraang aralin kung kaya naman bago tayo
dumako sa ating talakayan para sa araw na ito,
mayroon ulit akong inihandang isang gawain.

Opo, Maam
A.3 Motibasyon o Pagganyak

GAWAIN 2: “IPAKITA KO,


KUMPLETUHIN NIYO”

Ang gawaing ito ay tatawagin nating “Ipakita Ko,

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Kumpletuhin Niyo!” Sa gawaing ito mayroon


akong ipapakitang ilang larawan at inyong
tutukuyin ang nasabing larawan. Upang hindi (pagsagot ng mga mag-aaral)
kayo lubusang mahirapan, mayroon nang
“jumbled letters” na nakasulat upang inyong
maging clue sa pagtukoy sa larawang ipinapakita.

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang Yamang Lupa po Maam.
matukoy ang apat na uri ng likas na yaman.
Makatutulong sa inyo ang mga larawan sa kahon
na nagsisilbing halimbawa na produkto na
makukuha mula rito.
Handa na ba kayo?
Kung gayon, simulan na natin!

Para sa unang larawan. Anong uri ito ng likas na


yaman?

Maam, Yamang Tubig po.

AU LP

Tama! Sunod naman.

Anong uri ito ng likas na yaman?

Yamang Kagubatan po, Maam.

10

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

IUBGT Maam, Yamang Mineral po.

Mahusay!
Para naman sa ikatlong larawan. Anong uri ito ng
likas na yaman?

BAKANAG UT
Opo, Maam.
Tama!
Para naman sa ikahuling larawan. Tungkol po sa mga Likas na Yaman, Maam.

EALN RM I

Magaling!
Para naman sa ikahuling larawan.
Ma’am, isa po dito ang Hilagang Asya at
Timog Asya.
Mahusay! Tama ang inyong mga naging

11

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

kasagutan, mukang handang-handa na nga


kayong matuto sa ating aralin para sa araw na ito. Ma’am kabilang din po dito sa asya ang
Silangang Asya at Kanlurang Asya.
B. Pagtalakay sa paksa

Base sa ating ginawa kanina, mayroon na ba Ito po ay ang Timog-Silangang Asya, Maam.
kayong ideya kung ano ang ating tatalakayin para
sa araw ito?

Kung gayon, ano sa tingin niyo ang ating paksa?

Tama!
Ang ating paksa ay tungkol sa “Ang Mga Likas
na Yaman ng Asya”.

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa Ang mga likas na yaman po na mayroon sa
daigdig, na bumubuo sa humigit-kumulang 30 Asya base sa aking pagkaka-alam ay
porsiyento ng lupa ng buong mundo. Ito rin ang yamang tubig at yamang kagubatan.
kontinenteng itinuturing na may pinakamaraming
tao sa mundo na may halos 60 porsiyento ng
kabuuang populasyon. Ang Asya ay nahahati sa Ma’am kabilang din po dito ang yamang
limang rehiyon. Sino ang nakaka-alam kung ano mineral at yamang lupa.
ang mga rehiyon na ito?

Tama! Salamat, sino pa ang maaring magbigay


ng karagdagan sa mga rehiyon ng Asya?

Magaling, para naman sa panghuling rehiyon,


sino ang maaaring magbigay ng kasagutan?

Mahusay.
Nakakatuwa naman sapagkat mayroon na kayong
kaalaman sa bagong nating tatalakayin. Ang
ibat’t ibang rehiyon na ito ay may iba’t ibang Ang Hilagang Asya ay nakakaranas ng
klima kung kaya’t ito’y nagtataglay ng mga iba’t nagyeyelong klima dahilan upang hindi
ibang likas na yaman. tumubo ang mga puno at halaman.

May nakaka-alam ba kung anu-ano ang mga likas

12

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

na yaman na tinataglay ng Asya?


Ma’am mayroon pa rin po.

Tumpak! Ma’am sa tingin ko po kahit malamig ang


Sino pa ang maaring magbahagi ng kanyang klima ay mga halaman pa rin na mayroon
kasagutan? dito dahil sa pagkaka alam ko po binubuo ito
ng malawak na damuhan na nagsisilbing
Magaling! pastulan ng mga alagang hayop tulad ng
Ang posisyon ng Asya sa mga merkado o baka at tupa na pangunahing pinagmumulan
pamilihan sa buong mundo ay tumaas nang ng karne, gatas at telang lana.
malaki sa huling kalahating siglo. Ngayon, ang
mga bansang Asyano ay nagranggo bilang ilan sa
mga nangungunang tagagawa ng maraming mga
produktong agrikultural, kagubatan, pangingisda,
pagmimina, at pang-industriya.

