You are on page 1of 2

SciTech Writing (Editorial Proper)

Spiral Progression sa Science: Epektibo ba?

“Huy, iba na daw ang magiging teacher natin sa Science ngayong Second Quarter!”
Marahil ay nagugulat ang mga mag-aaral sa ENHS dahil sa biglaang pagpapalit ng guro sa
Science sa tuwing papasok ang panibagong kwarter ng taong panuruan. May ilang mga batang hanggang
ngayon ay hindi alam ang kwento sa likod ng pagpapalit-palit na ito lalo na pagdating sa asignaturang
Science.
Ang Spiral Progression Approach ay isang teknik na na maaaring magamit sa pagtuturo kung
saan unti-unting tuturuan ang mga mag-aaral ng mga basic facts ng isang asignatura dahil iyon ang
pinaka-unang dapat nilang matutunan. At dahil nga progression, inaasahan ang mga mag-aaral na
mapapalawak nila ang mga konsepto at magagamit nila ang kanilang natutunan sa iba’t-ibang subjects sa
pagtungtong nila sa higher grade levels.
Hindi na natin maiaalis na nagiging komportable na ang mga mag-aaral sa kanilang nagiging
guro sa isang asignatura. Komportable na hindi ka na mahihiyang magtanong ng mga bagay na hindi mo
pa nalalaman, komportable na nakakaya mo ng sumagot sa klase ng hindi ka kakabahan. May mga mag-
aaral naman na nalulungkot dahil mas mabait ang guro na iyon para sa kanila o di kaya ay maraming
bagong kaalaman ang naiibahagi nito sa kanila. Ngunit dahil nga kailangang i-apply ang Spiral
Progression Approach hanggang sa mga mag-aaral hanggang Grade 10, kinakailangan ding magpalit ng
guro kada quarter upang maibigay nito ang nararapat at sapat na kaalaman dahil mahalaga para sa isang
guro ang kalidad ng pagtuturo na ibibigay sa mga mag-aaral.
Ano nga ba ang epekto ng approach na ito sa mga mag-aaral? Base sa mga performance nila sa
loob ng klasrum, may mga positibong epekto ito katulad ng natutulungan itong magkaroon ng panibagong
kaalaman mula sa bagong guro. Marahil hindi lang naman pagkatuto ng mga konsepto ang dahilan kung
bakit kailangang gawin ang approach na ito. Ilan na dito ang magkaroon ng kapaki-pakinabang na
aplikasyon ng pagkatuto hindi lang sa apat na sulok ng klasrum kundi maging sa tunay na buhay. At dahil
ito ay Science, nararapat na mapagtanto ng mga mag-aaral na dapat ay may environmental, health o di
kaya ay social impact ang aplikasyon mga mga natutunan nila.
Nakakapanibago man ang ganitong sistema pero may maganda naman itong resulta sa kanilang
pag-aaral. Napakaraming mga imbensyon na nakakatulong ng marami sa ating kapwa Filipino at sa ibang
tao sa buong mundo, kaya hindi malayong ang ilan sa mga mag-aaral na ito ay maka-imbento din ng mga
bagay na makakapag-paunlad sa kanilang buhay—imbensyon buhat sa mga kaalaman na kanilang
natutunan sa inang paaralan.
Who knows!
SciTech Writing (Editorial Column)
AI – naku
ni Keana Sheen M. Sevilla

Hindi bago sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng iba’t-ibang application na makakatulong sa
paghahanap ng iba’t-ibang impormasyon o detalye katulad ng ChatGPT na nilikha noong ika-30 ng
Nobyembre taong 2022.
Sa aking opinion, hindi ito magdudulot ng kaayusan sa mga kabataan ngayon. Napakaraming
opinion ang lumalabas sa bibig ng bawat isa mapa-bata o matanda.
Isang aplikasyon na pwedeng paghanapan ng mga impormasyon. Ito ay upang maging tamad ang
mga kabataan sa panahon ngayon.Hindi nito mabibigyang atensyon ang pag-aaral kundi mas magiging
pabaya ang mga tao lalo na ang mga mag-aaral, aasa na lamang sila sa isang application dahil isang click
mo may sagot ka na..
Napapadali tayo ng aplikasyon na ito ngunit palagi nating tatandaan na sa lahat ng bagay na
makakapagpadali sa atin ay may kapalit ding hampas ng kahirapan. Hindi ako papaya na sakupin o
pasukin ng AI na ito ang utak ng mga tao at magkaroon ng kaisipang “kaalwanan at katamaran”.
Kaya mo, hindi mo lang sinusubukan. Nananatili kasi tayo sa mga bagay na hindi tayo
nahihirapan. Para sa akin, mas magandang nahihirapan kaysa nadadalian, dahil mas matututo tayo kung
tayo ay nahihirapan.

You might also like