Ngayon naman ay tutukuyin natin ang mga likas


na yaman na mayroon sa bawat rehiyon ng Asya.

May nakaka alam ba dito kung ano ang klima na


taglay ng mga lugar sa hilagang Asya? Sa bahagi lamang ng Siberia umaasa sa
yamang gubat ang rehiyon. Dito
matatagpuan ang malawak na kagubatang
coniferous kung saan kadalasang tumutubo
Eksakto. Kapag ba malamig ang klima hindi na ang mga puno ng pino o pine trees at fir.
ito tutubuan ng mga yamang lupa? O mga puno
at damo? Mayroon o wala? Wala po.

Bakit niyo naman ito nasabi?

Pangunahing produktong panluwas ng


rehiyon ang caviar (itlog) ng mga
malalaking isdang sturgeon.

Opo.
Mahusay!
Salamat! Ang mga nabanggit niyo nga ay
bumubuo sa klase ng yamang lupa na tinataglay
ng hilagang Asya. Kabilang din dito ang mga
pananim tulad ng trigo, palay, barley, bulak,

13

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

sugar beets, sibuyas, mansanas at tabako.


Yamang Mineral ng hilagang Asya, ang
Pag-usapan naman natin kung ano ang mga deposito ng ginto mula sa Kyrgyzstan ang
yamang kagubatan sa rehiyon ng Hilagang Asya. tinatayang pinakamalaki sa buong mundo.
Pakibasa nga ito? Isa din sa mga nagunguna ay ang
(itinuro kung sino ang babasa) Uzbekistan.Ang Tajikistan naman ay may
tatlong uri ng yamang mineral tulad ng ginto
(metalikong metal), phosphate (industriyal
na metal) at natural gas (mineral na
panggatong).
Salamat.
May katanungan ba sa yamang kagubatan?

Para naman sa susunod na slide, pakibasa nga rin Opo.


ito?
(itinuro kung sino ang babasa)

Salamat.
Naiintindihan ba kung ano ang yamang tubig ng
hilagang Asya?
Ma’am ang Gobi Desert ay siyang
Ngayon, Para naman sa ika-apat na uri ng likas pinakamalaking disyerto sa Asya.
na yaman, ang yamang mineral. Alamin natin
kung ano nga ba ang mga mineral sa rehiyon na
ito, Sino ang maaaring magbasa?
(itinuro kung sino ang babasa)

Taniman ng gulay, tubo, bulak, kamote, tsaa,


repolyo at palay na siyang pangunahing
pananim nito. Ang mga alagang hayop ay
kadalasang katuwang ng tao sa paghahanap
buhay.
Salamat.
Nauunawaan nyo ba klas kung ano ang mga
taglay na likas na yaman ng hilagang Asya?
Magaling! Nagpaparami ng mulberry tree sa Japan

14

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Ang susunod naman na ating pag-uusapan ay ang dahil nagsisilbi itong pagkain ng mga
mga likas na yaman ng Silangang Asya. Ang silkworm na kinakailangan upang
Silangang Asya ay kakikitaan ng iba’t ibang matustusan ang pangangailangan ng mga
yamang lupa, maliban lamang sa mabuhangin na industriya sa telang sutla o silk.
lupa sa Mongolia. Subalit, dito rin matatagpuan
ang Gobi Desert, Sino ang nakaka-alam kung ano
ang lugar na ito? Opo, Maam.

Mahusay! Karagdagan din sa rehiyong ito na


matatagpuan sa katimugang bahagi ng China ang Nagmumula sa China ang pinakamalaking
7% ng lupa ng buong mundo na nagsisilbing deposito ng antimony (mineral na ginagamit
taniman ng rehiyon kung saan inaani ang palay. sa paggawa ng bakal), tungsten, (mineral na
ginagamit sa paggawa ng bombilya)
Pakibasa nga ang iba pang yamang lupa ng magnesium at carbon.
hilagang Asya?
(itinuro kung sino ang babasa)
Opo.

Maraming Salamat.
Atin namang alamin ang yamang kagubatan sa
Silangang Asya, sino ang maaaring magbasa?
(itinuro kung sino ang babasa)

Maam, ang mga ilog na ito ay hindi lamang


nagsilbing mapagkukunan ng kabuhayan
para sa mga mamamayan, ito rin ay naging
Salamat. lundayan ng sibilisasyon.
Nauunawaan ba kung ano ang yamang kagubatan
sa Silangang Asya? Maam, sa pagkakataong umaapaw ang tubig
mula sa ilog Huang Ho malaking tulong ito
Ngayon naman, dumako na tayo sa yamang upang maging mataba ang lupang taniman
mineral. Pakibasa nga ito? ng mga naninirahan malapit dito.
(itinuro kung sino ang babasa)

15

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Salamat. Wala po.


Naiintindihan ba kung ano ang mga yamang
mineral sa rehiyon ng Silangang Asya?

Kung gayon, tumungo na tayo sa yamang tubig Opo, Maam.


ng Silangang Asya.
Matatagpuan sa China ang mga yamang tubig
tulad ng Ilog Huang Ho at Ilog Yangtze, ang
pinakamahabang ilog sa Asya na umaabot sa
6,300 kilometro. Ano sa palagay niyo ang
kahalagahan o tulong na naibibigay ng mga ilog
na ito?

Maam, sa tingin ko po ang kanilang


pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan
Magaling! ay pagsasaka.
Bukod sa nabanggit, ano pa?

Tumpak!
Dagdag pa sa inyong sinabi, ito rin ay nag-iiwan
ng kulay dilaw na banlik na kung tawagin ay Maam, sa aking palagay po ang jute ay ang
loess. matigas na hiblang ginagawang sako sa
buong daigdig.
Mayroon bang katanungan sa yamang tubig ng
Silangang Asya?

Kung gayon, nauunawaan niyo ba kung anu-ano


ang mga likas na yaman ng Silangang Asya?

Magaling!
Ngayon, ang atin namang tatalakayin ay ang mga
likas na yaman ng Timog Asya.
Ang Timog Asya ay nakakaranas ng klimang Opo, Maam.
humid-continental at binubuo ng mga yamang
lupa gaya ng lambak-ilog, kapatagan, at
talampas. Ano sa tingin niyo ang pangunahing
pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao dito?
Ang yamang gubat ng rehiyon ay
matatagpuan sa gulod ng Himalayan

16

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Mountain Range sa Nepal. Mga puno ng


Tama! mahogany at iba’t ibang uri ng palm tree sa
Dahil inaani nga mula sa rehiyon na ito ang palay timog-kanlurang bahagi ng Sri Lanka,
na pinakamahalagang pananim na agrikultural, gayundin ang kagubatan ng evergreen sa
gayundin ang trigo, tubo, at mga gulay. dakong gitna, at mga puno ng ebony at
Dagdag pa rito, ang India rin ang pangunahing satinwood sa bahaging silangan at hilaga ng
prodyuser ng jute, may nakakaalam ba kung ano nasabing bansa.
ito?

Opo, Maam.
Tama!
Sa bahagi naman ng Afghanistan tanyag ang
pagtatanim ng opyo ngunit ipinagbabawal ito ng
pamahalaan dahil ang hindi tamang paggamit
nito ay makasasama sa kalusugan. Sa bahagi Matatagpuan sa Indian Ocean ang iba’t
naman ng Afghanistan at Bangladesh pag-aalaga ibang yamang tubig ng rehiyon. Ang
ng hayop ang pangunahing kabuhayan. makapal na puno ng bakawan na
nagsisilbing tahanan ng mga isda ay
Naiintindihan ba ang yamang lupa ng Timog matatagpuan naman sa bahagi ng baybayin
Asya? ng Pakistan.

Magaling!
Para naman sa yamang kagubatan ng rehiyon na Opo, Maam.
ito, pakibasa nga?
(itinuro kung sino ang babasa)

Limestone, natural gas, langis, tanso, asin, at


gypsum ang mga mineral na matatagpuan sa
rehiyon. Sa India naman makikita ang
maraming reserba ng bakal at karbon.

Maraming Salamat!
Nauunawaan ba ang ibat-ibang yamang Wala po.
kagubatan sa Timog Asya?

Ngayon atin namang alamin ang mga yamang


tubig na taglay ng rehiyon na ito. Sino ang
maaaring magbasa?

17

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

(itinuro kung sino ang babasa) Maam, dahil ang Timog Silangang Asya ay
may tropikal na klima.

Salamat!
Nauunawaan ba kung ano ang mga yamang tubig
sa rehiyon ng Timog Asya?

Ngayon dumako na tayo sa ikaapat na uri ng mga


likas na yaman, ang yamang mineral. Anu-ano
nga ba ang mga yamang mineral sa rehiyon ng
Timog Asya, pakibasa nga ito?
(itinuro kung sino ang babasa)

Salamat. Opo, Maam.


May katanungan ba tungkol sa mga likas na
yamang taglay ng Timog Asya?

Kung gayon, tayo nang tumungo sa ika-apat na


rehiyon ng Asya, ang Timog Silangang Asya. Nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng
Ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit ang unggoy, ibon, at reptilya ang malawak na
rehiyon na ito ay kilala bilang sagana sa mga kagubatan ng Myanmar at Brunei. Sa
likas na yaman? Myanmar din makikita ang pinakamaraming
punong teak habang ang punong palm at
Tama! matitigas na kahoy tulad ng apitong, yakal,
Ang rehiyon na ito ay maraming yamang lupa lauan, narra, kamagong, ipil, mayapis, at
kung saan ito ay katatagpuan ng malawak na mga halamang dapo ay matatagpuan sa
lambak tulad sa Myanmar na matatagpuan sa Ilog Pilipinas na ginagamit sa paggawa ng mga
Irrawaddy at Ilog Sitang dahilan upang maging bahay at furniture.
mataba ang lupa sa nasabing lugar. Gayundin sa
Cambodia sa paligid ng Mekong River at Tonle
Sap. Ang Pilipinas ang siyang nangunguna sa
pagluluwas ng langis ng niyog at kopra Opo, Maam.
samantalang ang Thailand naman ang
pinakamalaking prodyuser ng rubber sa buong
daigdig. Inaalagaan din sa rehiyon ang mga

18

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

hayop tulad ng kalabaw, kambing, baboy at Mahigit 80% ng langis at 35% ng liquefied
manok na pinagmumulan ng mga karne. Sa gas ng rehiyon ay nagmumula sa Indonesia.
agrikultura nakadepende ang kabuhayan ng mga Ang Malaysia ay isa pa sa mga bansa na
mamamayan. napagkukuhanan ng liquefied gas. Tanso
Nauunawaan ba? naman ang nagmumula sa Pilipinas.

Ngayon, alamin naman natin ang mga yamang


kagubatan sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Opo.
Pakibasa nga ito?
(itinuro kung sino ang babasa)

Maam, ang mga ilog ay pinagtatayuan ng


mga dam na maaaring pagkuhanan ng
kuryente na tinatawag na hydroelectricity.
Salamat!
Nauunawaan ba ang mga yamang kagubatan sa
Timog-Silangang Asya?
Wala na po.
Para naman sa yamang mineral ng rehiyon na ito,
sino ang maaaring magbasa?
(itinuro kung sino ang babasa)

Maam, sa tingin ko poi to ay binubuo ng


Maraming Salamat! mga bansang Arabo na kinabibilangan ng
Naintindihan ba ang mga yamang mineral sa Saudi Arabia.
Timog-Silangang Asya?

Ngayon, pag-uusapan naman natin ang mga


yamang tubig sa rehiyon na ito.
Malawak ang katubigang bahagi ng rehiyon kung
saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda,
shellfish, at halamang dagat. Isa pa sa

19

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

ipinagmamalaki ng rehiyon ay ang mga perlas sa


katubigan ng Pilipinas. Mayroon ba kayong ideya
kung ano pang maaaring tulong ang maibigay ng
mga yamang tubig na ito gaya na lamang ng ilog?
Opo, Maam.

Eksakto!
Mayroon bang katanungan tungkol sa mga likas
na yamang tinatagalay ng rehiyon na
kinabibilangan ng ating bansa?

Kung gayon, atin nang talakayin ang mga likas


na yaman sa ikahuling rehiyon ng Asya, ang
Kanlurang Asya. Sagana sa yamang mineral ang
rehiyon tulad ng langis at petrolyo. Ano sa tingin
niyo ang mga bansa na nangunguna sa
produksiyon ng petrolyo sa buong mundo?
Ma’am, sa tingin ko po ang pag– aalaga ng
hayop ang isa pa sa kanilang ikinabubuhay.
Tama!
Kaugnay nito, malaki rin ang produksiyon ng
langis sa United Arab Emirates (UAE), Kuwait,
Opo, Maam.
Iran, Iraq, at Oman. Mayaman din ang rehiyon sa
bauxite, (isa sa pinakagamiting metal na
ginagamit sa produksiyon ng eroplano, riles, at
sasakayang de motor) tanso, potash, zinc,
magnesium, phospate at marami pang ibang
mineral.

Naunawaan ba ang mga yamang mineral ng


Kanlurang Asya?

Para naman sa yamang lupa ng Kanlurang Asya.


Ang Rehiyong ito ay nakakaranas ng sobrang init Ma’am, gamit po ang mga likas na yaman ng
at walang masyadong pag-ulan dahilan upang bawat rehiyon malaki ang maitutulong nito
matuyo ang mga ilog at lawa dito. Sa kabila nito, sa hanap-buhay ng mga taong nakatira doon
nagtatanim ang mga naninirahan dito partikular at nagpapaunlad din po ito ng bansa.
na sa Iran ng trigo, barley, palay, bulak, mais,
tabako at mga prutas sa mga oasis. Pangunahing Mahalaga po ang mga likas na yamang ito
produkto naman sa Iraq ang dates at dalandan upang tustusan ang pangangailangan ng mga
mamayan sa pang araw-araw na buhay at
20

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

naman ang sa Israel. Ano naman palagay niyo malaki ang benipisyo na maitutulong nito sa
ang ikinabubuhay sa mga bulubundukin at pamumuhay ng bawat tao.
disyertong bahagi ng rehiyon tulad ng Saudi
Arabia, Turkey, Syria, Iran, at Iraq?

Tama!
Naunawaan ba ang ibat-ibang uri ng likas na
yamang taglay ng limang rehiyon sa Asya? Bilang estudyante po, dapat maging
responsible kami sa aming mga kilos at
Sa kabuuan, ang pisikal na kapaligiran at klima desisyon kagaya ng simpleng pagtatapon ng
na nararanasan ng bawat rehiyon ang basura sa tamang lagayan dahil ang maling
pangunahing dahilan kung bakit magkakaiba ang pagtatapon nito tulad na lamang sa mga
mga klase o uri ng mga likas na yaman na yamang tubig ay maaaring magdulot ng
maaaring matagpuan dito. Nakabatay dito ang uri pagdumi ng tubig at maging sanhi ng
ng kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan pagkamatay ng mga isda.
sa rehiyon.
Maam, dapat po kaming sumunod sa mga
Base sa ating tinalakay, ano sa tingin niyo ang batas at kautusan tungkol sa pangangalaga
kahalagahan ng likas na yaman sa Asya? ng likas na yaman.

Maam, sa pamamagitan po ng pagsali sa


mga organisasyon na nagsusulong sa
Magaling! pangangalaga ng likas na yaman upang
Ano pa? lubos na magkaroon ng pansin ang likas na
yaman at hikayatin ang iba na makisali at
sumuporta sa mga gawaing ito.

Tama! Opo.
Ngunit mayroong mga pagkakataon na hindi
maiiwasan ang pagkasira ng mga likas na
yamang ito.
Bilang isang estudyante, ano kaya ang magagawa
ninyo upang mapahalagahan ang ating likas na
yaman?
Opo, Maam.

21

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Wala na po, Maam.

Mahusay!
Ano pa?

Magaling!
May maidadagdag pa ba kayo?

Mahusay, dahil bilang isang estudyante ay


miyembro kayo ng lipunan na mayroong
responsibilidad sa ating likas na yaman, tama ba?

Naintindihan niyo na sa kabila ng mga benepisyo


na ating nakukuha sa ibat-ibang uri ng likas na
yaman, hindi pa rin natin ito dapat abusuhin sa
halip ito ay nararapat pa ring alagaan at
pahalagahan.
Nauunawaan ba?

Salamat sa inyong mga naging sagot.


May mga hindi ba kayo naunawaan o nais
linawin sa ating tinalakay?

C. Paglalapat

Panuto: Pumili at bumuo ng alinman sa


ISLOGAN, POSTER, TULA o AWIT na
naglalarawan ng likas na yaman sa Asya. Maaari
itong ilagay sa isang word/google document o
isulat sa isang papel at kuhanan ng litrato. Ito ay
ipapasa sa ating google classroom. Ang gawain
na ito ay may katumbas na 20 na puntos. Gamitin
ang rubrik sa pagmamarka.

22

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Opo, Maam.
Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Paglalarawan Nailarawan ng 10
Wala na po, Maam.
mahusay ang
kahalagahan ng
mga likas na
Tungkol po sa mga Likas na Yaman, Maam.
yaman ng Asya.

Pagkakaayos Makahulugan at 5
maayos ang
pagkakagawa ng
nilikhang
aktibidad.

Orihinalidad Sariling gawa 5


Ang mga bansang Asyano po.
ang
pinagbasehan ng
ginawang
aktibidad.

Kabuuan 20
Maam, Hilagang Asya, Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya, Timog Asya, at
Kanlurang Asya po.

Maliwanag ba ang gagawin?


Magaling! Yamang lupa, yamang tubig, yamang
kagubatan at yamang mineral po Maam.

D.Paglalahat

Mayroon pa ba kayong mga katanungan? Caviar po, Maam.

Kung gayon, tungkol saan nga muli ang pinag-


aralan natin sa araw na ito?

Tama!
Ano naman ang mga bansang nagranggo bilang Sa Katimugang bahagi ng China po, Maam.
ilan sa mga nangungunang tagagawa ng

23

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

maraming mga produktong agrikultural,


kagubatan, pangingisda, pagmimina, at pang-
industriya, mula sa yamang lupa, yamang tubig,
yamang mineral, at yamang kagubatan? Maam, klimang humid-continental po.

Magaling!
Ano naman ang limang rehiyon ng Asya na
nagtataglay ng iba’t ibang uri ng klima dahilan Maam, ito po ay tinatawag na
upang magkaroon ito ng iba’t ibang likas na hydroelectricity.
yaman?

Eksakto!
Ano na nga ang apat na uri ng likas na yaman sa
Asya? Maam, rehiyon po ng Kanlurang Asya.

Mahusay!
Ano naman ang tawag sa itlog ng mga
malalaking isdang sturgeon na likas sa rehiyon ng
Hilagang Asya.
Wala na po, Maam.
Tama!
Sa anong bahagi naman ng China matatagpuan
ang 7% ng lupa ng buong mundo na nagsisilbing
taniman ng rehiyon ng Silangang Asya kung saan
inaani ang palay?

Tumpak!
Ang Timog Asya ay nakakaranas ng anong uri ng
klima?

Mahusay!
Ano ang tawag sa mga ilog ay pinagtatayuan ng
mga dam na maaaring pagkuhanan ng kuryente?

Tama!
Ano namang rehiyon ang sagana sa yamang
mineral tulad ng langis at petrolyo at binubuo ito
ng mga bansang Arabo na kinabibilangan ng

24

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

Saudi Arabia, na nangunguna sa produksiyon ng


petrolyo sa buong mundo.

Magaling!

May mga nais pa ba kayong linawin sa ating


aralin?

Kung gayon, ako ay labis na nagagalak sa inyong


mga naging sagot, base nga sa inyong mga
tinuran batid ko ngang lubos ninyong naunawaan
ang ating aralin para sa araw na ito.

IV.Pagtataya

Panuto: I-click ang link ng microsoft


forms na ipinadala sa messenger para
sa ating pagtataya. Ito ay nahahati sa
dalawang parte na maramihang pagpili
at tama o mali. Ito ay mayroong
kabuuang 20 na puntos. Bago
magsagot ay siguraduhing lagyan ng
pangalan ang forms.

Basahin at unawain nang mabuti ang


bawat pahayag. Piliin at i-click ang
TAMA kung ang isinasaad sa
pangungusap ay tama at MALI kung
ito ay mali.

I. TAMA O MALI

1.Ang Turkmenistan ay kilala sa


pagkakaroon ng tatlong uri ng yamang
mineral – metaliko, panggatong, at
industriyal.

2.Ang mga ilog Huang Ho at Yangtze na


nagsilbing lundayan ng sibilisasyon ay
matatagpuan sa bansang India.

25

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

3.Nakabatay sa pisikal na kapaligiran


ang uri ng kabuhayan ng mga taong
naninirahan dito.

4.Caviar ang tawag sa itlog ng mga


malalaking isdang sturgeon.

5.Ang Kanlurang Asya ay sagana sa


yamang mineral na bauxite.

6.Ang Kanlurang Asya ay nakararanas


ng sobrang init at walang masyadong
tag ulan dahilan upang matuyo ang
mga ilog at lawa dito.

7.Ang Pilipinas ang pinakamalaking


tagapagluwas ng petrolyo sa buong
daigdig.

8.Ang mga ilog sa Kanlurang Asya ay


pinagtatayuan ng mga dam na
maaaring pagkunan ng kuryente na
tinatawag na hydroelectric power.

9.Sa India makikita ang maraming


reserba ng bakal at karbon.

10. Ang bansang Japan ay


nagpaparami ng mulberry tree
nagsisilbi itong pagkain ng mga
silkworm na kailangan sa paggawa ng
telang sutla o silk.

II. MARAMIHANG PAGPILI

Panuto: Basahin at unawain ang


isinasaad sa bawat tanong. Piliin at i-
click ang tamang sagot.

26

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

1.Pangunahing tagapagluwas ng mga


produktong petrolyo ang Kanlurang
Asya. Anong uri ng likas na yaman
sagana sa rehiyon?
a.yamang tubig
b.yamang mineral
c.yamang lupa
d.yamang gubat

2.Ang rehiyong ito sa Asya ay


kakikitaan ng malalawak na taniman
ng mga pananim na agrikultural. Ano
ang pinakamahalagang pananim na
agrikultural ng Timog Asya?
a.Gulay
b.Opyo
c.Tubo
d.Palay

3.Ang India ay katatagpuan ng


malawak na taniman dahilan upang ito
ay maging isang agrikultural na bansa.
Ano ang pinakamahalagang likas na
yaman sa nasabing bansa?
a.Yamang mineral
b.Yamang gubat
c.Yamang tubig
d.Yamang lupa

4.Ang pagkakaroon ng _________ na


klima ng mga bansa sa Timog-Silagang
Asya ang dahilan upang maging
masagana ang rehiyon sa mga likas na
yaman.
a.Humid continental
b.Tropikal
c.Monsoon climate
d.Nagyeyelo

27

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

5.Mahalagang produkto ang dagta ng


rubber tree. Anong bansa sa Timog
Silangang Asya pangunahing prodyuser
ng rubber sa buong daigdig?
a.Myanmar
b.Thailand
c.Pilipinas
d.Indonesia

6. Anong bansa ang siyang


nangunguna sa pagluluwas ng langis
ng niyog at kopra?
a. Myanmar
b. Thailand
c. Pilipinas
d. Indonesia

7. Saang bansa makikita ang


pinakamaraming punong teak.
a. Myanmar
b. Thailand
c. Pilipinas
d. Indonesia

8. Ang bansang Afghanistan ay kilala


sa pagtatanim ng __________ na
ipinagbabawal naman ng pamahalaan.
a. sugar beets
b. tabako
c. jute
d. opyo

9. Matatagpuan sa Indian Ocean ang


iba’t ibang yamang tubig ng rehiyon ng
_______.
a. Timog Asya
b. Kanlurang Asya
c. Timog Silangang Asya
d. Hilagang Asya

28

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

10. Saang rehiyon sa Asya


matatagpuan ang kagubatang taiga o
coniferous kung
saan kadalasang tumutubo ang mga
puno ng pino o pine trees at 昀椀r na
ginagamit
na kahoy sa paggawa ng bahay?
A. Timog Asya
B. Kanlurang Asya
C. Hilagang Asya
D. Timog-Silangang Asya
Wala na po, Maam

Goodbye, Maam!
Tamang Sagot:
I. TAMA O MALI

1. M
2. M
3. T
4. T
5. T
6. T
7. M
8. M
9. T
10. M

II. MARAMIHANG PAGPILI


1. B
2. D
3. D
4. B
5. B
6. C
7. A
8. D
9. A
10. C

29

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

V. Takdang Aralin:

Basahin at unawain ng mabuti ang mga


impormasyong nilalaman ng Modyul 4
(Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay
ng mga Asyano) bilang paghahanda sa ating
bagong aralin.

Sanggunian: Araling Panlipunan 7 (Ang Mga


Likas na Yaman ng Asya) Learner’s Module
pahina 7-8

May katanungan pa ba?


Kung wala na, ako’y magpapaalam na, nawa’y
may natutunan kayo sa ating aralin ngayon.

Goodbye Class!

Inihanda ni:

(name)
Student Teacher

Natunghayan ni:

(name)
Teacher

30

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)


lOMoARcPSD|32637017

31

Downloaded by Merlyn Rodriguez (mhersjc@gmail.com)

You might also like